Chapter 4 Dating pagsasamahan

Sa pag-alis ni Kyo at ng iba pa sa inn, sila'y nagtungo sa Mibu Castle. Marami silang napagdaan katulad ng minsa'y muntik ng mamatay si Yuya dahil sa binigay sa kanya na sumpa ni Shinrei. Si Akira ang may kapangyarihan ng yelo. Ang mga babaeng may mga taglay na kapangyarihang baguhin ang isang bagay. At ang panghuli ay si Hotaro na natalo ni Kyo.

Ngunit di pa dito nagtatapos ang kwento…Tingnan natin ang muling pagkikita ng magkaibigan

"Tanggapin mo to Kyo!" biglang nagbago ang muramasa ni Yukimura at naging pana

"ha! Di mo ko matatalo ng ganyan ganyan lang traydor!" sigaw ni Kyo at binigyan nya si Yukimura ng kanyang mga technique.

"Mizuchi!" Pero ito'y iniwasan ni Yukimura. Pareho silang magaling pero iisa lang ang magwawagi

Pero ang tanong may magwawagi ba?.

"Ito pa sayo!" tinira na naman ng pana si Kyo ni Yukimura. Sa kasamaang palad natamaan si Kyo.

"Yan lang ba ang kaya mo?" sabi pa ni Kyo. Alam na nya na may plano si Yukimura na patamaan ang alagda ng Mibu

di ko kasi kilala yung may tattoo sa mukha eh… na nasa panig ng mga Mibu..Ipangalan na lang natin sa kanya ay Koujiro

"Yah!" pinana nya si Koujiro

"Ano? Taksil ka talaga Sanada" sabi ni Koujiro

"HA! Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Ginagawa kolang ito para sa muramasa. Di ba Kyo?" sabi ni Yukimura

"ibang klase ka talaga" yun lang ang sinabi ni Kyo

"Humanda kayo! Kotaro tapusin mo na yan!" utos ni Koujiro

"Sasuke….Alam mo kala ko dati ikaw ay mapagkakatiwalaan ko. Na laging nasa tabi ko bilang kaibigan. Kala ko rin ay mabait ka at tapat sa iyong kaibigan. Kaibigan na hindi ak iiwan katulad ng aking mga magulang at ang tanging nakakaintindi sa kin pero mali pala ako. Iniwan mo ko dahil dyan sa gusto mong malaman at matuklasan at sumama ka pa kay Demon Eyes Kyo. Kaya dahil sa ginawa mong iyon, maghihiganti ao sayo at ipapalasap ko sayo ang aking galit." At yun inatake na ni Kotaro si Sasuke

Naglaban ang matalik na magkaibigan. Iniisip ni Sasuke na hindi sya pwedeng lumaban dahil sa inaalala nya si Kotaro. Ayaw nyang saktan ito. Sa bawat atake ni Kotaro sa kanya, wala syang ibang magawa kundi ang umilag sa bawat atake nito.

"Kotaro itigil na natin to! D kita kayang kalabanin. Kaibigan kita!" sabi ni Sasuke sa matalik nyang kaibigan

"Anong kaibigan? Ikaw? Kaibigan? Ha! Kung alam ko lang sinasabi mo lang yan para tumigil ako sa pag-atake at tsaka mo ako aatakihin"sabi ni Kotaro. Umatake na naman si Kotaro at tinira si Sasuke ng shuriken at mga kunai.

Natamaan si Sasuke ngunit hindi naman ganun ka-grabe.

'Anung gagawin ko? Nakakainis talaga.' Sabi ni Sasuke sa sarili.

Bigla na lang nag-flashback sa kanya yung time na matalik silang magkaibigan at di pa naghihiwalay.

'Noon iniisip ko na talagang si Kotaro lang ang mapagkakatiwalaan ko pero di ko naisip nung umalis ako sa bayan namin na ganito na ang mangyayari sa amin ni Kotaro. Dahil sa paniniwala ko na dapat maging mas malakas pa ako. Nang dahil sa hindi ako nagpaalam sa aking kaibigan..ano ba ang nagawa ko?' sabi ni Sasuke muli sa kanyang isip.

"Ano kaba! Sasuke bat ba hindi mo ko labanan!" alok ni Kotaro na naiinis na.

"O sige!" sabi ni Sasuke kay Kotaro

'Sa pinagdaanan namin..ito ang pinakasumubok sa kin. Kailangan kong labanan si Kotaro ng patas at buong puso. Iyon ang aking gagawin' at dahil dun handa ng lumaban si Sasuke

"Kotaro humanda ka! AH!" sumugod si Sasuke

"Sa wakas!" sabi ni Kotaro

Naglaban sila ng patas, buong puso at ang buo nilang lakas. Sa bawat pag-atake at pagsasalubong ng kanilang mga sandata lalong napapabilib si Kotaro.

Sasuke ano ba ang ginagawa mo? Bakit tila masaya ka habang tayo'y naglalaban?'

"Ano ba nasa isip mo ha! Sasuke?" tanong ni Kotaro

"Wala lang naman. Gusto ko lang malaman mo na kung handa kang lumaban handa rin ako. Dahil tayo'y magkaibigan" sabi ni Sasuke kay Kotaro na taas noo.

"Sabihin mo sa kin? Sinadya mo ba talagang iwan ako?" tanong ni Kotaro

"Hindi. Kaya ko lang hindi sayo sinabi ang tungkol sa aking paglisan ay dahil sa ayokong mag-alala ka sakin at alam ko na marami kang pinag-aabalahan para sa mga mamayan sa ating bayan. Handa ka laging tumulong sa kanila. Tulad ko, tinulungan mo kong mabukas ang aking isipan tungkol sa ating mundong ginagalawan. Pero Kotaro alam mo ba? Gusto kong mabalik ang ating pagkakaibigan" sabi ni Sasuke

Napatigil sila sa kanilang paglalaban

"Sasuke pwede bang maging magkaibigan muli tayo? Patawad sa aking nagawa sa iyo. Nagkamali ako. Hinusgahan agad kita. Napakasama kong kaibigan!" sisi sa sarili ni Kotaro

"hindi totoo yan. At alam mo ba pinapatawad na kita. Gusto kong maging kaibigan mo" sabi ni Sasuke sa kawawang kaibigan na si Kotaro

"Sa-salamat Sasuke!" at yun. Inimbrace nila ang isa't isa at nagshake hands

"Kotaro taksil ka rin!" sabi ni Koujiro kay Kotaro

At pagkatapos nun ay bigla na lang nyang sinugod si Sasuke at ngayo'y nasa piligro na ang kasamahan nila Kyo.

"SASUKE!" sigaw nila Yuya

"Bitiwan mo sya Koujiro!" sabi ni Kotaro

"hindi. Alam mo ba Sarutobi? Hindi bagay sayo ang pangalang Sasuke. Aaminin ko sayo matagal na ring ipinangalan sa kin ang Sasuke pero ito'y pinalitan ko ng tumungo ako sa Kastilyong ito. Ang pangalang Sasuke ay simbolo rin ng katapangan. Pero IKAW? Tatawagin Sasuke…na matapang? Nagpapatawa kayo? Wala kang karapatang tawaging Sasuke!" sabi ni Koujiro na gigil na gigil at habang sinasakal si Sasuke ay balak pa nya itong ihulog.

"Koujiro ang sama mo!" sabi ni Sasuke

"hahaha!" tawa ni Koujiro, ang di lang nya alam nasa likod na nya si Kotaro. Sinaksan nya ito ng muramasa ni Sasuke na nahulog sa isang tabi. Nakuryente ito at napilitang bitawan.

"AH! Magbabayad kayo. Magbabalik ako!" at dun nawala si Koujiro

Inilapag si Sasuke ni Kotaro sa banding ibaba. Nilapitan sya nila Yuya at ng iba.

"Sasuke ok ka lang ba?" Sabi ni Benitora

"Ok lang ako" Sabi ni Sasuke

"Mabuti pa bibitbitin na lang kita. Tara na pumunta na tayo sa palasyo!" sabi ni Yukimura

"Oo!" sabi ng lahat!


Pasensya na kayo sa Chap na ito…Medyo inedit ko ang scene na to galing sa SDK. Medyo na out of character si Migeira pero sa susunod na Chap. meron na syang mga linya…

At sa susunod na Chap ay tiyak na kikiligin kayo, tatawa at makakita ng Action! Ehehehe ewan ko lang…kung ganun kaganda ang aking story dun…

So keep reviewing and reading!