Chapter 5 Sino o Alin sa Dalawa?
Nakapasok na sila sa Mibu Castle. At natagpuan nila si Nobunaga na nasa original na katawan ni Kyo.
"Ah…andito pala si Demon Eyes Kyo!" pambungad na bati ni Nobunaga
"Pangahas ka! Umalis ka sa katawan ko!" sabi ni Kyo
"ha.ha.ha. Anung katawan mo? Akin na ito at ako ang bagong may-ari ng katawan na ito! May kasabihan nga "FIRST COME FIRST SERVE""
Lumapit sa camera si Benitora…
"eh diba yung first come first serve' ay usually sa restaurant yun dba? Sa mga pagkain? Naku poh! Eto pala si Nobunaga nag-ti-take down notes siguro to pag may nakikitang mga sign noh? Tingin nyo?"
"Anong sabi mo singkit! Baka gusto mong mawala agad sa mundo?" sabi ni Nobunaga
"Di mo ko masisindak! Kaya kitang talunin!" sabi ni Benitora ngunit nagtatago sa likod ni Mahiro
"Ano ka ba Benitora! Mahiya ka naman" sabi ni Mahiro
"eheheh" tawa ni Benitora
"Ikaw Nobunaga nang dahil sa ginawa mo, nabago ang takbo ng panahon. Lahat ay nagkagulo at nagkaroon ng malaking pagbabago sa mundo." Sabi ni Migeira
"Hah! Nalaman mo na pala ang aking ginawa pero hindi lang ako ang may gawa kundi si Kyo at Kyoshiro. Kung di dahil sa naging dalawa ang pagkatao ng isang Mibu." Sabi ni Nobunaga
"Aking kapatid ngayo'y nasa iyo na ang katawan ni Kyo. Maaari mo na bang tupadin ang aking hiling?" sabi ng tapat na kapatid ni Nobunaga
"Ha! Ang patayin si Sakuya? At naniwala ka naman. Di na kita kailangan tapos na ang paglilingkod mo sa akin" sabi ni Nobunaga
"pero- tinulungan kita, minahal kita at naging tapat ako sa iyo kapatid ko" sabi ng kapatid ni Nobunaga
"Wala akong sinabing paglingkuran mo ko? Bubuhayin pa sana kita kung di ka lang maingay. Wala ka ng silbi sa kin." At hinugot ni Nobunaga ang kanyang espada mula sa kaluban nito at pinatay ang kanyang nag-iisang kapatid.
"ah!" iyon ang huling salita ng kapatid nya
"Wala ka talagang awa Nobunaga!" Sabi ni Yukimura
"Di ka na nasanay sa kin Sanada" sabi ni Nobunaga kay Yukimura
"Kyo anu pang ginagawa mo dyan?" sabi ni Yuya
Nakatayo ng parang estatwa si Kyo. Ngunit napansin ni Yuya na ang mata ni Kyo ay iba. Ang isa ay pula at ang isa ay dark blue.
'Sino na ba to? Si Kyo o Kyoshiro?' sabi ni Yuya sa sarili nya
Sa loob ng isipan ni Kyo ang dalawang mandirigma.
'Kyo hayaan mong ako na ang tumapos kay Nobunaga. Sa akin naman katawan ito eh. Tska ang tagal mo na itong ginagamit ni minsan di mo ako pinakokontrol' sabi ni Kyoshiro
'Ikaw na isang mahina ang tatalo kay Nobunaga ASA! Kaya gusto mong talunin si nobunaga ay dahil sa gusto mong magpamalas kay Yuya. Hindi ako papayag.' Katwiran ni Kyo
'Bakit mahal mo ba si Yuya? Hay…wala kang mapapala dahil sa kin sya! Mas malakas ako sayo. Di mo ba alam wala ka dito kung wala ako.' sabi ni Kyoshiro
'Teka. Ganito na lang mag-sama tayo sa pagtalo kay Nobunaga. At pagkatapos papiliin natin si Yuya kung sino ang mahal nya sa ating dalawa. At pagkatapos nun maglaban tayong dalawa para malaman naman natin kung sino ang mas malakas. Ako o Ikaw.Ano ok ba sayo yon?' sani ni Kyo
'Ngayon ko lang nalaman. May isip ka pala' tukso ni Kyoshiro
'O Sige. Pero pag-ako pinili ni Yuya gagawin kitang alalay ko o kaya naman tagasunod ko. Ahahaha!' tawa ni Kyoshiro
'Wag kang pakasisiguro Unngoy ka.' Di parin nag patalo si Kyo
'Kung ako unggoy ikaw naman Bakulaw HAHAHAH!'
"Hellow? Kyo ayos ka lang ba? Para kang Krung krung. Naglalaban na sila don at ikaw na pinakamalakas sa kanilang lahat. Nakatayo lang dito at parang nagbabaliw, nagsasalita mag-isa." Sabi ni Yuya'ng naiirita na
"Tatapusin na namin tong laban na to." Sabi ni Kyo/Kyoshiro
Lahat ng kasamahan ni Kyo ay nilalabanan si Nobunaga gamit ang mga muramasa. Ngunit di sapat ang kanilang lakas upang talunin ang mala-halimaw na mamatay tao na si Nobunaga.
"Makinig kayong lahat. Kailangan nyong pagsasama samahin ang mga muramasa upang matalo sya. Iyon na lang ang natitirang Paraan upang matalo nyo sya." Lumitaw sa isang tabi si Sakuya kasama si Okuni na nagligtas sa kanya.
"Pero Lady Sakuya pag-ginawa namin iyon baka mapahamak ang iba pati na rin kayo." Sabi ni Migeira
"Walang ibang paraan kundi iyon. Mamili kayo, ang buong mundo o kami na walang magawa upang pigilan ang paglaganap ng kasamaan? Gawin nyo na!" sabi ni Sakuya
"O sige gagawin na namin ang nararapat" sabi ni Migeira
"Tayo na!" sabi nilang lahat
"Mag-ingat ka Benitora" sabi ni Mahiro na nag-aalala
At iyon na nga ang napagkasunduan. Itinaas nila ang kanilang muramasa kasama na rin ang kay Kyo. Biglang umilaw ang mga sandata. At sa isang iglap nagin isang espada ang mga ito.
"Anong nangyari? Espada?" sabi ni Yukimura
"Kyo, ipinagkakaloob namin sa iyo ang ating mga muramasa. Ikaw na bahala ang tumalo kay Nobunaga" sabi ni Migeira
"Matatalo ko sya. Wag kayong mag-alala" ngumiti si Kyo sa kanyang mga kasamahan at hinamon na si Nobunaga
Nagkumpul-kumpulan sila at nag-usap usap.
"Si Kyo ba iyon? Aba himala ngumiti sya." Sabi ni Sasuke
"Siguro nauntog yon" sabi ni Migeira
"Hindi rin siguro nakakain ng kung ano at yan ang ide effect" sabi ni Yukimura
"Baliktad na nga ang mundo!" sabi ni Benitora
Meanwhile….
"Aba! Nagbalik na ang kaibigan kong si Kyo" sabi ni Nobunaga
"Wag mo nga kaming tawaging kaibigan!" galit na sinabi ni Kyo at Kyoshiro
"AH! Nagkasundo na pala kayo ni Kyoshiro Mibu…Kahit magsama pa kayo hindi nyo ko matatalo. Lalo pa't may katawan na ko" ipinagmamalaking sinabi ni Nobunaga.
"Tama na ang satsat! Laban na!" naunang sumugod si Kyo
Espada sa espada muna ang kanilang labanan. Pero nauwi rin sa mga fighting technique nila
"Eto! Mizuchi!" atake ni Kyo
"Kaya ko rin yan! Mizuchi!" ginaya ni Nobunaga ang atake ni Kyo
"Ano't-"sabi ni Kyo at Kyoshiro
"Ha! Kaya kong gayahin ang lahat ng kaya mo dahil sa katawan mo ito" sabi ni Nobunaga
Lahat ng pag-atake ng dalawa ay laging tabla pero may magagawa pa kaya si Kyo kay Nobunaga na ngayo'y kayang gawin ang kaya ring gawin ni Kyo?
"Bakit nagkaganon?" sabi Ni Benitora
"Ito'y dahil sa katawan ni Kyo na ngayo'y ginagamit ni Nobunaga. Kung baga ang lakas ni Kyo dati gamit nag katawang iyon ay napunta kay Nobunaga" paliwanag ni Migeira
"Aba Migeira! Matalino ka pala!" tukso ni Benitora
"EHEM. Tama na nga iyan. Tingnan na lang natin ang laban ni Kyo." Sabi ni Yuya
"Kyo, Kyoshiro mag-ingat kayo" alalang-alalang sabi ni Yuya
Sa laban….
"Ha! Yan lang ba ang kaya mo Kyo?" sabi ni Nobunaga
"Humanda ka…Kaze no Koe!" binigyan ni Kyo si Nobunaga ng kanyang technique na kilala sa tawag na 'Voice of the wind'
Sumugod si Kyo pero gaya ng inaasahan…
"Kaze no Koe!" counter-attack ni Nobunaga
Kaya lang mas malakas ang tira ni Nobunaga
"Wala rin tayong magagawa..Kahit matalo ni Kyo si Nobunaga..Hindi na rin mababago ang original timeline ng mundo.. Pero kailangan kong patayin si Kyo upang mailigtas ang kasaysayan" sabi ni Migeira
"Kyo…pano na ang gagawin mo?" sabi ni Yuya..
We can see through Yuya's eyes that she'sworried for Kyo
"Tatapusin na kita!" sabi ni Nobunaga
"Ang paghihiganti ng Hangin.." isang panibagong technique ang ginamit naman ngayon ni Nobunaga
Bigla nalang umihip ang napalakas na hangin at ito'y nagsama-sama at bumuo ng isang napakalaking hangin..para na itong ipo-ipo.
"Ano to!" sabi ni Kyo na di makapaniwala
"Ngayon na!" sigaw ni Nobunaga
Ang malaking bagay na hangin ay pumunta sa direksyon ni Kyo at ito'y natamaan. Napuruhan dun si Kyo. Di nya inaasahan na mangyayari ito sa kanya.
"Wala ng ibang paraan kundi ang….."natigilan si Kyo pati na rin ang iba dahil sa isang liwanag.
Bigla na lang itong lumaki at hinigop ang dalawang naglalaban sa loob nito.
"Ano yon?" sabi ni Sasuke
"Yan ang…tamang panahon na dapat ay ating kinalalagyan. Kung hindi dahil sa bulalakaw na tumama dito sa daigdig at naging sanhi ng pagiging isa nila Kyo at Kyoshiro dapat yan ang ating kinalalagyan"
"Ibig mong sabihin kung hindi mabalik ang dapat na kinalalagyan natin ay mananatili tayo sa ganitong panahon at kung mangyari iyon ay ang mundong iyan ang ating hinaharap." paliwanag ni Yukimura
"Tama ka" sabi ni Migeira
"Dapat manalo si Kyo. Kahit na di bumalik ang tamang timeline basta't lahat tayo ay ligtas pati na ang mundo ay sapat na? Hindi pa ba kayo masaya? Gusto nyo pang mamatay si Kyo? Alam ko Migeira na iyon ang huling paraan pero..pero…mali iyon!" sabi ni Yuya na ngayo'y umiiyak dahil sa katotohanan
"Kyo….pati na rin ikaw…Kyoshiro.."sabi ni Yuya
Samantala…
"HA! Aba! Napakaganda pala ng mundong ito. Masarap was akin! Tara na at maglaban na tayo!" sabi ni Nobunaga
"Tatapusin ko na ito…" sabi ni Kyo na naghahanda na sa kanyang pag-atake
"Mumyou Jinpuu Ryuu Satsujin Ken.." atake ni Kyo
"Ngayon na!" sigaw nito
"akala mo ba matatalo mo ko. Di ka na natuto. Mumyou Jinpuu Ryuu Satsujin Ken.." at ginaya na naman nya si Kyo.
Hindi nya alam na ito'y naghahanda na sa final technique nya.
Kailangan ko itong magawa ng mabuti.'
"Makinig ka! Ipagsasama ko ang awit ng hangin pati na rin ang Suzaku…Tatapusin na kita…SUZAKU!" at iyon na nga ang nangyari. Ginawa na ni Kyo ang pinakamalakas nyang technique ang suzaku
"Ano iyon? Tingnan nyo mga kasama!" sabi ni Benitora at itinuro nya ang bagong form ni Kyo.
Nakita ng lahat ang pagbabagong anyo ni Kyo. Siya'y naging isang malaking ibon na nababalutan ng apoy.
"Ha! Akala mo ba hindi ko rin magagawa yan…pwes! Tatapusin ko na itong laban na to. Masyado ng matagal." Sabi ni Nobunaga
"SUZAKU!" at nagbago na ng anyo si Nobunaga
"Kaya rin pala ni Nobunaga iyon" sabi ni Mahiro
"KAYA MO YAN KYO!" sigaw ni Yuya sa kanya.
At bigla ng sumugod ang dalawa. Halos magkasing lakas sila. Ngunit sa mundong ito kailangan isa lang ang manalo. Ang malalakas lang ang dapat mabuhay…? Teka sa RUROUNI KENSHIN YUN AH?
Extra: PSST! AUTHOR! May nakalimutan ka!
Author: ANO YON?
Extra:may full house pa! YUNG KAYA MO YAN!
Author: ay! Ok. 0ops..sorry sa mga readers. Got carried away lang..
Nung sumugod si Nobunaga kay Kyo at ito'y nawala ibig sabihin parang natalo ganon ang akala nya ay natapos na nya ito.
"sa wakas wala na ring sagabal sa akin." Sabi ni Nobunaga
"OH? Bakit ka nagsasaya kaagad? Buhay pa naman ako ah?" sabi ni Kyo
"anong?" sabi ni Nobunaga na di makapaniwala
"Hindi mo ako matatalo dahil sa ngayo'y nagsama kami ni Kyoshiro. At dahil rin sa huling itinuro sa akin ni Muramasa ay ang pagkamit ng limang elemento ng muramasa." Sabi ni Kyo
"At ano naman iyon?" tanong ng kalaban
"Ang limang elementong iyon ay ang katapangan, pagkakaibigan, pagtitiwala sa sarili, Lakas ng isipan at katawan. Ang panglima ay ang pag-ibig." Matapos sabihin ni Kyo ang panglima tumingin ito kay Yuya at makikita sa red eyes nya ay ang pasasalamat
"K-Kyo.." sabi ni Yuya at nagblush ito.
"SI KYO BA YAN!" sabi nila Yukimura
"Alam kong mangyayari ito…" bulong ni Sakuya sa sarili nya.
"YAH! SUZAKU FINAL BLOW!" sinugod ni Kyo si Nobunaga wala ring nagawa si Nobunaga kaya nagbago na lang sya ng anyo.
"Hindi ako makapapayag!" sigaw nito
BOOM!
Parang isang bombing sumabog. Walang nakikita sila Yukimura kundi usok na nakapalibot dito. Biglang lumindol sa Kastilyo ng mga Mibu.
"Tara na mga kasama. Umalis na tayo dito. Guguho na ang palasyo." Sabi ni Sasuke
"Pero si Kyo-" sabi ni Yuya na nag-aalala
"Wag mong alalahanin sila Kyo. Ayos lang sila Miss Yuya" sabi ni Sakuya.
Nang nasa labas na sila. Unting-unting gumuho ang Kastilyo ng mga Mibu.
"Kyo!Kyoshiro!" sigaw ni Yuya'ng umiiyak
"Miss Yuya" sabi ni Mahiro
Mula sa gumuhong Kastilyo lumabas ang dalawang magiting na mandirigma. Nakabalik na sa original na katawan si Kyo at si Kyoshiro naman sa kanyang sariling katawan.
" YUYA…….."tawag ni Kyoshiro
"Kahit kelan talaga iyakin ka…YUYA.." tukso naman ni kyo
Lumingon si Yuya at ngumiti. Tumakbo sya sa dalawang lalaking nagligtas ng mundo.
"KYO! KYOSHIRO! MASAYA AKO AT BUHAY KAYO!" inakap nya nag dalawa. Ganun rin ang ginawa ng dalawang lalaking nagmamahal kay Yuya
"Mahiro? Ayos ka lang ba?" tanong ni Benitora
"Ayos lang ako" sabi ni Mahiro at inakap nya si Benitora
"OKUNI!" tawag ni Yukimura sa kanyang mahal na si Okuni
"YUKI!" sagot nito.
Makikita natin na para silang nasa beach at tumatakbo papunta sa isa't isa.
"Kayong dalawa pinag-alala nyo ko!" inis na sinabi ni Yuya ngunit di naman ganun ka inis. Kung baga way nya of expressing her feelings.
Ganun?
"eto na naman po tayo.." sabi ni Sasuke
"Salamat at tapos na ang lahat. Magiging tahimik na ang mundo" sabi ni Migeira. Pagkatapos nun ay umalis na sya
"Paalam mga kaibigan" sabi ni Migeira ng tahimik
After 3 days…….
"Mabuti naman at nakapunta ka Lady Sakuya" sabi ni Yuya
"Nagpunta ako dito upang magpasalamat sayo."sabi ni Sakuya
"Para saan?" tanong ni Yuya
"Para sa pag-aalaga mo kay Kyo at Kyoshiro" sabi ni Sakuya
"AH-eh- walang anuman yon" sabi ni Yuya blushing
"Yuya kailangan mapigilan mo ang dalawa sa paglalaban. Hinding hindi sila magpapatalo sa isa't isa." Hiling ni Sakuya
"Oo gagawin ko iyon. Makaka-asa ka" sabi ni Yuya
"Lady Sakuya, Kailangan na po nating umalis" sabi ng alalay ni Sakuya
"O sige Yuya, Kailangan ko ng umalis" sabi ni Sakuya
"Paalam Lady Sakuya" sabi ni Yuya
"Paalam rin Yuya" sagot ni Sakuya
Bigla na lang inisip ni Yuya ang sinabi ni Sakuya tungkol sa dalawa.
"Kyo? Kyoshiro?" hinanap ni Yuya ang dalawa pero wala sila sa kanilang kwarto.
Tumakbo si Yuya para hanapin sila Kyo. Di nya alintana kahit pa umuulan ng Yebe.
Nang makarating sya kung saan andon sila Kyo. Nakita nya si Migeira.
"Migeira bitiwan mo ko. Si Kyo at Kyoshiro!" pilit na kumakawala si Yuya kay Migeira na pinipigilan ito
"Hayaan mo na silang maglaban. Bakit kaya mo bang mahalin sila ng sabay?" tanong ni Migeira
"Oo."sabi ni Yuya. At sa wakas napakawalan na sya
"Hay…ibang klase ka talaga Yuya" at umalis si Migeira papaunta sa ibang lugar.
Sa laban…
"Kyoshiro di mo ko matatalo."sabi ni Kyo habang nagtagpo ang kanilang mga sandata
"Di mo magagawa iyon!" sabi ni Kyoshiro
"TIGILAN NYO NA YAN!" sigaw ni Yuya at napatigil ang dalawa.
"YUYA!" "MISS YUYA!" sabi ng dalawang binata
"Tumigil na kayo sa paglaban…sob sana naman magkabati na kayo sob" sabi ni Yuya sa dalawa. Bumigay ang kanyang mga binti dahil sa nararamdaman nya.
"Tahan na Yuya.." sabi ni Kyoshiro
"Tumigil ka na sa pag-iyak mo. Sige ka papanget ka" biro ni Kyo
"Ikaw talaga Kyo!" sabi ni Yuya at tumawa na sya
Nagselos si Kyoshiro dahil sa nakita nya na mas mahal ng dalaga si Kyo. Alam nya na mahal rin sya nito ngunit mas matimbang pa rin si Kyo.
"Yuya may gusto kaming itanong sa iyo." Sabi ni Kyo
"Ano ba iyon?" habang sya'y unti-unting tumatayo. Inalalayan sya ni Kyoshiro
"Yuya gusto namin malaman kung sino ang mas mahal mo sa aming dalawa. Mamili ka ako…o si Kyoshiro?" tanong ni Kyo
"Yuya kailangan naming malaman..Hirap na hirap na rin ako sa sitasyon natin." Sabi ni Kyoshiro
"Pero Kyoshiro ayokong saktan kayong dalawa" paliwanag ng dalaga
"Kailangan na naming malaman. Kahit masaktan pa ang isa sa amin." Sabi ni Kyo
"pero-" may sasabihin pa sana si Yuya kaya lang pinutol ito ni Kyo.
"Walang pero, pero. Ano na? Sagutin mo na ang tanong namin" Sabi ni Kyo
"Yuya sige na." sabi ni Kyoshiro
"O sige. K-kung sino man sa inyo ang….ha-halikan ko sa labi iyon a-ang napili ko. Sasabihin ko kung bakit hindi ko napili ang isa sa inyo." Hiyang-hiyang sinabi ni Yuya
"O sige ba!" sabi ni Kyo na handing handa na.
grabe talaga!ka-kilig!
"Pumikit muna kayo…" utos nito sa dalawa
Ok here it goes…
1…
2…
3…!
Nagulat si Kyo dahil sa may na feel syang kinda warm. Nung dumilat sya nakita nya si Yuya na nakapress ang lips nya sa kanya.
"Patawad Kyoshiro. Ang pinili ko si Kyo kasi mas napamahal sya sakin. Yung sa iyo naman, alam kong mahal mo pa si Lady Sakuya. Napansin ko yun di mo matatanggi. Kaya kahit na hindi kita napili wag mong isipin na wala ng nagmamahal sayo dahil meron at si Lady Sakuya iyon." Sabi ni Yuya
"Tama ka. Pero sa huling pagkakataon gusto kong malaman mo na minahal rin kita." Sabi ni Kyoshiro
"Kyoshiro tama na ang drama. Sundan mo na si Sakuya. Baka maiwan ka sige ka"asar ni Kyo kay Kyoshiro
"O Sige. Hinahangad ko ang kaligayahan nyo. Paalam!" at yun umalis na si Kyoshiro patungo sa kinaroroonan ni Sakuya.
"Sana maging masaya sya noh Kyo?" sabi ni Yuya kay Kyo
"Oo nga eh. " tukso ni Kyo kay Yuya
Niyakap sya ni Kyo at kiniss sa cheeks at sabi…
"Lahat alam ko tungkol sayo..Mahal na mahal kita Yuya. Magpataba ka ng konti ah..para gumanda ka pa at sumeksi kasi ang payat mo." Tukso ni Kyo
"Ang kapal mo ah…Pero ang payat na to ang minahal mo. Tandaan mo yan" sagot ni Yuya
"hahaha" tawa ni Kyo
"Mahal na mahal kita." Sabi ni Yuya
At as expected, nagkiss sila this time full of Love na. Pagkatapos ay sabay silang naglakad ng magkahawak ang kamay. Dumaan pa ang ilang buwan at nagpakasal na ang grupo nila Kyo.
After 3 years…
Nagkaroon sila ng magaganda at gwapong mga anak. Naging magaling na pinuno si Benitora sa kanilang hukbo.Nagkaroon ng isang anak sila Mahiro at Benitora, isang lalaki, ang pangalan ay Hiro. Habang si Okuni ay naging isang magaling na aktres sa isang tanghalan at ang kanyang asawa na si Yukimura ay naging pinuno rin ng kanyang angkan. Nagkaroon sila ng isang anak na babae at ang kanyang pangalan ay Yuna. Sila Kyoshiro at Sakuya naman ay nagkaroon ng isa ring anak ang pangalan ay Yoshi, isang lalaki. Naging tagapagmana rin si Kyoshiro at Sakuya ng kanilang angkan..
Last but not the least si Kyo at Yuya ay naging masayang mag-asawa. Nagkakasundo na sila sa mga bagay bagay at ni minsan di sila nag-away. Tinuruan na rin ni Kyo si Yuya sa paggamit ng espada upang mapagtanggol ang kanyang sarili. Si Kyo naman ay nagkaroon ng pamunuang hukbo sa Sekigahara para sa kapayapaan. Nagkaroon sila ng kambal na anak si Yumi at Kira.
At iyon ang istorya ng mga mandirigmang nakipaglaban para sa kapayapaan ng mundo.
"Master Sasuke, bakit po ganon? Magkapangalan po ang tauhan sa istorya nyo at ang mga kaibigan nyo po?" sabi ng isang bata
"Oo nga po. Pati na rin po ang batang si Sasuke?" sabi ng isa pang bata.
"Mga bata. Hindi iyon gawa gawa lamang. Ang batang si Sasuke na nasa kwento ko ay nasa harap nyo." Ang pag-amin ni Sasuke sa mga bata
"Kayo po si Sasuke?" sabi ng mga bata
"Tama kayo mga bata" sabi ni Kotaro
"Binata ka na Sasuke nagkekwento ka parin" sabi ni Kotaro
"Ikaw si Kotaro di po ba?"sabi nung isa png bata
"Ako nga" sabi ni Kotaro
"Ang galing naman po! Sana po maging kasing lakas ako ni Master Sasuke! Salamat po! Kailangan na po naming umuwi! Bukas na lang po" sabi ng mga bata
"Sasuke!" tawag ng barkada ni Sasuke
"Kyo, Yuya, Benitora, Mahiro at pati na rin sila Yukimura, Okuni, Kyoshiro at Sakuya!" sigaw ng sabik na sabik na binata
"KUMUSTA!"pumunta si Sasuke sa kanyang mga kaibigan
At bumalik ang kapayapaan sa mundo.
The end.
Hay salamat tapos na rin! Maganda ba? I wrote this fic in almost 2 weeks! Biro nyo.? Hay…sana makagawa ulit ako. Sorry sa lahat dahil sa inedit ko ang iba pero nagtry ako para maiba rin ang storya. Salamat sa pagtitiyagang basahin ang aking kwento! Thanks!
Vocabulary Words:
Ura Hassun/Shinkage-fighting style ni Benitora
Kyo's technique
Mumyou Jinpuu Ryuu Satsujin Ken (Dark Wind of God Murdering Sword Technique) - Main Technique
Mizuchi (Dragon Strike)
Kaze no Koe (The Voice of the Wind)
Suzaku – pinakamalakas na technique ni Kyo
Shoji door- ito yung pinto sa mga Japanese house. Yung parang papel.
Muramasa- mahiwagang mga sandata na may mga kapangyarihan
Muramasa 2- ang gumawa ng mga muramasa at kapatid ni Mahiro
read and review!
