Paunang Salita: Hello again mga fwends.. uh, unang pagkakataon ko pong gumawa ng fanfic sa Naruto.. plis lang naman... huwag niyo na akong paalalahanan ng masamang reviews.. aalis na ako sa May 28.. hindi ko po alam kung kelan uli ako susulat ng fic.. pero susubukan ko pong palaguin ang aking kaalaman sa pagsulat ng mga ficition habang ako'y nasa seminaryo... well gud lak na lang po sa akin at sa inyo mga kapwa ko pasawayz.. este repapipz, ehehe...

Isang Tagpo...

likha ni: deathwanter

Buod: N&H.. Naalala ko lang yung unang Tzunin Exam namin..

"Hoy Hinata! Huwag kang makinig sa mayabang na yan! Mas kilala mo ang sarili mo!"

Kasabay na nun ang pag titig sa akin ng mga nagliliyab na mata ni Neji. Yeah, that same weird circle violet eyes that Hinata has. Except lang siguro sa expression. Neji has the anger raging inside him.. habang si Hinata ay hindi pa rin mapalagay dahil sa takot na nararamdaman niya.

"Patunayan mong kaya mong maging isang magaling na ninja!"

I don't know how the hell that idea came up into my mind. Basta ang alam ko lang hindi ko pababayaan si Hinata na tuluyang matalo ng kumag niyang kamag-anak.

And then I saw her eyes.. Napangiti ako... Sa wakas.. Wala na ang takot sa kanyang mga mata..

"Biakugan!"

Pinagmasdan ko ang anyo niya matapos ang laban. God I swear... I could kill anyone... duguan at nanghihina siya.. agad akong lumapit..

"N-naruto.."

Hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod niyang sinabi. Ang alam ko lang ginawa niya ang lahat. Binago niya ang sarili niya sa isang iglap.. Tinitigan ko si Neji.. wala akong nakita ni isa man lamang katiting na pagsisisi.

At sa silakbo ng aking galit agad akong tumakbo upang sugurin ang may sala. Para akong isang kriminal na nais kumitil. Hindi ko na pinansin ang antipara ng poot na agad na namayani sa mga kaganapang iyon. Ang nasa isip ko lang ay hindi kp kailan man mapapatawad ang taong ito.. dadalhin ko siya sa sarili niyang karimlan!

"Huwag Naruto!"

Lee...

Tama... mabuti at pinigilan niya ako... mabuti at napigilan niyang mailabas ko ang tunay kong nadarama.. agad akong nangamba.. agad akong nag-isip..

Hinata... "Sige na nga. ikaw na ang bahala sa kaniya!"

Sa loob-loob ko ay unti- unting bumalik sa aking ala-ala ang mga kaganapan. Ang pagtayo at paglaban ni Hinata, ang malambing niyang tinig, ang mga mata niyan may taglay na kakaibang kapangyarihan... mas nanaisin ko pang ako ang makaramdam ng sakit..

At sa harap ni Neji at sa iba pang mga aninong nakatitig sa akin, gumawa na naman ako ng isang bagay na magbabago ng aking buhay. Natanto kong nilagak ko sa pulpito ni Kamatayan ang aking kapalaran.. Alam kong nakipagpustahan ako sa kapalaran kong ni minsan ay hindi naging patas para sa akin...

Hinawakan ko ang mainit-init pan niyang dugo...

"Isinusumpa ko Hinata...mananalo ako sa final match!"

Wakas

Huling ..ewan ko: Nyahahaha... Corny ba? Sori.. first time kp lhng dto eh.. ehhee.. hope you enjoyed the fic somehow... hek2!