CHAPTER 5 – SENTIMENTAL HARRY
Tulog na ang lahat except kay harry. Humiga na si harry at binuksan ang discman niya… nakinig nalang sa pinaka-favorite niyang song… NAGSESENTI , para makatulog…
"I won't talk
I wont breathe
I wont move 'til you finally see
That you belong to me
You might think
I don't look
But deep inside
The corner of my mind
Im attached to you
Im weak
It's true
Coz im afraid to know the answer
Do you want me too.."
Nag-umaga na at pumunta na sila sa kingscross station. Sumakay na silang train…
"harry so pano ba yan? Magkahiwalay tau ng compartment… magsama nalang kau ni ginny! Bye!" sabi ni ron kay harry bao sila maghiwalay.
"oo nga pala… oh sige…" sagot ni harry at humarap kay ginny. "ginny dito tau, bakante."
"ah.. ok.." sagot ni ginny at tinulungan siya ni harry na ilagay ang kanayng gamit.
Umupo na silang dalawa.. nabalutan ng katahimikan ang buong compartment. Wala kaseng nagsasalita…
"umm… ginny.." harry broke the silence.
"huh?" sagot ni ginny.
"ang cute mo…" sabi ni harry, nakangiti. "promise"
"nyek… alam ko na yan noh…hehe! Joke!" pabirong sagot ni ginny. "bakit mo lagi sinasabi yan?"
"totoo namn eh… ang laki na kase ng pinagbago mo.." seryosong sagot ni harry.
Sa loob-loob ni ginny sobrang natuwa siya dhil napansin na rin siya ni harry, pero syempre di siya pa-obvious! Pilipina ako eh!
"oh talaga?.. kaw ganun pa rin… gwapo pa rin! " nakangiting sagot ni ginny. "tulad ng dati… "
"nyaaahahha! Kaw talaga ginny!" sagot ni harry.
Nag-usap sila.. usap… joke ng joke... hanggang makarating na sa HOGWARTS.
"andito na pala tayo!" masayang sabi ni ginny. " himala! Hindi tau ginulo ni malfoy"
"oo nga… mabuti nga un!" makulit na sagot ni harry.
Bumaba na sila at nasilayan ulit ang school nila. Pumunta na sila sa great hall, nag-sort na ang sorting hat ng mga 1st yrs… at pagkatapos nagsalita na ang head master si Dumbledore…
"Mga students ng Hogwarts, maligayang pagbabalik, sana naging masaya ang inyong bakasyon. Para sa mga bagong mag-aaral – 1st yrs. Makakasigurado kaung masaya dito sa Hogwarts… madami pang cnasabi… at oo nga pala… magkakaroon tayo ng maskarade ball, February 14… 4th – 7th years ang kasali dito. Mayroon na nga pala taung bagong Defense against dark arts teacher, siya ay si Prof. Clarisse…"
pagkatapos ng mala-fiestang kaganapan sa great hall pumunta na ang mga students sa common room ng bawat houses at inayos ang kanilang mga gamit. Kinabukasan ay nag-umpisa na ang klase... nasa classroom na sila harry, ron at Hermione. Potions ang una nilang subject – kay snape.
CHAPTER 6 – back to class
"GOOD MORNING CLASS." Bati ni Prof. snape na mukahng iritado tulad ng dati.
Sa first day of classes, may seatwork na sila kaagad. Inis na inis si harry at bakas sa mukha niya.
"Mr. POTTER, May problema ba?" tanong ni snape.
"WALA PO, MUKHA BANG MERON?" mataray na sagot ni harry.
"ABA! 10 POINTS FROM GRYFFINDOR!" sambit ni Snape.
"GRRRRR…" bulong ni harry. "kaasar nman!"
oh db? Nawalan kaagad ang Gryffindor ng 10 pts dahil sa katarayan ni harry. Ang init kase ng ulo niya lagi kay snape. At dumaan na ang mga arw… habang naglalakad si harry..
"hi harry!"
paglingon ni harry…
"oh! Hello cho…" bati ni harry. "kamusta bakasyon?"
"miss na kita…" malanding sabi ni cho, sabay halik kay harry sa lips. landeeee!
"ah.. er – para san un?" nag-aalinlangang tanong ni harry.
"tinatanong pa ba un?" sagot ni cho. "kaw nman…"
biglang may umiksena…
"HARRY! BOOG!"
natumba si harry sa kinatatayuan niya at natulak si cho.. wahahaha!
"Ooopss…. Sorry!" sabi ng cute na voice.
"GINNY?.." sabi ni harry, nagulat. "bakit ka nagmamadali?"
"sensya na may hinahabol lang ako… eh paharang harang ka d'yan" sabi ni ginny, sabay tayo na sila ni harry.
"ah, gnun? Ako pa pala may kasalanan? Jowk!" pabirong sagot ni harry. "nga pala… cho"
"yes… harry my labs?" malanding sagot ni cho.
"siya nga pala si ginny….!" sabi ni harry.
"oh… weasley girl… hi.." sabi nman ni cho kay ginny.
"hello.. alis na ako… nagmamadali kase ako…byerss!" sagot ni ginny.
Umalis na si ginny, lahat ay nabigla sa kinilos ni harry. Si cho naman ay patuloy pa rin sa pag –fflirt.
"harry… bakit mo sinusundan ng tingin ung girl na un!" pataray na tanong ni cho.
"ano sinasabi mo? Hindi ah…" pa-inosenteng sagot ni harry. "ang ganda mo pa rin…"
"oo alam ko yan… so, sabay na tau.." sagot ni cho sabay hawak sa kamay ni harry.
"ok.." masayang sagot ni harry.
Lumipas ang mga araw at naguguluhan na si harry sa kanyang sarili. Dati gustong gusto niya makasama si cho pero ngaun na lagi silang magkasama naiirita na siya sa kanya. Nawawala na sya sa kanyang sarili dahil sa pag-iisip tungkol sa mga bagay na 'to. Sobrang busy naman si Hermione at ron kaya wala siya makausap. Si dean at seamus nalang ang lagi niyang ksma, hindi naman siya makapag-open up sa kanila.
Isang araw sa defense against dark arts class..
"hi class." Bati ni prof. Clarisse. "nagawa nio ba ang assignment nio?"
"opo.." sagot ng mga estudyante.
Nag-check na sila ang assignment. Mabait naman ang bagong prof compare kay umbridge. Gusto siya ng mga studyante at naging kaibigan pa nila ito.
"ok, 10 mins. Nalang at matatpos na ang klase. Ano ba gusto nio pag-usapan?" malambing na tanong ni prof. Clarisse. Nagtaas ng kamay si Hermione.
" prof. pwede bang about sa love?" tanong ni hermione. "kahit po na hindi ito related sa subj natin."
"abah… okei na okei lang…" sabi ni prof. Clarisse.
"ano prof! pumapayag ka? Walang kwenta naman!" sabat ni malfoy. "love? Yuck!"
"malfoy! Pangit ng asal mo. 10 pts. From slytherin." Sabi ni prof. "sige mag-umpisa na tau."
Sa 10 mins na iyon ay marami din silang napag-usapan. Halos lahat ay nakinig at nasiyahan except lang sa mga slytherins. Kakaiba talaga ang bagong prof., marami siyang alam sa mga "L" word…
