Akai: ano naman ang masasabi ko? Marami palang kababayan dito!
Amry: sige ha! 3 reviewsnext chappie
Fuzzy Black Cat: wag naman…tagalong na nga to eh…
Amry: um…((sneaks off))
Akai: sige na! Chapter two na!
………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………
Three Two One
Chapter Two
Nakaupo't tahimik na tinatapos ni Suoh ang kanyang papeles nang pumasok si Nokoru.
"Ay Suoh! Pagpalain nawa ang Panginoon at buhay ka pa lagay sa araw na ito. Kamusta na?"
"Mabuti naman. Pasensya na sa pagliban ko kahapon. Aalis kasi si nanay at nangailangan akong umuwi ng maaga."
"Ganon?" ani ni Nokoru sabay bukas ng isang online chat.
AngCuteNgChefKo: aalis? Talaga?
baklanglechon: kala ko ba may archery practice?
AngCuteNgChefKo: sabi lang yon ni Akira…
baklanglechon: speaking off…may exciting na bang nangyari sa inyo?
AngCuteNgChefKo: ol I can say is…ibang-iba talaga siya sa kama…
baklanglechon: gagu! Bumalik ka na nga sa ginagawa mo!
Napangiti si Idomu at bumalik sa kanyang ineencode. Matapos ang ilang saglit, may kumatok sa pinto.
"Utako…magandang hapon. Ba't naparito ka?" bati ni Nokoru.
Hindi umimik si Utako.
"May problema ba?"
Tumigil sina Akira, Suoh at Idomu sa kanilang ginagawa at tiningnan si Utako.
"Naalala niyo ba nung nag-file ng Vacational Leave si Nagisa noong nakaraang buwan?"
"Ano nangyari? Namatay ba siya?"
"Hindi ko alam! Dapat bumalik na siya! Wala pa si Nagisa at naloloka na ako!"
"Ssh…" sabi ni Akira. Tumahimik silang lahat. "Naririning niyo yon?"
Sa gitna ng huni ng ibon ay may narining silang kumakanta ng wala sa tono.
"San yon galing?"
"Sa botanical gardens! Taralets!" sabi ni Nokoru. Lumabas silang lahat at tumakbo patungong hardin.
CHANGE SCENE
Lumala ang pagkanta habang lumalapit sila. Sa likod ng isang puno, natagpuan nila si Nagisa, mataba, lasing at nag-vividioke ng malakas.
"DON'T CALL ME! IN THE MIDDLE OF THE NIGHT NO MORE! DON'T EXCPECT ME TO BE THERE! DON'T THINK THAT IT'LL BE THE WAY IT WAS BEFORE! NO BABY! I'M NOT OVER YOU YET! AND I DON'T WANT TO BE YOUR FRIEND!"
Iniwanan niya ang kanta at umiyak. Hikbi siya nang hikbi sabay inom ng alak. Di nakapagtiis si Utako at umalis sa kanilang kinatataguan. Hinablot niya ang bote galing kay Nagisa bago siya maka-inom uli.
"Nagisa! Ba't andito ka? Ano nangyari sa iyo? May pinuntahan ka ba?"
"Doon ako sa bahay ni ina…" sabi niya sabay sinok. "Kakarating ko palang."
"Dala ang lahat ng ito?" Nakita ni Utako ang mga braso ng kanyang kaibigan. Punong-puno ito ng mga slashes. Napaluha siya ng tahimik. "Ba't mo 'to ginawa sa sarili mo?"
"At bakit hindi!" sumagot naman ng pasigaw si Nagisa. "Bakit?" ungol niya. "Bakit?"
"Bakit ano?" tanong ni Utako.
Lumabas si Akira at yinakap si Utako bago tuluyan siyang sumuko.
"Anong nangayayri kay Nagisa? Bakit siya ganyan?" bulong niya kay Akira, mukha niya'y basang basa.
Di rin nakayanan ni Suoh at lumabas siya para liwanagan ni Nagisa. Papalapit na siya ngang hagisan siya ng malaking bote ng beer.
"TAKSIL!"
"Nagisa! Tama na!" sigaw ni Utako.
Dali-daling umiwas si Suoh bago siya tamaan.
"Punyeta Nagisa! Ano ba?"
Lumabas si Nokoru at Idomu tsaka hinakot lahat ng bote ng beer sa kanya bago mapahamak pa si Suoh.
"Sino siya ha?"
"Nagisa! Ano ba?" pakiusap ni Nokoru.
"Anong sino siya?" sigaw ni Suoh.
"Isang buwan ko pinag-isipan 'to…isang buwan akong nagdurusa! Hindi ito maaari! PUTANG INA MO! SINO SIYA AT BAKIT MO 'KO HINIWALAYAN!"
Natigilan silang lahat ngunit di ito napansin ni Suoh.
"Nagisa naman! Isang buwan na! Akala ko ba okey ka na? Bat' ka umaarte ng ganyan?"
"GAGO! SINO NGA SIYA EH!"
"WALA!" sumbat ni Suoh. "WALA AKONG BAGO! MASAYA KA NA?"
Walang nagsalita nang ilang saglit.
"Bakit mo 'ko hiniwalayan?" pabulong na tanong ni Nagisa. "Kung wala kang iba?"
…
"Hindi ito tamang oras para sabihin sa inyo…"
Walang gumalaw.
"Pero Nagisa, " lumuhod si Suoh. "Tingnan mo 'ko. Wala kang mararating kung patuloy kang magaganito. Sinasaktan mo lang sarili mo. Sana maintindihan mo na hindi umuusad ang pagsasama natin…Sabi mo isang buwan mo 'to pinagisipan."
"Oo nga…pero Suoh…mahal pa rin kita…"
"Alam ko. Mamimiss rin kita. Pero Nagisa…di ko 'to maeeksplika ng maayos. Di ito ang tamang oras." Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Nagisa at tiningnan siya deretso sa mata. "Dapat na talaga tayong maghiwalay."
Nanlaki ang mata ni Nagisa. Hindi na kailangan sabihin ni Suoh kung ano ang tunay na rason. Napaupo siya sa damo.
"Nagisa…huwag mong sabihin kahit kanino…" Umoo nalang siya.
Tiningnan ni Akira si Utako. Isang taon na silang hiwalay. Pinagusapan nila na may iba silang mahal. Inamin ni Akira na maygusto siya kay Nokoru. Inamin naman ni Utako na may gusto siya kay Nagisa. Sikreto ang pagaamin na ito. Di yun pwedeng malaman ni Suoh. Di naman siya ma-chismis. Ano kaya ang rason niya? Sa tabi niya, tumayo si Nokoru at Idomu. Tapos na pala. Bumitaw siya kay Utako at tumakbo ito para tulungan si Nagisa.
"Isang buwan?" sabi ni Nokoru kay Suoh. "Ba't wala kang sinasabi sa akin?" Tapos umalis na siya. Nainis yata. Sinundan siya ni Idomu papalabas ng hardin.
"Suoh…ba't nga ba wala ka nang sinasabi sa amin?" tanong ni Akira.
Hindi siya tumugon at umalis na lang.
CHANGE SCENE
Kinabukasan, hindi pumasok si Suoh at bad trip si Nokoru. Umuwi siya nang maaga at iniwang walang magawa sina Idomu at Akira.
"Idomu…mabuti nama't Biyernes ngayon." Sabi ni Akira. "Sana Lunes okei na ang lahat."
"So ayaw mo munang mag—"
"Next week nalang pwede? O kung kelan ayus na ang lahat…" pakiusap ni Akira.
"O sige…"
"Paalam Idomu…"
"Paalam Akira…"
Wala man lang halik o yakap. Nahawa na yata silang lahat sa lungkot ni Nagisa.
………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………
Akai: yes! Tapos na Chapter two…
Amry: so hindi na yung 3 reviewschapter three?
Fuzzy Black Cat: wag na! Nakasulat na yung draft itatype mo nalang…
Akai: sige ha! Xlamat! Review po kau!
