Akai: sige! Chapter three na sunod!
Amry: uy! Aya-CLAMPGAKUENlover, pinoy ka ba? taga-saan you?
Fuzzy Black Cat: pakiusap lang…no flames please…basahin niyo lang 'to…konting respeto po sa nagsusulat. Xlamat!
………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………
Three Two One
Chapter Three
Maagang pumasok si Nokoru sa SC room. Tinapos niya ang lahat ng kailangang tapusin para sa araw na iyon at inilagay sa mesa ni Suoh. Palabas na sana siya nang si Suoh mismo ang pumasok. Walang kibuan. Ano naman ang kebs ni Suoh kay Nokoru? Di na nga siya binabalitaan eh. Bumigat ang loob ni Nokoru. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Nakabukas na yung pinto, hawak na niya bag niya, pwede na siyang lumabas. Ngunit tumayo lang siya at pinanood si Suoh habang nagfafile ng paperwork. Gustong-gusto na talaga niyang kausapin si Suoh pero di niya ito magawa. Nakatitig lang si Nokoru kay Suoh hanggang natapos na niya ang lahat ng mga SC duties para sa Lunes na iyon.
Nagtitigan sila. Walang umiimik. Walang kumibo. Di na nakayanan ni Nokoru at tumakbo't yinakap si Suoh. Tinanggap naman niya ito ng buong puso at yinakap din si Nokoru.
"Suoh…sorry na…"
Napaluha ang kinakausap. "Nokoru…sorry na din…"
Matagal silang nasa gitna ng kuwartong nagyayakapan. Pareho silang nasa paraiso ngayo't kasama ang bespren.
"Halika, kain tayo…" yaya ni Suoh. ((naks!))
"Paano si Akira at Idomu?" tanong ni Nokoru.
"Kaya na nila yan! Tapos na naman tayo sa paperwork natin eh…"
Ngumiti si Nokoru at sabay silang lumabas.
CHANGE SCENE
Pumasok sa SC room sina Akira at Idomu at nakitang walang tao.
"Idomu…asan kaya sila?"
"Baka tuluyan nang hindi pumasok…"
"Ano ka ba! Wag mong sabihin yan! Pumasok sila! Tingnan mo…wala na nga tayong gagawin eh!"
"Baka galit pa rin…" sabi ni Idomu at tumungo sa malaking bintana sa likod ng mesa ni Nokoru. Lumipas ang ilang saglit na nakatunganga lang siya doon. Habang naghahanda ng merienda si Akira ay may bigla siyang nakita.
"Oist Akira!"
"Hm?"
"Tingnan mo 'to!"
Sabay nilang pinagmasdan si Nokoru at Suoh na naglalakad papalabas ng Garden Café. Gumaan ang loob nilang dalawa.
"Bati na sila!"
Sandali silang nagsaya at sumigaw, patalon-talon na parang mga tanga, bago biglang hinalikan ni Idomu si Akira.
"Namiss natin ang Biyernes diba?" sabi niya.
Ngumiti si Akira at sinusi yung pinto.
CHANGE SCENE
"So…isang linggo ka nang hiwalay kay Idomu nang inamin ni Akira sa iya na mahal ka niya."
"Oo…mga dalawang linggo na siyang hiwalay kay Utako."
"Gulo naman…"
"Yan ang mangyayari sa iyo kapag lagi kang nawawala!"
Tumawa silang dalawa. Uminom si Nokoru ng frothe at kumain si Suoh ng cheesecake.
"So mga tatlong taon kayo nagsama ni Idomu."
"Tama…"
"Gano kayo katagal ni Akira?"
"Mga limang buwan baka nagsabihan na it's not working."
"Ganon? Tapos ngayon magkasama si Idomu at Akira."
Ngumiti si Nokoru. "Alam mo? Di ko mapapatawad sarili ko kung masira yung pinagsamahan natin."
"Oo nga. Isang dekada na!"
"Matagal na palang magkasama si Akira at Utako. Walong taon mahigit no? Tsaka ganun din yata kayo ni Nagisa eh. Siya nga pala…bakit mo binereakan si Nagisa? Sabihin mo na, total ako lang naman ang nandito eh…"
Huminga si Suoh ng malalim. "Rason ko? It's not working na rin…"
"Liars go to hell Suoh. Alam mo yon. Kilala kita, di ka mananawa kay Nagisa. Ang tahitahimik non kaya di mo malalaman ang susunod na gagawin niya."
"Sabihin natin na may nangyari noong nagging bus driver ako ng field trip bus sa St. Scho."
"Mga dalawang taon na yon ah…ano naming nangyari?"
"Di ngayon ang tamang oras para sabihin sa iyo…"
"Hm…Baka maintindihan ko yon. O sige, palilipasin muna natin siya. Pero ba't ka ba naging bus driver?"
Namula si Suoh. "Ah…eh…kasi wala akong magawa noong summer na iyon. Sinamahan ko si tatay sa buong mundo kasi nasa Secret Service siya. Dumaan kami sa Pilipinas. Sabi ko kay Tay na dito nalang ako. Naintindihan naman niya na wala na akong magawa, so pumayag siya."
"Paano ka napapunta sa St. Scho?"
"Narining ko na may darating na bisita na galing Japan at mag-oobserba nga summer classes doon."
"Mag-ooberba ng summer classes? Paano ka naging bus driver?"
"Marami yung bumisita. Di rin sila bisita-material. Di ko maintindihan dahil ang gulo nila. Pero gusto ko pa silang tingnan kaya naging bus driver ako ng bus nila."
"Ah…okay…" tumigil si Nokoru ng isang sandali bago sinabi, "Di ko gets…"
"Ganito yon…Pumunta yung mga bumisit sa isang field trip. Napuno nila ang apat na bus. Naging driver ako ng isa."
"Ah! Okay…gets ko na…"
Tumayo sila't naglakad sa buong campus.
"Suoh…ba't ayaw mong maging bakla?"
"Ba't mo 'ko pinipilit?"
Natawa si Nokoru. "Total, wala na kayo ni Nagisa…"
"Gagu…"
"Ano naman ginawa ko!"
"Lika na nga. Balik na tayo sa SC room…baka nahimatay na yung dalawa sa kakaalala."
"Bastos ka…" sabi ni Nokoru. "Demo…matagal na pala tayong nasa labas."
Unti-unting lumubog ang araw habang pumasok sila sa building.
CHANGE SCENE
Tahimik na sinarado ni Nokoru ang pinto.
"Anong ginagawa nila?" pabulong na tanong ni Suoh.
Di makasagot si Nokoru. Di niya alam kung paano sabihin kay Suoh ang nakita niya sa loob ng kuwarto. Pulang-pula ang kanyang mukha. Ilang sandaling nagtaka si Suoh bago niya makuha ang maaaring nakita ni Nokoru sa lood. Naawa siya nang kaunti.
"Ay naku…sipain natin ang pinto pabukas." Bulong ni Suoh. "Anong say mo?"
"O…o…sige…"
Tumayo sila ng back2back at sabay kinarate-kick ang pinto.
"MAGANDANG HAPON!" pasigaw na bati ni Nokoru.
"PASENYSYA NA'T NAHULI KAMI!" sigaw din ni Suoh
May narinig silang 'tang ina' at isang 'bog'.
"Idomu? Akira? Asan kayo?"
"Ah…eh...sandali lang Nokoru!" sabi ni Akira sabay dali-daling nagbihis.
Nauna si Idomu at nilinis ang kanyang mesa.
"Akira…tapos ka na?" bulong niya.
"Malapit na…"
Sabay silang nagpakita kay Nokoru at Suoh na may inosenteng ngiti sa kanilang mukha.
"Dios me naman Akira! Pag dumating ka sa eskuwela, magsuklay ka naman. Ikaw din Idomu…"
Naglabas si Nokoru ng suklay at sinuklayan ang dalawa.
"Nag-enjoy ba kayo?" tanong ni Suoh. Namula ang dalawa.
"Um…ah…Nokoru! Bati na kayo ni Suoh!" sabi ni Idomu.
"Sinong may gusto ng merienda?" tanong ni Akira.
"Eh…kumain na kami."
"Ows? Ako…gutom ako…"
"Ang gagu mo…"
"Anong ginawa ko?"
Nagtawanan silang lahat. Maganda ang simula ng kanilang linggo. Wala silang hinaharap na problema as of ngayon. Ngunit mananatili bang ganoon?
Gabi na nang umalis sila. As usual, nauna si Suoh. Nang nakaalis na siya, nagtiningan sina Akira, Nokoru at Idomu. 'La paring improvement, ganun pa rin si Suoh. Walang sinasabi.
"May napansin ba kayong dalawa?"
Tumingin si Akira at Idomu kay Nokoru. "Ha?"
"Di niyo napansin lumaki ang bag ni Suoh?"
"Bag niya? Anong konek non sa kanya?"
"Maaaring malaki. Taralets, uwi na rin tayo…"
………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………
Akai: hm…ano kaya ang laman ng bag ni Suoh? Abangan! …para naman malaman niyo…
Amry: haaay naku…pagod na kamay ko! Pramis!
Fuzzy Black Cat: chapter four na ba?
Akai: wag pa…pabasahin mo muna yung mga tao…malay mo may magreview pang isang pinoy…
Amry: o pinay…
Akai: o pinay…
Fuzzy Black Cat: sige na nga…di pa rin kasi tapos yung chapter five… nawawalan na nang long pad…
Akai: di mawawalan ang National Bookstore ng long pad…wag mo nang alalahanin yon…
Amry: sige na! review po kayo ah! Xlamat!
