Akai: This story is certainly going well...

Amry: It's just that we have a lot more stories that are waiting tp be typed that we have to speed this up...

Akai: sige na...dalian na natin...we still have the last part of the Trilogy...

Fuzzy Black Cat: Chapter 5!

Three Two One

Chapter Five

Nakarating sila sa isang mataong lugar na iniilawan ng sangkatutak na neon signs. Nakita nila na pumasok si Suoh sa isang bar na kung tawagin ay VivaVakler.

Natigilan si Idomu. "VivaVakler?"

"So...bakla nga siya..." sabi ni Akira.

"Lika," sabi ni Nokoru at nauna.

Muntik na silang makita habang sinusundan si Suoh papasok ng backdoor.

"Shit...lapit na non ah..." bulong ni Nokoru.

"Paano tayo papasok?" tanong ni Akira.

Naghanap si Idomu ng mga posibleng pasukan. "Ayun! Yung airvent!"

Di nagtagal at gumagapang na sila sa maruming airvent. Kitang-kita nila yung buong bar, at ang mga nakatagong kuwarto.

"Ba't andaming kuwarto na kama lang ang laman?" bulong ni Akira.

"'Wag na nating alamin." sagot ni Nokoru.

"Ah...sandali. Asan si Suoh?"

"SUOH!"

Napatingin ang tatlo sa direksyon ng boses. Nakita nila ang kanilang kaibigan na papunta sa isang kuwarto na may dressing table. Ang tumawag kay Suoh ay isang macho na naka-fitted shirt.

"Ano?" sagot niya.

"Ang daming naghihintay sa iyo!"

"Sabihin mo sandali...magbibihis lang ako."

"No prob!"

"Oist! Osmond sandali! Anong gusto nila?"

"De ano pa? Yung school girl..."

Natawa si Suoh. "Sina Jou yan noh?"

Hindi tumugon ang macho at pumasok si Suoh sa kuwarto. Inilabas niya ang school girl outfit na nakita nina Nokoru kanina at isang pulang thong. Tapos naghubad siya (as in HUBAD) at nagbihis. Iniwan ni Suoh na hindi nakabotones ang kanyang blusa. Sa ikli ng palda ay kapag yumuko siya ay kita ang kanyang pwet. Matapos niyang ayusin ang sarili ay umalis na siya sa kuwarto.

Sinundan nilang tatlo si Suoh papuntang main bar. Doon naghihintay ang isang grupo ng college students. Naghiyawan sila nang makita ang hitsura ni Suoh.

"Naka na dekdek mo Suoh!"

"As usual..." sagot niya.

Tumawa sila ng malakas.

"Sandali, ba't kulang yata kayo?" sabi ni Suoh.

Tinginan yung mga college students. "Di kayang dumating nina Honda at Otogi eh..."

"Hmph...sayang. Matagal ko na kayong di nakita. May balita ba?"

"Ayan..." sabi ni Jou at tinuro ang dalawang katabi niya. "Si Seto at Ryou, magkasama na." Namula ang dalawang pinaguusapan. (OMFR! Seto blushed)

"Sus meh!" sabi ni Suoh. (sus meh to you too!) "'Wag na kayong mahiya! Eh, ikaw Yami..."

"Kami na ni Yugi..." sabi ng isang lalaki na huuwaaat! ang ayos ng kanyang buhok, sabay yakap sa kanyang pandak na look-alike.

"Bakura?"

"Ay! Kaya pala kami andito..." sabi ni Seto. "Anniversary nila ni Noa."

"First aniv?' tanong ni Suoh sa isang lalaki na green yung buhok.

"Oo..."

"Ooooh..." Tahimik sandali si Suoh. "Teka, Jou kayo pa ba ni Otogi?"

"I can't say naman that I'm not proud."

"Ay naku, wala kayong kuwenta." sabi ni Suoh at umalis sa kanilang mesa. Muli siyang tinawag ni Osmond.

"Uy Suoh!"

"Osmond, mukhang mag-isa ka..."

"Darating si Chris...este Charisse...mamaya. Chaka, umalis na si Jericho diba?"

"Oo nga..."

"Psst...ayun doon sa table na yun. Maraming tao, kanina ka pa tinitingnan."

"Ano ka ba!" bulong ni Suoh.

"Hindi nga! Puntahan mo sila..." sumunod naman si Suoh.

"Ohayou!" bati niya. "May kailangan ba kayo?"

"Beer...tsaka...dito ka kaya muna..." sagot ng isa na may asul na guhit sa kanyang mukha. (taruuuussh!)

Umupo si Suoh sa tabi ng isang lalaki na nakasuot ng Chinese get-up.

"Osmond!" sigaw niya. "Beer naman dito!"

Matapos kumuha si Osmond ng beer ay di parin sila nagkikibuan. Pinanuod ni Suoh ang dalawang lalaki, isa yellow nag buhok at yung isa ay may salamin na naghahalikan.

"Ah..." sabi ng katabi niya. "Yan si Max at Kenny, pabayaan mo sila, first night kasi nila eh. Ako nga pala si Rei."

"Ako si Suoh."

"Ako si Kai..." sabi ng lalaking may guhit sa mukha.

"At ako naman si Takao." sabi ng katabi ni Kai.

"Ba't kayo andito?" tanong ni Suoh.

"Nanalo kami sa isang tournament." simpleng sagot ni Takao.

"Ah..." tiningnan niya muli si Max at Kenny. "Gusto ba nila ng kuwarto?"

"Pabayaan mo na sila," sabi ni Kai. "Pero kami gusto namin ng kuwarto."

Umoo si Suoh. "Osmond! Kuwarto nga, tsaka beer!"

"Tangina mo naman, ginawa mo akong katulong!"

"Sige na Osmond please!"

Nakaalis na sina Kai at Takao nang dumating yung beer. Masayang nag-usap si Suoh at Rei. Unti-unti silang naging mas-brusko sa dami ng beer na nakokonsumo nila. Di nagtagal ay biglang hinalikan ni Rei si Suoh. ((Rei Suoh? Huuuwata pairing!)) Agad silang dumeratso sa isang kuwarto. Nakita ng tatlong nasa airvent ang lahat. Kahit bakla silang tatlo at nakaranas na ng alam-mo-na ay di pa sila nakakatika ng ganito ka-brutal. Bumigat ang kanilang kalooban na ganito parati ang nararanasan ni Suoh gabi-gabi. Walang tulog, walang katuturan, walang nadarama. Kahit pa lasing siya ay kitang-kita sa kanyang mata ng pagod at pagkasawa sa araw-araw na ganito. Mukhang si Rei lang yata ang nag-eenjoy. Nagkalat ito sa kama at sa pagod ay nakatulog. Tumingin si Suoh kay Rei ng walang emosyon whatsoever at lumabas sa kuwarto na parang walang nangyari.

Di nakayanan ni Nokoru at gumapang siya papalabas ng airvent. Luha'y malapit nang pumatak.

Akai: what a weird chapter...sana naintindihan ninyo.

Amry: it just goes to show na I'm watching too much ABSCBN and Studio 23.

Akai: sige na kahit okrayin niyo pa ang chapter na ito...basta review!

Amry: taruuuuuuussh! Pasensya na kay Rei at the rest of them...