Akai: oist...hehe...hi uli...

Amry: eto...chapter 6...

Fuzzy Black Cat: haaay! Lapit na pasukan!

Akai: um...yehey?

Amry: ahaha...may bago na tayong tambayan...p

Akai: oo na...Three Two One na...lezzago!

Three Two One

Chapter Six

Sumunod agad si Idomu at Akira. Nang nakalabas na sila ay natagpuan nila si Nokoru sa isang madilim na eskinita. ((hmmm...masasagasaan kaya siya? Malalaman natin! joke!))

"Nokoru! 'Wag ka namang ganyan!" sabi ni Idomu.

"Nakita mo naman siya eh!" sagot niya. "Anong gusto niya? Ba't niya inaabuso sarili niya?"

"Oo Nokoru..." sabi ni Akira. "Nakita rin namin at alam kung ano ang nararamdaman mo..."

"Hindi!" sigaw ni Nokoru. "Di niyo alam kung gaano kasakit..." tumigil siya at umiyak. Betreyal...yun ang nararamdaman niya. Taksil si Suoh. Tama si Nagisa...((huwaaat? Taksil agad? xobra naman!)) Ang kanyang bespren, walang sinasabi na ginagamit siyang outlet ng kahit sinomang baklang gustong makipagkama.

"Nokoru...iba-iba ang nararamdaman natin. Di naman ikaw lang yung natatamaan sa ginawa ni Suoh eh..." sabi ni Idomu.

Walang nagsalita. Maririning na lang ang hikbi ni Nokoru.

"Salamat..." sabi niya sa dalawa. "Di niyo ako dinala sa ganoon."

Nagtinginan si Idomu at Akira. Na-gets nilang dalawa ang ibig-sabihin ni Nokoru, pero bakit sinabi sa kanilang dalawa?

"Ha?" tugon nila.

"Akira," tuloy ni Nokoru. "Di ko nasabi sa iyo na bago naging tayo ay nakasama ko si Idomu..."

Nanlaki ang kanyang mata. "A—"

"Naging kayo ni Akira?" tanong ni Idomu.

"Pansenya na..."

Lahat ng nais sabihin ng dalawa ay nawala nang muling umiyak si Nokoru.

"Nokoru..." sabi ni Idomu. "Walang kaso sa amin yon, demo hindi pa wakas ng mundo."

Inilabas ni Nokoru ang lahat ng kanyang sama ng loob. Pinabayaan niyang makita ng lahat ang tunay niyang anyo. Ordinaryong binata na may kinakatakutan, na may pangarap imbis na magpatakbo ng limampung kompanya. Gusto niyang makapagmahal nang walang limitasyon; ayaw na niyang makulong. Nang malaman niya na si Suoh ay isang prosti ay sumabog na siya. Wala na bang pag-asa?

"Idomu...may kailangan akong sabihin sa iyo," sabi ni Akira habang pinapanood si Nokorung umiyak. "Bago ka dumating sa CLAMP ay nagkaroon ng crush si Nokoru kay Suoh. Demo dating-dati pa yon at nawala nang dumaan ang panahon."

"So?" sabi ni Idomu. "Anong kinalaman—Nokoru 'wag ka nang umiyak."

"Idomu..." sabi ni Akira, mga mata'y naniningning sa luhang ayaw umagos. "Dapat malaman mo kung bakit umiiyak si Nokoru. Nagkaroon ng crush si Nokoru kay Suoh. Nalaman niya na wala na siyang pag-asa dahil kay Nagisa. Ayaw rin niya sabihin sa kanya at baka mapahamak pa ang kanilang pagkakaibigan. Ngayo't nalaman ni Nokoru na si Suoh ay prosti ay di maiiwasang masira ang pagtingin niya sa kanya. Opisyal na siyang walang pag-asang kunin si Suoh para sa kanya—"

"Akira...tama na..." ungol ni Nokoru.

Hindi tumigil si Akira. Lumakas ang kanyang boses at tumulo ang luha sa kanyang mata. "Alam mo ba ang pakiramdam na naiiwanan ka ng lahat ng tao?" tuloy ni Akira. "Walang saysay ang pilit na ngiti na pinapakita mo araw-araw. Walang saysay ang pagod at oras na ginugol mo para lang gumaan ang buhay mo? Araw-araw kang tinutulak! Humihingi lang nang tulong mo kasi magaling ka't lahat lahat! Pero sasawaan ka rin eh! Alam mo yon? Pilit mong tumingin sa bright side! Bwiset na bright side na yan! Walang nangyayari! Madilim pa rin ang ulap! Patuloy na umuualan! Hindi ka makaahon ano man ang gawin mo!" sumuko siya at umiyak.

Natigilan si Nokoru at Idomu. Pareho nilang tiningnan si Akira.Wala silang masabi at pinabayaan siya. Muli silang tumahimik, nakabalot sa kani-kanilang mga problema. Walang nakatulog...

CHANGE SCENE ...OR MAYBE TIME...

Mga 3:45 ng madaling araw nang lumabas si Suoh sa VivaVakler. Nakita nilang tatlo na patungo siyang bahay at umuwi na rin sila.

TBC

Akai: ah...sorry for the short chapter

Amry: hopefully mas mahaba yung susunod...

Akai: we aren't promising anything ha!

Chappie 7: Nokoru, Idomu and Akira visit Suoh's modra! ((mother)) And Suoh meets a lost love...oooh!

Fuzzy Black Cat: maganda yan! irereveal ang past ni Suoh...yaaak...

Akai: taruuuuussh! sige na! review kayo ah!