Akai: we're back again! Woohooo!
Amry: next chappie na!
Fuzzy Black Cat: alam nyo ba digimon? Kasi it'll come in handy pag you know it…yun lang…
Three Two One
Chapter Seven
"Nokoru, babalik pa ba tayo mamayang gabi?" tanong ni Idomu.
"Oo…kailangan natin malaman kung bakit ganoon umasal si Suoh."
Walang tumugon sa kanyang sinabi. Patuloy na nag handa si Akira ng merianda. Pumasok si Suoh na muling dala-dala ang isang malaking bag. Hinihingal siya ng kaunti.
"Nokoru, Idomu, Akira, pasensya na…"
"Kumain ka muna," bati ni Akira.
"Salamat," sabi niya at kumain na parang hindi kumain ng isang dekada. Napangiti si Idomu at dali-daling itinago.
Matapos ng ilang sandaling katahimikan, may tumunog na cellphone na ang ringtone ay Sex and the City. Tumingin silang lahat kay Suoh na tumigil sa kalagitnaan ng pagfafile.
"Suoh, sa 'yo yon?"
"…Ah…sandali…" sinagot niya ang kanyang cell. "…Rei? …Labanan? Russia? …ah, eh, long distance ba 'to?...Bey—ano! Ba't ka tumawag? …Rei, kagabi lang tay—" Napatigil si Suoh at naalalang may kasama pala siya sa kuwarto. "Rei sandali ah…" sabi niya at lumabas.
NGA SIYA'Y NASA LABAS NA…((dan dan dan))
"Rei, di ko masasagot yan…hindi ngayon…ano ka ba…hindi kita ginamit...teka, paano mo nalaman cell number ko?" Namula si Suoh sa sagot ni Rei. "So…alam mo na?"
"Oo…" sagot ni Rei sa kabilang linya. "Isa pang rason kaya kita gustong makasama, alam kong Takamura ka."
"Naghahanap ako eh..." ang nasagot ni Suoh.
"Di mo na kailangang maghanap...andito na ako. Masaya kang kasama."
"Rei..." nanghihinayang na si Suoh. "Ibang-iba tayo. Hindi pwede and long distance relationship na akin. Sorry talaga, di ko kasi alam ang gusto ko."
"Ala—"
"Rei makinig ka...may masbabagay sa iyo at di ako yon. You deserve better. Demo, salamat Rei."
"Suoh, kung wala ka talagang mahanap, nandito lang ako."
"Same to you...salamat chaka Good Luck." sabi ni Suoh at binaba yung phone.
Hindi siya pumasok sa Council room ng ilang sandali. Minulat ni Rei ang kanyang mata. Ano nga ba ang gusto niya? Parang buhay na niya ang maging prosti. Hindi na niya pinapahalagahan ang mga kinakama niya. Di ba't maghanap ang pangunahing rason niya? Eto si Rei, gusto siyang maging boyfriend pero ba't ayaw niya? Sino ba talaga ang gusto niya? Dapat ba siyang maging prosti para makahanap ng kaligayahan? Bumigat ang loob ni Suoh. Huming siya ng malalim at pumasok sa council room.
"Suoh, ano yon?" inosenteng tanong ni Nokoru.
"Wag ka nang maabala." sabi niya sabay tambak ng paperwork sa kanyang mesa.
CHANGE SCENE
Muling sinundan nina Akira, Nokoru at Idomu si Suoh papuntang VivaVakler. Muli rin silang gumapang sa airvent upang panoorin siya. Tumingin si Idomu kay Nokoruy na parang nagaalala. Ngunit, sa isip-isip niya, ay determinado naman si Nokorung gawin to.
"Suoh," tawag ni Osmond. "May gustong makausap sa iyo."
"Ha?"
"Ayaw niya ng iba...ikaw lang ang gusto niya."
"Asan ba siya?"
"Ayun...sa dulong table."
Napatingin si Suoh. Binata ang nakaupo sa dulong mesa. Siya'y nag-iisa. Ang kulay-dagat niyang buhok ay nakatakip sa kanyang mukha pero kita pa rin ni Suoh ang kanyang mga mata. Sa mga matang iyon ay nakit niya ang kalawakan. ((yaaaak!)) Puno ng iba't ibang emosyon na nagpakilig sa puso ni Suoh.
"Kouichi..." bulong niya. Tumingala ang binata sa kanya at nagsalubong ang kanilang mga mata.
FLASHBACK
"Suoh...may kailangan akong sabihin sa iyo..." tawag ni Kouichi.
"Oh...malungkot ka yata. Bakit?"
"Di tayo pwedeng magkasama."
Namutla si Suoh. "Ichi..."
Hindi siya tumingin sa kanya. "Suoh...we're through." sabi nalang niya at iniwan si Suohng nakatunganga.
END FLASHBACK
Biglang napaluha si Kouichi. Yinakap siya agad ni Suoh. Walang nagsalita. Ang lahat ay nailabas sa isang matamis na halik.
Natigilan si Nokoru na parang yelong nanonood kina Suoh. Tumingin si Idomu sa kanya.
"Nokoru...okay ka lang?"
Hindi siya tumugon. Nagtinginan sina ni Akira, iisa ang kanilang tanong. Sino ba tong si Kouichi?
Hindi sila gumalaw habang tumungo si Suoh at Kouichi sa isang bakanteng kuwarto. Nang magsimula na silang magsumpaan, nagpanick si Akira sa hindi paggalaw ng kanilang SC president.
"Nokoru! Nokoru halika na! Alis na tayo!"
"Hinde..." sabi niya.
"Hinde? Anong hinde?"
"Hindi tayo uuwi."
"La namang kaming sinabi na uuwi tayo eh..." tugon ni Idomu.
Tumingin si Nokoru sa kanya. "May oras pa ba?"
"Oo"
"Taralets."
"Ha?" protesta ni Akira habang gumapang sila papalabas ng airvent. "Saan tayo pupunta?"
"Sa bahay nila Suoh. Kakausapin natin nanay niya." sabi ni Idomu.
"Malalaman na natin ang lahat" sabi ni Nokoru.
TBC
Akai, Amry and Fuzzy Black Cat: abangan! Taruuuuuuusssh!
