Lahat ng ito ay walang katotohanan. Si Bryan at Mark ay pawang likha lamang ng aking imahinasyon.

ANG TUNAY NA KAIBIGAN

Gago sila. Gago sila.

Naglalaro sa isipan ko ang nangyari sa akin kaninang nasa eskwelahan ako ng Sweet Valley Middle School. Wala akong mga kaibigan. Kakalipat lang namin galing New Jersey. Nag-Iisa. Ayoko makihalubilo dahil hindi ko matanto kung ano ang mayruon nilang mga ugali at takot ako na baka hindi nila ako tanggapin. May mga barumbado pa sa mga eskwelahan ng Sweet Valley Middle School. Naka salubong ko ang mga barumbadong kanina sa locker at hiningan ako ng pera. Ewan ko ba sa kanila kung bakit ganun sila. Para bang humihingi sila ng kotong na hindi naman bagay sa kanila. Kapag hindi mo binigyan ng pera, tatakutin ka nila at bubugbugin. Wala naman lakas loob ng mga estudyante ng Sweet Valley Middle School na magsumbong sila sa principal dahil kinatatakutan sila ng mga buong estudyante ng Sweet Valley Middle School.

Ako nga pala si Bryan Sanchez, labing limang taong gulang na at nasa Grade 9th ng Sweet Valley Middle School. Matangkad, payat, pahati buhok, may salamin sa mata at sa unang tingin ng mga tao sa akin ay walang ka kwenta kwenta. Hindi ako cool sa paningin ng mga tao dahil ang tawag nila sa akin ay nerd. Oo nga, nerd ako pero kahit papaano ay ipinagmamalaki ko ang mga libro at ang aking katalinuhan na kahit minsan, nakakalungkot isipin na hindi ako ganun ka gwapo tulad ng iba at ganun ka sikat. Ang gusto ko lang naman ay may makaintindi sa akin. Isang kaibigan na naandiyan lagi sayo kahit anong mangyari. Mahirap kase kapag bagong lipat ka at malayo ka sa mga pinakamamahal mong mga kaibigan. Ang tunay na kaibigan na hindi ka iiwan.

Nakahiga sa higahan, nag-iimahin sa utak ko ang isang lalakeng may maskara sa mukha at may forehead protector sa kaliwang mata. Galing ako sa eskwelahan at sa sobrang pagod ko, nagmadali ako nagbihis at nagpahinga ng sandali ngunit inaalala ko pa rin ang mga masamang nangyari sa akin kanina sa Sweet Valley Middle School.

"Ha ha ha", ang pabiro kong tawa ko sa sarili ko. "Isang imahinasyon ka lang. Hindi ka naman totoo e!", Sabi ko sa sarili ko na may sama ng loob. Sa sobrang lungkot ko, kung anu ano na lamang ang ini-imahin ko sa loob ng isipan ko. Ang hirap kapag nag-iisa ka.

"Ano sabi mo? Hindi ako totoo?", Sabi ng boses.

"Hindi ka nga totoo", Sagot ko sa kanya.

"Sigurado kang hindi ako totoo?", Sabi ulit ng boses.

Habang nakapikit ang aking mga mata ay para bang may pakiramdam ako na hindi ako nag-iisa. Nagtataka akong ibuklat ang aking mga mata at sa nakita ko, isang ninja na nakatayo mismo sa aking harap. Napasigaw ako at halos napatalon ako sa takot sa nakita ko.

"Si.. si.. sino ka?", Sabi ko, sabay turo ko sa kanya. Nanginginig ako sa takot. Siya ang ini-imahin ko sa utak ko. Hindi ko malaman sa sarili ko kung nanaginip lang ako o hinde.

"Ako yung kaibigan mo na likha ng iyong isipan", Sagot niya at pagkatapos nun, dagdag pa niya. "Ako si Kakashi Hatake"

Mamaya maya pa lamang, narinig ko ang mga kaluskos ng mga paa galing sa ibaba paakyat sa aking kwarto. Nagmamadali. Kinabahan ako ngunit huli na ang lahat ng pumasok ang nanay ko sa kwarto ko.

"Anak! Ano ba ang nangyayari sa'yo?", Ang gulat na gulat na tanong sa akin ng nanay ko. Sa inaakala kong tatawag ang nanay ko ng pulis dahil sa nakita niyang isang estranghero na pumasok sa aking kwarto, inisip ko na mas mainam na ganun ang mangyari sa kanya sapagkat pumapasok siya sa kwarto ko na walang pahintulot ngunit para siyang walang nakita.

"Si.. si Kakashi Hatake", Sabi ko sa kanya na may pagkanginig ng boses. "Andito siya", Tumingin ako sa nanay ko pagkatapos, tumingin rin ako kay Kakashi.

Nakasimangot ang nanay ko sa akin na para bang nagsasabi na hindi na ako bata upang mag-imahin ng kahit sino na lamang.

"Hay! Naku!", Sabi ng nanay ko na sabay iling. "Iho, nanaginip ka lang. Bumaba ka na rito upang maglinis ka ng sala rito" , Ang pautos niya.

"Pero Nay-",

"Hep.. hep..", Sabi niya na bago pa ako makapag salita. "Dahil wala ang kapatid mo, ikaw muna ang maglilinis ng sala dito.", -at pagkasara ng pinto ay panay bulyaw pa rin ng nanay ko ng narinig ko bumaba siya ng hagdanan. "Mga anak natin ang tatamad at walang ginawa kundi magkulong sa kwarto!"

Napanganga ako sa nakita kong pangyayari. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa higahan ko at sa pagkapalupot ko sa sarili ko sa takot at saka lumapit kay Kakashi. Tumingin ako ulo hanggang paa sa kanya at sabay napasambit ko na, "Bakit ganun? Hindi ka nakita ng nanay ko?"

"Hindi talaga ako nakikita ng nanay mo", Sabi ni Kakashi. "Ako ang likha ng imahinasyon mo"

"Ha? Ikaw?", Nagulat ako na napatanong sa kanya. Napahimas ako sa ulo ko. Hindi ko malaman sa sarili ko kung ako ba ay nasisiraan ng ulo o hinde.

Ipinisil pisil ko ang mga braso at ang katawan niya. Totoo siya. Hindi siya multo pero nakakalitong isipin na isa ko raw siyang imahinasyon. Siguro, sabi lang niya 'yun.

"Sino ka ba sa buhay ko?", Tanong ko. "Anong gagawin mo ngayon rito? Aso ka na lang ba na susunod sunod kahit saan ako magpunta?"

"Kaibigan mo ako", Sabi ni Kakashi. "Sa oras ng hirap at ginhawa, popotektahan kita"

Napaatras ako sa sinabi niya. Sabagay, isa siyang ninja. Paano naman niya gagawin iyon kung hindi siya nakikita ng mga tao? Hindi nga siya nakita ng nanay ko kanina e at ang problema, baka sabihin nila na nagsasalita ako mag-isa sapagkat hindi nila nakikita si Kakashi Hatake.

"Bryan!", Sigaw ng nanay ko galing sa ibaba. "Maglinis ka ng sala rito!"

Halos gusto ko ng magtago sa ilalim ng lupa. Anong gagawin ko kung laging nakasunod si Kakashi? Hindi kaya isipin ng nanay ko na para akong sira ulong nagsasalita mag-isa?

"Maglinis ka na raw", Sabi ni Kakashi.

"Sige", Sabi ko, sabay bukas ng pinto upang bumaba at sumunod siya sa aking likod. "-pero huwag kang susunod sa akin baka mapagkamalan akong sira ulo niyan"

"Sira ulo?", Sabi ni Kakashi sa akin. "Ako ang body guard mo at ayokong hayaan kita sa oras na may darating na sakuna na mangyayari sa'yo"

Kinabahan ako. Bahala na. Wala na ako magagawa.

xxxxx

"Bukas, papasok ka sa eskwelahan at susunod pa rin ako sa'yo upang bantayan kita", Sabi ni Kakashi na nakaupo sa sala. Walang kahirap hirap na nakaupo siya sa aming sala at nakatingin siya sa akin na nakikipag-usap sa akin. Tumulo ang pawis ko. Hindi ko alam kung sasagot ako o hinde.

"Um… um… oo", Mahina na sagot ko kay Kakashi habang naglilinis ako ng sala. Bawat tanong niya sa akin ay 'oo' na lang ako ng 'oo' sapagkat hindi ako komportable sa sitwasyon ko. Ang nanay ko ay naghuhugas ng plato sa kusina namin. Malapit lang ang sala namin sa kusina namin at sa pagkakataon na marinig niya ako na may kinakausap ako ay baka sabihan niya akong sira ulo. Mahirap ang walang katulong kaya sa kasalukuyan ay kami ang gumagawa ng gawaing bahay rito.

Natapos ko ang lahat lahat maglinis ng sala. Kapag nakikita ako ng nanay ko, hindi ko na sinasagot ang tanong ni Kakashi. Whew! Ang hirap talaga. Gusto ko talaga magtago kahit saan huwag lang dito sa bahay ko. Hanggang umabot na ng gabi at sa kinabukasan, nakasunod pa rin siya sa akin. Malaya lang kami nakakapag-usap kapag lahat ng tao sa bahay namin ay tulog na.

xxxxx

Kinabukasan, naglalakad ako papunta sa eskwelahan namin. Ganun pa rin ang trahedya ko. Ganun pa rin ako na hirap na hirap ako makipag-usap kay Kakashi. Minsan, pabulong pa. Nakarating na ako sa eskwelahan. Nang kasalukuyan inilagay ko ang mga libro ko sa locker at ikinuha ko ang librong math, may nagsigawan sa loob ng koridor.

"Mga tropang sphinx! Andiyan na!", Takbuhan sila na parang mga dagang hinahabol ng pusa. Pumapasok sila sa sarili nilang silid aralan at ang iba naman ay nag-aalisan na. Ako lang ang walang pakialam. Marami akong iniisip. Ang iniisip ko kung paano ang gagawin ko kung lagi na lamang nakadikit sa akin si Kakashi e hindi nga siya nakikita ng tao at dahil sa kakaisip ko, hindi ko namalayan ang mga barumbadong taga Sweet Valley Middle School namin ay dumating na sa koridor. Ako lang ang nakita pero hindi ko namalayan na naandiyan na pala sila.

Naramdaman ko na lamang ang mabigat na kamay na pumatong sa aking balikat. Sobrang bigat at iniharap ako sa kanya at sabay ibinagsak ako sa dinding ng mga locker. Ang pinuno ng sphinx ang nakaharap ko. Masyado siyang malaki at matangkad. Matapang ang mukha na parang mamamatay tao. Napalunok ako at dahil sa takot, hindi ko namalayan kung gaano kasakit ang ginawa niyang pagbagsak sa akin sa dingding ng mga locker.

"Ikaw na naman!", Sabi niya na may galit sa tono niya.

Nagtawanan ang mga iba niyang ka tropa. Naloko na!

"Yung katulad mo ay hindi na kailangan pumapasok sa ganitong klaseng eskwelahan dahil hindi ka bagay rito. Mga poging's lang ang naandito", narinig kong sabi ng isang ka tropa niya sabay tawa niya at ang iba niyang ka tropa na pinagtatawanan ako.

Halos maiyak iyak ako ng hinawakan ng mahigpit ng pinuno ng tropang sphinx ang colar ng polo ko. Nahulog ang libro kong math at ang kwaderno ko sa tindi ng impak sa akin sa locker at sa pagkakahigpit ng hawak niya sa colar ng polo ko.

"Ahem", Narinig ko si Kakashi.

"Kakashi…", Malumanay na sabi ko.

Mabilis na ikinuha ni Kakashi ang damit na suot ng pinuno ng tropang sphinx at sabay niya iniharap ito sa kanya. Nakawala ako sa higpit ng pagkakahawak ng pinuno ng tropang sphinx at nakita kong kinarate niya sa pamamagitan ng kamay at ang kanyang paa. Itinamaan ni Kakashi sa pamamagitan ng kamao niya ang tiyan ng pinuno ng tropang sphinx at dahil duon, namilipit ng sakit ang pinuno ng tropang sphinx at pagkatapos nun, isinipa niya sa pamamagitan ng paa niya katulad kay bruce lee at sa sobrang lakas, napahagis siya at natabunan niya ang kasama niyang ka tropa sa pagbagsak niya nito.

"Ano 'yun? Ano yun?", Ang natatakot na sabi sa isa sa mga ka tropa nila. Patingin tingin sila sa paligid pero wala silang makita.

"Multo ba yun?", ang narinig ko sabi ng isa.

"Tara na pre!", Yaya ng isa na takot na takot. Tumayo ang pinuno ng sphinx pati ang taong nadaganan niya at silang lahat ay nagtakbuhan na parang hinahabol ng isang malaking dragon.

Ipinulot ko ang nahulog kong librong math at ang kwaderno.

"Ikaw kase", Sabi ni Kakashi. "Kanina pa lamang nang papasok ka na, sinabihan mo ako na huwag susunod para hindi ka mapagkamalang sira ulo kaya ginawa ko kung ano ang kagustuhan mo. Tingnan mo, kung hindi pa ako dumating, kawawa ka ngayon sa taong ipinaglihi sa mga langgam. Langgam ang tawag ko duon dahil makikitid ang utak nila. Wala silang ginawa kundi manakit ng kapwa nila."

"Oo na", Sabi ko na naglalakad ako papunta sa unang klase ko. Naalala ko kung papaano ko sinabihan si Kakashi na huwag siya susunod sa akin na nasa labas ako ng eskwelahan para maging normal ang aking buhay. Kaya, pansamantala siyang nawala ngunit bumalik siya upang ipagtanggol ako sa mga barumbadong gumagala gala sa Sweet Valley Middle School pero ngayon, ma swerte ako, halos wala ng masyadong estudyante sa koridor. Malamang, karamihan sa kanila ay nasa loob na ng silid aralan. "Natatakot lang kase ako mapagkamalan na sira ulo e"

"Ganun ba?", Tanong ni Kakashi na sumusunod pa rin siya sa aking paglalakad.

Pagdating sa labas ng silid aralan, napahinto ako at napatingin kay Kakashi. "Salamat at tinulungan mo ako"

Napangiti siya at sabay sabi, "Ako ang taga potekta sayo. Huwag kang mag-alala. Kung gusto mo, kakausapin kita kung sakaling may pagkakataon na walang tao para hindi ka mahirapan. Tamang lugar kung baga. Sige, pasok ka na. Hintayin ko na lang ang paglabas ng klase mo."

Napangiti ako at sabay ko tinanggal ang tingin ko sa kanya upang pumasok sa silid aralan ko. Umupo ako sa pinakahuli ng silid aralan namin sa kanan malapit sa may bintana. Wala pa ang guro namin. Malamang, huli siyang dumating pero hindi naman sobra. Alam kong mamaya, kasama ko na naman si Kakashi. Alam ko rin na naghihintay rin siya sa paglabas ko. Hindi ko na kinakailangan pag-isipan ng paraan kung paano siya maaalis sa buhay ko. Siya ang kaibigan ko na makakasama ko sa hirap at ginhawa.

xxxxx

Trenta minutos na lamang at wala pa rin ang guro namin sa math. Naiinip ako. Napatingin tingin ako sa mga paligid ko. Nakita ko ang lalakeng may dilaw na buhok na nakasuot ng orange suit. Napansin ko rin na ang lalakeng may suot na asul na damit at kulay itim ang kanyang buhok. Anduon rin ang babae na may kulay pink na buhok. Binuklat ko ang libro ko sa math at ibinabasa ko ang magiging bago naming leksyon at hindi ko na lamang sila pinansin. Sa loob ng puso at damdamin ko, nalulungkot ako at naiingit sa kanila. Ang gaganda at ang kagwapo ng mga estudyante ng Sweet Valley Middle School. Ako lang ata pangit.

"Gaano ka ba katalino at may pabasa basa ka pa ng libro?", Sabi ng boses na may pait sa kanyang tinig.

Napatingin ako. Si Mark. Ang pangalawang pinakamatalino sa amin. Hindi ko malubos maisip kung bakit lagi na lamang siya naiinis sa akin samantalang nasa kanya na ang lahat. Gwapo, mayaman, maraming babae na naghahabol sa kanya at matalino kaya lang, nangunguna ako sa pinaka mataas na grado sa buong subject at siya lang ang pangalawa. 'Yun lang ang pagkakaiba namin. Pati ang pagiging numero uno ko ay gusto niya pang agawin. Hindi pa kaya siya kuntento nun?

Ang mahirap nito, katabi ko pa siya sa unahan ng kinauupuan ko. Umupo siya at tumingin siya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng libro ko sa math.

"Hindi ka dapat nararapat dito sa eskwelahan namin. Mayayaman at hindi pangit ang mga nag-aaral dito", Sabi ni Mark na may pang-aasar.

Kumulo ang dugo ko ngunit nagpigil ako nang may biglang nagsalita.

"Mark", Sabi ng boses. "Pambihira ka naman. Huwag mo naman kawawain ang bagong lipat at bagong estudyante rito sa Sweet Valley Middle School"

Napatingin ako sa nagsasalita. Ang lalakeng may dilaw ang buhok. Tumingin siya sa akin at napahimas siya sa ulo niya. Ngumisi ngisi pa siya.

"Ako nga pala si Naruto", ang pagpapakilala niya sa akin. "Hayaan mo siya sa pagiging asasero niya"

Napangiti ako. May natitira pa palang mabait.

xxxxx

Natapos ang klase namin ng hapon. Lumabas ako ng silid aralan at napasandal sa isa sa mga dingding. Naisip ko ang sinabi ni Naruto sa akin na keyso huwag raw akong kawawain. Hinintay ko mawala ang mga estudyante sa loob ng silid aralan hanggang ang naiwan na lamang ay si Mark. Nakatingin sa kawala. Hindi ko siya pinansin. May sarili akong iniisip. Ang pakiramdam ko ay buong mundo ko ay gunaw na walang nakakaintindi sa akin. Ayoko na tawagin akong kawawa. Naiinis ako.

Sa isang kisap mata, nagpakita si Kakashi sa harapan ko. Hindi ko siya napansin na kanina pala siyang wala sa harapan ko.

"Uy..", Sabi niya. "Bakit ka nakasimangot? Para kang natabunan ng malaking bato a"

"'Yung sinabi ni-", Napatigil ako. Narinig ko nagsasalita si Mark. Napasilip ako sa loob ng silid aralan namin at nakita ko siya na may kinakausap sa hangin.

U-uy? Sira ulo ba siya?

"Zabusa", Sabi ni Mark. "Nagpapasalamat ako na kahit papaano ay hindi ka umalis sa tabi ko. Ikaw lang ata nakakaintindi sa akin"

Napa-iling ako. Nanaginip yata ako. Umalis ako kaagad at sabay sabi kay Kakashi. "Tara na, alis na tayo", Sabi ko na medio nagmamadali sa paglalakad. Katulad kaya ako nun? Napa-iling ako. Hindi naman ata.

"Okay ka lang ba?", Tanong niya sa akin ni Kakashi na habang kasunod pa rin niya ako sa paglalakad.

"A?", Sabi ko. Kinabahan ako. Nangangarap na sana hindi niya matuklasan ang iniisip ko. "Okay lang ako", Napangiti ako sa kanya.

Naglalakad ako sa may koridor nang nakita ko galing kaliwa na biglang nagpakita ang mga tropa ng mga sphinx. Nanlaki ang mga mata ko. U-oy!

"Kakashi!", Sabi ko na may pagkaba sa dibdib ko. "Sa kabila tayo dali!"

Hindi pa rin umaalis si Kakashi sa ginagalawan niya pero ako medio napatakbo ako ng palayo.

"Kakashi!", Tawag ko sa kanya. "Alis na tayo!"

"Popotektahan kita sa oras na saktan ka nila!", Sagot ni Kakashi na hindi pa rin tumitinag.

Malakas ang pagtibok ng puso ko. Ayoko mangyari na saktan uli niya ang pinuno ng tropang sphinx dahil alam kong kapag naulit na naman ito baka kumalat sa buong eskwelahan ng Sweet Valley Middle School ang tungkol sa akin. Mahirap na.

"Kakashi! Hayaan mo na sila!", Tawag ko. Sa wakas, sumunod siya sa akin at sabay kami tumakbo sa kabilang hagdanan pababa.

"Ayun! Pre! Habulin natin!", Narinig kong isa sa kanila ang sumigaw. Tumulo ang pawis ko at sabay pa ang pagtibok ng puso ko. Humihingal ako sa kakatakbo na kasunod ko si Kakashi pababa ng hagdanan. Tumatakbo kami sa koridor at sa kadulo duluhan ay nakikita ko na ang pintuan palabas ng eskwelahan. Hindi ko napansin sa medio malayong distansya ay biglang humarang ang malaking lalake na hindi ko kilala. Napag-utusan ang isa sa mga ka tropang sphinx na harangin ako sa kabilang daan at dahil sa malaki siya, inatasan siya na gawin yun. Isa siya sa mga ka tropang sphinx. Nakabukaka ang dalawang paa niya at ang kanyang dalawang kamay niya ay akmang pipigilan niya ako sa pagtakbo.

"Magtiwala ka!", Sabi ni Kakashi.

Bago ako makapagsalita ay bigla na lamang niya ako hinawakan sa katawan at buong lakas niya hinagis ako sa itaas. Isang segundo, bigla siya nawala sa likod ko at ako naman ay parang ibong lumilipad sa itaas. Nailampas ko ang lalakeng malaki na katropa ng sphinx dahil para akong ibon na lumipad galing sa itaas nito at sa akala kong madidisgrasya ako sa pagbagsak, isang segundo pa lamang ay nagpakita sa likod ko si Kakashi. Isinalo ako ng dalawa niyang kamay at pagkatapos nun, nagpatuloy kami tumakbo.

Halos naligo ako sa pawis sa kakatakbo. Hindi ko na magawa tumingin sa aking likuran at kahit ganun na lamang na hinahabol ako ng mga ka tropang sphinx, nagpapasalamat kami at nakalabas kami sa wakas sa eskwelahan ng pinapasukan ko.

Tumatakbo ako na halos pudpud na ang talampakan ng aking dalawang paa. Hangin na humahampas sa aking mukha ay dulot sa pagtakbo ko ng mabilis. Hindi ko namamalayan kung nakakasunod pa si Kakashi sa akin. Malakas ang pagtibok ng puso ko at sabay akong humihingal na halos wala ng katapusan. Tumingin ako sa likod kahit saglit. Anduon pa sila sa may likuran ko. Medio malayo layo sila sa akin at patuloy pa rin nila ako hinahabol ngunit, kanina pa lamang ng tumingin ako ng saglit sa aking likuran upang malaman ko kung hinahabol pa rin ako ng mga barumbado sa Sweet Valley Middle School, napansin ko na wala si Kakashi.

Magaling! Bwiset na Kakashi na 'yan! Asan ba siya nagpupunta?

Mahabang kilometro ang tinakbuhan ko. Ewan ko ba. Hindi ko na mabilang ang mga bahay at puno na dinadaanan ko. Biglang nagpakita si Kakashi sa harapan ko at nabangga ako at napasampak ako sa may lupa.

"Kakashi!",

"Tumayo ka", Sabi niya. Ikinuha niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa colar ko at itinayo ako. Niyakap ako at sa isang saglit ng usok ay nasa malaking damuhan na kami. Napatingin ako sa lugar ko.

"Asan na ba tayo?", Tanong ko sa kanya.

"Shhhh", Bulong ni Kakashi sabay ligay niya ng hintuturo sa labi ko. "Huwag kang maingay. Nagtatago tayo rito"

Nakatago kami sa mga malalaking damuhan. Kahit medio hindi ako komportable sa pinagtataguan namin na baka may ahas na nakatago diyan sa may tabi tabi ay wala akong pakialam kahit may lamok pa gumakagat kagat sa maselan kong balat kaysa naman pag tripan na naman ako ng mga barumbadong taga Sweet Valley Middle School. Nakaharang sa amin ang malalaking damo at dahil sa medio dumidilim na ang kalangitan sa itaas, mahirap din kami makita ng tropang sphinx.

Nakita ko silang napahinto ang anim na kalalakihan ng mga tropang sphinx. Humihingal sila sa kakatakbo.

"Asan na kaya 'yung pangit na 'yun?", Sabi ng isa sa kakilala nila na nakalagay ang dalawang kamay niya sa dalawang tuhod niya. Para silang aso na humihingal sa pagod.

"Duon", Sabi ng pinuno ng tropang sphinx sa mga ka tropa niya at dumiretso sila sa pagtakbo. Hinintay ko sila mawala sa paningin ko bago kami lumabas. Kasunod ko pa rin si Kakashi.

Nanginginig ako sa inis at galit sa sarili ko habang nagsimula naglakad sa walang pinatutunguhan. Pakiramdam ko na ayoko ng umuwi sa bahay. Ayoko na pumasok uli. Sana na lamang may bumuka na lupa sa nilalakaran ko at lamunin ako ng buhay. Nagagalit ako sa sarili ko. Ako na lamang lagi ang pinag-kakaisahan. Ako na lamang ang kinakawawa. Pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Naruto sa akin na keyso huwag akong kawawain. Nasasaktan ako at dahil duon, halos namumuo ang luha ko sa aking mga mata. Gusto ko na umiyak ngunit nagpipigil ako. Nagagalit ako sa lahat ng tao na nakakapaligid ko dahil hindi ko malaman kung bakit pa sa umpisa pa lamang ay naisipan ng mga magulang ko na lumipat rito galing sa New Jersey. Hindi ko na makakayanan ang bigat ng nararamdaman ko.

"Ano ba ang problema mo?", Tanong sa akin ni Kakashi na may pag-aalala. Kasunod niya ako sa paglalakad at napansin niya na hindi ako naglalakad pauwi sa bahay namin.

Napansin ni Kakashi na may iniisip akong malalim. Hindi ko siya sinagot. Ang totoo lang, naiiyak ako. Ayoko lang harapin siya at isipin niya kung gaano ako kahina.

Sa paglalakad ko, napansin ko na may open field sa kanan. Duon ako nagpunta. Walang tao at malawak. Napansin ko na gabi na pala. Hindi ko inisip na umuwi ako sa bahay ko. Nagagalit ako.

"Ano ba ang problema mo? Bakit andito ka nagpunta? Umuwi ka na sa bahay mo", Sabi ni Kakashi sa akin. Nakatayo siya sa kinatatayuan niya at ako naman ay iniwan ko siya na nagtataka. Naglalakad ako medio palayo sa kanya at nasa likuran ko siya na hindi pa rin tumitinag sa kinatatayuan niya. Napahinto ako at hinarap ko siya na tumutulo ang luha ko. Hindi ko napigilan ang patak ng aking mga luha at sa sama ng loob ko, lahat ng galit ko ay napabuntong ko kay Kakashi.

"Ang sabi sa akin ni Naruto...", Sabi ko na walang pigil ang pagtulo ng luha ko. Masakit sa akin ang lalamunan ko at para bang tuyo ang laway ko sa sama ng loob ko. "…sabi …sabi sa akin ni Naruto na kaawa awa ako pagkatapos.. pagkatapos.. ako na lang pinag-kakaisahan kapag nasa eskwelahan ako! Dahil sa'yo! Nagkamalas malas ang buhay ko! Ang akala mo kung sino kang malakas! Lagi na lamang ako ang talunan! Lagi ako dumedepende sa'yo!"

Yumuko ako at parang tupa na sinabi ko kay Kakashi. "Patawad Kakashi. Hindi ko sinasadya na pati ikaw ay nabuntungan ko ng galit." Nanginginig ang boses ko at patuloy pa rin ang pagluha ko sa aking mga mata. Masyadong masakit ang aking nararamdaman at halos ang kulang na lang ay manirahan na lang ako mag-isa upang wala ng taong manakit sa akin.

Lumapit sa akin si Kakashi. Inilagay niya ang dalawang kamay sa aking balikat. Nahihiya ako tumingin sa kanya sapagkat hindi ko namalayan sa aking sarili kanina na sa kanya ko pala naibuhos ang galit ko. Ang galit na halos kontrolado ng aking puso at hindi ko na alam kung sino ang pinagbubuntungan ko.

"Kung gusto mong lumakas, matuto ka maging matapang", Sabi niya. "Tatagan mo ang iyong kalooban. Isipin mo na hindi ka nila kayang apiin at tratuhin na parang isang basahan. Kulang ka pa sa karanasan para matutunan mo ang dapat mong matutunan."

"Ano ang ibig mong sabihin?", Naitanong ko sa kanya.

"May mga bagay kapag lagi na lamang kamalasan ang nararanasan mo at lagi mo nararamdaman ang pag-iyak mo galing sa mga mata mo, mapapagod ka sa palagiang ganung sitwasyon. Ang sasabihin mo sa sarili mo na, ayaw mo ng umiyak. Ang sasabihin mo na malakas ka na at lahat ng 'yan ay base sa mga nararanasan mo", Ang paliwanag ni Kakashi sa akin. "Matuto ka."

Ipinunas ko ang mga luha ko sa mata sa pamamagitan ng aking mga kamay at natawa ako ng malumanay.

"Ang drama ko", Sabi ko kay Kakashi na bumalik ako sa pagkakasigla. "Turuan mo ako ng mga teknik mo. Pakiramdam ko, gusto ko maging ninja na katulad mo para sa ganun, hindi na ako masasaktan uli"

"Ganun ba?", Naitanong ni Kakashi sa akin. Tumalikod siya sa akin at sabay sabi, "Umuwi ka na. Siguradong nagugutom ka dahil hindi ka pa kumakain."

Lumakad siya at ako naman ay sumunod sa kanya. Sinuntok ko siya ng pabiro sa balikat niya. Mahina lang. "So, ano? Mister Kakashi Hatake? Na laging 'hinahatake' kapag hinahabol ka at nawawala ka ng wala sa oras?", Natawa ako ng malumanay. "Tuturuan mo ba ako? Pakitaan ko lang ang mga tropang sphinx na hindi na nila ako kayang apiin pa."

"Gusto mo talaga?", Tanong ni Kakashi. Nag-aalinlangan. Naglalakad kami pauwi na sa bahay ko.

"Oo naman", Sagot ko. Nawala ang sakit ng puso't damdamin ko na kanina pa lamang ay gustong sumabog na parang bulkan at dahil kay Kakashi, nag-iba ang mundo ko.

"O sige, tuturuan kita", Sabi ni Kakashi.