ANG PAGIGING MATAPANG

"Gising!",

"Tumahimik ka! Antok pa ako e!", Ang sagot ko kay Kakashi na may pagkakairita.

"Huli ka na sa klase mo", Sabi ni Kakashi. Niyuyugyog niya ako sa higahan ko para magising ako.

Nang sinabi ni Kakashi ang katagang mahuhuli ako sa klase, napatayo ako na natataranta galing sa higahan ko at nagmadali ako naghanda para sa pagpasok ko.

Sa kasalukuyang naglalakad ako papunta sa eskwelahan ko, ang sabi ni Kakashi sa akin, "Sa eskwelahan kita tuturuan ng teknik na kakaiba"

"Huh?", Nagulat ako sa sinabi ni Kakashi. Pabulong pa rin ako na kinakausap ko siya sapagkat may mga tao akong nakakasabay na naglalakad sa daan. "Nagbibiro ka ba? E kung matuklasan ng mga ibang mga taga Sweet Valley Middle School na ang nagtuturo sa akin ay isang multo?"

"Hindi ako multo", Sagot niya. "Ako ay likha ng imahinasyon mo"

Si Kakashi talaga! Hanggang ngayon ay ganun pa rin ang nasa isip niya!

Ayoko maniwala sa sinasabi niya sapagkat kung hawakan ko siya ay totoong totoong tao siya pero maaaring sinabi niya ay totoo rin. Bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kung papaanong hindi nakita ng nanay ko si Kakashi. Bumalik rin ang ala-ala ko kung paano ang mga ka tropang sphinx na takot na takot sa nangyari nang ipinagtanggol ako ni Kakashi na sa inaakala nilang multo ang kagagawan nun.

"Naniniwala na ako sa'yo", Sabi ko sa kanya.

Umaga ng 7:00 ay medio marami rami ang mga estudyante na nagsisimula ng pumasok sa gate ng eskwelahan ng Sweet Valley Middle School. Isa sa mga estudyante na nagsisimulang pumasok sa gate sa mga libong libong estudyante ay si Mark. Napansin ko siya.

"Pansin mo ba 'yung kasama niya?", Tanong ni Kakashi na kasunod ko siya sa paglalakad. Nauuna si Mark sa akin sa pagpasok niya sa gate. Nasa likuran niya ako medio malayo sa akin. Mabuti na lamang at hindi niya ako napansin. "Si Zabusa"

Zabusa! Paano nalaman ni Kakashi na may kasama si Mark? At bakit siya lang ang nakakakita sa kasama ni Mark?

Bumalik sa ala-ala ko kahapon kung paano ko nakita si Mark na nakikipag-usap siya sa isang tao na wala naman sa harapan niya. Totoo ba ang hinala ko na katulad ko rin siya?

"Alam mo ba", Bulong ko kay Kakashi. Nag-iingat ako na hindi ako mapansin ng ibang tao na nakapaligid ko na nagsasalita ako mag-isa. "Hindi ko nakikita ang itinutukoy mo. Paano mo siya nakilala?"

"Basta", Sagot lang niya.

Hindi na ako nagtanong pa.

xxxxx

Nang nasa loob na ako ng eskwelahan, na swertehan ako sapagkat hindi ko napansin ang mga barumbado sa Sweet Valley Middle School na nagrarampa sa loob ng koridor. Nag klase kami buong umaga hanggang hapon. Si Kakashi ay pang samantala muna siyang nawala sa aking tabi. Si Mark naman ay walang tigil sa pagpaparamdam sa akin kung gaano siya naiinis sa akin lalo na ng itinawag ako ng guro namin sa math upang pasagutin sa pisara. Nagkataon lang na siya ang itinawag ng guro namin kanina at may isang numero siyang nagkamali ay idinibdib na niya at ng ako naman ang sunod na itinawag upang ayusin ang lahat ng sagot na ibinigay ng problema ng guro sa may pisara, duon na nagsimula ang pagpaparamdam niya. Gusto ko sana sa kanya sabihin na nagkataon lang na nagkamali siya ngunit hindi ko na nagawa. Tumahimik na lang ako upang hindi na lang lumaki ang gulo. Iniisip ko na maaaring hindi na niya ako pakinggan.

Natapos ang klase namin. Napansin ko si Mark na nagpa-iwan na naman siya mag-isa. Hinintay ko ang lahat ng estudyante na mag-alisan sa loob ng silid aralan namin hanggang kami na lang ang dalawa naiwan na natitira sa loob. Napabuntong hininga ako. Nais ko siyang lapitan pero hindi ko magawa. Tumingin si Mark sa akin ngunit saglit lang. Nababakas ko sa mukha niya na naiirita siya kapag kami lang ang dalawa na naiwan sa loob ng silid aralan. Mamaya maya pa lamang ay umalis na siya.

Sa isang saglit ng usok, nagpakita sa akin si Kakashi.

"Mukhang ang lalim na naman ng iniisip mo", Sabi niya. Ikinuha niya ang librong galing sa bulsa niya at saka siya nagbasa.

"Gusto ko lapitan si Mark. Kase siya itong-", Napahinto ako nang napansin ko nakasubsob siya sa kakabasa ng libro niya.

"Hoy! Kakashi!", Sabi ko sa kanya na napasigaw ako ng kaunti. Hinablot ko ang libro niyang hawak hawak sa kamay niya habang nagbabasa siya. "Nakikinig ka ba?"

Pagkahablot ko sa librong binabasa niya, napatingin ako sa kuntento ng pahina na ibinabasa niya at may parte akong nabasa sa librong hawak niya na may kabastusan. Lumaki ang mata ko. Hindi pa ako nakakabasa ng kalahati, hinablot sa akin ni Kakashi pabalik sa kanya ang libro niya at saka niya inilagay sa bulsa niya.

"Hindi pambata ang ibinabasa mo", Sabi niya na nakaupo siya sa kaliwang namesa na nakaharap siya sa akin.

Sasagot na sana ako kay Kakashi na hindi na ako bata ngunit naisip ko si Mark kaya nag-iba ako ng sasabihin ko.

"E kase… si Mark, gusto ko sana siyang lapitan", Sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko. Ikinuha ko ang bag ko galing sa sahig at pagkatapos nun, isinuot ko ang strap ng bag ko sa likuran ko. "Kaya lang baka galit pa rin sa akin 'yun at hindi ako kausapin 'yun", dagdag ko. Naglakad ako palabas sa silid aralan na kasunod ko si Kakashi sa paglalakad sa may koridor.

"Nag-away kayo? Ano ba ang pinag-awayan niyo?", Tanong sa akin ni Kakashi.

Ipinaliwanag ko ang lahat tungkol sa nangyari kanina sa loob ng silid aralan namin. Napansin ko na may malalim siyang iniisip.

"Napansin ko kanina nang papasok na siya sa eskwelahan ay kasama niya si Zabusa", Sabi ni Kakashi sa akin.

"Kakashi!", Sabi ko sa kanya na medio may pagkainis. Hindi ko akalain na mapupunta kami sa ibang usapan. "Hindi si Zabusa ang pinag-uusapan natin dito. Si Mark! Heller? Are you in the outer space or what?"

Naglalakad kami sa koridor. Bumaba kami sa hagdanan. Medio nagdidilim na at wala ng estudyante sa loob ng eskwelahan namin. Ang tanging tao lang ang nakikita ko ay isang janitor na naglilinis sa bawat silid aralan na palabas pasok nito.

Naglalakad kami ni Kakashi papunta na sa labas ng eskwelahan ng Sweet Valley Middle School. Naisip ko ang sinabi ni Kakashi tungkol kay Zabusa. Si Zabusa na keyso kasama ni Mark.

"Sino ba si Zabusa?", Naitanong ko sa kanya. Itinulak ko ang malaking pintuan ng Sweet Valley Middle School at saka kami lumabas dalawa ni Kakashi.

"Siya ang ninja na nakalaban namin ni Naruto, Sazuke at Sakura nang gusto niya bawiin ang buhay ng taong pinopotektahan namin-",

Kumulo ang dugo ko. Umabot hanggang sa kaduloduluhan ng tuktok ng aking ulo. Napahinto ako sa paglalakad at hinarap ko siya at napasigaw ako sa kanya. Nabingi ata si Kakashi sa akin.

"Kakashi ka! Tumigil ka na nga sa mga pinagsasabi mo! Ano na naman ang paimbento mong kwento! May Naruto ka pa nalalaman! E kamag-aaral ko 'yun dito sa Sweet Valley Middle School 'yun e!",

"Teka! Teka!", Sabi ni Kakashi sa akin. Iniwagayway niya ang dalawang kamay niya sa harapan ko. "Lahat ng sinasabi ko ay totoo at hindi ako nag iimbento at saka mag-isip ka nga. Maaaring magkapangalan lang ang itinutukoy natin si Naruto. Huwag ka masyadong mag-iisip na iisa nga si Naruto na itinutukoy natin", Ang pagpapaliwanag niya.

"Sabagay", Sabi ko na bumalik ako sa dati kong normal na boses. "…Baka magkapangalan lang sila", Napa-iling ako at sabay sabi, "Patawad Kakashi, nasigawan kita."

"Okay lang 'yun", Sabi niya sa akin na ngumiti at parang balewala lang ang nangyari sa amin kanina. Nagpatuloy kami sa paglalakad nang sampung segundo lamang ay pansin ko na may mga binatilyo na naglalakad sa direksyon namin. Nakita ko na naman na naglalakad sa direksiyon namin ang mga tropang sphinx. Saka pumasok sa isipan ko na dapat itinuro na sa akin ang teknik ni Kakashi para matugis ko ang mga barumbado na palapit na sa aming direksiyon. Napahinto kami sa paglalakad.

"Kakashi ka!", Sabi ko sa kanya na may halong pagkainis sa kanya. "Ang sabi mo tuturuan mo ako ng teknik mo! Kapag ako ang namatay dahil sa kanila, ikaw ang una kong mumultuhin! Dapat ipinaalala mo sa akin na tuturuan mo pala ako! Ang sabi mo dito mo ako sa eskwelahan tuturuan!"

"Oo nga", Sabi niya sa akin. Sa isang iglap ng usok, nawala siya at pagkatapos nun, nagpakita siya sa isa sa mga puno sa eskwelahan namin sa isang kisap mata ng tao. Napatingin ako sa paligid.

"Kakashi! Asan ka? Huwag mo ako iwan!", Napasigaw ako na napatingin tingin ako sa paligid ko. Wala na akong pakialam kung ano ang isipin ng mga tropang sphinx sa akin kung bakit may itinatawag akong pangalang Kakashi na kakaiba sa kanilang pandinig.

"Andito ako", Sagot niya na nakaupo sa may sanga ng puno. Matibay at medio malaki at pwedeng upuan ng tao kung kaya't hindi ito agad nababali.

Napatingin ako sa kinaroroonan ng boses at nakita ko siya sa may puno na medio malapit lapit sa akin.

"Ano ka ba Kakashi!-",

"Hindi ba? Ang gusto mo turuan kita ng mga teknik na pagiging ninja? Dahil sa normal na tao ka lang at wala kang chakra sa mga paa mo at higit sa lahat ay hindi ka katulad ko na may kakaibang taglay na nailalabas galing sa katawan ko, normal rin ang teknik na ituturo ko sa'yo", Ang sabi sa akin ni Kakashi.

"Kakashi! Ano bang teknik ang pinagsasabi mo! Ito na ang mga naghahabol sa akin kahapon lang at naglalakad na sila sa direksiyon natin! Pagkatapos kung ano pa ang pinagsasabi mo diyan e wala ka naman itinuturo sa akin! Kakashi!", Sabi ko sa kanya na may halong kaba sa puso ko.

"Huwag ka nga duwag diyan. Ituturo ko sa'yo ay ang pagiging matapang mo. Harapin mo sila at tanggalin mo ang takot sa puso mo.", Ang paliwanag ni Kakashi sa akin. "Tigasin mo ang pagsuntok mo at matuto kang idepensa ang sarili mo"

Humingal ako ng malalim at hinarap ko sila. Siguro, kailangan ko na matutunan ang pagiging isang matapang. Haharapin ko sila kahit ano man ang mangyari.

"Hoy!", Sigaw ko sa lalakeng namumuno sa mga ka tropa niya. "Hindi ako natatakot sa inyo!"

Naglalakad silang mga magka tropa at pagkatapos nito, huminto sila sa harapan ko. Medio malayo layo ng kaunti sila sa akin.

"Kapag hindi mo na kaya," Rinig ko sabi ni Kakashi. "Tutulungan na kita"

Alam kong hindi ako iiwan ni Kakashi. Kaibigan ko siya. Alam kong hindi niya ako iiwan kahit kailan man kung kaya't nananatili akong nakatayo at pakiramdam ko malakas ako sobra na kahit isang libong bato ang ibagsak sa akin ay nakakatayo pa ako.

"Mister pangit! Sino ang tinakot mo? huh?", Ang matapang na sagot ng lalakeng namumuno sa mga ka tropa niya. "Isa ka lang walis tingting at walang kalatoylatoy dito sa Sweet Valley Middle School!"

"Hoy! Aswang ka!", Sagot ko sa kanya na galit na galit. "Mas pangit ka pa sa akin sapagkat ikaw lang naman itong nananakit ng kapwa mo! Kahit sino sino na lamang ang makita mo dito sa eskwelahan natin! Nakakaawa ka! Kailangan mo magkaruon ng babaeng nagmamahal sa'yo para malaman mo kung ano ang kahulugan ng pag-ibig at para malaman mo kung paano magpahalaga ng isang tao! Para hindi mo ibuhos ang galit mo sa mga taong inosente!"

"Pre", Sambit ng isa nilang kasama na handang handa na makipag-away sa ano mang oras. "Kung magsalita si pangit ay ang akala mo kung sino! Bugbugin na natin!"

"Teka", Sabi ng lalake na namumuno sa mga ka tropa niya. "Ako ang bahala. Sa tingin ko sa kanya, ang gusto niya ay ako ang hamunin sa suntukan. Huwag kayo mag-alala. Kayang kaya ko ito. Hindi nga siya makapalag nung kinakawawa natin siya sa locker e. Manuod na lang kayo sa gagawin ko"

Lumapit siya sa akin at sinuntok ako sa mukha. Malakas. Pakiramdam ko ay mababale na ang ulo ko. Nakaramdam ako ng sakit ngunit itiniis ko. Bumagsak ako sa lupa at bigla ako tumayo uli. Sa isang iglap ng usok, nagpakita sa akin si Kakashi sa tabi ko.

"Lumaban ka lang", Sabi niya sa akin. "Ako ang bahala sayo"

Susuntukin na ako sa mukha uli ng hinarang ko siya sa pamamagitan ng kaliwa kong braso. Mabilis ang pagsuntok niya ngunit naidepensa ko ang sarili ko. Itinigas ko ang kanang kamao ko at saka ko isinuntok sa tiyan niya ng buong lakas. Napayuko siya sa sakit.

"Sipain mo", Sabi ni Kakashi sa akin.

At parang bruce lee, isinipa ko siya sa tiyan ng buong lakas ngunit triple ang lakas nang sumabay sa akin si Kakashi sa pagsipa namin sa kanya sa tiyan. Lumipad siya at sa sobrang lakas, halos napahagis siya at natabunan niya ang ka tropa niya na nanunuod sa away namin. Lahat sila ay bumagsak.

Mamaya maya pa lamang, narinig ko ang sipol ng isang security guard. Napatingin ako sa likod at natakot ako.

Nagsitayuan ang mga ka tropang sphinx at saka sila tumakbo at nawala sila sa landas ko.

Ako naman, nanigas at hindi na nakatakbo sa takot at dahil sa mabagal ng pag-iisip ko, naabutan ako ng security guard na galing sa pagtakbo niya. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling ngunit hindi ko siya napansin na andito lang pala siya sa tabi tabi nang lumabas kami ni Kakashi galing ng eskwelahan ng Sweet Valley Middle School.

"Nag-aaway kayo rito sa loob ng campus? Asan ba ang mga magulang mo?", Ang Tanong sa akin ng security guard na may galit sa tono niya.

"A… e… praktise lang ho 'yun", Ang palusot ko sabi sa kanya. Natuturete ako sa pag-iisip kung ano ang dapat kong sabihin. "Tingnan mo naman. Nag-alisan na ho sila dahil sa takot sa inyo pero ang totoo, nagpapraktise kami ng Taekwondo. Magkaklasmate po kase kami e. Masarap kase ang praktisan dito", Dagdag ko. Kinakabahan ako. Nangangarap na sana, maniwala siya sa aking sinasabi.

"Hindi ito ang praktisan! Dapat sa gym kayo nagpapraktise at hindi dito!", Ang payo ng security guard sa akin na medio naiinis pa. Nawala ang kaba ng puso ko. Na swertehan ako nang naramdaman ko na naniwala na siya sa sinabi ko. Lusot! "Huwag niyo na uulitin 'yun, ha?", Dagdag pa niya.

"Opo", Sagot ko na hindi makatingin sa kanya.

"Sige, umuwi ka na sa bahay niyo", Sabi ng security guard pagkatapos nun, umalis na siya sa paningin ko.

Ikinuha ko ang bag ko galing sa lupa. Nahulog ito nang ako ay sinuntok sa mukha. Inilagay ko ang bag ko sa likuran ko sa pamamagitan ng aking strap.

"Hindi ko akalain na ganyan ka pala katapang, pogi", Sabi ni Kakashi sa akin.

Napatawa ako ng mahina. Ngayon lang ako nakarinig ng magandang papuri galing sa isang tao na nakakaunawa sa akin. Walang iba kundi si Kakashi.

"Tara na, Mister Kakashi", Sabi ko sa kanya na nagsimula kami lumakad pauwi sa bahay ko. "Napagutom ako e. Sana wala pa si nanay at tatay at ang kapatid ko para makakain tayo. Baka nagugutom ka na rin e"

"Sige ba", Ang masayang sagot ni Kakashi. "Kailangan masarap ang lutuin mo para hindi ako malason", Ang pabiro niyang sabi.

Natawa ako.