SI ZABUSA AT SI KAKASHI HATAKE

Umuwi kami ni Kakashi sa bahay ko. Guminhawa ang buong kalooban ko nang nalalaman ko na wala ang nanay, tatay at ang kapatid ko. Kahit medio madilim na o tawagin na nating gabi na, napansin ko na wala sila sa bahay ko. Nagluto ako ng pagkain para sa aming dalawa ni Kakashi. Mga ilang minuto na lamang ay tumunog ang telepono sa loob ng bahay namin. Ngumuya nguya pa ako sa pagkaing kinakain ko nang ibinulot ko ang receiver ng telepono.

"Hello", Sabi ko.

"Anak. Meron kaming party na pupuntahan. Mamaya maya pa kami uuwi", Sabi ng nanay ko. "Marunong ka naman magluto diyan at huwag kang magpapapasok ng tao na hindi mo kilala"

"Opo", Sagot ko.

"O sige anak. Bye",

Napatitig muna ako ng receiver sa telepono saglit lang pagkatapos nito, ibinaba ko ito sa kinalalagyan. Nagpunta ako sa hapag kainan at nagpatuloy ako kumain kasama si Kakashi.

Ang nanay at tatay ko ay pumunta ng party at ang kapatid ko ay malamang wala siya. Ganun talaga siya. Laboy sa labas at nakiki happy trip sa mga barkada niyang mayayaman at mayayabang na para sa akin ay isang salot lamang siya. Ewan ko ba kung bakit ganun na lamang ang pagkakainis ko sa kanya. Siguro, hindi kami magkasundo sa iisang bagay. Ako lagi ang inuutusan. Gawaing trabaho ay ibinibigay niya sa akin.

Nang matapos kami kumain, naghugas ako ng pinagkainan naming plato at pagkatapos nito, umakyat kami sa itaas ng bubong. May bintana ako sa kwarto na ang labas nito ay ang bubong na pwede mong I-view ang labas nito galing sa bahay mo. Duon kami nagtambay sa bubong. Naka upo at nagkukwentuhan.

"Kakashi?", Tawag ko sa kanya na nakatingin sa mga bituin na nagkikislapan sa madilim na gabi. Nakahiga ako sa bubong namin na nakalagay ang dalawang kamay sa ilalim ng batok ko. "Si Zabusa? Si Naruto? Si Sazuke? Si Sakura? Sino sino ba sila? Naibanggit mo sa akin kanina bago tayo umuwi dito sa bahay ko."

"Si Sakura, Sazuke at Naruto ay ang mga estudyante ko na nag-aaral sa ninja academy. Sila ang mga estudyante ko na masasabi ko na magagaling sila-",

"E sino naman si Zabusa?", Naitanong ko sa kanya. Napatingin ako kay Kakashi. Ang mukha niya ay nakatingin diretso sa kawalan. Nagmamasid kung ano lamang ang nakikita niya sa paningin niya. "-Pero teka", Sabi ko sa kanya bago niya sagutin ang tanong ko. "Asan ka ba talaga nanggaling? Pansin ko, may Naruto, Sazuke at Sakura ka pang nalalaman?"

"Galing ako sa imahinasyon mo", Sagot ni Kakashi sa akin. "Wala ka bang natatandaan?"

"Galing ka sa imahinasyon ko?", Napaupo ako sa kanya at nakatingin ako sa kanya na nagtataka. "Natatandaan? Ano 'yun? Hindi ko maintindihan. Natatandaan ng alin?"

"Nakaraan mo-",

"Anong nakaraan ko?",

"Basta. Malalaman mo rin pagdating ng araw", Sagot na lang ni Kakashi.

Tumigil na ako sa pagtatanong ko sa kanya. Ayoko na siyang pilitin pa tutal, kahit ano pa ang sabihin niya na keyso kung may natatandaan raw ako ay talagang ni isang kusing ay wala akong maalala.

"Bryan", Sabi ni Kakashi sa akin. "Kung sakaling mawawala ako, tatagin mo ang kalooban mo. Pagdating ng araw ay maaaring mawala ako. Kung sakali lang pero hindi ko naman sinasabi na siguradong mawawala ako sa tabi mo at hindi mo na ako makikita uli"

Naramdaman ko ang kirot sa puso ko pero hindi ko ipinahalata ang kaunting kirot na nararamdaman ko. Naalala ko ang itinuro niya sa akin na kailangan ko maging matapang at kahit hindi sa suntukan, natuklasan ko sa aking sarili na kailangan rin sa damdamin ng isang tao. Napatahimik ako at biglang natawa.

"Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa sa sinabi ko?", Nagtatakang tanong ni Kakashi na nakatingin sa akin.

"Wala!", Sabi ko sa kanya na idinaan ko na lang sa tawa ang kirot na nararamdaman ko para hindi ako mapaghalata na nasasaktan ako sa sinabi niya. Ayokong paniwalaan ang mga sinasabi niya. Ang alam ko, kasama ko siya kahit sa hirap at ginhawa bilang isang magkaibigan. "Mahilig ka kase magbiro e", tumigil na ako sa pagtawa ko.

"'Yun ang inaakala mo?", Tanong niya sa akin. Tumingin uli siya diretso sa kawalan at sabay sabi sa akin. "Seryoso ako at hindi ako nagbibiro"

Napatahimik ako. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Para sa akin, nagbibiro lamang siya.

xxxxx

Dumating ang mga magulang ko mga gabing gabi na. Ang kapatid ko ay dumating ng madaling araw. Pagkatapos namin mag-usap ni Kakashi, nag-aral ako at katulong niya ako sa pag-aaral na keyso wala raw siyang ginagawa kaya nagpasya na tulungan niya ako.

Kinabukasan ng pagpasok ko, pansamantala na nawala si Kakashi at napansin ko rin na wala si Mark sa klase ko. Pagkatapos ng klase ko, nagpakita sa akin si Kakashi sa pamamagitan ng isang iglap ng usok. Sa kasalukuyang naglalakad kami ni Kakashi sa daan na kung tingnan mo sa kaliwa't kanan namin ay ang mga bahay na may malalaki at may maliliit at mga saring saring puno ang nadadaanan namin ay pinatalbog talbog ko ang bola sa aking kanang kamay. Ang bola para sa soccer. Maligaya ako at parang hinihila ako sa kalangitan sapagkat kanina pa lamang ay napansin ko ang ka tropang sphinx na hindi na ako ginulo pa. Hindi ko alam kung bakit basta't hindi ko na lang sila pinansin.

Sa pantalon ko, tumunog ang celphone ko sa loob ng bulsa ko. Ibinulot ko ang celphone ko sa loob ng bulsa ko na diretso diretso ang pagtunog nito.

"Hello?", Sabi ko nang inilagay ko ang celphone ko sa taenga ko.

"Wala kami ng tatay mo ngayon. Gabi na kami uuwi kase inimbitahan kami ng Tita Lucy mo para sa 18th birthday ng anak niya", Sabi ng nanay ko sa celphone ko. "Ayusin niyong dalawang magkapatid ang bahay ha? 'Yung kuya mo, nasa bahay na. Tinawagan ko siya kanina pa lamang. Mas mainam ay hindi siya ngayon lumabas ng bahay"

"O sige", Sagot ko pagkatapos nito, kinick ko ang celphone ko. Inilagay ko pagkatapos nito sa bulsa ng pantalon ko. Ayoko umuwi dahil hindi ko pa nalilimutan ang ginawa sa akin ng kapatid ko ng isang araw. Nang wala ang kapatid ko upang siya ay maglinis ng bahay ay ako ang pumalit sa kanya upang ipalinis sa akin ang buong sulok imbis siya ang gumawa nun. Ngayon, kahit sa kaunting pagkakataon, gusto ko gumanti kahit katiting. Alam naman niya na nuong isang araw ay araw na niya upang maglinis ay sinadya pa rin niyang hindi umuwi ng bahay kung kaya't hindi rin ako uuwi sa bahay ko.

"Kakashi", Sabi ko. "Ayoko muna umuwi sa bahay. Duon muna tayo sa open field. Maglaro tayo"

"Pambihira ka naman", Sabi ni Kakashi. "Ang tanda mo na, maglalaro ka pa ba?"

Hindi ko pinansin ang reaksiyon niya. Ayoko ipahalata sa kanya na kaya ayoko umuwi sa bahay ay dahil naanduon ang kapatid ko.

"Laro tayo ng soccer", 'Yaya ko sa kanya. Napatingin ako sa kalangitan. Medio nagdidilim na ngunit hindi ko magawang umuwi sa bahay ko. Ang gusto ko ay maglaro kami ni Kakashi.

"Ano ba ang soccer? Hindi ko alam 'yun", Ang inosenteng tanong ni Kakashi sa akin.

"Basta, ituturo ko sayo kung papaano", Sagot ko sa kanya. Nang nakarating kami sa pinaroroonan namin ay napatingin ako sa open field. Sa umaga lang at tanghalian lang dinadalawan ng mga tao ito. Kapag medio nagdidilim na, tahimik at wala ng tao. Ang open field ay dagsaan ng mga tao kung gusto nilang maglaro katulad ng softball, volleyball, soccer at kung anu anong klaseng sports na pwedeng dagsaan. Mabuti na lamang at may dala akong bola na kanina pa lamang ay ginamit namin sa Physical Education. Nagbaon ako ng bola para pansamantala kong gagamitin kapag kami ay nagpapahinga sa Physical Education namin.

Itinuro ko sa kanya kung paano laruin ang soccer. Nang alam na niya kung paano laruin, naglaro na kami at umabot kami ng 15 minutos.

Pagsipa ni Kakashi sa bola, umandar ito diretso palayo sa kanya at napatigil kami ng nakita namin si Mark na nakatayo sa may open field at inilagay ang kanyang kanang paa nang nakarating sa kanya ang bola. Napangiti siya. Ngiting masama na para bang may ibinabalak na kung ano. Hindi ko nga lang alam kung ano.

"Naglalaro ka rito mag-isa?", Tanong niya na may halong kakaiba sa boses niya. Boses na parang may halong inis at galit.

"Hindi ako nag-iisa! May kasama ako! Si Kakashi… …", Napatigil ako sa sasabihin ko. Dapat, walang nakakaalam ngunit naibanggit ko sa kanya na hindi ako nag-iisip. Sa emosyon na dala ko, hindi ko sinasadya na banggitin ito. Hindi ko alam kung bakit pa siya kailangan magpunta rito. Naiinis ako sa kanya at nagagalit sapagkat andito siya sa harapan ko upang mang-asar o inisin ako. 'Yun ang aking pakiramdam at tutal, kahit sa unang sapul pa lang ay talagang naiinis na sa akin ito.

"Kakashi?", Naitanong niya at pagkatapos nito, tumingin siya sa tabi niya. 3 segundo lamang at pagkatapos nito, bumalik ang tingin niya sa amin. "Hindi ko nakikita si Kakashi na itinutukoy mo kanina pero dahil sa sinabi ni Zabusa kung ano ang diskripsiyon niya ay nakikita ko na siya."

"Sinungaling!-",

"Totoo ang sinasabi niya", Ang sabi ni Kakashi nang hinarang sa akin ang kamay niya para hudyat na huwag na ako magsasalita ano mang kontra sa sinasabi ni Mark. "Nakikita ko ang kasama niyang si Zabusa. Gamitin mo ang imahinasyon mo Bryan at makikita mo rin siya. Sasabihin ko sa'yo kung ano ang itsura niya at imahin mo sa utak mo……"

At sinabi niya sa akin ang kabuuang anyo ni Zabusa. Pumasok sa utak ko ang diskripsiyon na binanggit ni Kakashi at sa isang segundo ay nakita ko na si Zabusa.

Si Zabusa!

Pamilyadong ang itsura niya ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Hindi ko nga lang maalala kung saan basta't may pakiramdam ako na nakita ko na siya.

"Laban namin ito ni Zabusa", Ang sabi ni Kakashi sa akin. Nakatayo siya at akmang nakahanda na siyang makipaglaban sa kaaway niya. "Sasaktan ka niya"

"Naks naman!", Ang pang-aasar ni Mark dahil sa sinabi ni Kakashi sa akin. "May taga potekta pa kay Bryan", Napatawa siya ng malumanay.

"Bakit ka nga ba nagpunta rito?", Tanong ko kay Mark na medio naiinis. "Hindi ba kahapon lang ay galit ka sa akin? At ngayon, nagpupunta ka pa rito!"

"Buti, alam mo", Sagot naman niya sa akin. "Ang gusto ko nga ay saktan ka ni Zabusa at 'yun ang katumbas ng aking sakit na ibinigay mo sa akin"

"Sandali Mark-", Hihirit sana ako ngunit hindi ko nagawa. Sasabihin ko sana sa kanya na magpatawad na siya at kalimutan na niya ang lahat sapagkat kababawan lang 'yun upang mamuo ang galit niya sa akin.

"Tumahimik ka! Ayoko ng paliwanag mo!", Ang galit na sinabi sa akin ni Mark. Napatingin ako sa katabi niya si Zabusa at narinig ko sinabi niya kay Mark, "Ako ang bahala sa kanya"

Napaatras ako. Kinabahan ako ngunit bago pa man nakalapit si Zabusa ay hinarangan ako ni Kakashi upang nasa likuran ko siya.

"Bago mo saktan ang kaibigan ko, ako muna ang unahin mo", Ang matapang na sabi ni Kakashi.

"Umpisahan na natin!", Sabi ni Zabusa na ang boses niya ay parang gumagaralgal pa.

Kasing bilis ng kidlat ng animo'y isang kisap mata lang namin ni Mark ang nakita namin na nasa ibang pwesto na sila medio malayo sa amin. Nakatingin at pinapanuod ko ang susunod na eksena. Ang aking paa ay halos hindi na magalaw sa takot ko. Gusto ko man tulungan si Kakashi pero hindi ko magawa. Ako ay isang di hamak na normal na tao lamang na walang kaalam alam sa teknik. Ang alam ko lang teknik ay ang pagiging matapang ngunit sadyang nalimutan ko nang makita ko si Zabusa. Ang hindi lang ata natatakot sa lahat ng mga pangyayari ay si Mark. Tipong matigas at hindi naduduwag sa lahat ng bagay.

Titigan sa mata si Zabusa at Kakashi. Harap Harapan. Nakatayo sila sa isa't isa sa magkabilaang panig. Mamaya maya pa lamang ay biglang nawala si Kakashi sa paningin ko na kasing bilis ng hangin at pumunta sa likuran ni Zabusa na hawak hawak niya ang kunai niya sa kamay. Mabilis na inilagay ni Kakashi ang kunai na hawak niya sa lalamunan ni Zabusa. Malapit sa lalamunan ang kunai na hawak ni Kakashi kay Zabusa na kapag gumalaw pa siya ay siguradong mahihiwa ang lalamunan nito at puro dugo na lamang ang dumadaloy galing sa pagkakahiwa nito. Hindi nakagalaw si Zabusa at ang puso ko naman ay para bang bumagsak sa kailaliman ng aking paa nang pinapanuod ko ang eksena mismo sa labanan nila. Sabay ang pagtibok ng aking puso, ang unang pinangarap ko sa taong naglalabanan na sana hindi patayin ni Kakashi si Zabusa.

Ngunit sa inaakala kong natalo na si Zabusa dahil sa ginawa ni Kakashi ay hindi pa pala. Matalino si Zabusa kahit sabihin pa natin na naunahan siya ni Kakashi kanina pa lang. Ang kanyang malaking chopping blade ay kanyang ipinatama kay Kakashi na maaaring ikamatay niya ngunit umiwas siya nito sa pamamagitan ng pag talon niya na mas mataas pa sa ulo ni Zabusa at nakarating siya uli sa likuran nito. Isinipa ni Kakashi si Zabusa sa likod at napahagis siya sa malayo at napasalampak sa lupa.

"Zabusa!", Ang tawag ni Mark kay Zabusa. "Huwag kang susuko!"

"Tama na, Mark!", Sigaw ko sa kanya. "Pwede bang tama na 'yung away na ito! Ano ba ang nangyayari sa'yo?"

"Tumahimik ka!", Sigaw ng pabalik sa akin ni Mark. "Duwag ka lang dahil natatakot kang mawala ang pinakamamahal mong kaibigan! Kung kaya't umaasa ka na sana matigil na ang labanan na kanilang ginagawa!"

Nanginginig ako sa tindi ng galit. Ang aking mga paa ay nananatili pa ring statwa sa lupa. Hindi ako makagalaw sapagkat umiikot ikot sa loob ng aking isipan ang lahat ng mga pangit na pangyayari na nagaganap dito sa open field.

Napatingin ako uli sa eksena na nagaganap kina Zabusa at Kakashi. Tumayo si Zabusa na halos hindi pa rin sumusuko.

Ano ba ang gagawin ko?

Kabadong nag-iisip ako kung ano ang nararapat kong gawin. Humarap si Zabusa kay Kakashi at nakita kong tumakbo siya papunta kay Kakashi para matamaan siya ng malaking chopping blade niya at sabay na rin ang pagputok ng baril ni Mark na tumama sa gilid ng tiyan ni Kakashi at mabuti na lamang tumalon siya patalikod para maiwasan niya ang chopping blade ni Zabusa ngunit ang hindi lang niya naiwasan ay ang bala na natamaan sa gilid ng tiyan niya na ngayon, sa pamamagitan ng kamay ni Kakashi ay hawak hawak niya ang gilid ng tiyan niya kung saan, lumabas ang dugo dahil sa pagkabaril ni Mark. Napaluhod si Kakashi sa pamamagitan ng kaliwa niyang tuhod at sa nakikita ko sa mukha niya, namimilipit siya sa sakit ngunit hindi lang niya ipinapakita sapagkat siya ay isang ninja.

Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi ko napansin na nakabulot siya ng baril galing sa pagkakatago niya nito para barilin si Kakashi at hindi ko rin napansin na may dala siyang baril. Huli na ang lahat ng nakita ko si Kakashi na natamaan siya ng baril. Kumulo ang dugo ko at dahil dito, pinuntahan ko si Mark at sinuntok ko siya sa mukha. Nabitawan niya ang hawak niyang baril at sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ko ay bumagsak siya sa lupa. Sumakit ang kamao ko at iniwagayway ko ang sarili kong kamay sapagkat nakaramdam ako ng sakit dahil sa pagsuntok ko sa kanya.

Saka pumasok sa isipan ko na lahat ng ito ay gamit lang ay isang imahinasyon ng tao. Gusto ko umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Para sa akin, ang pagiging matapang ay hindi dapat umiiyak. Tumingin ako uli sa kinaroroonan nina Zabusa at Kakashi. Mukhang magwawagi si Zabusa.

Ipagpapatuloy……