Ito poh ang pinaka una kong filipino fic. Sana poh ay magustuhan nio siya. Pasensya na poh kung filipino fic ito tapos ang mga tula at kanta na gagamitin ko rito ay nasa salitang english. Paki review na lang poh pagkatapos ninyong basahin para malaman ko ang inyong mga opinion, mungkahi at mga kritisismo pra lalo ko pang mapaganda ang mga susunod kong fanfic. Salamat
xianora
Disclaimer: Hindi poh akin ang Harry Potter at kahit kailan hindi ko ito aangkinin. Clear ba? (Para na poh ito sa buong kwento, uki? Nakakapagod kc kapag paulit-ulit na naglalagay ng ganito e. hehe)
………………………………………………………………………………………………
Higit Pa sa Inaakala Mo
xianora
Nandun lang si Hermione, nakaupo at nagsusulat ng mga english poems niya. Nakangiti pa siya habang nagsusulat na para bang may iniisip na kung ano.
Isa ito sa mga nakapagtatakang pagbabago kay Hermione. Hindi naman siya mahilig gumawa ng ganito noon. Pero sa isang iglap, araw- araw mo na siyang makikita sa isang sulok, gumagawa ng english poems.
Itinago na niya ang kanyang pluma at binasa uli ang kanyang ginawang tula.
We were together, brought by fateFirst words with each other…
We never knew what to think
In each other's company, we smiled
I looked deep in your eyes for a while
I saw the glint…it was friendship
I grew fond of you, loved you more each second
I always want to see you…talk to you
Your eyes, your smile…I always want to see them
Even just for a moment
I don't know what's so special about you
You are my bestfriend
Is that all?
It was my faultBut I never knew
I have loved you…more than I should do…Masakit…at masyadong obvious ang nararamdaman niya habang sinusulat ang tulang ito. Pero ayos lang…okay na yan…
"Ang sarap ng pakiramdam ng nailalabas mo ang lahat ng sakit sa loob mo habang gumagawa ng tula." Sabi ni Hermione sa kanyang sarili habang isinasara ang kanyang diary.
"Anong sakit?" bungad ni Ron na kakapasok lamang sa common room kasama si Harry.
"Wala." Sagot naman ng kaibigan nila.
"Bahala ka." Sabi ni Ron ng hindi pa rin inaalis ang tingin kay Hermione. "Oi, Harry! Malapit na ang valentines di ba? Anong ireregalo mo kay Cho?"
"Ha? Ewan ko. Pinag-iisipan ko pa e." Sagot ni Harry na tila natilihan sa tanong na ito. 'Oo nga pala. Malapit na. Ano kaya ang magandang ibigay sa kanya?'
"Paano? Tulog na ako ha? Ikaw rin Harry, may praktis daw tayo bukas ng Quidditch, madaling araw." Ani Ron na tumayo na papuntang dormitoryo.
"Oo sige, susunod na ako." Sabi ni Harry.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa matalik na magkaibigan na siya namang pinutol ni Harry para magtanong kay Hermione.
"Ano ba ang magandang gawin, Hermione? Ibili ko kaya siya Broomstick Care Tools o imbitahan ko na lang siya na kumain sa Three Broomsticks?"
"Ha? Ewan ko. Bakit ako ang tatanungin mo?" Sabi ni Hermione na halatadong gulat na gulat nang tinanong ng kanyang kaibigan.
"Kasi babae ka. Alam mo kung ano ang maaaring gustuhin niya." Risonableng sagot ni Harry. "Kung ikaw ang nasa posisyon niya ano ang mas gusto mo?"
Nanahimik sandali si Hermione. 'Siyempre ayoko ng Quidditch kaya bakit ko kukunin yon? Mas gusto ko pang makasama si Harry.'
"Para sa akin mas maganda kung kakain na lang kayo sa labas." Sabi niya matapos ang mahabang pananahimik.
"Salamat!" sabi ni Harry habang tumatayo. "Matutulog na ako ha? Magandang gabi!"
"Sige." Sagot ni Hermione.
Napangiti lang siya sa kanyang sulok. Siya pa ang tinanong ni Harry kung ano ang dapat ibigay sa girlfriend niya. 'Hindi niya kasi alam na mahal ko siya…'
Nandoon lang si Hermione hanggang hatinggabi, nag-iisip.
Hermione POVTinanong ako ng mahal ko kung ano ang dapat ibigay sa girlfriend niya. Hindi ba dapat nasasaktan ako? Oo…masakit talaga. Masakit makita na may mahal siyang iba. Tapos ako pa ang tatanungin kung ano ang ibibigay niya sa Valentines.
Sobrang sakit. Ang karamihan sa mga nararamdaman kong ito ibinubuhos ko na lang sa mga tula kong walang kwenta.
Alam ko namang hanggang kaibigan na lang ang turing niya sa akin e. Kahit kailan hindi niya ako pwedeng mahalin. Tanggap ko na iyon ng maluwag sa aking puso.
'Siyanga? Tanggap mo na? Bakit nasasaktan ka pa rin?'
Iyan ang palaging kontra ng aking isip.
Ano ba? Kasi naman e…
Bakit ba kasi lagi nalang ang puso ang umiiral? Ayan tuloy maraming tao ang patuloy na nasasaktan. Tulad ko…palaging nasasaktan…
Bakit ba lagi na lang si Cho ang nasa isip niya? Mahal na mahal niya ng babaeng yon…e nakikita ko si Cho na nakikipaglandian sa ibang lalaki sa Ravenclaw. Ganun ba talaga kabulag ang pag-ibig?
Well…ganun din naman ako diba? Bulag? Pareho lang kami na nabubulag sa pagmamahal. Di ba ganon daw yon? Kapag mahal mo ang isang tao, yung mga magagandang bagay lang sa pagkatao niya ang nakikita mo.
At ganoon nga ang nangyayari sa akin…
Ewan ko…gusto ko nang makalimot. Marami namang ibang lalaki dyan, bakit nagpapaka-martyr pa rin ako kay Harry?
'Kasi mahal mo siya at alam mong siya lang ang mamahaling mo magpakailan man.'
Ows? Talaga? Siguro…feeling ko kasi talaga noon, siya na, pero malamanlaman ko, may mahal na pala siyang iba…
Ang sakit talaga sa puso. Para itong pinipiga ng sobrang higpit. Bakit pa kasi siya ang minahal ko e? Ang tangingut ko talaga…haay…napaka-ing-ing.
000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000
"Ayaw talagang umayos ng buhok ko! Waah! Mamaya na ang date namin ni Cho!" sigaw ni Harry na tila masisiraan na ng ulo dahil sa magulong ayos ng buhok niya.
"Alam mo, hindi mo na kailangang magpaporma. Kung gusto ka ni Cho, gugustuhin ka niya kahit na ano pa ang itsura ng buhok mo." Paliwanag ni Hermione na naghahanda ring magpunta sa Hogsmeade. Magkasama sila ni Ron na maglilibot.
"Oo, pero…" sabi ni Harry na hindi pa rin sigurado sa itsura niya. "Pabayaan mo na nga. Tama ka Hermione. Hehe. Ganyan na naman ang buhok ko dati pa at wala naman siyang reklamo."
Ngumiti si Hermione. Ang cute talaga ni Harry sa kahit anong anggulo.
Sabay-sabay silang nagpunta sa Hogsmeade. Humiwalay lamang si Harry nang makita na niya si Cho.
Matagal ding naglibut-libot si Ron at Hermione. Marami silang binili sa Honeydukes. Marami kasing mga bagong labas na kendi.
Napagdesisyunan na nila na kakain sa Three Broomsticks ng lunch. At doon nakita nila si Cho at si Harry.
Masaya silang pareho. Tila nagbibiruan pa nga ata.
Umupo sila sa isang mesa na malayo kila Harry at umorder na. Sumusulyap-sulyap si Hermione kay Harry. 'Buti naman at masaya siya. Magiging masaya na rin ako para sa kanya.'
Natapos ang araw at nagkitakita uli ang tatlo sa common room.
"Salamat sa iyo Hermione." Wika ni Harry. "Nagustuhan niya ang pagde-date namin. Ang sweet ko nga raw e."
"Ganun ba? Wala yun. Ganun naman halos lahat ng babae e. Mas gusto nilang kasama yung mahal nila kaysa sa may regalo nga pero wala naman yung mahal nila sa tabi nila." Sabi ni Hermione.
………………………………………………………………………………………………
Itutuloy…Pasensya na, magulo ba? Paki review na lang ha…masyado nang humahaba ito…hehe…alam nio ba dapat one-shot lang ito?…ayan meron na naman akong multi-chaptered…haay…ang dami ko nang trabahong gagawin…review, review, review ha? Thanks…
Xianora
