A/N: Pasensya na poh kung natagalan ang pag-update ko. Nasira poh kasi yung PC ko kaya nagkaroon ako ng mahabang oras para pag-isipan ang mga mangyayari dito. Pina-iksi ko na lamang ito para mapabilis dahil marami pa poh akong trabahong gagawin. Paki-review na lang poh. Maraming saamat!

Disclaimer: Hindi nga akin ang Harry Potter eh! At kahit kailan ay hindi ko ito aangkinin!

………………………………………………………………………………………………

Higit Pa Sa Inaakala Mo

Xianora

Ang lahat ng iyon ay nakaraan na. Binaon ko na sa limot at hindi na kailangan pang gunitain. Hindi na importante ang mga iyon sa ngayon.

Sa oras na ito ay isinusuot ko na ang gown na gagamitin ko mamaya sa pupuntahan kong kasal. Sinong ikakasal? Sino pa? E di sina Harry at Cho. Alam ko, malungkot para sa akin pero kailangan kong magbigay. Hindi ako ang mahal ni Harry, anong magagawa ko?

"Alam mo Hermione. Kakaiba ang kinikilos ni Harry nung mga nakaraang araw. Parang malungkot na may kung anong iniisip." Sabi ni Ginny na kasama ko sa kwarto na nagbibihis ngayon. "Kinausap ko siya. Alam mo kung ano ang sinabi niya? Nakakagulat talaga. Pero siguro naguguluhan lang siya. Ang laki kasing bagay ng pagpapakasal e."

"Ano bang sinabi niya." Ang tanong ko kahit na hindi ko gaanong pinakikinggan si Ginny.

"Nagkamali daw siya ng desisyon." Sagot ng aking kaibigan. "Ewan ko ba! Ang gulo nga e. Ang alam ko kasi nagkakalabuan na sila Harry at Cho. Tapos malaman-laman ko na lang magpapakasal na sila! Ang sabi sa akin ng kuya ko, napilitan lang daw si Harry magpakasal pero sa totoo lang hindi na niya mahal si Cho. Ano sa tingin mo?"

"Ewan ko. Hindi kasi kami masyadong nakakapag-usap ni Harry e. Para ngang iniiwasan niya ako, e." Sabi ko sa kanya.

"Bakit naman?" tanong ni Ginny sa akin na tila ba naguguluhan na sa lahat ng mga nangyayari noon pang mga nakaraang araw.

"Hindi ko alam. Ang masasabi ko lang, parang hindi siya komportable pag nag-uusap kami. Meron siyang dapat sasabihin sa akin kaso lagi kaming napuputol e." ang sagot ko, may halong pagtataka. "Ano kaya yun?"

"Pano? Baka mahuli na tayo sa kasal e." sabi ni Ginny bago hiniwakan ang aking kamay. Sabay kaming nag-apparate patungo sa darausan ng kasal.

Sa totoo lang ayaw ko talagang pumunta sa kasal. Kaso nalaman ni Ron ang balak kong iyon kaya napilitan akong pumunta na lamang. Para ngang may itinatago si Ron sa akin, e. Hindi ko lang malaman kung ano iyon.

Nabalik ang aking isip sa mangyayaring kaganapan ngayong araw na ito: Ang kasal. Dahil nagkasundo naman ang dalawa na sa Hogmeade na idaraos ang kasal para diretso na sa handaan, doon sila tutungo ngayon.

Ang hirap makalimot pero siguro panahon na talaga para gawin ko yon. Ikakasal na siya…wala na akong magagawa. Hindi naman ako pwedeng magmukmok na lang habang buhay. Kailangan talagang matapos na ang kahibangang ito…

Hindi ko alam kung kakayanin kong panoorin ang kasal. Pumunta-punta pa kasi ako rito e. Pero, wala na akong magagawa, nandito na kami.

Nag-umpisa na ang musika at magmamartsa na kami patungo sa aming upuan. Bago magsimula ang kasal, nakita ko si Cho. Ang ganda niya suot ang kayang damit pang-kasal. Mukha siyang masaya. Sino ba naman ang hindi magiging masaya sa araw ng kanilang kasal? Siguro kailangan ko talagang tanggapin na ang katotohanan. Kailangan ko na lang maging masaya para kay Harry.

Nakarating na ako sa upuan ko. Nasa bandang dulo ako, malapit sa isang pintuan sa gilid ng lugar na ito. Tumigin ako sa labas…Makulimlim, mukhang uulan ngayon…

Nilipat ko ang aking tingin sa altar kung saan tatayo si Harry at Cho. Nandun na si Harry, nakatayo. Hindi ko maintindihan pero mukhang hindi siya mapakali. Nagkasalo kami ng tingin at nakita ko na bakas sa kanyang mata ang matinding pag-aalala. Anong inaalala niya? Dapat ay maging masaya siya diba? Kabado siguro pero dapat ay may tuwa sa kanyang mata.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya. Naisip ko, hindi ko talaga kayang panoorin ito. Hindi ko kayang makita na ikinakasal ang mahal ko sa iba. Masakit…sobrang sakit…

"Tinipon tayong lahat dito para tunghayan ang isang importanteng yugto sa buhay nila Harry at Cho…" ang umpisa ng magkakasal sa kanila.

Hindi na. Kailangan ko nang umalis dito bago pa ako makagawa ng isang bagay na pagsisisihan ko habang buhay.

Tumakbo ako papunta sa pinto na malapit sa akin. Sigurado akong nakita ako ni Harry na umalis. Narinig ko ang kanyang boses na tinatawag ang aking pangalan. Pero hindi siya sumunod, siguro ay pinigilan siya ni Cho.

Alam ko na nakita na ako ng lahat. Nakakahiya, pero hindi ko na kayang panoorin o kahit marinig man lang ang seremonya ng kanilang kasal. Kinailangan ko na talagang umalis.

Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa isang parke sa pinakadulo ng isang kalye sa Hogsmeade. Tuluyan nang bumuhos ang malakas na ulan. Tumigil ako sa pagtakbo at hinabol ang aking hininga.

"Bakit ba mahal pa rin kita Harry! Bakit ba hindi ko magawang kalimutan ka!" tumulo ang mga luhang matagal ko nang tinatago. Napaluhod ako sa lupa at niyuko ko ang aking ulo.

"Ang tanga-tanga mo kasi Hermione e!" sabi ko sa aking sarili. "Dapat kasi hindi mo natutunang mahalin si Harry! Kasalanan mo 'to!"

"Hindi mo kasalanan."

Nagulata ako at bigla kong itinaas ang nakayuko kong ulo. Ang boses na iyon…

"Hindi mo naman kayang pigilin ang puso mong magmahal e. Kahit na anong gawin mo hindi mo kayang kontrolin ang mga emosyon na nararamdaman mo. Pero kailangan mong malaman kung ang pagmamahal na ito ay totoo o baka pagmamahal lang para sa isang kaibigan…At doon ako nagkamali."

"Harry…" ibinulong ko. Hindi pa rin ako lumilingon. Parang hindi ko magawang igalaw ang aking katawan. Bakit siya nandito? Hindi ba dapat naroon siya sa kasal niya?

"Akala ko noon, mahal ko si Cho. Pero ang pagtingin ko pala sa kanya ay para sa isang kaibigan lamang. Iba pala ang tunay kong mahal. Ang tanga ko noh?" sabi pa niya.

Nararamdaman kong papalapit na siya sa akin. "Alam mo, sabi nila, kapag daw umuulan subukan mo daw saluhin ung mga patak ng ulan. Kung gaano karami yung nasalo mo, ganon mo kamahal yung taong espesyal sayo. Kung gaano karami naman ung hindi mo nasalo, ganon ka raw niya kamahal. Sa tingin mo totoo kaya iyon?"

Inabot niya ang kanyang kamay sa akin at tinulungan akong tumayo. Naguguluhan na ako. Hindi naman ganito magsalita si Harry ha? Masyado na siyang naging makata ngayon.

"Alam mo natuklasan ko na nanloloko lang si Cho. Nahuli ko siya, meron siyang kinakatagpong iba. Pero nagtaka ako dahil parang hindi ako nasaktan. Ang nangyari nainis ako sa sarili ko dahil ang bulag ko. Ang tagal ko nang nakasama ang taong tunay kong mahal, hindi ko pa pinansin."

Nakatingin siya sa aking mata. Napansin kong merong iba sa tingin niya pero hindi ko malaman kung ano. Nakatingin lamang ako sa kanya, hindi makapagsalita. Tapos bigla na lamang niya akong niyakap.

"Patawarin mo ako Hermione. Ilang taon din bago ko nalaman ang tunay kong nararamdaman para sa iyo. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang nais kong makasama habang buhay." Ang sabi niya sa akin.

"H—Harry…" Ginantihan ko ang yakap niya. "Mahal na mahal kita." Sabi ko habang umiiyak ng walang tigil.

"Sabi ko naman sayo e. Wala kang kasalanan. Ako talaga ang may sala sa lahat ng nangyari. Dahil sa kabulagan ko, sobra kitang nasugatan."

Ito ang pagtatapos na lagi kong ninanais. Hindi lang sa panaginip kundi sa tunay na buhay. Ang sarap isipin na ang taong mahal mo ay mahal ka rin. Minsan iisipin mo na kung magmamahal ka, magsasayang ka lang ng oras dahil masasaktan ka lang. Siguro minsan ganoon mag-isip ang mga tao. Sa totoo lang, ang pag-ibig ay talagang puno ng sakit.

Pero sa pag-ibig, malalaman mo ang tunay mong pagkatao…Matututo kang makaramdam ng iba't-ibang emosyon na bumubuo sa sarili mo…

………………………………………………………………………………………………

A/N: Oo na. Corny di ba? Anong magagawa ko? Ganyan talaga dapat ang kalalabasan niyan. O sige corny na kung corny…I don't care basta kung sino man ang makapagbasa nito, paki-review na lang okie? Sorry na rin kung may mga maling spelling…kung meron man. Minadali ko kasi ang pagtype nito. Paki-review ha? Salamat!