Bilog ang Mundo

By: Lola Basyang

Discalimer: Ampf! Nakikita ko yung iba may ganitong nilalagay kea makikilagay na rin akoh. Malamang di ko pag-aari ung cardcaptor sakura dahil kung akoh ang may-ari nun, sobra-sobra na ang aking kaligayahan. nyahahaha... ang lalim noh!

Pahabol: May mga pangyayaring di natin sinasadyang mangyari, yung tipong nangyayari na lang ng di natin inaasahan, at sa mga pangyayaring ito may mga nakikilala tayong tao na hindi mo akalaing may koneksyon din pala sa iyo, small world nga di ba?


Chapter 1 – Bilog

Recess time!

Naglalakad sa hallway ng Tomoeda High School ang isang napakagandang estudyante. Kung titingnan mo siya, parang tahimik at walang bumabagabag sa kanyang isipan. Pero ika nga don't judge the book by its cover, dahil sa totoo lang ito ang talagang takbo ng utak niya...

"Nakakainis talaga! Hindi naman niya siguro kelangan pang ipagyabang yung grades niya diba? Pakain ko sa kanya card niya eh... Tsaka feeling niya napakagaling niyang humalik, makikipagsipsipan na lang ako sa janitor fish... Muka niya..." naiinis na naman ang napakagandang si Tomoyo Daidoji ngayong araw dahil na naman sa pinakamamahal niyang kaaway na si...

"Si Eriol nandyan na! Ahhh! Ang gwapo niya talaga!"

"Matalino pa! At ang porma niya..."

"Astig!"

"Hay leche! Umagang umaga nangbibwisit na naman yung mga papampam na tagahanga ng punyetang Eriol na iyon... Ahhh! Mababaliw na ako..." isip isp uli ni Tomoyo.

"Oist! Tomoyo! Owkei ka lang! Magandang umaga!" masayang pagbati ng matalik na kaibigan ni Tomoyo na walang iba kundi si Sakura Kinomoto.

"Hay Sakura... ano bang maganda sa umaga ngayon!" nababanas na sagot ni Tomoyo.

"Bakit na naman? Ano na naman ba yung ginawa ni Eriol sa 'yo?" inosenteng sagot ng kanyang kaibigan.

"Kinuha lang naman niya ung card ko sabay – teka pano mo nalamang may kinalaman si Eriol dito?"

"Naku naman, sa araw-araw ba naman na pagkikita natin bukambibig mo palagi si Eriol, kesho napatid or more likely pinatid ka niya sa hagdanan kaya napilitan kang tumalon para sundin ang law of gravity kaso you exceed physical limitations dahil tinalon mo ang labing walong baitang kaya napilayan ka ng di oras...tapos one time sinabi mo rin sa kin na..."

"O siya, wag mo na ulitin, nangyari na ang nangyari..."

"Ooohh...what do you mean? Forgive and forget na lang?"

"Gago! Ano ako, tanga? Shempre inde noh, patapusin mo kasi ako..."

"So ano ba yung panibagong malagim na trahedyang nangyari seo?"

"Gusto mo detalyado..."

"O sure... walang problema..."

"Kakapasok ko lng ng school, maxado akong maaga, wala pang student sa classroom kea I decided to organize my things sa locker ko then..."

Tingininginingining! sound epeks

Flashback

Inaayos ni Tomoyo ang kanyang mga gamit sa locker ng biglang may sumulpot...

"Hi Ms. Daidoji! Magandang araw!" ani ni Eriol Hiiragizawa na hindi mo matukoy kung ano talaga ang napakagandang pakay niya.

Nung walang sumagot...

"Ano ba yang ginagawa moh?" inusisa niya ulit

Wala pa ring sagot...

Katahimikan...

Pero nang magpakita ang napakahiwagang bagay...

"Uuuuyyy... Patingin nga ng card mo..." sablay hablot ng card kahit di pa pinahihintulutan.

"Excuse me, pinayagan ko na po ba kayong kunin po yang card ko?" sita ng dalaga habang nag-aayos pa rin ng kanyang gamit.

"Nagpaalam naman ako eh, teka BAKIT GANITO LANG ANG GRADE MO DITO?" painosenteng tanong ni lalaki.

"Wow naman pare... Lam kong matagal ng makapal yang apog mo, but I never tought aabot yan to the highest level and everything..." napikon na si Tomoyo pero xempre di xa nagpahalata.

"Feeling close tau ngaun ah... Pare talaga yung tawag mo sa kin--" humirit si lalake

"Baket anong gusto mo? Sister itawag ko sa yo?" putol ni Tomoyo

Eriol's face turned dark "Wag mo kong hahamunin..."

"Don't tell me makikipagsabunutan ka? Gash...mare talo ako sa bagsik ng kamandag mo, and helur, mas mahaba ang hair --"

Naputol ang napakagandang statement ni Tomoyo dahil sa hinatak siya palapit ni Eriol who lowered his face para halikan siya. Tomoyo closed her eyes kc inaasahan niya ang much awaited kiss mula kay Eriol. Kaso tumagal pa ng onte, walang kiss na dumating, when she opened her eyes nakita niya ang trademark smirk ni Eriol.

"Sinong sister mo ngaun?"

"Hmmp... Pinikit ko lng mata ko kc di ko maimagine na hahalikan ako ng kapwa ko babae..."

Because of her statement pinatunayan ni Eriol na pure ang XY genes niya at hindi nagmamalfunction ang Luteinizing hormone niya, this time tinuloy na niya ung nabiting kiss kanina.

"Oi, Close-up, strawberry flavor..." he smirk

"Gash... Nasikmura mong halikan ang kauri mo..." hirit pa ni Tomoyo pero halata sa mga mata niya na paiyak na siya.

"Malamang pareho tayong kabilang sa genus Homo at species sapiens..." sagot ule ni lalaki

"Ewan ko seo!" di na ma-take ni Tomoyo ang humiliation at nagwalk-out papunta sa lugar na gusto niyang puntahan.

Tingininginingining!

Balik sa dati...

"Ah... kaya naman pala... kaw kasi eh, ano bang pumasok sa utak mo't naisipan mong sabihang sister ang campus hearthrob...kala ko ba di ka gago? Next time kasi wag na sister ung itawag mo, piliin mo ung mas maganda naman sa pandinig" payo ng kaibigan.

"Amputa kala ko matino na... basta hinding hindi ko toh palalampasin..." maraming bagay ang pumasok sa utak ni Tomoyo to plan for her sweet revenge./gg

"Kung anuman yan...Hedja! Kaya mo yan! Let's go let's go kain tayo..." sagot ni Sakura at dinagdag na "...gutom lang yan!"

"Ay ewan, pero... tara na!" at tumungo ang dalawang matalik na mag kaibigan sa canteen.


"Ayan na, parating na si Tomoyo!" sabi ng isa sa kanyang tagahanga

"Ganda niya talaga..." dagdag pa ng isa

"Mahusay din sa klase, matalino tsaka elegante kung kumilos"

"Malamang, anak mayaman eh, ano pa bang aasahan mo?" bara naman ng isa

"Pero pare, natural lang kung kumilos, galing magdala ng damit..."

"Kung yan gelpren mo, titiba tiba ka na! San ka pa!" sagot naman ng isa

"Asa ka pa...yan? sasagutin ka? Ssss... ASA! Mga pogi lang hanap niyan... Gaya ko..."

"Putya manahimik ka na lang!"

Yada yada yada... sunod-sunod pa na feedback tungkol kay Tomoyo. Halos buong lalaki sa school ay humahanga sa kanya. Maliban lang kay...

"Si Eriol pababa na!"

"Saan?"

"Ayun oh, tanga!"

"Nakita ko na, tumahimik ka na lang..."

"Bihira ka lang makakakita ng ganyang lalaki..."

"Responsable sa mga gawain sa school..."

"Malamang kaya nga kasama sa school counsil natin eh..."

"Gentleman pa at aktibo pareho sa extra-curricular at academics..."

"In short, MALUPET!"

Ganito naman sa panig ng mga tagahanga ni Eriol Hiiragizawa.

Sa katunayan, may kumpitensiya sa pagitan ni Eriol at ni Tomoyo. Parehong magaling sa klase, aktibo sa mga activities sa school, magaling sa musika, at parehong sikat sa campus.

Si Tomoyo Daidoji, nag-iisang anak ng mayamang negosyanteng si Sonomi Daidoji. Ibig sabihin sanay siya sa buhay mayaman at di na niya alintana ang kanilang kayamanan, lahat para sa kanya ay pare-pareho lang, lahat pwede niyang maging kaibigan. Maganda, elegante kung kumilos, masayahin, matulungin at madaling umunawa kaya naman hinakot na niya ang lalaki sa campus. Marami siyang kaibigan ngunit nag-iisa lang ang matalik niyang kaibigan si Sakura Kinomoto. At nag-iisa lang din ang kanyang katangi-tanging kalaban...

Si Eriol Hiragiizawa, isang misteryosong lalaking transferee sa school galing London. Guwapo, gentleman, matalino, malakas ang karisma kaya sa isang iglap dumami ang miyembro ng fansclub niya. Subalit sa dinami dami ng mga babaeng iyon, talagang napagbalingan niya ng mata si Tomoyo, palibhasa si Tomoyo lang ang kaisa-isang babaeng hindi pumansin sa kanya at malakas ang immune system para labanan ang makamandag niyang XY genes. Paglipat niya sa Tomoeda, may tatlo siyang matapat na alalay, sina Kaho Mizuki, Nakuru, at Spinel.


Sa canteen...

"Hay... sarap talaga ng siomao!" Sigaw ni Sakura

"Gago ka pala e, lahat naman ata seo masarap... pero infairness masarap tong Shumfurlah Wufer Stix..." tugon ng kanyang kaibigan

"Nga pala, gusto mong pumunta ng computer room? May 20 minutes pa naman e..." yaya ni Sakura

"Oo nga noh! Tara bilis, baka may bagong email na sa kin si Lance!" sabay hatak kay Sakura na umiinom ng masarap at masustanyang Nutriliscious.

"Ano ba... Umiinom pa yung tao... dahan dahan lang naman...tsaka e-mail lang yan noh, araw-araw naman kayong nagtetext ah..." angal ni Sakura sapagkat hindi niya mainom ang masarap at masustansyang Nutriliscious.

"Hindi electonic e-mail card toh! Ung may gumagalaw-galaw...Tara bilisan mo paglakad..."

"Makakarating din tayo dun noh..."

At dumating nga sila sa computer room...

"Ayyyy! Sabi ko na nga ba may email na naman sa kin si Lance!" natutuwang sigaw ni Tomoyo an: imaginin nio ung chibi form, tapos nag-iiba iba pa ung background... hehe...;;

"Teka teka, pano mo ba nakilala yang Lance na yan?" usisa ni Sakura

"Parang nakailang ulit na ko sa pagsabi ko sa 'yo ah... pero dahil mahal kita sige sasabhin ko ulit sa yo Sakura Kinomoto." At muli inulit ni Tomoyo ang kanyang mahabag salaysay tungkol kay Lance.

"Nakilala ko si Lance sa Ragna, ewan ko ba pero natutuwa talaga akong kachat siya, ininvite ko siya sa YM at siguro 3 buwan kami magkachat bago siya manligaw sa kin. Ewan ko rin kung bakit sa limang manliligaw ko sa Ragna siya ang sinagot ko, pero siguro dahil kakaiba talaga siya. Third year high school din siya, halos pareho din kami ng kinagigiliwan, gaya ng music at iba pa, sa katunayan marunong siya tumugtog ng piano. 2 buwan na simula ng maging kami, at lubos ko pa siyang nakilala. Very supportive at open kami sa isa't isa, maliban sa 'yo Sakura sa kanya ko kinukwento ang mga problema ko at siya naman ay walang sawa na nagbibigay ng payo. Mahusay nga siya magbigay ng payo eh, epektib! Tsaka yung mga assignment at project ko minsan tinutulungan niya ako online, at palagay ko talagang matalino siya. Oo nga pala, kabilang din siya sa student counsil, nakakatuwa hindi ba Sakura? Sakura?...Oo"

"Sige tanggapin niyo yan! Yaaaah! Ito pa... Hammer Fall! San kayo ngayon? Adrenaline Rush! Ano ha? Tapos na kayo! Mammonite! Isa pa! Mammonite! No match kayo! Kahit isang buong party pa kayo...Ano? Tawag pa kayo ng miyembro niyo...palibhasa tatlo lang kayo.../gg" parang sira ulong kinakausap ni Sakura ang computer dahil sa Ragnarok Online.

"Sakura! Ano yang ginagawa mo? Nakikinig ka ba?" nagulat si Tomoyo hindi niya inaasahang ang nag-iisa't katangi-tangi niyang kaibigan ay hindi manlang nakinig sa kanya sa halip ay nakikipag PvP sa Ragna.

"Ah.. hehe! Pasensiya na Tomoyo, naglaro na ako ng ragna kc naalala ko na kasi si Lance, 5 beses mo na palang pinaulit ulit yun sa kin ngayong linggo. Nakilala mo si Lance sa Ragna ewan mo ba pero talagang natutuwa kang kachat siya, ininvite mo siya sa YM at siguro 3 buwan kayo magkachat bago siya manligaw sa yo. Ewan mo rin kung bakit sa limang manliligaw mo sa Ragna siya ang sinagot mo, pero siguro dahil kakaiba talaga siya. Third year high school din siya, halos pareho din kayo ng kinagigiliwan, gaya ng music at iba pa, sa katunayan marunong siya tumugtog ng piano. 2 buwan na simula ng maging kayo, at lubos mo pa siyang nakilala. Very supportive at open kayo sa isa't isa, maliban sa 'kin sa kanya mo kinukwento ang mga problema mo at siya naman ay walang sawa na nagbibigay ng payo. Mahusay nga siya magbigay ng payo eh, epektib! Tsaka yung mga assignment at project mo minsan tinutulungan ka niya online, at palagay mo talagang matalino siya. Oo nga pala, kabilang din siya sa student counsil, nakakatuwa hindi ba?"

"Wow nakabisado mo yun?" napamangha si Tomoyo.

"Hindi, nabasa ko lang yung skrip mo... Ito yun diba?" pinakita ni Sakura ang kapiraso ng isang papel kung saan sinulat ni Tomoyo ang mga sinasabi niya kay Sakura tungkol kay Lance.

"/swt...Kala ko for real nah... Kaw kasi ang bilis mong makalimot!" tawa na lang si Tomoyo at dinagdag pa niyang "Sakura deads ka na sa PvP!"

"Waahh! Tomoyo paresu...Plz/hp!" pagmamakaawa ni Sakura.

"Di pwede, time na..." palusot ni Tomoyo sapagkat di pa niya nababasa ang sinulat sa kanya ni Lance.

"Amp! Sige na nga!"

"Buti naman, mamaya ka na lag maglaro ulit... babasahin ko lang tong e-mail niya..."

"Ano naman ba nakasulat diyan?"

"Wala lang...sweet nothings...hehe...yan lang naman madalas na sinesend niya sa e-mail eh, pero pag kachat ko siya dun kami nagkukuwentuhan ng mga pangyayari at kalokohang ginagawa namin sa loob at labas ng skul...kaso madalang lang kami magchat...sa ragna naman, nagpapalevel kami, husay nga ng hunter niya e...sa text naman mga quotes yung mga sinesend namin, di ko pa nga naririnig yung boses niya eh eload lang kasi kami pareho...sa totoo lang atat na kong makita siya..."

"Teka... AKALA KO BA TIME NA!" bigalang naliwanagan si Sakura.

Riiiiiingggg!

"Sabi ko seo time na e... tara na... hehe!" painosenteng sagot ni Tomoyo.

Sa daan...

"Nga pala Sakura, pano nagkaroon ng ragna dun sa com?" nagtaka si Tomoyo

"Late reaction... yun ung com na naassign sa group namin sa com sci, ininstall namin dun.." sagot naman ni Sakura

"Ay ganun? Buti hindi kayo nahuli ni Kasbadilyo..." elibs na naman si Tomoyo

"Parang sinabi mo na rin na buti hindi kami nahuli ng sira ulo..."

"Kung sabagay manic-depressive si sir... kawawa naman..."


Sa room 302

"Amputa, tropisms na naman, di na ba cla nagsawa? Pero infairness ha, ung futurehinaharap ni mam, positive geotropism... atlis naiapply ko..." isip isp ni Tomoyo sapagkat inulit na naman ni Mrs. Hedja ang lesson nila kahapon "recap lang daw, e tang ina kalahating oras na ah!"

"Ms. Daidoji, paki explain naman ang dinidiscuss ko kanina?" naputol ang napakagandang train of thoughts ni Tomoyo sapagkat tinawag siya ng napakagaling niyang guro.

"Leche... ako pa ang pinansin... kayod ako! Kaya ko toh.. Hedja!" Pahabol pa niya sa sarili bago makipagplastikan at nagpakita ng ngiting kabayo sa mukang kabayo niyang guro sabay sabi "Mam, pardon po, di ko po ganong marinig dito eh..."

"Obvious na di ka nakikinig...One word is enough for the wise Ms.Daidoji, I won't repeat it again once more... And would you mind clearing your ears bago ka pumasok sa school?" sabay tawa ng mga fangirls ni Eriol na galit kay Tomoyo.

"Wow mam! I never thought na ang yaman mo pala... Biruin mo nabayaran mo tong mga toh para lang may tumawa sa jokes nio...But I think you don't have to pay them, grammar pa lang nakakatawa na..." depensa ni Tomoyo

"What did you say Ms. Daidoji?" nainsulto si Mrs. Hedja

"One word is enough for the wise mam and I won't repeat it kc magkakaroon na ng redundancy..." hirit ulit ni Tomoyo.

At her statement Eriol smirk, thinking... "Nakakatuwa naman, pati teacher nagagawa niyang insultuhin. Malupet talaga si Ms. Daidoji, pati teacher di na pinatawad."

"I can't take this humiliation anymore Ms. Daidoji..." galit na galit na si Mrs. Hedja

"But I'm not humiliating you Mrs. Hedja... I can't humiliate my teacher and besides I love horses." depensa ulit ni Tomoyo pero sa isip nia "humanda ka sa kin kabayo ka!"

"Detention Ms. Daidoji... di ko na matatagalan ang insulto mo sa 'kin..."

"Nyah nyah nyah...E ano ngayon?" pabulong na sinabi niya at di nakikinig si Tomoyo hanggang sa nabanggit na ng kanyang guro ang magic word...

"Mr. Hiragiizawa gusto kong bantayan mo siya..."atas niya.

"Mam naman...di ba pwedeng ikaw na lang?"nakiusap si Tomoyo

"Why?"usisa ng guro na umaasang makakarinig ng matatamis na salita mula sa ating bida.

"Well, mas nakakaaliw po ang kabayo keysa sa inidoro...oops..."nadulas si Tomoyo at naisip niyang "patay panibagong kayod toh...rewind rewind...ahhh..."

"Hmm... punong puno na ako sa 'yo... labas... at mamaya may detention ka..." galit na galit na ang teacher.

"Haaayy... wala na talaga akong lusot ngayon, maganda na sana yung tabas ng dila ko kanina, makukumbinse ko na, argghh, sumablay pa..." lumabas ng klasrum si Tomoyo ng walang alinlangan pero sa utak nia "bakit kasi naging nakakatamad tong bio subject...sa iba naman matataas nakukuha ko...it means there's nothing wrong with me, pangit lang talaga yung teacher, literal na pangit...ampf! Kasi naman bakit pa nabuntis si Mrs. Boons kelangan tuloy naming pagtyagaan tong substitute niyang kabayo..."

Samantala muka namang mapayapa si Eriol sa kanyang upuan pero abala rin ang kanyang utak sa pag-iisip ng "Hehe... Nakakatuwa talaga toh... Masyado siyang outspoken yan tuloy... pero malupet talaga siya...walang patawad...ano kayang mangyayari mamaya? Hmm..."


AN: Ngayong year lang ule bumalik si Eriol kc bumalik siya ng London pagkatapos makumpleto ni Sakura ang mga Clow Cards. Pero tahimik na ang mundo ngayon kaya puro kalokohan na lang ang mga nangyayari. Hindi rin magkaklase sila Tomoyo at Sakura kaya di pa alam ng inosenteng si Sakura ang detention. Next chap ko ieexplain kung bakit mataray na ang ever loving na si Tomoyo Daidoji. At muli inuulit ko, ang storyang ito ay bunga lamang ng gago kong pag-iisip.