Chapter 2 – Ang
Pagkatapos ng biology nila, bumalik na sa normal ang lahat. Nariyan na ulit ang dating matinong Tomoyo. Halos naperfect ang iba't ibang exam na binigay each subject. Then sa wakas nagring na ang fateful bell na hindi manlang sinave ang ating bida sa kanilang guro nung bio time. Dismisal na, masaya ang lahat pinag-uusapan kung ano ang masayang gawin, kung gunbound ba o ragna.
Sa labas ng room 302, kinausap ni Tomoyo si Sakura sapagkat hindi niya muna ito masasamahan papunta sa computer shop.
"Patawad Sakura, hindi kita masasamahan ngayon papunta kanila kano, may dapat pa kasi akong gagawin..." palusot ni Tomoyo.
"Ano naman gagawin mo?" usisa ni Sakura
"Ah...may meeting kami sa student counsil..."
"Gago! Malaki yung poster sa likod mo na nagsasabing walang meeting ang student counsil, kaya tara na..."
"Yung iba wala pero ako meron, marami akong paperworks kc helur secretary ako."
"Fine, lusot ka ngayon, sige una na ako ah sayang ang oras...babay!"
"Bye Sakura, mag-iingat ka!" nagpaalam si Tomoyo. "Owkei Tomoyo! This is really is it! Hedja! Kaya ko toh!" payo niya sa sarili bago pumasok sa room.
Lumipas na ang kalahating oras ng detention ni Tomoyo at ang tangi nilang ginawa ni Eriol ay magtitigan lang sa loob ng room.
"Ano? Wala ka bang iuutos sa kin?" nauna si Tomoyo na bumasag sa nakakabinging katahimikan...
"Sori na..." sagot ni Eriol
"Utos ba un?"
"I never thought na iiwan si Ms. Daidoji ng ever loyal niyang common sense."
"Ano!" sabay dugtong sa isip "napakawalandyu talaga ng lalaking toh... naku!"
"Ibig kong sabihin. Sori na... hindi ko alam kung baket nag-iba bigla yung Tomoyo Daidoji na kilala ko. Ilang taon lang ako nawala, 2 years lang yata yun, inaasahan ko yung malambing at tahimik na Tomoyo. Kaso biglang nag-evolve siya, naging si Ms. Daidoji, yung babaeng napaka outspoken na ngayon tsaka walang pinapatawad kahit teacher."
"HAH! E ano ngayon sa yo? Close ba tayo?"
"Tungarkz! Di tayo close pero araw-araw laging ako na lang inaaway mo. Ako, ako, lagi na lang ako. Sa recess ako, sa lunch ako, ngayon, ako uli. Ano ba kasi nagawa ko Ms. Daidoji?"
"Sabi mo kanina wala akong patawad sa teacher, parang ikaw hindi ah. E si Ms. Mizuki nga nagawa mong patulan. Nagawa mo pang magtanong kung bakit ayoko sa yo... Kapal talaga ng mukha mo no? Ayoko sa yo kasi nakakadiri ka, pumapatol sa babaeng mas nakakatanda sa yo, owkei lang sana kung isa o dalawang taon tanda sa yo nun kaso inde eh, parang nanay mo na siya kung tutuusin...hmpf...pati matrona pinapatulan."
Dahil sa sagot ni Tomoyo, napangisi ang binata... "yun lang ba? Oo nanay ko nga si Ms. Mizuki, I mean nagsilbing nanay ko na rin sya kahit papano kasi siya na nag-aasikaso ng mga kkailanganin ko. Ano, peace na tayo?"
"Hindi lang yon, di mo rin tinupad yung pangako mo, nung naging boyfriend ni Sakura si Syaoran pakiramdam ko ako na lang mag-isa tapos dumating yung lyntek na si ikaw at sinabi mong di mo ako iiwan, pero umalis ka papuntang London kasama ng INA MO...then you left without even saying that you're leaving, I was hurt, so much hurt that it won't be easy to forget yesterday and I pray that you would stay, but then you're gone and oh so far away, I was afraid this time would come, I wasn't prepaired to face this kind of hurting from within, I have learned to live my life beside you..."
Nawala ang ngisi ni Eriol at napalitan ng may pagka sad face na ayaw pa niyang ipahalata to the person na kinakausap niya "So you take that statement literally pala, umalis nga ako pero hinding hindi ka naalis sa kin... every minute, every second of the day I think of you in the most special way, you're beside me all the time... Ok tama ng kanta, kaso nakakalungkot isipin nawala pala ako sa yo..."
"Wow pare... pinahanga mo ko, singer ka na makata ka pa... Che, salita mo scripted... Tsaka pangalawa sa huling mortal sin mo, nung sinabi ko sa yong mahal kita, tumawa ka, sabay sabi 'Ssss...Bakit ako pa? Kalimutan mo na lang yang mahal mahal na yan' sige ipaliwanag mo ulit yan ngayon."
"Bakit hanggang ngayon mahal mo pa rin ako?"
"Di noh, may boyfriend na ko, kasi ako straight na babae at tapat sa gender ko..."
"Anak ng... E ano ngayon kung may boyfriend ka?" depensa ng lalaki pero dugtong niya sa sarili "Anak ng may boyfriend na siya? Pano? Sino? Pucha!"
"Tang ina mo, kala mo mamahalin pa rin kita pagkatapos mo akong ipahiya sa sarili ko?"isip ni Tomoyo sa sarili "simula nun, simumpa kong di kita mapapatawad" tapos biglang suminigit si konsensya "wow mare, mahusay ka pa rin sa pagsuot maskara, you hide your feelings very well, pati yung sarili mo naloloko mo na...mahal mo pa rin si Eriol di ba?"... Syempre si Tomoyo ay hindi si Tomoyo kung di niya dedepensahan ang sarili niya "Mahal ko si Lance kaya manahimik ka na lang..."
Katahimikan ulit...
Pero si Eriol naman ang pumutol ngayon, "E ano naman yung huli kong ginawa?"
"Ah yun, remember nung first quarter, dagsaan ang project tapos may test, di ko nakayanan nanghingi ako ng tulong sa 'yo, noon, kahit papano may tiwala pa ako sa 'yo, nagpatulong ako sa project natin sa computer science, tulong lang hiningi ko pero sabi mo kaw na gagawa ako naman tatanga tanga, umoo, sabay nung presentation may pangalan mo pala yung program na ginawa mo, pahiyang pahiya ako nun." Sinubukan ni Tomoyo pigilan ang kanyang sarili.
"Hindi ko yun sinasadya, maniwala ka... human being din ako noh, napagod na ako kaya nung last 2 parts kinopya ko na lang sa project ko, di ko na naedit...Sori na talaga kung ako'y isang tanga..." humingi ng tawad si Eriol.
"Ewan ko sa yo... o ano na?" di pinansin ni Tomoyo ang paghingi ng tawad ng binata.
"Anong ano na?"
"Yung utos mo..."
"Patawarin mo ko..."
"Over my dead sexy body!"
"Sexy body daw, wag ka na...kalimutan mo na lng mga sinabi ko..." pero sa loob loob niya "patay kang bata ka, di na ko palalampasin nito...kasi Eriol naman eh watch ur stupid big mouth.."
Katahimikan ulit... ang huli at pinakamatagal na katahimikan, inabot sila ng alas7 ng gabi..
"Sige, hanggang dito lang tinakdang oras ni Mrs. Hedja..." ginising ni Eriol si Tomoyo.
"Hmmm...manakimik ka na lang...ang pangit mo naman eh, ngayon ka pa eextra..." Sagot ni Tomoyo, dinilat lang ng konte ang mata sabay tulog ulit.
"Ano ba? Uuwi na tayo..." giit ni Eriol
"Ayoko! Layuan mo ko demonyo, kita mong natutulog yung tao iistorbohin mo? Ang tindi mo talaga noh? Tulog na lang pagkakait mo pa?" ni hindi manlang hinarap ni Tomoyo si Eriol.
"Ano papabayaan kita dito? Cge ka baka dalawin ka ng iba't ibang multo... Tomoyo... Tomoyo..." tinakot ni Eriol si Tomoyo kung pano binibigkas ni Jessie ung name ni Justin pag tinatakot niya...fulhaus.. nakakamis
"Heh! Leche! Mas nakakatakot pa muka mo keysa sa multo noh... Yung maputi mong kutis, malalim na mata, mapupulang labi at malademonyong ngisi... Graveh... Wala ka ng multong hahanapin pa... Potah! Lubayan mo ko..." sabay tulog ulit pagkatapos mang-insulto.
Sumuko si Eriol sa katigasan ng ulo ni Tomoyo at kinausap na lang ang sarili (gamit ung utak syempre).
"Grabe, kahit di pa maayos pag-iisip niya nagawa pa niyang magpasaway ng ganito ka tindi, ano ka si Ethel Booba? Lintek ka talaga Eriol, nagawa mong ikumpara tong mahusay na studyante sa malokong artista. May pagkakapareho nga sila ng artistang un, pasaway at makulet pero mas maganda naman tong si Tomoyo dun." Sabay lingon kay Tomoyo na natutulog "Perpektong ilong, mahabang pilik mata, mapang-akit na labi, magandang kutis, at sa totoo lang sexy nga siya... Hmmm..."
Lumipas ang isang oras.
"Hay.. pasensya na Tomoyo pero kelangan ko na tong gawin, baka kasi ireklamo si kabayo ng nanay mo. Mahirap na, akong sisipain ng kabayo kc ako ung pinagbantay niya sau..." without warning binuhat niya ang sleeping form ni Tomoyo in bridal style. Nagulat ang dalaga kaya naman ginawa niya lahat para makababa, kaso mahigpit talaga ang kapit ni Eriol kaya wala siyang kawala.
"San mo ko dadalhin? Sa motel? Di pwede... Ang cheap! Ayoko ng ganun lang..." sigaw ni horrified Tomoyo.
"Haha... Nakakatuwa ka talaga... inaantok ka di ba? Matulog ka na lang..." natuwa at nagbigay ng payo si Eriol.
"Sa ganitong position? No way! Dead end! Ayoko nga, baka bigla mo na lang ako bigyan ng nakakakilabot mong halik...eee nginig..." tanggi ni Tomoyo.
"Sakay ka na lang sa likod ko, yung koreanovela style, gaya ng sa endless love tsaka sa stairway..."
"Kei fine...Haaaayy...Kakaantok tlga...ampf" binaba siya ni Eriol, then sinakay siya sa likod nito.
"Ang bigat mo naman..."
"Kasalanan mo yan, di ka kc sanay magbuhat ng weights...palibhasa lampa ka..."
"Kala ko ba inaantok ka?"
"Oh, siya siya... Cge tulog na ko..."
Pagdating sa Daidoji residence...
Si Tomoyo ngayon ay sa kanyang kuwarto na at inaayos na ang kanyang sarili — naghilamos nagtoothbrush, hinugasan ang katawan, nagpalit ng damit, sinuklay ang buhok at bumaba sa sala kung saan kinakausap ng kanyang nanay ang naghatid sa kanya.
"Pasensya na po at ginabi kami Mrs. Daidoji, actually hanggang 7 pm lang po ang detention na binigay ni Mrs. Hedja, nag-extend lang po kasi ayaw magpaawat ni Tomoyo sa kanyang tulog. Yung dahilan po kung bakit siya nadetention, siya na lang po ang kausapin niyo para mas maunawaan niyo ang mga pangyayari." Paliwanag ng binata sa nanay ng kanyang kaibigan.
"Ako na talaga ang magpapaliwanag tungkol dun, sori mama nadetention ako, salamat Eriol sa paghatid sa kin talagang kinagagalak ko iyon. Makakaalis ka na, muli salamat." Putol ni Tomoyo with matching formalities.
"Ganun ba? Salamat na lang din Ms. Daidoji, magandang gabi, mauuna na ako. Hinihintay na rin ako nila Nakuru doon." Paalam ni Eriol sa mag-ina.
"Hindi dito ka na lang din kumain Eriol, natutuwa ako't hinatid mo si Tomoyo dito at nagawa mong pagtyagaan ang katigasan ng ulo niya..." sabay lingon sa anak niya na kasalukuyang pababa ng hagdanan.
"Mama naman, hindi mo ba narinig hinihintay na siya nila Nakuru at malamang mas masarap ang luto ni Ms. Mizuki, hindi ba Eriol? Kaya huwag na nating abalahin pa ang kanyang pag-uwi." Putol uli ni Tomoyo.
"At saka isa pa Eriol, ikaw na rin magbantay sa salitang bibitawan ni Tomoyo, kung baga para lang makasiguro na tama ang mga sinasabi niya, walang labis walang kulang." Pinatuloy ni Sonomi ang kanyang sinasabi kay Eriol na parang walang narinig.
"Salamat po sa paanyaya pero talagang hinihintay ako nila Nakuru sa bahay..." tumayo si Eriol at nagbow.
"Kung gayon ay tatawagan ko sila, ano nga ba ang telephone number niyo sa bahay?" giit pa rin ni Sonomi.
"Wag na po kayong mag-abala. Malamang po ginagamit iyon ni Nakuru sa pag-iinternet." Palusot ni Eriol.
"E di ihatid na lang kita sa pag-uwi, yun na yun Hiiragizawa Eriol, dito ka kakain okay?" Tumayo si Sonomi at pumunta sa kusina para ipaalam sa tagaluto nila.
Samantala, ang dalawa ay nagtalo na naman ng palihim.
"Ssss... Hina naman ng powers mo sa pagpapalusot. No match!" insulto ni Tomoyo sa isa.
"E baket di mo ako tinulungan, siguro sumasang-ayon ka rin sa mama mo no?" ganti naman ni Eriol
"Alam mo Eriol isang salita lang iyan..." inakbayan ni Tomoyo si Eriol sabay sabi ng "ASA!" at dumiretso sa kuwarto niya.
"Tsk tsk..." napailing na lang ng ulo si Eriol "tigas talaga...haaayy..."
Sa kuwarto ni Tomoyo, abala siya sa pag...
"Resu, resu... waaaahh... bwiset, andami pah... heal heal...ampotah" abala siya sa pagpapalevel-up ng char niya sa ragna.
Mga ilang sandali lang...
"Waaahh... Sakura leech mo muna ako, regen lang... amp!" parang sira ulong kinakausap ni Tomoyo ang kanyang sarili sa harap ng computer ng biglang...
"Nagraragna ka rin pala...Anong level mo na?" tanong ni Eriol, tamang-tama namang tumunog ang tananantanan na ang ibig sabihin ay...
"Wohhooo...naglevel-up na rin sa wakas! Level 72 na rin... wakekek!" sigaw ni Tomoyo, hinawakan si Eriol sa dalawang balikat sabay inalog-alog patunay na di na niya namamalayan ang kanyang ginagawa, bumalik ulit sa comp "Sandali lang ha... Wako—" natigilan ang dalaga lumingon kay Eriol "AAAAAAAAAAAAHHH! Anong ginagawa mo dito?"
Tumungin sa kisame si Eriol, inalala ang mga pangyayari at inisaisa ito "Sabi ng mama mo tawagin kita para kumain, nakita kitang nagraragna tinanong ko level mo, sabi mo 72 ka na rin sa wakas, tapos bigla mo kong sinigawan kung ano ginagawa ko dito." Pero pagtingin niya kay Tomoyo...
"Sige Sakura hampasin mo muna yang Brilight, resu ko lang tong Skel Prisoner... amp... etong sa 'yo... Resu!" kinakausap ulet ni Tomoyo ang computer.
"Haay...Ms. Daidoji kakain na daw..." ulit ni Eriol.
"Teka, sandali lang... ubusin lang muna namin toh..." sagot ni Tomoyo na hindi manlang tumingin sa kanyang kausap.
"Tomoyo kakain na..." ngayon lumingon si Tomoyo sapagkat tinig na ng kanilang ever loyal na kasambahay ang kanyang narinig.
"Sige bababa na... magpapaalam lang ako kay Sakura." Bumalik sa computer at mabilis na nagtype ng pagpapaalam.
Si Eriol naman ay nasalikod niya at pinapanood lang ang kanyang gagawin, biglang nagsalita "Ano ba server niyo?"
"Chaos." Isang tanong, isang sagot.
"Hmm... patingin ng mga char mo?" kinuha ang mouse at inescape, character select at isa isang tiningnan ang characters... "Hmm... may assasin ka rin pala, Maia ung name..."
"Oo, akin na yan, kakain na..."
"Kaw nga dyan yung ayaw pang bumaba eh..."
"O siya, siya..." kinlose na ni Tomoyo ang lahat ng mga running programs – nagsign-out sa yahoo mail na halos laman ay messages ni Lance at yahoo messenger na nakacaps lock pa ang name ni LANCE, Alt F4, turn off computer, stand by, tapos. "Kakain na!"
Sabay sabay silang tatlong bumaba sa hapag kainan, at dun pinagkwentuhan ang mga pangyayari. Kinuwento ni Tomoyo ang lahat-lahat, detalyado, walang labis pero may kulang, di na niya sinabi ang huling sinabi niya kung bakit siya pinalabas ng room.
Nagulat si Eriol sa reaksyong ipinakita ni Sonomi. Kung isang normal na nanay ang kikwentuhan mo nito asahan mong, kukunot ang noo, pagagalitan ka kung bakit mo ginawa yun, mangangaral ng napakahaba, at magbibigay ng parusa at di pa makukontento grounded ka pa ng isang buwan. Wala ni isa man dito ang pinakita hindi normal na nanay ni Tomoyo, tumawa lang siya at sinabing "Kaw kasi eh, masyado mong pinahalata." Payo niya kay Tomoyo at bumaling kay Eriol na "Marahil nagtataka ka ngayon kung bakit ganito ang reaksyon ko hindi ba?"
Tumango si Eriol.
"Sa totoo lang may tiwala naman ako kay Tomoyo, tsaka sabihin na nating palusot ko lang ung sinabi kong...ahem..."ginaya niya yung tono niya kanina "At saka isa pa Eriol, ikaw na rin magbantay sa salitang bibitawan ni Tomoyo, kung baga para lang makasiguro na tama ang mga sinasabi niya, walang labis walang kulang... wala yun.."
Ngumiti na lang din yung binata pero sa loob loob niya "Ngayon lam ko na kung saan nagmana si Tomoyo...san pa? sa INA niya..."
Nang matapos ang hapunan, hinatid na ng mga alalay ni Daidoji Sonomi si Eriol pauwi. Si Tomoyo naman ay nag-internet, naglog-in sa YM at nagbasa muna sa habang hinihintay niya si Lance.
"Ang tagal naman niya, anong petsa na?" Chineck niya yung watch, it's already "Alas diyes na, bket wala pa rin siya?"
One hour later, lumuluha na si Tomoyo, "Nakakaiyak naman itong kuwento na toh... Haaaayy... Sana hindi mangyari sa kin toh... Sniff sniff...Teka anong oras na ba?" tingin ulet sa watch "Alas diyes na, Lance san ka na? Ay teka..." tiningnan ulet yung watch... "/omg... sira pala tong punyetang relo... amp..."
Dali-dali niyang kinuha yung cp niya, only to find out na nakasilent pala, 15 messages, si Lance.
"Omigosh! Dammit! Ang tanga mo Tomoyo!" sabi ni Tomoyo sa sarili. "Ano kayang nakalagay –" tiningnan ang messages "aba puro quotes!" basa pa ulit, hanggang sa huling message niya na nakalagay 'senxa n maia, d aq mkkaonline ngeon, alang net card eh...luv u...'
"Gash... di naman pala siya makakaonline eh... sayang, pero okay lang, nabasa ko naman tong napakagandang story... haaay... teka, anong oras na ba?" chinek ang oras sa cellphone "Gash... It's already 1:06 am na pala, tulog na ko, baka di ako magising tomorrow" nag-ayos na si Tomoyo, nagtoothbrush, brush her hair, inayos ang higaan, at pinatay ang ilaw an: NYTNYT!
AN: That's all folks... Last chap na ata next chap... bilis noh? Hehe...senxa na...
