AN: Aheheh... Pagpasensyahan nio na kung panget toh, singit lang sa sched ko eh...

Disclaimer: Dun na sa unang shap.


Chapter 3 – Mundo

"Hoy alas singko na! Gising na!"

"Hoy alas singko na! Gising na!"

"Hoy alas singko na! Gising na!"

"Hoy alas singko na! Gising na!"

"Hoy alas singko na! Gising na!"

Paulit-ulit na sumisigaw ang cellphone ni Tomoyo, pero di manlang ito bigyang pansin ni Tomoyo... hanggang sa...

"Omigosh! 10 am na!" Nagulat ang dalaga sa nakita niya sa kanyang watch, kaso biglang "ay sira nga pala..." tumingin sa cellphone niya "Ay lang ya... 6 am na... waahhh... late na ko!"

Ang dating one hour sa pag-aayos sa sarili ay naging 30 mins.

"Okay... mabilisan na lang toh..." sabi niya sa sarili, dali daling bumaba at nagpaalam sa driver "Di po muna ako sasakay ng kotse ngayon, bike na lang po ako, baka matrapik eh...hihi"

"Yes ma'am.." sagot naman ng masunuring driver.

Sumakay si Tomoyo sa bike, at 1, 2, 3, go! Humarurot na sa kalsada, ang dating 20 minutes papuntang school ay naging 5 minutes na lang. Takbo pataas ng high school building, deretso sa room 302, binuksan ang pinto...

"Pasensya na, late ako..."

"Woooosshhh" sagot ng hangin...

Oo deafening silence

Walang tao.

Natulala si Tomoyo, nakita ang kalendaryo sa room, December 9 – Teacher's Day, no classes.

"Amputah, baket nakabukas yung gate dun?" sabi ni Tomoyo sa sarili

"Kasi may program yung mga teachers ngayon..." sumagot ang isang mag-aaral sa likod niya.

"E anong ginagawa mo dito Hiiragizawa?" nagulat si Tomoyo at natuwa na rin sapagkat di siya nag-iisa "Hindi mo rin alam?"

Subalit, sa suot ni Eriol, malabong hindi niya alam.

"Bibili ako ng pandesal sa bakery kaso nakita ko yung bike mo..."

Tingininginingining!


Naglalakad si Eriol papuntang bakery sa sidewalk...

"Haay, napakagandang umaga... May tatlong bear sa loob ng bahay, si papa bear, si mama bear, si baby bear... Si papa bear ay malakas... Si mama bear ay maganda... Si baby bear ay napakaliksi... Tingnan niyo tingnan niyo –"

Waaaassshhhoooooo!

Tinangay halos lahat ng alikabok sa Tomoeda.

Blink blink... sabi ng mata ni Eriol pati na rin ng mga nakasaksi sample: Oo

"Ang bilis nila..." tinapos niya ang kanta pero naiba ang huling lyrics dahil masyado siyang namangha sa bilis ng bike.

Diretso pa rin siya sa paglakad, hanggang sa nakarating siya sa bakery na bibilhan niya ng pandesal.

"Ate, may karera ba ng bike ngayon?" tanong ni Eriol sa tindera, which turns out to be Chiharu pala.

"Ah, Eriol, kaw pala... wala naman, baket?" tugon ni Chiharu

"May dumaan kasing bike sa kin, kanina, ang bilis... siguro kung pumayat pa ako ng onte natangay na ako..." salaysay ni Eriol.

"San naman papunta?" tanong ulit ni Chiharu

"Kung di ako nagkakamali, yung direction niya papunta sa school natin, at sa tingin ko nakaschool uniform din siya..." biglang natigilan si Eriol, napaisip "di kaya si Tomoyo yun? Di nga pala siya nainform... ay patay!"

"Eriol? Okay ka lang?" nagtaka si Chiharu sa katahimikan ni Eriol.

"Ah okay lang ako... nga pala, pupunta lang ako sa school, naalala ko may nakalimutan ako... pabili na rin ng pandesal, handa mo na lang, pwede? Balikan ko... Salamat!"


Tingininginingining!

"HAH! Kakaiba ka talaga, lam mo yun, hulog ka talaga ng langit noh?" sabi ni Tomoyo pagkatapos magkuwento ni Eriol.

"Thank you for your appreciation." Pasalamat ni Eriol

"Gago, inde noh... sabi ko na nga ba di mo magegets eh..." asar ng dalaga at dinugtong sa sarili "Bawal siya dun e..."

"Sabi ko na nga ba kaw yung pumasok eh..." binalik ulit ni Eriol ang topic.

"Lakas talaga ng radar mo noh?" sumbat ulit ni babae

"Ako pa..." tinanggap lang ni lalake.

"Alam mo, halata ka na sister..." asar ulet ni Tomoyo

"Ano!" may tono ng pagbabanta si Eriol

"Lam mo kasi may talong uri ng bakla, tago, ladlad tsaka yung pilit na tinatago pero unti unting lumaladlad in short tagong ladlad..." paliwanag ni Tomoyo "sa tatlong yun, class number 3 ka, lam mo kasi, labas mo na yan Eriol, para masaya... hihi"

"Whatever" baliwala ng binata

"Haay... Sayang lang pagod ko... pupunta na lang ako kela kano." Lumabas na si Tomoyo sa room

"Kukunin ko na pandesal ko..." sumunod si Eriol.


Kela kano...

"O Tomoyo, ang aga mo naman... ganon ka kaexcited magpalevel?" tanong ng tindera

"Hinde, actually kung may pasok halos nalate na ko, kaso ang buhay talaga ng tao ay sadyang mahiwaga, wala palang pasok..." sagot naman ni Tomoyo

"Di ba nakasulat sa calendar niyo?" usisa naman ng tindera

"Actually nakasulat, di ko lang nabasa dahil sa kabayo.." sagot uli ni Tomoyo

"Oo... kabayo?" tanong uli ng babae

"Ah...hihi..yung teacher po namin yun...nadetention ako eh... ;;" matapat naman na sagot ni Tomoyo

"Ah ganun ba? Ahehe.. first time mo no?" tanong uli ng isa

"Pano mo nalaman? Wow ate lakas ng radar mo..."

"Syempre, suki kita eh, kilala na kita Tomoyo, sa tatlong taon mo pa namang pa balik balik dito..."

"Hehe... first time ko talaga, kasi si mam Jena nagleave eh..."

"Kaya naman pala... hindi ba mahusay yung pumalit?"

"Parang ganun na nga.. dagdag mo pa yung muka niyang kabayo..."

"Hehe..."

"Sige ate, palevel na ako..." at umupo na si Tomoyo sa computer number 7, yung puwesto niya. Bago magsimula magragna, tiningnan muna niya yung paligid, lima lang sila nandun.

Ilang sandali lang, may dumagdag pa uli sa bilang nila, umupo sa tapat niya...

"Hiiragizawa..." her voice hiss filled with venom

"Inaapply mo pa ang envenom skill mo... magpalevel ka na lang..." sagot ni Eriol na nakatingin pa rin sa sarili niyang monitor.

"Hmmppp..." balik na sa ginagawa si Tomoyo.

Maya maya lang, nag-online na si Lance, nag-pm kay Maia sa Ragna..

LaNcE007 padenufsj

LaNcE007 online ka... eow!

MAIA-- hi... mztah?

LaNcE007 owkei lang...senxa na kagabi ha?

MAIA owkei lang yun..san ka ngaun?

LaNcE007 papunta kay muni, hinahunting ko eh... muni – moonlight

MAIA-- lvl na nga ng hunter mo?

LaNcE007 81 pa lang.. mahaba haba pa...san ka?

MAIA-- hehe... d2 sa anthel si phreeoni hinahunting nmin... assasin ko 79 p lng, ung prist ko pinalvl ko kgabi..

LaNcE007 anong level na?

There is no character playing in that name

Nawalan na ng RO load si Tomoyo.

"Shit... baket ngayon pa? Amp.. sa ym na lang, pm ko siya."

Naglog-out na si Tomoyo sa Ragna at naglog-in naman sa YM, tama nga, online si Lance.

"Ei, sori la na kong ro lowd.." type ng dalaga

"Pansin ko nga eh," sagot naman ni Lance at dagdag pa "naglog-out na rin ako sa Ragna..."

"Hehe... mahal mo talaga ako noh?" biro ni Tomoyo

"Mahal na mahal" sagot ni Lance "ako mahal mo ba?"

"Syempre kaw pa..." Sagot ni Tomoyo na may matamis na ngiti sa kanyang labi pero biglang nawala sapagkat

"Okay ka lang Daidoji.. mukang masaya ka ah..." usisa ni Eriol

"Oo, kaso bigla kang sumingit..." sabay simangot kay Eriol

Ngumisi lang ang binata at bumalik ulit sa ginagawa niya.Samantala sa computer ni Tomoyo.

"Anong ginawa mo? Muztah ka naman ngayong linggo?" tanong ni Lance sabay BUZZ!

"try mo nga pala toh.." sabi ni Lance

"Ano?" tanong ni Tomoyo

"Think of a 2 dgit no."

"27"

"double the first dgit"

"4."

"triple the second digit..."

"21."

"add them"

"25."

"divide it by 5"

"5."

"add mo sa number na pinili and close your eyes...buksan mo pag nagbuzz ako." huling type ni Lance, sinunod naman ni Tomoyo, until narinig niya yung BUZZ!

Nakasulat yung sinabi ni Lance "wala kang nakita noh?"

"Ahihi!" natawa si Tomoyo

"Muztah ka na?" tanong ni Lance

"ahehe... badtrip kahapon tsaka kanina, pero ngayon di na, medyo lang..." mabilis na tinyp ni Tomoyo sa kaawa-awang keyboard.

"baket naman?" maikling tanong ni Lance with matching :-/ emoticons.

"kahapon, pinalabas ako ni teacher kabayo, at nadetention pa, ngayon naman wala kming pasok pero kanina ko lang nalaman, nagmadali pa naman ako... at ngayon, medyo badtrip lang syempre kausap na kita, kaso nakaupo sa harap ko si Hiiragizawa Eriol, yung walandyung kalaban ko..." mahabang sagot ni Tomoyo.

Di agad nakasagot si Lance kaya dinagdag pa ni Tomoyo na...

"Ooops... sori Lance nakalimutan ko ung unang rule 'Don't say bad words'... nadala lang ako ng galit..." sabay BUZZ! don't say bad words – don't mention names

Nagsimula ng magtyp si Lance at nakasaad dun na "Okay lang yun... ano naman kasalanan ni.. uhh... Hirazawa Erol ba un?" tanong ni Lance

"Hiiragizawa Eriol, ang bantot ng pangalan noh?" tinama ni Tomoyo si Lance sabay lait ng pangalan ni Eriol

"Hehe.. a owkei... ano yung nagawa niyang kasalanan?" tanong ulit ni Lance

"A yun? Meron siyang 4 mortal sins sa kin...as in deadly... guz2 mong isaisahin ko sa yo?" offer ni Tomoyo

"Sige, sulat mo lahat, babasahin ko..." tinanggap naman ni Lance

"una.. pumatol lang naman siya sa teacher namin na si Ms. Mizuki na halos nanay na niya yung edad, in short matrona..." tapos enter

"pangalawa... di niya tinupad pangako niya, nung nagkabf yung bestfriend ko sabi niya di niya ko iiwan, pero pumunta siya sa London kasama ni Ms. Mizuki..." mabilis niyang tinyp sabay enter

"pangatlo...pinahiya niya ako sa sarili ko, sinabi ko sa kanyang mahal ko siya nung grade 6 kami, ano sinagot niya? 'bakit ako? Ssss... Kalimutan mo na lang yang mahal mahal'...punyeta..." enter uli

"at yung huli...binigyan ko siya ng second chance this 1st quarter, nanghingi ako ng tulong sa kanya kasi dagsaan ang project, pero anong ginawa niya? Sabi niya siya na daw gagawa ng program para sa comsci namin, ako naman pumayag, pero nung presentation na, sa huli nakalagay yung pangalan niya...pahiyang pahiya ako nun..." enter uli at may panibago pang tinyp

"sinong di magagalit nun? Sa unang tatlong malalaking kasalanan niya pinagbigyan ko pa siya, tapos sinira lang din niya... hah! Bakla siguro yun, kalalaking tao walang isang salita..." dagdag pa niya...

Nagsimula ng magtyp si Lance...

"okay lang ba kung makkialam ako sa problema niyo, maia?" tanong ni Lance

"Sure, bf kita, bket inde?" sagot ni Tomoyo

"Paalala online gf lang kita... niweiz, sa unang kasalanan niya, sigurado ka bang talagang pinatulan niya si Ms. Mizuka ba yun? Bsta ung tcher nio... sigurado ka bang pumatol siya dun?" typ ni Lance, na binasa lang ni Tomoyo

"Pangalawa...baka naman you take it literally...yung kung baga di ka niya iniwan as in kahit wala siya, his heart and mind ay nakatuon pa rin seo... naks ang lalim noh..." napangiti si Tomoyo sa attempt niyang humor

"Pangatlo, sinabi mong mahal mo siya nung grade 6 kayo db? Baka naman akala niya infatuation lang nararamdaman mo sa kanya, natatakot siyang di magwork yung relationship niyo...teka hanggang ngayon ba, mahal mo xa?"

"at yung huli, siguro napagod din siya nun, kasi nga sabi mo, dagsaan yung project at may test pa... di mo nakayanan, siguro siya din di niya nakayanan, kaya di na niya nachek yung ginawa niya..." huling tinyp ni Lance

"Thanks sa payo mo, ang gaganda pero di ko pa rin siya mapapatawad... dalawang beses na niyang sinira tiwala ko..." type ni Tomoyo at biglang napaisip, nagdagdag pa "teka, pano mo nalamang may test din kami at di ko nakayanan yung pressure? Di ko naman sinabi sa 'yo ah..." sabay enter

"Sinabi mo nung nadetenion ka ni Ms. Hedja, Ms. Daidoji..." sagot ni Lance

Napaisip si Tomoyo... "detention? Ms. Daidoji?...amputah..."

"HIIIRRAAAGGIIIZZAAAWWAAAAA!" tumayo si Tomoyo sa kanyang upuan only to find out, silang dalawa na lang pala ni Eriol yung costumer ni Kano.

"Kahapon ko lang nalaman na ikaw pala si Maia, Ms. Daidoji... wag mong isiping pinaglaruan na naman kitah.." kalmadong sagot ni Eriol

"Punyeta ka, bakit di mo agad sinabi sa kin!" asar talo si Tomoyo hindi niya lubos maisip na iisang tao lang ang kinagigiliwan niyang boyfriend online at yung kaaway niya sa tunay na buhay.

"E di wala ng thrill... tsaka tingnan mo uli yung sinabi Lance..." nakangiting sagot ni Eriol

At nakasulat nga sa monitor "2 buwan mo na ring sinasabi sa king gusto mo na kong makita, maya sa starbucks, 7 pm, eb tayo, owkei lang ba?"

Magtatyp sana ulit si Tomoyo pero di na natuloy sapagkat sa ilang iglap nasalikod na niya si Eriol.

"Ano sa tingin mo Maia?" tanong niya kay Tomoyo

"Wag mo lang ako bibiguin ulit ngayon..."hinarap ni Tomoyo si Eriol

"Syempre, di ko bibiguin yung girlfriend ko..." aakapin sana ni Eriol si Tomoyo, kaso medyo tinulak niya ito palayo sa kanya ng ilang hakbang, nilapitan at sinabing...

"Ako girlfriend mo?" with a mocking face sabay action ni John Cena na 'you can't see me' "ASA!" tinapik si Eriol sa pisngi "Liligawan mo ulit ako syempre..." at dumiretso sa tinderang nakangiti sa kanilang dalawa para magbayad...

"Mayang 7 ha?" Paalala ulit ni Eriol bago lumabas si Tomoyo.

"Oo, magpapaganda pa ako para kay Lance..." tugon ni Tomoyo na dirediretso lang sa paglabas sa computer shop.

Napailing lang si Eriol, at binulong sa sarili "akalain mo...tsk tsk" at nagbayad na rin at umuwi na sapagkat pagagalitan na siya ng mga nagugutom niyang kasama sa bahay.

Haaaayyy...Bilog talaga ang mundo, maraming bagay ang di mo inaasahang may kaugnayan pala sa 'yo, ang nakakatawa pa dito, minsan ang bagay na 'to yung hindi mo inisip na may relasyon pala sa 'yo.

Tapos na po ang presentation na aking kagaguhan...bow!


AN: Tapos na po ang aking kalokohan sa storya na toh... maghahasik pa ako ng lagim sa susunod kong kwento... /gg... ahiihii...

Pagpasenxahan nio na kung panget ah, madalian lang kasi tong chap na toh... kung buong story naman ung panget, ahhh... kc pirst taym ko lang... reviews nio ang makakatulong sa kin sa pag-improve nun...

Review na lang peepz... tuloy ko na research ko sa ad. bio. namin... ampf!