Chapter 2: Makakayanan kaya nila?

Nagising si Tenten nung umagang iyon na may weird na feeling. Dahan dahan syang umupo pero nung time na iyon hindi sya fully awake. Binuksan nya unti-unti ang kanyang mga mata.

"Aray…Ang sakit na naman ng katawan ko…Para akong nagpenitensya ng isang linggo ah.." sabi ni Tenten at humiga ulit sya.

Paghiga ng dalaga naisipan nyang umidlip uli. Pinikit nya ang kanyang mata at nagconcentrate sa pagtulog. Ngunit, bigla na lang may parang bagay na pumulupot sa kanyang bewang.

It's kinda warm huh? Sabi ni Tenten sa sarili. Hinawakan nya ang bagay na pumulupot sa kanyang bewang.

Parang braso- Teka ANO! BRASO!

Bigla syang umupo uli pero this time she's fully awake. Tumingin sya sa kanyang left side at bigla na lang

"AH!" sigaw ni Tenten.

"AH!...ano ka ba ang ingay ingay mo? May natutulog eh!" sabi ni Neji nadahan-dahang tumatayo. Panu ba naman nahulog sya sa kama ng marinig nya ang nakakasira ng eardrums na boses ni Tenten.

"Anong ginawa mo sa kin ha! AH! Bastos ka HYUUGA NEJI! Susumbong kita sa mommy ko! MOMMY!" sigaw ni Tenten

"Tumigil ka na nga ang sakit sa tenga ng sigaw mo! At how dare you to called me like that!" reklamo ni Neji kay Tenten

"Go away! Umalis ka sa bahay ko!" sabi ni Tenten kay Neji

"Anong bahay mo? Try to look at your surroundings nga? Don't you know? We fought yesterday and you lose? Then you lost your consciousness and I brought you here to treat your wounds. Tapos pagsasabihan mo ko ng ganyan?" paliwanag ni Neji

"ah…eh..ganun ba…sorry ha? Ehehe hindi ko kasi alam eh. Diba friends naman tayo? Kaya sorry na. Sige... uhmm...aalis na ko.Salamat ha? sa pag-alaga sa akin" pasalamat ni Tenten

"Oops! Teka, baka may nakakalimutan ka?" sabi ni Neji na nakangiti na parang may binabalak na namang masama

"Nakakalimutan? Wala ah." Sabi ni Tenten na ngayo'y confused

"Hay Tenteng kuliling..nakalimutan mo ba? Ako ang nanalo kaya gagawin mo lahat ng ipag-uutos ko sayo sa loob ng isang buwan. Got it?" sabi ni Neji

"HOY BULAG! Wag mo nga akong tawagin nyan sabi eh! Alam ko naaalala ko na yung tungkol sa consequences! Ano pa ba kailangan mo ha?" pinagalitan nya si Neji habang nakalagay ang kanyang kamay sa kanyang bewang.

"Ehehe.Kyut mo talaga noh?. Pero masKyut ako sayo. Kelan man hindi mo ako mapapantayan! Hahahah!" tawa ni Neji

"Beh-lat!" Tenten stick out here tongue at Neji

"Hoy Tenten! Pagkatapos mong makauwi sa bahay nyo. Magpaalam ka na sa mommy mo na may mission tayo at tatagal ng isang buwan." Sabi ni Neji

"Teka..alam ko di na yun tuloy ah.." sabi ni Tenten na nakapamaywang

"Basta sundin mo na lang! masyado kang mareklamo eh!" sabi ni Neji'ng irita na.

"Oo na po. Hindi mo na kailangan pang ipagduldulan sa kin noh? Hindi ako bingi" sabi ni Tenten

"Sige alis na. Yungibang gamitmo kunin mo na lang sa mga maids ko. Meet me at 12:00 noon sa may harap ng Ichiraku." Sabi ni Neji at nakita nya si Tenten na hindi nakikinig sa kanya

"Ano ba? Sabi ko, meet me at 12:00 noon sa may harap ng Ichiraku? Narinig mo ba?" Muling sinabi ni Neji

"Ang kulit mong talaga noh? Pinaglihi ka ba sa sirang plakang gamit-gamit ng lola mo?" sabi ni Tenten na naiirita

"Anong sabi mo!" sabi ni Neji

"Wala sabi ko gwapo ka kaso bingi. Dyan ka na nga!" sabi ni Tenten as she leave

"Naku…sakit talaga sa ulo…how troublesome" sabi ni Neji

(ginaya nya ang expression ni Shikamaru na 'how troublesome' )

Sa bahay nila Tenten……

Pagpasok ni Tenten sa kanilang bahay, hindi nya nakita yung mga magulang nya. Ang ginawa ni Tenten tinawag na lang nya

"Daddy! Mommy! Andito na-" hindi na natapos si Tenten sa sinasabi nya ng bigla syang sinugod ng nanay nyang warfreak

"TENTEN! BAKIT NGAYON KA LANG BUMALIK? SAN KA BA NAGPUNTA! NAGLAKWATSA KA NA NAMAN NOH? DI MO BA ALAM NA NAG-AALALA KAMI NG DADDY MO!" sabi ng nanay ni Tenten habang binibigyan sya ng mga malalakas na suntok

Syempre, magpapatalo ba ang bida natin kahit sa Nanay nya?

"MOMMY! TUMIGIL KA NA NGA AT MAKINIG SA AKIN!" sigaw ni Tenten sa Nanay nya at accidentally, naibato ni Tenten ang kanilang Dining table. Ngayo'y naging red ang mata ni Tenten dahil sa hindi na ito nakapagpigil.

Dahil sa kaguluhang naganap sa loob ng bahay nila Tenten, lumabas ang Tatay nyang beterano sa paghawak ng mga weapons ng ninja. Dito sa kwento na to ang pamilya ni Tenten ay sanay sa pakikipaglaban? Hindi ba halata? Warfreak ang nanay nya?

"Oi! Tenten anak, hindi ganyan ang tamang pagsira sa dining table." Sabi ng tatay ni Tenten

"Mom! Dad! Kaya ako ngayon lang nakauwi ay dahil sa nung nagpractice kami ay nagkaroon ako ng maraming sugat at natalo ako sa isang laban na kung saan ay hinimatay ako. Kaya tinulungan ako ni Neji at pina-stay sa bahay nila para magamot." Sabi ni Tenten na nagsinungaling ng konti sa parents nya

"Ano! Sa isang Hyuuga! Aba anak, kayo na ba? Ang anak ko ay may kasintahang Hyuuga! Ah! Dininig ni Bathala ang ating hiling Daddy! Makaka-asawa sya ng isang matapang at malakas gaya ng Hyuuga! Im so happy for you anak" sabi ng Nanay ni Tenten at niyakap nito ang dalaga

"Mom! For your info…una, hindi kami ni Neji, pangalawa, hindi ako makakapayag na sya ang maging kasintahan ko, eh ang yabang yabang nun and last but not the least he's not my type!" paliwanag ni Tenten at pumunta ito patungo sa kwarto nya.

"Pero anak-" sabi ng nanay at tatay ni Tenten

"That's my final decision Mom. Tsaka one more thing pa pala. May mission po kami at one month po akong mawawala." Sabi ni Tenten na kapapasok lang sa kwarto nya.

Pagod na pagod nun si Tenten. Hindi sya makapaniwala sa ginawa ni Neji sa kanya. Habang nakahiga sya sa kama, ang kanyang isip naman ay nakatuon parin sa pangyayaring naganap sa mansion ni Neji

Bakit ganun? Kahit na anong ginawang mali sa akin ni Neji bakit parang hindi ko magawang magalit sa kanya? Pero I really appreciate yung ginawa nyang pag-aalaga sa akin. Can this be love?

(kanta: Can this be love I'm feeling right now…ehehehe, ikanta ba?)

"Magpapahinga nga muna ako, mamayang 12:00 pupunta pa ako sa Ichiraku, Kasi naman hindi man lang ako pinagpahinga ni Neji? Kagagaling ko lang ah…Hay naku" sabi ni Tenten na nagpahinga

Sa Hyuuga Mansion…

I wonder what's going on with me? Bakit ba ang hilig-hilig kong inisin si Tenten? Lumalambot na ba ang puso ko? Iba talaga si Tenten sa mga nakilala ko grabe! Ewan ko ba?

Knock

"Kuya, May I come in?" sabi ni Hinata

"Tuloy" sagot ni Neji

"Kuya, pa-pasensya na s-sa na-nagawa ko. Hin-hindi ko sinasadya na pag-isipan ka-kayo ni A-Ate Tenten ng masama." Sabi ni Hinata at yumuko ito. (ibig sabihin humihungi sya ng tawad, kaya sya yumuko)

"Ok lang yun. Teka, maiba ako. May namamagitan ba sa inyo ng Kulugong si Naruto? Kasi sabi sa kin ng source ko nakita daw kayong nagde-date sa Ichiraku. Ano? Totoo ba yun?" tanong ni Neji

"Oh…Oo Kuya…kahit mukha syang ewan at medyo masiba syang kumain mahal ko pa rin sya. At kahit pa ako lagi ang nagbabayad sa kinain nya, hindi ko sya ipagpapalit sa bato.."sabi ni Hinata

"Anong bato? Si Darna ka ba?" sabi ni Neji

Naku…Ito palang pinsan ko naglilihim pa sa akin, sya pala si Darna! Idol! Ehehehe

"Ma-mali pala…hindi ko pala sya ipagpapalit sa ginto" sabi ni Hinata na nakangiti at pinaglalaruan nya ang kanyang daliri.

corny bah?

(mannerism kasi nya na pagkinakabahan sya or nahihiya pinaglalaruan nya ang kanyang mga daliri)

"Ah…sa susunod liwanagin mo kala ko pa naman ikaw si Darna, sayang magpapa-autograph sana ako eh. Sige maaari ka ng umalis" sabi ni Neji

"Pasensya na. O sige alis na ko, mag-dedate pa kasi kami ni Naruto sa Turo-turo eh…Mahirap na kasi buhay ngayon kaya tipid-tipid muna. Bye kuya" sabi ni Hinata na lumabas na sa kwarto ni Neji.

Sa Ichiraku…

"Hay naku..ang tagal naman nung mayabang na yun..lagpas ng 12:00 ah..tapos sabi nya ayaw nya ang mga nalelate. Sya rin pala." Sabi ni Tenten na naiinip na.

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating rin sa wakas si Neji.

"HOY!" sabi ni Neji (medyo napalakas)

"AY! Kabayo ka! Ano ka ba Neji! Gusto mo na kong mamatay sa sakit sa puso noh? Bat ba ang tagal mo?" sabi ni Tenten na nakahawak sa left chest nya. Sa heart ba.

"Oi di ako kabayo. Pumunta lang ako kina Sir Gai dahilpina-posponed ko na yung training natin. Ayun nung marinig ni kapal kilay yung sinabi ko nagwala na naman, kaya natagalan pa ko. At tsaka…bakit ba msyado kang reklamador dor..dor…dor?" sabi ni Neji

(May echo pa itich!)

"Eh ba't dito pa tayo sa Ichiraku nagmeet? Kala ko pa naman kakain tayo dyan kahit papaano. Alam mo ba nagutom na ko sa kahihintay sayo? Hindi mo man lang ako pinakain kahit sandali. You're such a jerk you know?" reklamo ni Tenten

"Gusto mo lang ilibre kita eh. Ei! May utang ka pa sa kin noh? Bayaran mo muna bago kita ilibre ulit" sabi ni Neji.

"Nge…Sabihin mo kuripot ka lang. Sige na nga di na ako kakain" sabi ni Tenten.

Biglang hinawakan ni Neji ang kamay ni Tenten at hinila sya.

"Ne-Neji! San ba tayo pupunta ha?" tanong ng nagbablush na ninja

"Sa Uncle Hiashi ko, yung tatay ni Hinata." Sabi ni Neji na naglalakad still holding Tenten's hand

"Sa Uncle mo? Bakit? Ano ba gagawin natin dun?" Sabi ni Tenten

"Di ba may deal tayo na susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko sayo in one month? So, eto na yun." Sabi ni Neji

"Oo nga pero ano ba talaga ang gagawin natin?" sabi ni Tenten

"Magpapanggap tayo na magkasintahan sa harap ng Uncle ko. Ipapakasal kasi ako sa ibang tao na hindi ko naman mahal. Tulad ko, ganun rin si Hinata pero nakahanap na si Hinata ng ka-partner nya." Paliwanag ni Neji

"Kasintahan?" gulat na sinabi ni Tenten

"Oo. Kasintahan pero kunwari lang naman eh" sabi ni Neji

"O sige. Pero tanong ko lang? Sino ba ang kasintahan ni Hinata ngayon? Dapat pala i-congratulate ko sya" sabi ni Tenten na masaya para sa kaibigan nya.

"hay naku..Sino pa? kundi si Narutong kulugong mukhang ewan." Sabi ni Neji na medyo ayaw kay Naruto dahil sa kayabangan nito.

"Si Naruto! Dapat pala condolence. Eheheh" sabi ni Tenten

"Bitiwan mo muna ako, susundan na lang kita. Ang sakit na kasi ng wrist ko eh ang sakit mong humawak." Sabi ni Tenten

"…." Sabi ni Neji

Naglakad sila Neji at Tenten sa lugar na puro halaman, damuhan at mga flowers. Habang naglalakad si Neji kasama si Tenten, napansin ni Neji na masayang masayang nakatitig si Tenten sa mga flowers.

"Ang ganda……" sabi ni Neji

"Anong maganda?" tanong ni Tenten

Naku..I'm doomed! Napansin nya ako

"sabi ko ang ganda ng view dito" sabi ni Neji with his usual cold tone

"ah…Di ko alam Neji ang ganda pala ng lugar ng Uncle mo. Teka..Mabait ba sya?" tanong ni Tenten

"Hindi. Mag-ingat tayo at baka may lumabas ditong-" natigilan si Neji

"…….ninja'ng tauhan ni Uncle Hiashi" tuloy ni Neji

"Ok! Gusto ko ng exercise. Perfect to!" sabi ni Tenten na handang handa ng lumaban.

"mag-ingat ka" sabi ni Neji

At lumaban ang dalawa. Napakarami ang mga ninja'ng nakapaligid sa kanila siguro nasa twelve. Pero ang akala ni Tenten mga ordinary'ng ninja lang at kaya nya ngunit nagkamali sya.

"AH!" napasigaw si Tenten sa sakit dahil sa tumama sa kanyang mga shuriken at kunai

"Tenten!" sigaw ni Neji and with just a second, i-nactivate nya ang byakugan at tinapos lahat ng kalaban

"Oww.."sabi ni Tenten sa sakit

"Sabi ko sayo mag-ingat ka eh. Kagagaling mo lang tapos eto na naman…" sabi ni Neji

"Pero marami naman akong natalo kaysa sayo. Ok lang to. It's worth it naman eh." Sabi ni Tenten at ngumiti ito sa kanya

"ibang klase…tara na nga" sabi ni Neji

"Bakit ba tayo inaatake nung mga yun?" tanong ni Tenten

"Mga pagsubok nya sa mga pumupunta dito." Sabi ni Neji

Grabe! Masyado talaga silang bayolente!

At finally, dumating na sila sa mala mansion na namang bahay ng mga Hyuuga.

"Grabe ang yaman nyo talaga." Sabi ni Tenten.

"Tara na sa loob" sabi ni Neji

"Teka…hindi ko alam ang gagawin ko?" tanong ni Tenten na kinakabahan.

"Basta sakyan mo na lang ang lahat ng ginagawa at sinasabi ko" sabi ni Neji

"Ok" sabi ni Tenten

"Just hold my hand para mapaniwala rin natin sya" sabi ni Neji at namula silang dalawa.

"ah…Oo" sabi ni Tenten. At naghawak na sila ng kamay

Ang lambot naman ng kamay ni Neji! Di gaya sa kin…Pero ok lang once in a lifetime lang to.

Sa loob ng Hyuuga Main Mansion…

"Oh, pamangkin nandito ka na pala" bati ni Hiashi

"Uncle Hiashi , hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Wag ka ng maghanap ng mapapangasawa namin ni Hinata dahil meron na kaming kanya kanyang kasintahan. Eto pala si Tenten ang girlfriend ko" sabi ni Neji

"Ah…ganun ba….pero hindi mo ko maloloko. Magdadaan muna kayo sa pagsubok ko" sabi ni Hiashi

"Bakit? Di na kailangan yun" sabi ni Neji

"Kailangan. Pumili ka, ipapakasal kita sa iba o gagawin mo ang pagsubok at magpapakasal ka sa kanya?" sabi ni Hiashi

"Can I call a friend?" sabi ni Neji

"Ano to? Who wants to be a millionaire? Ginawa mo pa kong host?" sabi ni Hiashi.

"ehehe. Pasensya na po kayo kay Neji…ah…ano…gagawin na po namin yung pagsubok.." sabi ni Tenten na kinakabahan.

"Oh sige. Kung malampasan nyo ang mga iyon. Hindi ko na ipapakasal si Neji at Hinata sa iba." Sabi ni Hiashi.

"Sabihin nyo na ang mga pagsubok para masimulan na namin. Hindi ko na matatagalan ang mamalagi dito sa pamamahay na to." Sabi ni Neji'ng atat na atat.

"Isa-isa lang pamangkin. Kailangan dito kayo manirahan ng ilang araw, dito nyo rin gagawin ang mga pagsubok." Sabi ni Hiashi

"Asar naman…"sabi ni Neji

"Ang magbibigay sa inyo ng pagsubok ay walang iba kundi si Anko" sabi ni Hiashi

"Hello guys! Ako ang taga-bigay ng pagsubok dito!" sabi ni Anko

"Hay…naku…Ba't sa lahat pa ng magbibigay ng pagsubok si Anko pa?" sabi ni Tenten

"Oh sige na. Tara't sundan nyo ko at pupunta na tayo sa Unang pagsubok." Sabi ni Anko at sinundan nga nila Neji si Anko

Ba't- ba't andito kami sa isang kwarto sa bahay na to? Isip ni Neji

"Have a sit" sabi ni Anko na pinaupo ang dalawang magkasintahan daw kuno.

"Ang kulit mo ah! Ibigay mo na sa amin ang unang pagsubok. Ayoko ng umupo pa dito." Sigaw ni Neji kay Anko

"Kung mapapaniwala nyo ko na kayo nga talaga at maipasa nyo ang lahat ng pagsubok. Makakalaya na kayo kay Hiashi" sabi ni Anko

"Anko, anung turing mo sa min preso? Sabihin mo yung pagsubok para makakaalis na kami dito sa mansion na to" sabi ni Tenten

(kaya nasabi ni Tenten na 'anu kami preso' ay dahil sa sinabi ni Anko na 'makakalaya')

"Oh sige. Una, sa isang magkasintahan o malapit ng IKASAL, kailangan masanay kayo na manirahang magkasama. Kaya sa loob ng ilang araw dito kayo sa kwarto na to. Hindi kayo aalis dito hangga't hindi pa nyo napapasa ang pagsubok." Sabi ni Anko

"Sus! Yun lang ba ok lang kami dito ni Cookies n' cream. Di ba Cookies n' cream?" napakasweet na sinabi ni Tenten kay Neji at niyakap nya ito.

Tingnan mo tong dalawang to. Halata namang hindi sila eh. Pero imbis na bigyan ko sila ng mahirap na pagsubok gaya ng sabi ni Hiashi, bibigyan ko na lang sila ng pagsubok na tinatawag na LOVE STRUCK. Hayop! Ang galing ko talaga!

Napatawa si Anko habang kinakausap sina Neji kaya napansin ito ng dalawang lovers. At nagbulungan sila.

"Ei! Neji di ba parang sira tong si Anko? Siguro kaya sya nagkakaganyan kasi nabasted sya ni Kakashi nun nanligaw sya. Masyado kasi syang desperado nung time na yun eh. Ehehe" bulong ni Tenten kay Neji.

Si Neji naman nod ng nod. This time si Anko, naiinis na.

"Kayo talaga! You're very mean! Makaalis na nga dito-Oops! Teka lang! before I leave you two, there's something I want you to do in front of me!" nakangiting sinabi ni Anko na halata namang may binabalak sya.

"Anu ba yun Anko!" sabi ni Neji na para bang gusto ng i-activate ang byakugan dahil sa naiinis na sya kay Anko. Kung di lang nga nila kaibigan si Anko at ito ang tagapagbigay ng pagsubok siguro kanina pa nya ito nilabanan.

"Oh..cool ka lang…Ang gusto ko magkiss kayo sa harap ko. Di pa kasi ako nakakakita ng nagkikiss eh…ahahah!" sabi ni Anko. Liwba na naman..

"Ah! Sus! Yun lang ba?" sabi ni Tenten at kiniss na sa cheeks si Neji

Neji…0.o? na-caught off guard sya..ehehe

"hindi yan, sabi ko KISS as in sa LIPSSSSS" sabi ni Anko na nang-aasar

"S-sa Li-Lips!" sabi ni Neji at Tenten ng sabay

"Oo. Bakit? Never ba in your whole life na nagkiss kayo! Kala ko ba kayo na?" sabi ni Anko na tinitignan sila ng … -.-?

"Ah! Ok..here it goes…." Sabi ni Tenten and they blushed.

Then their faces came closer and closer and………yun. Nagkiss sila.

"Oh ano? Pwede na yun?" sabi ni Tenten kay Anko

"ok na yun" sabi ni Anko

"Sige bye" at umalis na si Anko

"Pwe.." sabi ni Tenten

"Pwe…Pwe…anu ba yan? Uminom ka ba ng suka?" sabi ni Neji

"Mahiya ka hoy! Hindi ako umiinom ng suka! Eh ikaw? Nagtoothbrush ka ba?" sabi ni Tenten

"ABA! Syempre baka nga ikaw dyan ang hindi" sabi ni Neji na para bang nagsasabing 'how grossed..'

"By the way ano na ba gagawin natin Cookies n' cream…" sabi ni Tenten'g nang-aasar

"Cookies n' cream ka dyan baka gusto mo gawin kitang Cacao" sabi ni Neji

"Excuse me…Anu na? Anong gagawin natin dito magtititigan na lang?" sabi ni Tenten

"Basta ako magbibihis na ko at magsha-shower. Bahala ka sa buhay mo kung anong gagawin mo" sabi ni Neji na ready ng magshower.

"Hep! Ang suplado mo talaga noh? Teka, ako muna magsha-shower. Ladies first noh?" sabi ni Tenten na nakataas ang noo

"Bakit sino ba may sabing Lady ka?" asar ni Neji

"Heh! Basta ako na ang maliligo" sabi ni Tenten

"Ingat baka malunod ka..ahahah" tawa ng tawa si Neji'ng nananadya

"Che!" sabi ni Tenten


Ok ba? Medyo pinutol ko kasi pansin ko ang haba eh…Senxa na. Sana kahit papaano nagandahan kayo sa chapter na to. Sana suportahan nyo po ang aking fanfic..Marami pa pong susunod na kaguluhan ang magaganap kaya…WAG KUKURAP! Ehehehe