Chapter 3: Meet the new found couples…
(Nahinto tayo sa scene na magsha-shower si Tenten)
Sa Bathroom..
Hinubad na ni Tenten ang kanyang damit at binuksan na nya ang shower.
"Wow…Ang laki naman ng bathroom na to..Kasinlaki na ata nito ang bahay namin eh.." sabi ni Tenten na manghang-mangha
"Kung hindi lang ako natalo sa laban namin ni Neji hindi siguro ako laging high blood ngayon…pero iba talaga yung feeling na naka-press ang lips ni Neji sa akin, ewan ko ba. Pero lagi talaga nya kong iniinis." Sabi ni Tenten
Sa room nila…
"Hay, ibang klaseng babae talaga tong si Tenten. Hindi ko alam na ganun ang ugali nya..NAKAKATA-cute-ko parang kakain ng tao." Sabi ni Neji
"Tagal naman nun maligo? TENTEN KULILING DALIAN MO NGA DYAN!."sabi ni Neji na inip na inip na inip na….
Sa Bathroom…
"Oo na. Teka." Sabi ni Tenten at natapos na syang maligo.
Hay asan na ba yung extra clothes…..? Hala! Patay! Nakalimutan ko? Anung gagawin ko? Hindi naman ako pwedeng lumabas na naka-towel lang. Eh nilock pa ni Anko ang kwarto para di talaga kami makalabas..Tanga ka talaga Tenten..Wala na akong maisip na ibang paraan kundi ipakuha ang extra clothes na binigay ni Anko.
"Neji'ng BULAG! Pwedeng favor?" sigaw ni Tenten mula sa bathroom.
"ANO BA YUN HA KULILING? DI MO BA ALAM NAGBABASA AKO NG LIBRO?" reply ni Neji
"PWE-PWEDE BANG PA-PAKIKUHA NU-NUNG E-EXTRA CLOTHES NA BI-BINIGAY NI-NI A-ANKO?" sabi ni Tenten na nahihiya
"Pahamak talaga. Sandali kukunin ko." Sabi ni Neji
Hinanap ni Neji kung saan nakalagay yung clothes. Nakita nya ito sa may upuan.
Ayun lang pala…pinahirapan pa ako…! ano to?
Nagulat si Neji sa nakita nya. Pulang-pula sya nun at para bang sasabog na kamatis sa sobrang red nya. Panu ba naman? Eh ngayon lang sya nakakita ng women's clothes. TALAGANG NAKAKAHIYA..He, being a man talagang ganyan ang magiging expression nya.
I have no choice but to bring this to Tenten. Isa lang masasabi ko IBANG KLASE KA TENTEN! Bakit ba ang lupit sa akin ng mundo? At na stuck pa ako dito kasama ng babaeng to?
"E-eto na Tenten.." sabi ni Neji na kumatok sa door ng bathroom para iabot kay tenten.
(Note: nakatalikod sya nun sa pinto)
Bumukas ng konti ang pinto upang makuha ni Tenten ang damit.
"Salamat." Sabi ni Tenten'g namumulang parang kamatis at hiyang hiya.
"Walang anuman" sabi ni Neji
Phew! Kala ko di ko makakaya yun! Parang nasa extra challenge ako! Pero wala akong fear of heights kundi FEAR OF TENTEN – sabi ni Neji sa isip nya.
Minutes Later…
Natapos at nakabihis na rin sa wakas si Tenten pati na rin si Neji. Habang sila'y may kanya kanyang ginagawa sa loob ng boring na kwarto bigla na lang may kumatok.
Knock.
"Master Eto na po ang pagkain nyo." Sabi ng katulong at inilapag nga nung katulong sa may bandang kama.
"Wow! Neji! Tingnan mo dinner in bed!" sabi ni Tenten
Neji just nod. San na naman ba nakuha ni Tenten ang word na Dinner in bed? Kakaiba… sabi ni Neji sa sarili
Kumain ng kumain si Tenten, habang si Neji ay nagbabasa lang ng kanyang favorite na libro.
"mm..hoy Nechji bat di ka kumainsh." Sabi ni Tenten habang may pagkain pa sa bibig.
"Ayoko. Tenten magdahan dahan ka ngang kumain. Sige ka mabubulunan ka nyan" sabi ni Nejina patuloy parin sa pagbasa ng libro. Lumunok muna si Tenten bago nagsalita.
"Bakit ba? Eh sa gutom ang tao eh. Kung hindi kasi dahil sa isang kuripot dyan na hindi man lang ako nilibre ng pagkain di sana hindi ako ganito. Babayaran naman sya eh." Sabi ni Tenten na nagpaparinig kay Neji.
"Ganun..Concern lang ako kasi merong nabalita sa dyaryo nung isang araw. Headlines pa nga eh ang sabi 'babae, kumakain ng mabilis, nabilaukan, na-coma, patay!' Wag mo sang masamain ang sinasabi ko. Nag-aalala lang naman ako sayo eh." Sabi ni Neji
Dun sa sinabi ni Neji kay Tenten, nabilaukan ang bida natin. At heto ubo ng ubo.
Cough, cough, cough.
"sabi ko sayo eh. Hindi ka lang nakikinig sa kin." Sabi ni Neji habanghinihimas ang likod ni Tenten para maalis ng konti ang pag-ubo nya.
"e-ewan." Sabi ni Tenten. Pinupukpok ni Tenten ang kanyang dibdib para maalis ang pagkabilaok nya. (but failed)
Anu ba to, ayaw paring maalis ang pagkabilaok nya…naiinis na ko ah..sabi ni Neji sa sarili
At sa sobrang alala na rin nya kay Tenten natapik nya ito sa likod ng napakalakas pero di naman nya sinasadya.
"AH!" sigaw ni Tenten na ngayo'y nahulog sa kama at sa kasamaang palad nauntog pa ito pagkahulog nya.
Patay…
"Tenten!...so-sorry…" sabi ni Neji na humihingi ng tawad sa ating bida ng paulit-ulit.
"A..ray…." masakit talaga ang nangyari kay Tenten.
"HYUUUGAA NEEEJIIII !" sigaw ni Tenten. Eyes red.
"teka-teka. Ten..Ten" sabi ni Neji para syang ngayong asong malapit ng katayin dahil sa sya'y takot na.
SI HYUUGA NEJI..ISANG SUPER ROOKIE..KILALA NA MALAKAS, MATALINO AT DI BASTA-BASTA NATATALO NGAYON TAKOT SA ISANG BABAE?
"Hindi mo ba alam? Itong mukhang tong inalagaan kong di masira ngayo'y nagasgasan dahil lang sayo. Di mo ba alam itong face na to, talo pa ang mga flawless na skin ng mga model ni Vicky Belo? Alam mo bang ito na lang ang puhunan ko para ako'y makapag-asawa rin ha? Hindi habang buhay magiging isang ninja na lang ako. May pangarap rin ako." sabi ni Tenten na umiiyak na.
"Te-Teka...ka-kala ko ba tomboy ka?" sabi ni Neji na para bang si Hinata. At dahil don mas lalong kumulo ang dugo ni Tenten.
"Anong tomboy! Di ako tomboy noh" sigaw ni Tenten.Nanliit tuloy si Neji.
"Tenten..sorry na. Hindi mo na kailangan pang maghanap ng mapapangasawa. Andito naman ako tska mas poginaman ako kay Richard Guttierez noh.Wala ka ng hahanapin pa." sabi ni Neji
"anoh?" sabi ni Tenten na umupo muli sa may kama at katabi si Neji. Nagkatinginan ang dalawa.
"wa-wala sabi ko andito ako para tu-tulungan kang maghanap ng ma-mapapangasa-wa." Deny ni Neji na pinipilit i-hide ang blush.
"ah..salamat. pasensya ka na sa mga sinabi ko sa iyo. Gomen.." sabi ni Tenten.
"Ok lang yun. Mabuti pa't tapusin mo na ang kinakain mo at matulog ka na" sabi ni Neji na kinuha ang kanyang naiwang libro.
"Hai. Pero pano ka? San ka matutulog?" tanong ni Tenten
"eh di dito rin sa kama. We have no choice but to sleep together in one bed kasi nga baka may mga nilagay ditong monitor si Anko at baka mabisto tayo. Alam mo naman yun, isang chismaks. Mauna ka na tatapusin ko lang ang pagbabasa nito" Sabi ni Neji. Iniscan nia ang kwarto at may nakita nga syang hidden camera.
"ah…o sige" sabi ni Tenten na handa ng matulog.
Ilang oras pa ang lumipas at nakatulog na rin si Neji habang nagbabasa ng libro. Si Tenten naman aydi makatulogkaya naman, bumangon ulit sya. Napansin ni Tenten na si Neji ay nakatulog na sa upuan. Naisip nyang ilagay si Neji sa kama at pagkatapos matutulog na rin sya. Tiningnan nya ang ngayo'y mala-anghel na mukha ni Neji.
Siguro di na nya namalayan nakatulog na pala sya. sabi ni Tenten na napangiti rin. Ang kyut kasi ni Neji kapag natutulog, parang anghel.
"Hay…Neji..mabait ka pala pag-tulog? Ehehe" sabi ni Tenten at binuhat nya si Neji.
"Ang…bi..gat…pala ni Neji…Akalain mo" sabi ni Tenten at ilalapag na sana nya ng maayos si Neji pero dahil sa lumikot si Neji napahiga silang dalawa sa kama.
Nadaganan ni Neji si Tenten. Dahil sa current situation nila ngayon, namula si Tenten.
Ne-Neji…Ano ba tong ginawa ko. Panu na to. Kahit anong gawin kong pag-alis sa kanya sa pagdagan sa akin ayaw pa rin. Ang bigat nya kasi isa pa, para syang mantika kung matulog. Hindi man lang sya magising gising.
Hindi na nakayanan ni Tenten'g alisin si Neji sa kanya kaya hinayaan na nya ito.
Suko na ko…Matulog ka ng mahimbing Neji..sabi ni Tenten at hinalikan nya ito sa noo. Ilang minuto pa ang nagdaan at nakatulog na rin si Tenten.
Kinabukasan……
"Ang lambot naman ng kama ngayon at ang bango pa…pero ang init tsaka bakit parang umuuga..?" sabi ni Neji pero nakapikit pa ito. Nang dumilat sya nakita nya si Tenten na nadaganan ng sarili nyang katawan.
Ten…ten…Siguro nadaganan ko sya..pero paano? Sabi ni Neji na unting-unting lumipat sa right side ng natutulog na Tenten. Nakahiga pa rin si Neji pero nakatingin ito kay Tenten. Bigla na lang napaharap si Tenten sa right side nya at nag-face-to-face silang dalawa pero tulog pa rin si Tenten.
Hindi na naalis ni Neji ang tingin nya sa mukha ng ating bida, tiningnan nya ng mabuti ang kanyang katamtamang noo, ang ilong nitong hindi matangos at hindi rin pango at ang kanyang rosy lips na dalawang beses na ni Neji na kiss.
"Ten…Ten.." sabi ni Neji sa sarili at dahan-dahan syang lumapit sa mukha ni Tenten. Mukhang hahalikan ni Neji ang ating bida sa pangatlong pagkakataon! Ano ha? Nang…
"Neji…mahal….na….mahal……na mahal….magpa-ospital ngayon bawal magkasakit…kaya mag-ingat ka…." Sabi ng nag-sleep talk na Tenten
Medyo na disappoint si Neji, akala nya mahal na rin sya ni Tenten. Tuluyan na kasing nahulog ang loob ng dating cold hearted na ninja na si Neji sa dalagang si Tenten.
Sus! kala ko kung ano na...pero ...sana malaman rin nyangmahalko sya kahit na sinusungitan at inaasar ko sya palagi..sana mahalin rin niya ako….ANO? anong sinabi ko! Mahal ko sya?...? mahal ko ba talaga sya o infatuation lang? Ah…basta…ang sabi ng puso ko mahal ko sya. Period. No erase. Sa ngayon hindi ko muna ipapaalam o ipapakita sa kanya ang nararamdaman ko.
Hindi na tinuloy ni Neji ang balak na halikan si Tenten. Kung hahalikan man nya ito mas mabuting gising sya. Ayaw nyang magtake-advantage sa dalaga. Hindi sya ganung tao.
Sa kabilang banda…
Pinapunta si Naruto at Hinata ni Hiashi katulad ng ginawa nito kina Tenten at Neji.
"Na-Naruto…Hindi ko a-alam k-kung a-anong gagawin k-ko..si A-ama kasi eh." Sabi ni Hinata na kinakabahan at niyakap ang braso ni Naruto
"Don't worry Hinata. All we'll go righty righty…" English pa ni Naruto
(ibig sabihin ni Naruto.. Wag kang mag-alala Hinata. Lahat ay magiging maayos…ehehehe)
"Naruto…" sabi ni Hinata
"Let's go!" sigaw ni Naruto with full of confidence
"Abah! Nandito na pala ang anak ko..Hinata.." sabi ni Hiashi
"Ma-magandang U-umaga A-ama…" bati ni Hinata
"Hey! Dadsky! Wazzup wazzup? I'm Hinata's kazintahan,Ya know?" sabi ni Naruto sabay kuha ng sunglasses at sinuot.
"Sya ba? Sya ba ang mapapangasawa ng magiging tagapagmana? Eh! mukha nga syang goons..dating pa lang eh..Hinata ipaliwanag mo to…" sabi ni Hiashi na nahahigh-blood.
"Pe-pero Ama sya po talaga ang love ko. Hindi k-ko po matuturuan ang aking puso n-na magmahal ng i-iba…I-isa pa ma-magaling po syang ni-ninja." Sabi ni Hinata na kala mo kung sinong makata ",)
"She's tama! Ahahah!" sabi ni Narutong nagmamayabang.
O.o?
"Anoh?" sabi ni Hiashi
"sabi po nya tama daw po ako" sabi ni Hinata'ng trinaslate yung English ni Naruto.
"Uhmm…Sir Hiashi…I will cross my heart that I will shield Hinata coz I'm the next Hokage" sabi ni Naruto
"anong cross my heart ka dyan at di pa shield-shield ka pa?" sabi ni Hiashi
"ibig sabihin po ng 'cross my heart' ay pangako at ang 'I will shield' ay proprotektahan ko." Sabi ni Hinata
"Panu mo ba nasabi na magaling sya? At pinagmamalaki pa nya na magiging Hokage sya eh english pa lang nya balu-baluktot na..Para makasiguro ako na sya nga ang para sa iyo Hinata bibigyan ko sya ng pagsubok gaya ng kina Neji." Sabi ni Hiashi
"S-sila K-Kuya Neji a-andito?" asked Hinata and his father just nodded.
"Philippines, are you game? I'm game. I will take the Extra Challenge at McDonalds." Sabi ni Naruto
(Game ka na ba? Tska Extra Challenge? Aba, sosyal si Naruto ah!)
"Pasensya na po kayo sa English nya Ama. Ibigay nyo na po ang pagsubok" sabi ni Hinata na namumula na naman.
"who cares sa English nya. Ang sabi nya ay magiging Hokage sya diba? Nagpapatawa ba sya. Di patunayan nya at kalabanin ang isang jounin na katulad rin ni Kakashi." Sabi ni Hiashi
"OK! Game na ko! Asan na sya?" sabi ni Naruto na hinahanap na ang kalaban.
"Eto na sya…" sabi ni Hiashi.
Pagkatapos ni Hiashi magsalita, biglang nagkaroon ng tunog na ganito: TANTARARAN!
"Long time no see…Naruto" sabi ni Ebisu na lumitaw sa harap ni Naruto
"Aba! Ikaw lang pala" sabi ni Naruto
"Sisiguraduhin ko na matatalo ka. Ha..Ha..Ha.." sabi ni Ebisu
Sila Ebisu at Naruto ay ready ng lumaban at sa senyas ng Ama ni Hinata nagsimula ang laban. Hirap na hirap ang dalawa sa kanilang laban dahil sa lagi na lang sila nagkakapantay sa pag-atake.
Kailangan kong manalo dito. Dapat mapakasalan ko si Hinata at pag-ako ang nanalo gagawin ko syang first lady pag-Hokage na ako! Hindi ako matatalo nitong parang fan ng Matandang mahilig na si Jiraiya.
"Tatapusin ko na to! Harem technique!" sabi ni Naruto at nagchange sya ng anyo at naging sexy'ng babae.
"Waa!" sigaw ni Ebisu na nag-nose bleed. At gaya ng inaasahan nahimatay ito at nanalo si Naruto.
"Yahoo! Yahoo'ng Yahoo!" sigaw ni Hinata na lumapit kay Naruto
"Oh panu ba yan Sir Hiashi ako ang nanalo sa laban. Mapapakasalan ko na si Hinata." Sabi ni Naruto na niyakap si Hinata
"Kung gayon, Ikaw ang nanalo. Wala na akong magagawa kung di ipakasal ka sa aking anak. Ingatan mo siya kung hindi…hindi ka na sisikatan ng araw." Sabi ni Hiashi
"Sir yes sir!" sabi ni Naruto
"Dito na kayo tumira at paghandaan ang inyong kasal. Gayong nandito rin naman sila Neji." Sabi ni Hiashi
kainis naman ang hina pala nyang Ebisu na yan... sabi ni Hiashi.
"Kung yan ang gusto mo Ama. Magpapaalam na po kami Ama, ipapasyal ko lang si Naruto sa ating bahay." Sabi ni Hinata at umalis na sila ni Naruto. Naglakad sila Naruto at nadaanan nila ang nakahigang ninja.
"Yan ang napapala ng mga nagbabasa ng Icha Icha Paradise ng
matandang mahilig" asar ni Naruto kay Ebisu.
Sa kabilang banda..
Nagising na sa wakas ang ating bidang si Tenten. Nag-unat muna ito at pagkatapos tumayo.
"Go0o0o0d m0o0rnniing!" sigaw ni Tenten.
"Aga-aga ingay-ingay." Sabi ni Neji
"Good am! Cookies n' cream!" asar ni Tenten
"hmmph!" sabi ni Neji
"sunget! sabihin mo nga sakin...(lumapit kay Neji at may binulong)...meron ka ba?" sabi ni Tenten
"Ano! kapal mo ah! di kaya ako babae! Aga-aga..." sabi ni Neji na nainis na naman
may kasabihan nga lokohin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising sabi ni Tenten
"so, anu na gagawin natin ngayon?" tanong ni Tenten kay Neji
"Ewan ko sa tomboy na Anko'ng yan. Tagal naman kasi eh" sabi ni Neji
Bigla na lang may sumulpot sa kanilang harapan si Anko habang sila'y nag-aaway(parang cat fight).
"Ei! Mga guys! Ang aga pa ah..para kayong mag-asawang pinaglipasan na ng panahon..di pa nga kayo kasal tapos…ok. That's enough! Eto na ang susunod na challenge nyo. Ang tawag sa challenge na ito ay GUESSING GAME. Guess what, Guess why, Guess where, Guess when, and guess me." Sabi ni Anko
"hay..la na tong pag-asa?" sabi ni Tenten.
"Oh anu pa hinihintay mo. Dalian muna. Nakakainip na ah.." sabi ni Neji na inip na inip na.
"O sige. Tatanungin ko ang isa sa inyo at kailangan itong masagot." Sabi ni Anko
Q#1: Kelan kayo naging mag-on?
Neji: Nung nov. 1.
Tenten: Nung feb. 14 (she glared at Neji)
Anko: Ano ba talaga?
Tenten: Ah..eh..Actually Feb.14 yon..ehehe
(habang tinakpan niya ang bibig ni Neji)
Q#2: Anong katangian ang nagustuhan mo sa kanya Neji?
Neji: Sa totoo lang hindi naman kagusto-gusto yung mga katangian nya...At isa pa walang korte katawan.
Napansin ni Neji ang death glare ni Tenten
Anko: So, ibig mong sabihin hindi mo sya gusto?
Neji: (sweatdrop) ah..hindi. Ibig sabihin ko hindi panlabas na anyo ang nagustuhan ko sa kanya kundi ang katangian nya at pag-uugali.
Anko: Ah…Ok..
Q#3: Tenten, Sa palagay mo, gaano mo kamahal si Neji?
Tenten: Si Neji? Pagnawala si Neji sa akin.. baka makapatay ako…maka-patay ako ng baBOY! Hmmm!
(Ala Teri Onor? Este parang si Nora Aunor..ehehe. Sorry for using Nora Aunor (or even TeriOnorin this fic..)
Q#4: Paano mo idedescribe si Tenten through flower?
Neji: Simple lang sampaguita.
Anko: Bat naman sampaguita?
Neji: Kaya nga simple lang eh. Para syang sampaguitang nagsasagisag ng simpleng kagandahan at kabutihan.
Anko: wow! Ang sweet naman!..Sana ganyan rin si Kakashi sa kin!
(nagday-dreaming na naman si Anko na kasama nya si Kakashi at magkahawak ang kamay.)
Tenten: heller! Earth calling Anko?
Anko: sorry…
Q#5: Ano ang pakiramdam na kasama mo si Neji?
Tenten: well, he's very kind, nice, gentleman, protective at higit sa lahat handsome. Wala kang makikitang ganyan. Di ba Cookies n' cream?
(pagkatapos sagutin ni Tenten si Anko, nilagay ni Tenten ang ulo nya sa balikat ni Neji at hinawakan ang kamay nito habang si Neji naman ay dumbfounded. Like this - O.o)
Pero sinenyasan ni Tenten na sumakay si Neji sa pagpapanggap nya at inakap ni Neji si Tenten. Both of them blushed because of their sudden actions.
"Ok. Malugod kong sinasabi na nakapasa na kayo sa pangatlong pagsubok! Humayo kayo at magpakasal.." sabi ni Anko
"ewan" sabi ni Tenten at Neji
Sa wakas tapos na rin ang third chap nito. Pasensya na kayo ha? Kasi hindi ako magaling magpatawa. Sa susunod na chap nito medyo may improvement na. I hope you'll still read this story guyz. Mas marami pang mangyayaring dito sa story na to… humanda kayo at mababalutan na kayo ng Nginiiig!
