Chapter 4: Preparations

Lumipas ang walong araw at napagkasunduan ni Hiashi na magkakaroon sa mansion nila ng kasiyahan para kina Hinata at Naruto at pati na rin kina Neji at Tenten. Dadalo rin ang mga kabarkada nila Tenten. Pati rin si Kakashi, Anko at Gai ay dadating rin. Habang ang lahat ay abala sa pagdedekorasyon, Si Tenten naman ay kasalukuyang tinuturuan kung pano maglakad ng pino wearing high heels.

"Tenten, hindi ganyan kailangan may poise at medyo kailangan nagse-sway yung bewang mo. Para kang kawayan eh., ditretso lang." sabi ni Ino kay Tenten.

(note: Si Ino kasi at ang ka-tropa ni Tenten ang mga nagtuturo sa kanya at ang mag-me-make-over sa kanya )

"This is not a good idea.." sabi ni Tenten at umupo sya sa kinatatayuan nya…Meaning she give up on practicing how to walk wearing high heels shoes.

"It's too!" sabi ni Sakura

"It's not!" sabi ni Tenten

"It's too!" sabi ni Ino

"It's not!" sabi ni Tenten

"I-It's t-too!" sabi ng shy na si Hinata

Silang lahat ay napatingin kay Hinata dahil sa nakakatuwa nyang pagsabi ng 'It's too!'.

"Enough arguing! This is your last chance Tenten, It's now or never, kung hindi ka matututo nito at magiging ganap na dalaga, panu ka pa ba magugustuhan ni Prince Charming mo." Asar ni Ino

"Oo nga…iniisip pa naman nya Tibush ka eh..panu kung maglakad ka parang siga, makipag-away talo pa si Brutus at pati na rin ang pagdala mo sa damit grabe…I can't even imagine.." sabi ni Sakura (she slap her palm into her temple)

"Hey! Hindi ko sya PRINCE CHARMING NOH?"deny ni Tenten blushing

"Ate Tenten, alam naman namin na like na like mo si Kuya Neji kaya ba't di mo na sya pakasalan ng totoo.?" Sabi ni Hinata na nang-aasar na rin.

"hindi pwede! alam mo namang kunwari lang naman to eh, tska kung hahantong pa sa kasalan, gagawa ng paraan si Neji para kumuha ng pekeng pari" paliwanag ni Tenten

"Wow...parang hindi ikaw yanHinata ah..Nahawa ka na rin ba sa bf mong si Naruto?" sabi ni Sakura

"whatever! Tara na ipagpatuloy na natin Tenten! Pagdi mo talaga to ginawa sasabihin ko kay Sir Gai na pasuotin ka ng green suit nya at maglalakad ka sa buong town ng Konoha at naka-Sir-Gai's-pose ka pa." panakot ni Ino kay Tenten. Naging purple ang mukha ni Tenten sa sinabi ni Ino.

"Kainis…sige na nga.." sabi ni Tenten at nagpractice sila ng nagpractice.

Sa loob ng 4 consecutive hours naperfect na rin ni Tenten. Akala nga nya katapusan na nya eh, panu ba naman ikaw magsuot ka ng Gai-costume pagdi mo naperfect yung practice. Tutal, tapos na rin silang magpractice nag-merienda muna sila.

"Girls? Alam nyo ba excited na ko! Biro nyo makakapunta ako sa ball na iyon na nakagown! Yaiks! Yun talaga ang pinaka-iintay ko! Lahat sila'y titingin sa atin mga girls! Papatunayan rin natin sa ibang girls na tayo ang pinakamaganda sa kanila! Wahahah!" tawa ni Ino na para bang ewan.

"Ino, masyado ka ng over-excited. Pero tama sinabi mo na tayo ang pagtitinginan sa ball dahil sa taglay nating kagandahan! Hay! SASUKE LAGOT KA SA AKIN SA PAGSASABI MONG TIBUSH AKO!" tawa ni Sakura'ng nahawa na kay Ino. Nag-hawak sila ng kamay na magbest-friend na para bang sasabak sa gulo.

(Yan siguro ang dulot ng pagka-over-dose sa pag-ibig.)

"Ok lang ba kayo?" tanong ni Hinata

"OK NA OK!" sabi nilang dalawa

"Ikaw naman pala sinabihan ng tibush eh" sabi ni Tenten

"……" Yun lang ang nakuha ni Tenten na sagot kay Sakura

"Yihey!" sayang saya na sinabi ni Ino

"Teka Ino, kala mo di ko alam ah..May gusto ka kay Shikamaru..oi!" asar ni Sakura

"S-sa kanya! No way… HOW TROUBLESOME HE IS!" sabi ni Ino na obvious na may gusto rin talaga kay Shika pati kasi yung line ni Shika nasasabi na rin nya eh.

"Tenten? Ayos ka lang!" sabi ni Ino

"AYOS LANG!" sigaw ni Tenten na galit na galit. Sa katunayan habang kumakain sya ng ramen, nag-aapoy ang kanyang mga mata.

Parang ready to take her revenge on someone. Tsaka di na ata kain ang tawag sa ginagawa ni Tenten eh.

Akala nila sa akin tibush? Aba! Etongkyut na to magiging tibush!Kaya pala kala sa kin ni Neji tibush ako eh! Waa! di ko kaya to! Ngayon pa't mahal ko na sya. Gagawin ko lahat ng makakaya ko. Sabi ni Tenten sa sarili.

Sa kabilang banda…

"Wow! Future-cousin-in-law bagay sayo ah! Ganda rin nitong akin!" sabi ni Naruto na sobra ang saya dahil sa tuxedo na susuotin nila.

"Bakit ngayon ka lang ba nakakita nito?., Ay! Oo nga pala, wala pala sa bundok nito" said Neji in a cold tone

"Maiinlove pa ng triple sa akin si Hinata pagnakita nya ang kanyang future-husband nya so gwapo as ever?" sabi ni Naruto na nagde-day dreaming.

"hay..suko na ko..wala ka na talang pag-asa" sabi ni Neji.

"Oi! Couz! Siguradong magiging maganda si Tenten pagna-ayusan. Suerte ka kasi ang napili mo ang isa sa member ng F4" sabi ni Naruto

"F4 ka dyan! Tsaka bakit ba masyado kang matanong?" sabi ni Neji na nagalit na dahil sa sinabi ni Naruto

"Anong f4? Ha?" tanong ni Shikamaru

"F4? Sus! Ang meaning non.. friends-forever-flower-girls-group! Hahaha!" sabi ni Naruto

"Talagang tama sila certified tsismoso ng bayan yang si Naruto!" sabi ni Kiba

"Tanga! Hindi friends-forever-flower-girls! Friends-forever lang!" sabi ni Sasuke.

"Nakatanga ka dyan ha? Sasuke-yabang!" sigaw ni Naruto kay Sasuke na ready ng makipag-away.

"How troublesome…" as always ito ang sinasabi nitong si Shikamaru.

"Arf! Arf!" sabi ni Akamaru na sumasang-ayon sa sinabi ni Shikamaru.

"This is gonna be a long day.." sabi ni Neji

"Syempre naman ala namang short day ah.." sabi ni Kiba

"ewan ko nahawa ka na ata kay Naruto. Parang virus yan eh" sabi ni Sasuke na nagpagpag pa ng damit. Para bang direng-dire.

"Naghahanap ka ba ng away!" sabi ni Naruto at Kiba

"Tama na yan at maghanda na tayo. How troublesome.." sabi ni Shikamaru

"Wala ka na bang ibang masasabi kung hindi 'how troublesome'? Para kang pirated na cd!" sabi ni Naruto

"Ano ba gusto mo ah! Gusto mo tirisin kita dyan?" sabi ni Shikamaru na inis na inis.

Sa kabilang banda…

"Teka..sinong in-charge sa mga make-up?" tanong ni Ino

"Ako!" sabi ni Sakura

"Accessories?" tanong ni Ino

"Ako!" sabi ni Hinata

"OK! Kumpleto na! Ako na bahala sa pagme-make up at sa bouquet ng flowers!" sabi ni Ino

"Ako naman mag-aayos sa buhok mo" sabi ni Sakura

"Ako naman….?Ano nga ba?" sabi ng shy na si Hinata

"I've been bad, but I just can't help myself. I needed to style my hair and now it's damage.." sabi ni Tenten habang hawak-hawak ang buhok nya.

"Anu ka ba Tenten! Pati ba naman cream silk commercial di mo pa tinantanan?" sabi ni Sakura

"Eh gusto ko eh.Yung buhok ko kasi" sabi ni Tenten na parang bata

"di nyo ba alam? frustrated commercial hair model yan si Tenten." sabi ni Ino habang tinitingnan ang gowns nila.

"O sige na. Ako na ang mag-aayos nyan" sabi ni Sakura

"Ok!" sabi ni Tenten

"Mabuti pa Hinata pakidala na dito yung gowns na pinabili ng Ama mo. Tingnan natin kung maganda!" sabi ni Ino

"wait lang.." sabi ni Hinata at may pinindot syang button sa loob ng room. At nagsalita ito sa may mouth piece nung bagay na iyon.

"Maids! Pakidala na dito yung mga gowns pls." utos ni Hinata

"Ibang klase. Yaman nyo talaga!" sabi ni Sakura

"Hay..anu pa nga ba..Si Hinata at Hanabi lang ata ang matino sa kanila tsaka di sila nagmamalaki sa mga bagay na meron sila" sabi ni Tenten

"di naman Ate Tenten" sabi ni Hinata

"Tenten kwentuhan mo nga kami" sabi ni Ino

"Ng ano?" tanong ni Tenten

"About what it's like when you kissed Neji?" sagot ni Ino

"uhmm…ewan" sabi ni Tenten na nagba-blush

"I-ibig sabihin...nag-ki...k-kiss na kayo?" sabi ni Sakura

"Talaga ate!" sabi ni Hinata

Kainis nadulas tuloy ako sabi ni Tenten

"Nakakahiya man sabihin pero Oo." sabi ni Tenten na nagba-blush.

"anong pakiramdam?" sabi ng kinikilig na Ino.

"Oo nga ate?" tanong ni Hinata

"Bakit di pa ba kayo nahahalikan ng love nyo?" asar ni Tenten

"Ah-ano? Kami? Bakit ba pakelam mo ba? Intindihin mo sarili mo dahil malapit ka ng ikasal kay Mr. Prince Charming mo" sabi ni Sakura

"Ano!Teka nga? Di pa nga namin alam kung nakapasa kami sa pagsubok eh." Sabi ni Tenten

"Ate Tenten di mo pa ba alam?" sabi ni Hinata

"Oo nga. Lagi ka kasing huli sa balita eh" sabi ni Sakura

"Anu ba yon?" tanong ni Tenten

"Kasi ibinalita na sa buong Konoha na kayo ni Neji ay magpapakasal na!" sabi ni Ino.

"Ano!" sigaw ni Tenten'g di makapaniwala

Nagkatotoo pa ang sinabi ko sinabi ni Tenten.

"Ganun nga!" sabi ni Sakura at sina Ino at Hinata ay nag-nod

"Nakaka-inggit naman kayo" sabi ni Sakura

"Bakit ba Sakura?" sabi ni Hinata

"Naiisip ko lang kung kelan kami magpapakasal ni Sasuke!" sabi ni sakura'ng nagde-daydream na naman…

"Asa ka pa Laki noo!" sabi ni Ino

"Anung sabi mo! Naiinis ka lang panu ako pinili ni Sasuke..Hahaha!" sabi ni Sakura.

"Aba! Gusto mo ba ng away? How troublesome you are.." sabi ni Ino

"Girls! Ano ba? Kayo na nga ang may sabi na dapat magsaya tayo.." sabi ni Hinata

"She's right!" sabi ni Tenten Oops nakakainis nadulas na naman ako..baka mahalat tuloy na may gusto na rin ako kay Neji.

"Oh sige na nga! Dapat magcelebrate tayo sa darating na kasalan ng taon kay Tenten, Neji, Hinata at Naruto! Yehey!" sigaw ni Ino

Nagcelebrate nga ang apat ng kikay girls at nag-inuman sila nung gabing yon. Teenager na sila at 18 years old na sila kaya walang dahilan na pagbawalan sila.

"CHEERS!" sabi nilang apat

Sa boys group naman…

"Tara mga pre! Inuman tayo!" sabi ni Shikamaru

"Oo nga!" sabi ni Naruto

"Sige join ako dyan!" sabi ni Kiba

"Walang magawa dito kaya sasama na rin ako" sabi ni Sasuke

"Hay…Oh sige na nga!" sabi ni Neji

Gaya ng ginawa ng girls nag-inuman nga sila. Pero lahat naman sila ay first timer kaya anu pa ba mae-expect natin kundi…

"I—kaw..na ang may shabi na ako'y ma-haaal mo rin..hic!..Ang shinabi mo ang pag-ibig mo'y di maglalahosh ngunit bakitch sa chuwing ako'y lumalapitch ikay lumalayooo…hic!..pushoy' lagingk Nashashaktan pag may kashama kang ibaaa, di ba nila alam tayo'y nagshumpaan na ako'y shayo..Hic!..at ika'y akinnnn lamang!" awit ng limang jologs na naka-inom

"Pre! Heavygat mo naman.." sabi ni Shikamaru na dala-dala si Narutong lasing na rin..

"Oi! Shan ba daan sha bahay namin?" sabi ni Sasuke

"ewan ko sayoooo! Di kooo naman bahay yun ehk!" sabi ni Kiba na

"Prens! Bakitch dalawa si Shikamaru?" sabi ni Neji

"Banlag ka ba Neji!" sabi ni Naruto

"He!" sabi ni Neji

"Oh sige..hic!..umuwi na tayooo..hic!" sabi ni Shikamaru

"bago yan..hic!..kakanta muna ako!"sabi ni Naruto

"goodbye my prens..hic!..goodbye my preeeens..see you...next time..goodbye…hic!..goodbye!" sabi ni Naruto at pagkatapos nun umuwi na sila.. si Neji at Naruto ay sabay ng umuwi dahil sila ay nakatira kina Hyuuga Hiashi.

Si Sasuke naman..

"Hic! Kainish nalashiiing tuloy ako.." sabi ni Sasuke

Kala ni Sasuke yung apartment nya ang napuntahan nya yun pala kay Sakura.

Knock

"Shino ba yan! Gabing-gabi na eh" sabi ni Sakura sa kumakatok at pagbukas nya ng pinto si Sasuke pala

"Oh Sasuke ikaw pala yan! Bakit ka nanditoch.." sabi ni Sakura na gumegewang gewang dahil sa kalasingan.

"Pasensya ka na..hic!..Kala koh bahay ko to eh..hic!..pwedeng pumasok?" sabi ni Sasuke

"O shige ba..hic!..Ei! nag-inuman rin kayo ng mga jologs na yun noh? Hic!" sabi ni Sakura

"Oo" sabi ni Sasuke at umupo siya sa sofa habang kumuha si Sakura ng maiinom na kape.

(Tama ba? After drinking some alcohol beverages,iinom sila ng kape?)

"Teka..Pano yan hin-hindi kita maiihahatid dahil sa lashing rin ako" tanong ni Sakura

"eh di, dito na lang muna ako kung ok shayu? Sakura may gusto sana akong shabihin shayu.." sabi ni Sasuke at lumapit sya ng konti kay Sakura.

"Ah..eh..ano ba yun" tanong ni Sakura kay Sasuke habang sya'y nagba-blush..pero hindi ito halata dahil sa lasing sya.

"Kasi…Matagal ko ng pinag-isipan to..at..narealize ko na..mali ang mga ginawa ko sayo this past few years..Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko sayo…Sa pag-..hic!..aambisyon ko na maging pinakamalakas sa buong Konoha hindi ko na tuloy alam na may nasasaktan na pala ako.." sabi ni Sasuke

"Ah..iyon ba..Ok lang yun..at kelan..hic!..man hindi ko magawang magalit sayo..dahil…" sabi ni Sakura pero tumigil siya.

"dahil..?"

"dahil..mahal kita.." tinapos ni Sakura

Hindi na naman magiging katulad dati ang pagsasamahan namin ni Sasuke dahil sa sinabi ko.

"alam mo ba…Sakura mahal na mahal rin..hic!..kita.." sabi ni Sasuke na papalapit na ng papalapit kay Sakura

"Sasuke…" napapikit na si Sakura.

Muntik na silang magkiss ngunit bago pa iyon mangyari ay nahimatay ang dalawa. Hindi dahil sa nagconfess sila ng ture feelings nila to each other kundi dahil sa lasing sila..Hay..moment nga naman..minsan natutuloy..minsan hindi…

Kina Shikamaru…

"Kamukha mo si MAHALay…nung tayo ay bansot pa… at ang galing-galing mong bumatok mapasa-ere man o lupa..ngunit ang paborito ay ang pang-asar na mukha mo, nakakatakot, nakakabaliw, nakakataas ng balahibo OH!" kanta ni Shikamaru habang naglalakad.

(corny ba?)

"Hay naku..Hic! wala ka ng pag-asa..anu ba yang kanta mo ang jonget naman ng ginawa mong version ng huling el bimbo..pati si mahalay sinama mo pa. Sus ni sa Bubble gang nga na version nila ng mtv hindi tatanggapin yan eh" asar ni Ino

(note: sorry uli sa pag-gamit ko ng kantang ito…)

"Hoy Ino pig! Grabe ka namang manlait eh talo mo pa nga ako eh..nung grade school tayo nung pinagagawa tayo ng poem ng teacher natin ang nilagay mo…Oh Sasuke Oh Sasuke..Mahal na mahal kita..Mahal mo rin ba ko?...so, sino sa atin ang mas jonget ang version?" binalik ni Shika ang asar ni Ino.

"How dare you…hic!" sabi ni Ino

"How troublesome…" sabi ni Shika

"Che!" sabi ni Ino

"Bah..si Ino pig galit..Sus, broken-hearted kasi kay Sasuke kaya ganyan.." asar ni Shika

Patay ka Shika! This time kumukulo na ang dugo ni Ino.

"IKAW! SHIKA! LAGOT KA SA AKIN!UNGGOY KA!" sigaw ni Ino at hinabol na nya si Shikamaru buong gabi.

"WAA! Binibiro ka lang dyan…Alam mo ba sabi nga ng iba..Bato,bato sa langit ang tamaan wag magagalit ang mga pikon ay laging talo kaya sigaw ng Konoha! TAKBO!" sabi ni Shika na nagtumatakbo away from Ino.

Kina Tenten at Neji..

"Akala nila lasing ako ha…Hey! Si Tenten ata to! Kahit marami akong nainom hindi pa rin ako malalasing. Eh panu ba naman, isang sanmig light lang yun. Ako ang tipo ng tao na nalalasing pag 10 bottles na..HAHAHA!" tawa ni Tenten

Habang naghahanda na sa pagtulog si Tenten may narinig syang pagbukas ng pinto.

"Neji?" tanong nito

"Bakit ba?" sabi ni Neji

"Aba lasing ka ata?" sabi ni Tenten

"Pake mo ba?" sabi ni Neji

"Sungit! Concern lang naman ang tao eh" sabi ni Tenten

Umupo si Neji sa kama na katulad rin ni Tenten.

"Siguro nagka-ayaan kayo noh? If I know, first time mo lang" sabi ni Tenten

"bakit ba? Ikaw rin naman eh kaya lang hindi ka ganun ka lasing kasi para kang kabayo na parang manhid." Sabi ni Neji

"Oi! Grabe ka na! Namumuro kana sa akin ah!" sabi ni Tenten

"Hey..just joking.." sabi ni Neji

"It's not funny. You know?" sabi ni Tenten

All of a sudden, Hinubad ni Neji ang kanyang t-shirt para magpalit.

"Neji! Dun ka nga sa Cr magbihis! Ano ka ba?" sabi ng namumulang si Tenten

"Dito na lang. Bakit ba? Ngayon ka lang ba nakakita ng cute na may korte pa ang katawang na gaya ko?" sabi ni Neji

"YABANG!" sabi ni Tenten at ginawa nito nag-talukbong na lang sya ng kumot at pinipilit na matulog.

"Eheheh" tawa ni Neji

Naku Tenten..di mo lang alam…sa oras na dumating na ang day na gaganapin ang ball magbabago na ang lahat! At nakatulog na si Neji, not bothering to wear some t-shirt of his.

Kina Naruto at Hinata…

"Hinata-chan? Where are you?" sabi ni Naruto na nagpre-pretend to be the taya in the game called tagu-taguan.

"Andito ako Naruto" sabi ni Hinata na nasa may bandang window ng kwarto nila.

"Hina-chan sorry na-late ako umuwi kasi nagkayayaan eh.." sabi ni Naruto sa future-wife nya.

"Actually kami rin..hic!.." sabi ni Hinata na shy pa rin gaya dati she's very shy, you know?

"ah..ok..pwede bang makahingi ng…" sabi ni Naruto at lumapit sya kay hinata

"Ng..?" sabi ni Hinata

"Ng kiss? Sige na ngayon lang eh." Sabi ni Naruto

"pero.." sabi ni Hinata

"Pls.." sabi ni Naruto na lumapit na naman at nagwiwish ng kiss ni Hinata at nagpose pa ito na para bang nagdadasal.

Pero dumating si Hanabi ang kapatid ni Hinata at bago pa mayakap ni Naruto si Hinata, binantaan nya ito.

"Hoy! Kumag ka! Wag mo ngang mahalik-halikan yang Ate Hinata ko baka gusto mong mamatay?" sabi ni Hanabi at naglagay sya sa leeg ni Naruto ng knife para talagang binabantaan na…

"You choose to die or to die?" sabi ni Hanabi

"Pambihira ka naman Hanabi? Nagbigay ka nga ng mga options parehas naman!" Sabi ni Naruto

Pinalitan ang knife at naglabas ng Katana si Hanabi at tinutok kay Naruto.

"Hanabi!" sabi ni Hinata

"heh…sorry…" sabi ni Naruto na nagsmile in defeat

Panira naman…

"Hanabi sa-salamat kasi talagang di pa ako handa eh.. Wag mo ng gagawin yon ha" sabi ni Hinata

"Ok lang yun. Sis! Ikaw pa Ate kita eh" sabi ni Hanabi

Habang ang mga lovers ay nagmo-moment ang isa naman sa limang jologs ay nagmumukmok sa ilalim ng puno kasama ang kanyang loyal na tagasunod na si Akamaru.

"Hay…ba't ba lagi akong lonely? Pero ok na to…wala akong pinagkaka-abalahan kundi magpractice tsaka maglaro kasama ka Akamaru." Sabi ni Kiba

"Arf! Arf! Oo nga.." sabi ni Akamaru

"A-akamaru! Nagsasalita ka? Maligno ka pala? Layuan mo ko" sabi ni Kiba na parang baliw

"Arf! Arf! Tange! Di mo ba naaalala? Na may nilagay sa akin ang isang dayuhan na translator kaya ako nakakapagsalita!" sabi ni Akamaru

"Ganun ba…" sabi ni Kiba

"Maglasing na lang ulit tayo! CHEERS!" sabi ni Akamaru

"Oo nga..hic!" sabi ni Kiba

At naglasing nga ang dog trainer at ang aso nyang parang tao.


End of chapter 4! Malapit na ang pinakahihintay nating Ball! At ang pagsasama-sama ng mga kikay at jologs! Eheheh. Iba talaga magmahal ang kanguso! Ehehe