Chapter 5: The Party
Dumating na rin ang pinakahihintay nilang Ball. Lahat ay dumalo ayon sa pinaplano ni Hiashi. Kasama sa mga naimbita ay sina Kakashi, Anko, Tsunade the 5th Hokage, Kurenai, Ang 3rd Hokage. Pati na rin sila Gai, Lee, Kiba, Shino Ang ermitanyong mahilig, Si Ebisu ang isa pang mahilig, Iruka at ang kabarkada nila Tenten at Neji na puro jologs.
Sa dressing room…
"Are you ready guys?" sabi ni Ino
"YUP!" sabi nila Sakura, Tenten at Hinata
Lahat sila ay nagtulong-tulong upang mapaganda ang isa't isa. Sa gown, make-up, hair style at kung ano-ano pa man. Lahat ito'y ginagawa nila para sa kanilang mga iniibig.
Etong gagawin namin ngayon totohanan na to! Sana mapansin na ako ng bulag na iyon…makakita na sana sya! Ehehe. Actually, those white eyes ang nakaka-attract..and his smile rin na once in a whole 100 years lang nya ipakita! Kaya ko to! sabi ni Tenten sa sarili nya
This time I will take my revenge on him! Dun sa taong puro 'how troublesome' lang ang alam sabihin. Lagot ka sa akin Shikamaru! No one can resist my beauty except Sasuke, Neji at Naruto. May kanya-kanya na kasi silang mga partner eh. Basta Aja! Sabi ni Ino
Sasuke! Masyado ka ng namumuro sa akin! Napaka-torpe mo! Magco-confess ka na nga sa akin nung lasing ka pa? Malay ko ba kung pinagtri-tripan mo lang ako! Sisuguraduhin ko na this time hindi ka na makakaiwas sa katotohanan! Kiyaa! Laban na kung laban! Giyera na itich! Sabi ni Sakura
Na-naruto..hindi mo na siguro ako makikita na para bang katulad dati na mahiyain, mahina ang loob, at tsaka parang bata. Mula ngayon babaguhin ko na ang mga iyon. Lahat ng hindi ko ginagawa noon, gagawin ko na. Itataas ko ang bandera naming mga gurls! Wee!
Sabi ni Hinata
"Girls ano ready na, ready na?" sabi ni Ino na obvious na leader ng group nila.
"Kami pa! Syempre!" sabi ng tatlo
"Girls ang ever-present-na-expression natin?" sabi ni Hinata
"LETS GO, LET'S GO KAYA NATIN YAN MGA GURLS! AJA!" sabi ng mga kikayz. Ala full house at lovers in paris na expression.
Sa Party…
Inaasikaso ni Neji at ni Naruto ang mga bisita nila. Si Naruto feel na feel ang pagiging fiancé ni Hinata. Si Neji naman on the other side medyo naiinip kasi wala pa ang mga kikayz na barkada ng love nya. Oo, tama kayo mga readers, inamin na nya sa sarili nya na mahal nya si Tenten. Nakita ni Neji at Naruto ang mga bisita nila na medyo mga kumag ang dating..
(note: sa word na kumag..sorry kasi medyo masama pakinggan eh)
"Oi! Naruto!" sabi ni Kakashi kay Naruto
"Sir Kakashi!" sabi ni Naruto pero bago pa sya magsalita ulit, nakita nya na may kasama si Kakashi..Sila Mitarashi Anko, Yuuhi Kurenai at si Tsunade na mas kilalang 5th hokage na si Godaime.
"Hello Naruto" sabi ng tatlo na nakayakap kay Kakashi. Syempre habulin rin si Kakashi noh! Kaya lang na-sobrahan..
"Sir Kakashi kayo ba yan? Nahawa na rin kayo sa Ermitanyong yon? Grabe ang laki ng infect ng nobela nung ermitanyong iyon." Sabi ni Naruto
"effect Naruto" sabi ni Anko na tinama ang sinabi ni Naruto habang nakatingin kay Kakashi with heart-shape eyes at pinipisil ang cheeks ni Kakashi, ibig sabihin nanggigigil ito.
"Sir Kashi..ang gwapo mo ngayon" sabi ni Kurenai with a sweet voice.
"Kala ko si Sir Kakashi at si Anko lang ang may topak, yun pala pati rin sila Ms. Kurenai at Ms. Tsunade" sabi ni Neji
"Kashi pa gusto" sabi ni Naruto
"Ei! Kelan ba tayo magde-date ha?" sabi ni Tsunade na leader ng fansclub ni Kakashi.
(Note: Kakaiba noh? Pati ang isa sa Hokage addicted na sa kagwapuhan ni Kakashi. Even the author of this story, which is me..ay fans ni Kakashi. Cute kasi eh. )
"wag na kayong mag-alala bukas na bukas rin iti-treat ko kayo. Oh sige Naruto dun muna kami sa may park ng mansiong ito. Gurls tara!" sabi ni Kakashi.
"Anu ba? Baliktad na ba ang mundo?" sabi ni Naruto at nang napatingin sya sa may right side nya nakita nya si Jiraiya na umaarangkada na naman sa mga babae sa party.
"Hey mga chikababies, gusto nyo ba kong tulungan sa nobela ko at pag-nag-hit yon may kikitain pa kayo." Sabi ni Jiraiya'ng nangungumbinsi sa mga girls sa party. Pero pakulo lang nya yun, basta babae.
"Mr. Jiraiya ako po pwede." Sabi ng isang babae na nakatakip ang mukha ng pamaypay.
"Ganun ba tara dun tayo." Aya ni Jiraiya
"Oh sige" sabi nito
"Ms. Anu ba ang pangalan mo? May nakapag-sabi ba sa iyo na maganda ka" bola ni Jiraiya
"Ah..ikaw palang. Salamat ah.." sabi ng babae ata
"alam mo mahal na ata kita." Sabi ni Jiraiya'ng ewan
"ako rin eh. I feel the same way too" sabi ng babae atas
Dapat magkikiss sila pero nang tinanggal nito ang pamaypay, nagulantang si Jiraiya dahil sa..
"Layuan mo ko! Bakla ka! Go away!" sabi ni Jiraiya'ng tumatakbo na away sa baklang akala nya babae
"di ba tayo na honey!" sabi ng bakla habang hinahabol si Jiraiya.
"Waa! Nakakatawa! Yan ang nababagay sa mga mahihilig sa babae!" tawa ni Naruto
Dumating rin sa kasiyahan na iyon ang Mommy ni Neji na si Hyuuga Haruka.
"Congrats Neji! You made up your mind na, Kailangan mo kasi ng mag-aalaga sa iyo, magmamahal at magiging kasama mo habang buhay. Asan na ba sya anak." Sabi ni Hyuuga Haruka
"Wala pa sya Mommy. Pero I promise that I will introduce her to you later. Dun lang po ako" sabi ni Neji na inaantay si Tenten
Sa dressing room…
"Girls! Tara na! Labas na tayo!" sabi ni Tenten
"OK!" sabi ni Ino, Sakura at Hinata
Lumabas sila ng dressing room na may music pa. Lahat ng tao napatingin sa kanila pati na yung mga kapartner nila.
Si Hinata ay nakagown na pale blue na may criss-cross na ribbon sa likod nya.. Si Ino naman ay naka-purple na gown pero may sleeve ito at medyo sexy kaysa kina Sakura at Hinata. Ang dahilan ni Ino ay LAGOT KA SHIKAMARU!". Si Sakura naman ay pink, terno diba sa color ng hair nya? Ang style nman ng sa kanya ay gown na natatakpan ang isang right shoulders at na-reveal naman ang left side na shoulder At si Tenten ay nakalavender na backless na may slit sa side ng gown, sya ang pinakamaganda sa lahat. Lahat sila ay may nakalagay na flowers sa kanilang buhok, kung ano ang kulay ng kanilang damit ganun rin ang flowers. Para silang diwata na napunta sa lupa.
Ang mga kapartner nila ay na-dumbfounded kina Tenten. Si Sasuke ay wide-eyes na nagba-blush. Si Shikamaru naman ay nagsalita na instead of saying 'how torublesome' he said 'how beautiful. Si Naruto naman ay syempre nagba-blush na heart-shape ang mata. Si Neji naman ay nagblush rin pero nakasmile sya. Kay Tenten lang nakatingin ang kanyang mga mata.
(note: lahat ng jologs guyz ay nagblush dahil sa kagandahan ng mga partner nila na hindi nila noon binibigyan ng pansin)
Lumapit kina Neji sila Tenten. Sila'y naglakad papunta sa mga jologz na nakatulala sa kanila, pinong-pino ang paglakad nila na akala mo'y lakad ng isang international model. Lalo pang napahanga ang mga jologz at di nila namalayan na nasa harap na nila ang kikayz.
"Neji? Neji?" sabi ni Tenten na nakatingin kay Neji. Syempre eye-to-eye contact sila.
"Ten…Tenten ikaw pala. Pa-pasensya na. Alam mo ba ang ganda mo ngayong gabi." Sabi ni Neji na nagpapahiya effect pa daw.
"Thanks. Ang cute mo rin dyan sa tuxedo mo." Sabi ni Tenten at tumawa ito.
"Tenten pwede ba kitang makausap sandali," tanong ng white-eyes cute guy na nasa harap ni Tenten
"Oh sige ba" sabi ni Tenten at pumunta na sila sa may park ng mansion na puno ng mga flowers.
"Wow..cornflower…! Favorite ko talaga ang mga ito." Sabi ni Tenten na umikot sa sobrang saya. Kaya sa sobrang ikot nito ay natapilok ito, buti na lang nasalo sya ni Mr. Prince Charming nya.
"Tenten…dapat kasi mag-ingat ka eh." Sabi ni Neji na nakatingin sa brown eyes ni Tenten.
"Ne-Neji ok na ko" sabi ni Tenten at tinulungan itong tumayo ni Neji
"ah…Tenten..Alam mo sa tinagal tagal na nating magka-team mate….
Uhmm…na-napansin ko na mabait ka rin pala…A-alam mo kasi..ma-mah…" sabi ni Neji, magtatapat na sana sya pero ang kilala nating super #1 rookie sa Ninja Academy nila noon..nung genin pa lang sila..ngayo'y hindi makapagsalita dahil kay Tenten. MEANS TORPE SYA!
"anung ma? malay..?" sabi ni Tenten
Torpe talaga to!
"kasi ma…maganda ka..ehehe" sabi ni Neji na nag-sweatdrop.
"Anu ka ba Neji! Nakakainis ka talaga." Sigaw ni Tenten kay Neji at bigla itong napayuko at tinakpan ang kanyang mukha with her own hands.
Shit! Now she's crying! I- I made her cry…sabi ni Neji sa sarili
"Ten-ten" sabi ni Neji na hinawakan ang likod ni Tenten.
"Don't!" sabi ni Tenten kay Neji.
Sobrang na-hurt si Tenten kay Neji. Lahat ng ginawa nya para kay Neji ay bukal sa loob nya. Tapos, di man lang sya tapatin nito kung mahal ba nya o hindi ang dalaga. Humarap si Tenten kay Neji with tears in her eyes.
"A-alam mo ba? Alam mo ba na mahal kita? Matagal ko ng nararamdaman ito. Napansin mo ba? Lagi kong pinapakita na I cared for you but you always dump my feelings for you without knowing that it hurts so much. Akala mo sa tuwing nasasaktan ka..mas nasasaktan ako. Lagi mong binabalewala ang mga pag-aalaga ko. Porket ba mas malakas ka sa akin, mas mayaman at mas sikat ka sa akin gaganyan-ganyanin mo na ako. Alam mo sa pagiging mayabang mo, ang mga minamahal mo natataboy mo na. Pano pa kaya ang mga nagmamahal sayo." Sabi ni Tenten na umiyak ng umiyak
"Tenten, mali ka. Hindi mo kasi kilala ang totoong ako. Kaya lang naman ako nagiging ganito dahil sa ayokong maging mahina sa paningin ng tao. Kung malalaman nila na malakas ako hindi nila magagawang saktan ang mga minamahal ko dahil sa kaalaman na mas malakas ako kaysa sa kanila. Ayokong makaranas ng sakit kapag nagmahal ako. Pero ngayon handa na ako. Ikaw ang nagturo sa akin na kailangan maranasan mo ang sakit at ligaya pagnagmamahal, ito ang magbibigay sa iyo ng hindi limitadong lakas. Ang mga minamahal at nagmamahal sa isang tao ang magbibigay ng sapat na lakas upang harapin ang pagsubok sa buhay.." sabi ni Neji na naiyak kahit papaano
"Neji..Hindi mo kailangan magpanggap na kaya mo lahat. Maraming nagmamahal sayo. Mahal ka ng magulang mo, ni Hinata, ng uncle mo, mga kaibigan mo…ako…mahal na mahal ka namin…ma-..mahal kita.." amin ni Tenten
"Tenten..tama ka…" sabi ni Neji na niyakap si Tenten.
"Walang anuman yon" sabi ni Tenten
"Tenten…mahal mo ba ako?" sabi ni Neji
"Oo naman, as a friend" deny ni Tenten
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin…yung bang love na…wag na nga!"sabi ni Neji na medyo na upset kay Tenten
"Sus! Alam mo Neji…mahal na mahal na mahal kita...Oh masaya ka na?"sabi ni Tenten na nakasmile.
"Ikaw…pasaway ka talaga!" sabi ni Neji na niyakap si Tenten
"ehehe" tawa ni Tenten habang nasa bisig ng kanyang minamahal.
"Para kang bata! iyakin ka na ngayon" sabi ni Neji
"kaw rin naman eh..." sabi ni Tenten at pinisil nito ang ilong ni Neji
"Teka..ang sakit nun ah! ganun na ba ko ka-kyut at pinanggigigilan mo ko?" sabi ni Neji
"ang kapal mo ah..tara na nga.." sabi ni Tenten at hinawakan nya ang kamay ni Neji.
Naglakad lakad muna sila, enjoying being with each other bago sila pumunta sa party.
Sa kabilang banda…
"Sakura..Ah…hindi ako makapaniwala na…" sabi ni Sasuke
"anung hindi ka makapaniwala na…maganda rin ako! Aba! Sasuke! nahawa ka na ba kay Neji!"sabi ni Sakura'ng nag-eemote kuno.
"hindi..hindi iyon ang ibig-" pilit sinabi ni Sasuke kay Sakura
"Heh! Dyan ka na nga! Suko na ko!" sabi ni Sakura na umalis sa tabi ni Sasuke.
Halos lahat ng tao sa ball ay sumasayaw na. Lahat may kapartner even Ino and Shikamaru are now dancing together. Habang si Sakura ay nasa tabi lang at tumitingin sa mga nagsasayaw. Nang biglang..
"Sakura!" bati ni Lee
"Oh! Lee! Ikaw pala" sabi ni Sakura
"Ah….kung…pwede..ah..pwede bang kitang masayaw?" alok ni Lee'ng namumula.
"Ah…eh" sabay tingin kay Sasuke
"Sige Ba! Tara!" sabi ni Sakura kay Lee at nagsayaw nga sila
Nakita ni Sasuke na kasayaw ni Sakura si Lee.
Anu ba tong nagawa ko… Kainis talaga! Masyado kasi akong presko eh! Tuloy si Sakura nagalit sa akin at ngayon kasayaw pa niya si Lee! Yung kapal kilay na yun! Kaasar! wrong timing lagi!Kailangan ko na ngang magpakatotoo! It's now or never!
Lumapit si Sasuke kina Lee at Sakura'ng nagsasayaw. Napansin naman agad ito ni Sakura na papalapit sa kanila. Ang ginawa na lang ni Sakura ay dedmahin ito.
"Lee!" sabi ni Sasuke
"Oh! Sasuke bakit?" sabi ni Lee
"bitawan mo si Sakura ngayon din" utos ni Sasuke
"Aba! Bakit ko naman gagawin iyon ha?" sabi ni Lee
"Oi! Kapal kilay baka gusto mong masaktan at tuluyan ka ng hindi makakilos? Baka gusto mong ahitin ko yang kilay mo ha?"banta ni Sasuke na talagang makikita mo sa mata niya na parang may papatayin talaga.
"Masyado naman mainit ulo mo! Sakura pasensya na!" sabi ni Lee at binitawan ni Lee si Sakura sa sayaw nila.
"Ano ka ba? Nakakainis ka talaga!" sabi ni Sakura
"Kaya lang naman ako nagiging ganito dahil sayo" sabi ni Sasuke
"a-ano!" sabi ni Sakura
"gusto mo bang ipagsigawan ko dito ha?" sabi ni Sasuke
"As if naman na gagawin mo. Si Sasuke ang crush ng bayan. In your dreams!" sabi ni Sakura
"ah..ganon ha! Makinig kayong lahat!" sigaw ni Sasuke at lahat ng mga bisita ay tumingin sa kanilang dalawa.
A-anong- sabi ni Sakura sa sarili
"Gusto kong malaman nyong lahat na MAHAL NA MAHAL KO SI HARUNO SAKURA!" sigaw ni Sasuke.
"ano ka ba Sasuke!" sabi ni Sakura
"Kaya kong gawin lahat para lang sayo." Sabi ni Sasuke
"Kung sana sinabi mo ng maaga, di sana hindi na ako nagda-drama pa dito" sabi ni Sakura at ngumiti ito kay Sasuke
"So, ano? Mahal mo rin ba ako?" tanong ni Sasuke
"alam mo Sasuke…mahal rin kita!" sigaw ni Sakura
"ang ingay mo.." sabi ni Sasuke at binigyan nya ang dalaga ng kiss
Nagpalakpakan lahat ng tao sa ball. Pagkatapos ng kiss ni Sakura at ni Sasuke, nagsayaw rin ang dalawa.
Kina Shikamaru at Ino…
Nasa labas sila ng mansion sa bandang hardin rin, na puro flowers.Pero isa lang iyon sa mga hardin ng mga Hyuuga. Iba pa yung pinuntahan nila Neji. Si Ino kasi ay mahilig sa mga bulaklak, obvious naman kasi may flower shop sila at maraming alam ito.
"How beautiful…" sabi ni Shika na nakatingin kay Ino
"Oi! Shikamaru…?" sabi ni Ino
"How cute…" sabi ulit ni Shika
"Hello? Tinatawagan ko ang mayabang na si Shikamaru" sabi ni Ino
"How..—" pinutol ni Ino ang sinasabi ni Shika dahil sa naiinis na ito.
"Anu ka ba? Puro ka na lang how!" sabi ni Ino
"Sorry..sorry..ikaw naman kasi eh talagang…uhmm…uh…maganda ka ngayon" sabi ni Shikamaru
"Lagi naman eh…Ikaw lang dyan ang nagsasabing panget ako" sabi ni Ino'ng nagmamalaki
"Alam mo…ang ganda mo ngayon tsaka ibang iba sa Ino'ng nakikita ko palagi" sabi ni Shikamaru at nagkamot ito ng ulo.
"at ikaw ha! Ok ka ngayon..at hindi katulad dati na nakataas ang buhok mong parang pinya…eheheh" sabi ni Ino dahil sa iba ang hair style ngayon ni Shika at nakababa ang kanyang buhok.
"Ino…may sasabihin ako.." sabi ni Shika
"Anu ba iyon?" sabi ni Ino
"matagal na kasi akong may gusto sa iyo eh..kaya lang patay na patay ka kay Sasuke" sabi ni Shika
"Hay naku…Kunyari lang iyon noh..Inaasar ko lang talaga si Sakura. Tsaka may iba akong mahal." Sabi ni Ino
"Sino?" malungkot na tinanong ni Shika
"Ang ugali nya ay…medyo mayabang, presko, kabarkada rin nya si Choji at magkasing laki lang kami, parang pinya ang buhok at ang pangalan nya ay Nara Shikamaru.." sabi ni Ino na nagsmile kay Shika
"Teka…Ako yun ah!..sabi ko na nga ba crush mo ko eh" sabi ni Shikamaru na umiral ang pagka-presko
"Heh! Anu na?" sabi ni Ino
"anung ano na?" sabi ni Shika
"hay naku..utak pinya ka rin.." sabi ni Ino at lumapit ito kay shikamaru at binigyan ng kiss. (Sandali lang)
"how…how…cute…sweet…" yun lang ang nasabi ni Shika
"Baliw na ata ito?" sabi ni Ino
"hic!" sininok si Shikamaru at narinig ni Ino
"Shika! Sinisinok ka!" sabi ni Ino
"Ano naman kung sinisinok ako?" sabi ni Shika na naguguluhan sa sinabi ni Ino
"May gusto ka sa kin noh…?" sabi ni Ino
"ah…ano? Ano kamo? gusto? Di noh" sabi ni Shika
"Manhid!" sabi ni Ino
"joke lang…eto talaga pikon! Oo na. May gusto ko sayo" sabi ni Shika and they hug.
Sa Party….
Dumating na ang pinaka-iintay ng lahat. Ipapakilala na ni Neji si Tenten sa mommy nya.
"Neji kinakabahan ako" sabi ni Tenten
"I should warn you Mama is really a perfectionist" sabi ni Neji
"Ok lang yun noh. Don't worry basta dito ka lang sa tabi ko" sabi ni Tenten.
"Mom..This is Tenten" sabi ni Neji sa mommy nya.
"Nice to meet you Maam" sabi ni Tenten at nagbow ito.
"She's pretty Neji, but is she smart?" tanong ni Hyuuga Haruka
"Gracias tita si hijo pien sa quesi" sabi ni Tenten
"Oh! Hija welcome to our clan" sabi ni Hyuuga Haruka
"Thanks po" sabi ni Tenten at niyakap nito ang mommy ni Neji
Sinabi ni Hyuuga Hiashi sa lahat ng dumalo sa party, na sina Naruto at Hinata pati na rin si Neji at Tenten ay magpapakasal na. Lahat ng tao doon ay naging masaya. Si Sasuke at si Sakura ay naging masaya rin kaya lang lagi silang nag-aaway at nag-aasaran pero iyon ay ang paraan nila upang i-express ang feelings nila. Habang sila Ino at Shikamaru ay walang ibang sinabi kundi…"How troublesome"
Pagkatapos ng party, naisipan ni Neji at Tenten na pumunta muna sa may Cherry Tree sa may mansion ng mga Hyuuga. Doon, sabay nilang tinitignan ang mga stars na napakaganda.
"Neji..Alam mo hindi ko akalain na dahil sa kasunduan natin ay magiging ganito…na magiging masaya tayo at hindi ako makapaniwala na ikakasal talaga ako sa iyo ng tunay.." sabi ni Tenten kay Neji
"Oo nga. Ikaw ang nagturo sa akin na magmahal ng tunay at maramdaman na may nagmamahal sa akin.." sabi ni Neji at niyakap nya ang kaisa-isa nyang mahal
"Napakasaya ko talaga at nandito ka sa tabi ko" sabi ni Tenten at niyakap nya rin si Neji.
"Mahal na mahal kita.." sabay nilang sinabi iyon at nagkiss sila. Pagkatapos sabay silang nakatulog with each others arms under the cherry tree.
And they live happily ever after.
The End.
Hay salamat at natapos ko na ang aking kwento. Grabe! Ang tagal ko itong ginawa at pinag-isipang mabuti. Akala ko hindi ko na ito matatapos. Salamat po sa mga readers na tumangkilik sa aking kwento. Sana po ay magbigay po kayo ng reviews para malaman ko kung kailangan ko pang i-improve ang aking writing skills? Ehehee Tska malaman ko kung maganda o hindi ito. Kayo po ang inspiration ko lalo na ang walang kamatayang ANIME!
Thanks! ",
