Dundundundun! Dundundundun!

Oh, eto na po ang chafter two ng Yahoo! Messenger ko!

This chapter is dedicated to: aPpLecHerRy! and Melukia :)

Sana mag enjoy lahat ng mga bakla at tomboy na nabubuhay sa taas at baba at ilalim ng ibabaw ng lupa.

Pasensya na nga po pala sa mga pamaypay ng Hagdanan patungong Langit dyan. Ito po ay ideyang bigla nalang lumitaw sa aking malawak pero walang lamang kaisipan.

Disclaimer: Hindi ko po pag ma-mayari ang Naruto. Yun lang po. I thank you.


Lagi kitang naaalala,

Kaya di ka dapat mag-alala na

Di kita maaalala dahil

Alalahanin mong

Lagi kitang naalalang alalahanin

Sa bawat alaalang

Naaalala ko!


Jodi- (suot ay isang oversized t-shirt at elephant pants, naka shades na black at may tatong dengue sa kamay nia)

Cholo- (naka sweatshirt na pink, at miniskirt na white, medyo bakat ang itim na brief. May ipit na Hello Kitty sa isang parte ng buhok nia at naka stiletto shoes pa cia, halos madapa dapa na nga cia dahil hindi nmn tlga kakasya sa kanya iyon)

Jodi- Yo! Kamu—stah? Na kayong lahat dyan? Wait, hayaan nyong ipakilala ko po muna ang aking pinaka mamahal na sarili sa inyong lahat. Ang unang pangalan ko ay Jodi at hindi ko na po matandaan ang aking apilyedo kasi nakalimutan kong tignan sa birth certificate ko, eh ito naman mga magulang ko… ASUS MARYOSHEP! Ayoko ng alalahanin dahil di ko na maalala. Pagpasensyahan. Ako nga pala ay isang tibo. (sinusuklay ang buhok na prang isang eng-eng)

PAPANSIN! (may chiks kasi eh)

Cholo- Move over sistah! Ahem, ngayon siguro naman po alam nyo na ang ibig sabihin ng MAGANDANG LALAKI diba? (gestures at face) Wakekek, so, let's talk about me na! Girl talk! Well, as it is obvious already, I am a GAY! I like the colors fuchsia and purple! I also like those mga kumikintab shiny objects! That's why they call me GLITTER eh! As in 100 pure glitter! Because I am like a shining star! Like starbucks! Only with out 'bucks' because I don't like boxing! But I like spongbob boxer shorts! Wakekek!

Jodi-(vomiting at the sight) Yuck! Kadiri ka talaga (rolls eyes). Oi, oi! Mamaya nayan! Pa girly girly talk ka pa dyan. Yung sa story naman kaya!

Cholo- Pine. (Binebelatan si Jodi) You start na nga aayusin ko lang makeup ko! (turns around, pucks his lips and puts on shiny pink lipstick)

Jodi- Sus! Hai nako. (sighs) Ngayon araw na po ito, ikukuwento namin sa inyo kung paano naipakilala sa ating mga tauhan ang Yahoo! Mesenger. Simulan na po natin!


Ang dating Team Seven ay ngayo'y naglalakad sa mga kalye ng Konoha patungong opisisna ni master Tsunade. Ipinatatawag ang lahat ng ninja ng Konoha, sabi ay may ipapakilala daw sakanilang bagong kagamitan na pwedeng gamitin sa mga susunod na misyon na ibibigay sa kanila. Naka holding hands ang dalawa.

"Ang INIIITTT! MAMAMATAY NA ATA AKO! FONYETTAA! Bakit ngayon pa kasi tayo pinatawag eh! I'm getting of SINBERN her!" angal ng isang taong nag ngangalang Naruto.

"Baka 'sunburn' tange," sabi ng kaisa isang heartthrob sa Konoha na si Sasuke habang nag s-smirk.

"Eh ano ngayon! Nag mamagaling ka nanaman dyan!" retorted Naruto.

"Naruto, pag hindi ka tumigil dyan ako na mismo ang papatay sayo." Sabi ng isa pang heartthrob sa Konoha, ang ka isa isang Cheery Bloosom na si Sakura. "Ang init init na nga hiyaw ka pa ng hiyaw!" sigaw ni Sakura, umuusok na ang tenga at nagmumukha ng robot na nagwawala.

"Bakit kaya tayo pinatatawag ni master Tsunade" tanong ni Sasuke, iniiba ang usapan.

"Ewan ko nga eh. Narinig ko kay Ino-chan na may ipapakilala daw satin na bagong kagamitan. Yahoo Messenger daw ata yung pangalan," shrugged Sakura.

"Ah."

Pinag papawisan na silang lahat. Nag kaka sunbirn na si Naruto. Si Sakura naman, pinag papawisan na. Si Sasuke, gusto na atang mag suot ng bikini sa sobrang init. Malayo layo pa ang kanilang destinsyon kaya biglang isinigaw ng sumusigaw na Naruto…

"AHHHH! MADAPAKING CYET! ANG INNIIIIIT! Anu bayan! 911! Tawag na tayo ng BUMBAY!" umikot ikot ang ulo ni Naruto na parang sinassapian ng exorcist, pinag darasal n sana makakita na siya ng bumbay.

"Gagee. Bumbero, hindi bumbay. Ass" smirked Sasuke.

"BUMBERO pala! AHH! Kahit na! Sakura-chan, pwede ba tayong bumili muna ng maiinom? Sobrang init eh! Sige na! Tska, do mo ba papagalitan yang mayabang mong boyfiend! Tignan mo! Minura ako ng dalawang beses." Angal ni Naruto, chibbi style na tumuturo kay Sasuke habang nakakapit sa paa ni Sakura.

"Oo nga naman. Sasuke, bad yun." Sabi ni Sakura as she gave him a playful spank on the balikat. "Sige Naruto. Bili muna tayo. Na tutuyot narin ako eh."

Pumunta sila sa isang malapit na sari-sari store at…

"ALE! ALE! Pabili nga ng MALAMBOTDRINKS!" excited na sinabi ni Naruto, hindi ata nya namamalayan na tumatalsik na ang mga laway nia.

"Anong MALAMBOTDRINKS! Softdrinks! Coke at Pepsi lang kasi ang meron eh." Kkuha na ng paying ang matanda, pinoprotektahan ang sarili sa mga umuulan na laway ni Naruto.

"KAHIT ANO PO!"

"Wala akong binebentang 'KAHIT ANO' dito!" naaasar na ang tindera.

"Pepsi nalang po!" Pilosopo to ha, palibhasa gurang na! isip ni Naruto. (a/n: tangna! Ano say nio! At least may isip si Naruto!)

"Anong klaseng Pepsi? Red o, Blue?"

"Ano po ba pinagkaiba!" 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10

"Ang Blue, mas malamig atska kulay blue, ang Red, pang pa energize at kulay Red. Bakit? Hindi mo pa ba napapanood yung komersyal nina Vaness Wu at yung kasama nyang babae? May pagka 'ninja ninja' din yun ah." Paliwanag ng matanda.

Tolits: HADUKEN! Ano Vegeta? T-A-L-O ka na! Bwahahaha!

Naruto: Yung Red na nga lang! Paki bilisan naman po at nag s-sweat drop na ang mga beds uf sweats ko!

Tinaas ni Sasuke ang isa nyang kamay, ang kamay na nkahawak parin sa kamay ni Sakura, at sinabi…

"Dalawa nga pong Pepsi Blue." Makes a two sign with his fingers.

"Buti pa to madaling kausap" bulong ng matanda sa kanyang sarili.

"Anu sabi nyo matandang ale!"

"Ah, eh, wala yon 'iho'." Ang sinungaling na sagot ng ale. Fake smiles.

Binigay na ng tindera ang kani-kanilang Pepsi at napansin na magkahawak kamay parin si Sakura at Sasuke.

"Ah, miss, ano ba gamit mong sabon? Yung Perla Coconut Milk soap ba? Bakit ata parang naka mighty bond na ang kamay nyong dalawa dyan?" tanong ng ale sa namumulang Sakura.

"Ah, eh, uhm, eh kasi…"

"Sakura, o, eto. Halika na," at ibinigay ni Sasuke at inumin ni Sakura.

Baklang Cholo: Ano daw! Halikan na!

Tibong Jodi: Gego! tanging yaman

"Salamat Sasuke." Ngiti ni Sakura.

"Hn."

At nagpatuloy na rin sila sa kanilang patutunguhan. Hindi na masyadong nagsalita si Naruto kasi masyado syang naging abala sa paginom ng Pepsi Red nya. Sa totoo lang, ang dapat na iniinom ng mga katulad ni Naruto, ay…

Vhong Navaro: Ang sigaw ng uhaw! PoPcoLa! Pangtanggal ng matinding uhaw! Oh, wow!

Tahimik silang naglakad at di nagtagal narating narin nila ang opisina ni master Tsunade. Binuksan nila ang pinto at nakitang nakarating na pala ang lahat, ngunit ang taong nagpatawag sa kanila don ay wala parin.. Ang mga tao sa loob ng kwarto ay napatingin sa kanila. Halos mamatay matay na si Naruto dahil may aircon pala dun at hindi man lang nya alam. Nagpakahirap pa siya. Hai nako, buhay nga naman…

"Ang LUFET ng buhay! Nagfaka hiraf fa kami dun sa lavas! Eh, naka aircon naman fala dito! FUTEK!" sbi ni Naruto na parang katapusan na ng mundong ginagalawan nia. Okay lang yun. Dahil may sarili syang mundo.

"Sakura, ano nanaman ba nangyari dyan kay kulugo at nag hihisterya na naman?" tanong ni Ino.

"Si Naruto? Eh, pano ba naman kasi, mukmuk ng mukmuk kung gano daw kainit sa labas, tapos kung ano ano pa pinag gagawa nya para lang magpalamig eh kung dumiretsyo nalang naman pala kami dito. Ewan ko ba."

"Ah, okay, eh, bakit magkaholding hands kayo ni Sasuke-kun, ha, Sakura?" tanong ulit ni Ino habang nag g-grin ng malaki.

Lahat ng tao sa kwarto ay napatingin sa kanila. Alam naman nilng lahat na silang dalawa na ni Sasuke eh. Kaya okay lang kung nag ho-holding hands sila. Paki ba nila? So what coconut, tae mong makunat?

Baklang Cholo: Yeah! Tae mo makunat! Muahahahaha!

Itinaas ni Sakura ang kanyang kamay, at sinabi kay Ino, "Inggit ka lang! Belat," at tumawa siya na parang isang cute na bata.

"Hindi no! May Shika-kun naman ako eh! Gusto mo gawin pa namin more than holding hands eh!" sabi ni Ino. Dinilaan niya ng kaunti ang labi nia na parang may gusting palabasin.

"Bahala ka, gawin mo ano gusto mo gawin Ino. Basta kami… mamaya…" nag blush si Sakura.

"Oist! Ano yan ah! May hindi ata ako nalalaman!"

"Ah, wala yun! Isipin mo nalang wala kong sinabi!" laughs nervously.

Naglakad na ang tatlong butete sa kanilang mga upuan. Si Naruto ay tumabi kay Hinata, samantalang sina Sasuke at Sakura ay magkatabing umupo kung saan malapit sina Ino at Shikamaru. Kahit na tanggap na ni Ino na hinding hindi siya mamahalin ni Sasuke at si Shikamaru naman ang tunay niyang mahal, hindi parin 'officially' natigil ang pagaaway nila ni Sakura sa mga walang kwentang bagay. Oo nga, magkaibigan na silang muli, kasama sina Hinata at si Tenten.

Napansin nang lahat na wala parin si master Tsunade. Naiinip na sila, walang magawa. Ang mga iba, pumuputok na ang mga ugat sa ulo.

Tibong Jodi: Yeah! Mg ka blood clot sana ulo nila! (laughs like a witch)

Baklang Cholo: No! Pano na si fafa Sasuke, and fafa Neji! Waa!

Napansin ni Naruto na nagsisimula nang magalit ang mga iba at nagisip ng paraan kung pano gumaan ang mga mood ng mga ito. Kahit alam nyang pwede syang mamatay sa gagawain nya, susubukan parin nya! Yeah!

Brother Eddie: Let's all have faith in him. Alleluia. (nag dasal na sana umalan ng luya)

"Oist! Makinig kayong lahat sakin! Alam kong naiinip na ang lahat kaya mag laro tayo ng game! Wahaha!" sigaw ng hyper activated nnmn na Naruto.

Napatayo ang siya sa kanyang upuan at tinaas ang mga kamay dahil sa sobrang pagka excited nya. Iniisip ng lahat kung ano nanaman bang kababalaghan ang balak gawin nitong Naruto.

"Ano nanaman ba yan, ha Naruto?" sabay kamot sa ulo.

"Kung ano man yan, wag mo na ko isali." Sabi ng gwapo pero masungit na Neji.

"AHh! Hindi pwede! Lahat dapat kasali! Eh basta! Ganito yun ah." Nag grin si Naruto na parang walang naging kahapon at tumakbo sa harap nilang lahat.

In-explain ni Naruto ang mga mechanics.

Una, bubunot si Naruto ng pangalan mula sa fishbowl. Kung sinong pangalan ang nabunot nya, sya ang mag-peperform.

Ikalawa, bubunot ulit si Naruto ng kanta mula sa isa pang fishbowl. Kung anong kanta ang nabunot nya, iyon ang kakantahin ng nabunot nyang pangalan.

Ikatlo, lahat ay dapat kasali at walang aayaw. Kundi tatawagin siya ni Naruto, "DUWAG! DUWAG! WAHAHA!"

Ikaapat, kung maaari sana, lagyan ng kahit kaonting sayaw ang kanta.

Ikalima… mga lalaki lang ang kakanta! Walang kasaling babae! Kung gusto man nila sumali, ala sexbomb dancers nalang sila!

"Ano! Okay no! Asteeg! Game na!"

Nag sulat na si Naruto nang mga maaaring magandang kantahin ng mga lalaki. Ini-roll ito at inilagay sa fishbowl habang ngumingiti na parang walang naging kahapon. Isinulat narin nya lahat ng pangalan ng mga lalaki doon. May biglang nahulog na microphone mula sa taas. Sabay nagkaroon ng Masculado.

Masculado: (dances) Jumbo hotdog kaya mo ba to? Kaya mo ba to? Kaya mo ba t—

POW!

BOOM!

POOF!

COCOCRUNCH!

"HOY! SHOW NAMIN TO! ALIIISSS! MGA ASS!" sigaw ng nagwawalang Hinata, Ino, Sakura, at Tenten sa mga Masculados.

"Tangna yun ah. Mas guapo naman ako dun" sabay na nasabi ni Sasuke at Neji.

"Oh, game na!" Go, Go Naruto!

Baklang Cholo: (pouts) Duga naman, I like pa naman those! Hu-hu…

"Tangna! Sabing game na eh! Rami naman mga isturbo! Eh kung dun nalang kayak o sa wazzup wazzup mag host! Fre na nga to eh! GRRR!"

Bumunot na si Naruto… ang nabunot nya… si… si…

NEJII!

Umuusok na ang ulo ni Neji at mukhang gusto na nya patayin ang kawawang si Naruto na nakatago na ngayon sa likod nina Sasuke at Sakura.

Neji: Sabing ayoko eh! Binge ka ba! Wassamaderwidya! (wala na sa sarili)

WASSAPORYO!

"Ang KJ mo naman! Pagbigyan mo na ko! Pareho naman tayong 'N' ang simula ng pangalan eh! Naruto, Neji!"

"Sige na Neji, isa lang naman eh, please!" sabi ni Tenten.

"Oo nga naman Neji! Pag hindi mo ginawa yan, ibig sabihin mas magaling ako sayo!" yabang ni Lee.

Wala ng magagawa si Neji. Pero sa sandaling matapos na nya ang kanta, sisiguraduhin nyang ipapasara na nya lahat ng Ramen bar sa buong balat ng lupa na nasa mundo natin at wala ng iba pang mundo kundi satin. Ang gulo.

Dahandahang pumunta si Naruto sa lamesang pinaglalagyan ng fishbowl at bumunot…

SANAMAGAD!

Tumawa ng tumawa si Naruto dahil sa nabunot nyang kanta para kay Neji. Ipinakita nya ito kay Sakura at Tenten na pinipilit syang ipakita din sakanila ang nilalaman ng papel. Tumawa rin ng tumawa ang dalawa.

"HAHAHA!" Sakura.

"MUAHAHAHA!" Tenten.

"BWAHAHAHAHAHAHA!" Naruto.

Galit na talaga si Neji. Ano na ba ang nangyayari sa mundo?

"N-neji! Ang kakantahin mo…" tumatawa parin. Mukang taong kakatakas lang sa mental.

"Ilabas mo na Uzumaki." Takes out a kunai, gusto na atang patayin si Naruto.

"DON'T TOUCH MY BIRDY! WAHAHAHA! DON"T TOUCH MY BIRDY ang kakantahin mou!"

"Talaga?" tanong ni Neji, smirking.

"Takot ka Hyuuga?" smirk Sasuke.

"Baka kinakausap mo lang sarili mo Uchiha. Paborito ata ito ni Uncle Hiashi. Palagi nia ito kinakanta tuwing nag babanyo siya. Alam ko to. Gago." (tanging yaman)

"OWS! EDI, GAME NA!" sigaw ni Naruto.

Ibinigay ni Naruto ang mic. kay Neji at tumabi sa isang tabi. Pumunta si Neji sa harap at naghanda na. Naghanda narin ang lahat, yung iba, tulad nina Naruto, Lee, Tenten at Kiba, ngumingiti na parang walang bukas. Medyo kita nanga ngalangala nila eh!

AHEM! (kumikidlat na po)

Nagsimula si Neji na mahina ang boses, nakatingin sa 'audience' nya.

Baklang Cholo: hmm… confident siya for a beginner!

Kapag ako'y nababato

Pinag lalaruan ko ang birdy ko

Ang cute cute naman kasi yeah!

Kaya ko sya binili

Sumigaw ang mga babaeng 'audience' nya. Si Hyuuga Neji! Kumakanta ng Don't touch my birdy! Nakatakas na ata lahat ng mga baliw sa mental eh!

Nag lakad lakad si Neji, para ng nagpeperform.

My birdy is my best friend (my best friend)

Ang dami naming maliligayang sandali

Madalas ko siyang pinapakain ng bird seed

Mahal kita o birdy ko! Wag kang lalayo!

Kunwari siyang nag e-emote na parang nasasaktan sya dahil sa pagkawala ng birdy nya. Tumawa ang karamihan. Sasuke smirked.

Don't touch my birdy! (Don't touch my birdy!)

Resist temptation please…

You don't have to grab my birdy!

Just call it! And it will come…

byeRz… tbc…


Wahahaha! Ang sama ko… binitin daw ba! Haha! Sori po sa inyong lahat! Tinatawag na po kasi ako ng mom ko eh! So sori! Well, kahit na, mahaba haba naman to diba.. okay lang yan! Next chapter ulit!

Yung kanta po ay "Don't touch my birdy' by Parokya ni Edgar! Tatapusin ko po yung kanta sa next chapter! Uhmm… dapat po, sa chapter na 'to, ipapakilala yung YM eh, pero no time na eh, so next chapter nalang po iyon! Balak ko po sana gawin tong seven chapters, since seven is my favorite number. :)

Melukia: Ate, here's your second chapter! This is for you!

aPpLecHeRrY: Lablab, sayo din tong chapter na 'to!

Princess Haruno Sakura: eto na po update ko! ;)

animelover: waHaha! Ewan ko kung san mental ulit ako nanggaling… pauliulit kasi eh.. uhm.. iSipin ko ah… nurse! San mental nga ba ulit toh! waHaha! Oh, cge, maghawaan tayo ha! Tawa lang ng tawa!

Jays Arravan; Nice ba story ko? Hehe.. la nga kwenta plot eh! Pewo thanksha!

Okay! Review lang ng review! Pindutin nyo lang nmn yang maliit na button nay an eh! Tapos type! Bahala nap o kayo kung anu gusto nio i-type dyan! Kahit murahin nyo pa po ako okay lang! hehe.. masaya na po ako non! Yung sa breast feeding session naman po nina Sasuke and Sakura… wait lng… sinisilip ko pa… hmm…