Kamusta sa inyo.
Ito ang pinakauna kong Naruto fanfic. Ito rin ang pinakauna kong fanfic na Filipino. Magustuhan ninyo sana.
Please read and review.
Disclaimer: Hindi sa akin ang anime na Naruto.
Sa isang lambak sa gitna ng Fire country at Sound country, isang dwelo ang nangyayari. Sa bawat palitan ng suntok, isang malakulog na tunog ang maririnig. Kahit sa malayo mararamdaman mo ang lakas na nagmumula sa mga magkakatunggali. Ito ay isang labang hanggang sukdulan. Isang labang hanggang kamatayan.
Isang laban sa pagitan ng dalawang magkaibigan.
Ang isa sa mga lumalaban ay isang Uchiha Sasuke. Siya ang huli sa angkan ng mga Uchiha, ang pamilyang biniyayaan ng mga matang Sharingan.
Ang sino man na nakakakilala sa kanya noon ay magugulat sa anyo niya ngayon. Ang madilim niyang buhok ay ngayo'y umaabot sa kanyang tuhod. Kulay putik ang kanyang balat at dalawang hugis kamay na pakpak ang umuusbong mula sa kanyang likod.
Lahat nito'y sanhi ng sinumpang tatak sa kanyang balikat.
Ang kanyang kalaban ay si Uzumaki Naruto, ang batang lalagyan ng demonyong Kyuubi.
Pati siya ay wala sa normal na kaanyuan. Ang kanyang bughaw na mata ay ngayo'y pula, at ang hitsura nito'y parang sa isang mabangis na hayop. Ang mga kuko sa kanyang paa't kama'y masmahaba kaysa sa dati. Pati na ang pangkalahatang hitsura ng kanyang katawan ay nagiba. Ito'y masmaskulado't masmalaki kaysa sa dati.
Ito'y ilan lamang sa mga nangyayari habang gamit ng binata ang chakra ng Kyuubi.
Hindi makapaniwala si Sasuke. Alam niyang masmalakas na siya ngayon kumpara sa dati. Nasa kanya narin ang pinagsamang kapangyarihan ng ikatlong antas ng Sharingan at ng ikalawang antas ng sinumpang tatak. Ganumpaman, nagagawa parin ni Naruto na makipagsabayan sa kanya.
'Bakit!' tanong ng binata sa sarili, 'Kahit ano ang aking gawin, hindi ko parin siya matalo. Bakit bang parati akong nahihigitan ng kulugong ito.
Hindi. Masmalakas ako sa kanya. Papatunayan ko ito. Tatalunin ko siya. Wala siyang kwenta. TATALUNIN KO SIYA!'
Sa kabilang dako, si Naruto din ay nagkakaroon ng pagtatalo sa kanyang isipan. Ang pinagkaiba lamang ay hindi ang sarili niya ang kinakausap niya.
'Ano ba naman ito! Masyado nang lumakas si Sasuke. Kung magpatuloy pa ito, baka hindi ko kayanin'
'Kung hindi ka naman pala tanga, sa dami ng chakra na hiniram mo sa 'kin, talagang matatalo ka.' Sigaw ni Kyuubi sa kanyang lalagyan 'Bakit hindi ka gumamit ng masmarami? Siguradong walang laban sa iyo ang insektong yan.'
'Ano ka ba? Wala akong planong tapusin si Sasuke!'
'Kung hindi mo natatandaan, wala ngayong ibang inisip si Sasuke kung 'di ang tapusin ka.'
'Alam ko yun. Pero kahit na. Hindi ko magagawang patayin ang aking kaibigan.'
'Gumising ka nga sa panaginip mo. Hindi na siya ang taong kilala mo noon. Tumigil na siya sa pagiging kaibigan mo nung sandaling nagpasya siyang pumunta sa ahas na iyon.'
'Kahit na!. Kahit ano man ang nangyari, hindi ko parin papatayin si Sasuke. Nangako ako kay Sakura na ibabalik ko siya, at tinutupad ko ang mga pangako ko.'
'Bah! Bahala ka. Huwag mo lamang kalimutan na may iba ka pang babaeng pinangakuan.'
Nanahimik sandali si Naruto.
'Alam ko, Kyuubi. Alam ko.'
Nagpatuloy pa ang labanan ng dalawa. Ibinigay nila ang lahat nila. Ginamit nila ang lahat ng jutsung alam nila. Lahat ng lakas at talino nila ay inilagay nila sa bawat paglusob para lamang mapatigil ang kabila.
Pagkatapos ng isa pang palitan ng suntok, naghiwalay ang dalawa. Hingal na hingal sila't puno ng sugat ang katawan.
"Tama na 'to, Sasuke!" sigaw ni Naruto. "Hindi dapat tayo naglalaban."
"Manahimik ka, kulugo." Sagot ni Sasuke. "Tatapusin natin ito ngayon."
Nagipon ng chakra si Sasuke sa kanyang mga kamay at gumawa ng dalawang Itim na Chidori. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kanyang katunggali. Mabilis nagpaikot naman si Naruto ng chakra sa kanyang kamay. Inihanda niya ang dalawang Rasengan para sa paglusob ng kalaban.
Nagkasalubong ang dalawang pwersa sa isang biyolenteng banggaan. Ni isa ay hindi nanghina.
"Bakit, Naruto? Bakit ba parati mo akong nagagawang higitan? Saan mo nakuha ang kapangyarihang gamit mo?"
"Bakit ba ganyan nalang ang kagustuhan mong makakuha nga kapangyarihan, Sasuke? Ganoon naba kalakas ang pagnanasa mo sa kapangyarihan at nagawa mong talikuran ang Konoha at ang iyong mga kaibigan?"
"Wala kang naiintindihan! Wala akong ibang nais kung 'di patayin ang kapatid ko, at para magawa iyon, kailangan ko ng kapangyarihan."
"Sa tingin mo ba si Orochimaru ang magbibgay sa iyo ng kapangyarihan. May kapalit ang lahat. Kung magpapatuloy ka pa, mamamatay ka."
"Wala akong pakialam, Naruto. Sa kanya ko lamang makakakuha ang kapangyarihan na kailangan ko. Kapangyarihang kailanman ay hinding hindi ko makukuha sa Konoha o sa mga walang kwentang bagay na katulad ng mga kaibigan."
"Hangal ka talaga, Sasuke!"
Lalong pinalakas ni Naruto ang kanyang mga Rasengan. Itinulak niya papalayo si Sasuke. Agad naman niya sinundan and huling Uchiha at pinaulanan ng suntok at sipa. Bilang huling hagupit, binanga niya ah isa sa mga Rasengan sa dibdib ng kanyag kalaban. Tumalsik si Sasuke ng ilang metro papaloob sa nakapaligid na kagubatan.
Pumunta si Naruto kung saan nakahandusay si Sasuke.
"Alam mo ba, Sasuke? Umiiyak ngayon si Sakura. Nung umalis ka, umiiyak siya nang hilingin niyang ibalik kita. Nung nabigo ako, matagal niyang pinagluksa sa pakawala mo.
Pakatapos noon, nagsimulang siyang magsanay ng husto. Nagaaral ngayon siya sa ilalim ni Tandang Tsunade. Kung makikita mo lamang siya ngayon. Napakalakas na niya. Kaya na rin niyang gumamit ng Kuchiyose at tumawag ng mga suso.
Ngunit hanggang ngayon ay nagluluksa parin siya. Bawat gabi ay tinatawag ka niya sa kanyang mga panaginip. Bawat paggising niya'y umiiyak siya dahil alam niyang wala ka sa tabi niya. Kitang kita ko ang pighati sa kanyang mga mata."
Nagsimulang simugaw ngyon ni Naruto.
"Hindi mo ba naiintindihan? Hanggang ngayon ay mahal ka parin niya."
Naghari ang katahimikan sa dalawa. Ni isa sa kanila ay hindi nagsalita sa loob ng mahabang panahon.
"Bakit?"
Nagulat si Naruto sa sinabi ni Sasuke. Sinabi nya ito na may naka-ilalim na lungkot at pagaalinlangan.
"Bakit ba ganyan nalang ang pagaalala ninyo sa akin. Tinalikuran ko na kayong lahat. Pero ikaw Naruto, sinusubukan mo parin akong ibalik. At si Sakura, hanggang ngayon ay mahal parin niya ako. Kahit ilang beses ko siyang tinaboy, nasatabi ko parin siya.
Bakit, Naruto? Bakit?"
Napangiti sa Naruto.
"Hindi mo pa ba alam, Sasuke? Ikaw na ang nagsabi nito noon."
Napatingin si Sasuke sa kanya. Itinuloy ng ninja ang kanyang sinasabi. Madaling nakikita ang luhang dumadaloy mula sa kanyang mga mata.
"Iisa tayo, Sasuke. Natatandaan mo ba yung sinabi mo noong pagsubok natin kay sir Kakashi? Iisa tayong tatlo ni Sakura. At kailan man ay hindi yan magbabago"
"Iisa tayo" bulong ni Sasuke. "Ako, ikaw, at si Sakura. Iisa tayong tatlo."
"Sakura." Tinignan ng binata ang kanyang kamay. "Alam mo Naruto, nangungulila ako sa kanya. Bawat oras inaasahan kong tatakbo siya papunta saakin at yayayain ako sa kung anong bagay. Hinahanap-hanap ko ang kanyang mga ngiti, ang kanyang boses, ang kislap ng kanyang mga mata."
Tumingala ang binata at tinignan ang langit.
"Kaitagal kong ginusto na mayakap siya. Kaitagal kong ginusto na mahalikan siya. Kaitagal kong ginusto na masabi sa kanya kung gaano siya kahalaga sa akin…"
"…kung gaano ko siya kamahal."
Tumungin si Sasuke kay Naruto. Isang malungkot na ngiti ang nasa labi ng binata.
"Pati ikaw, kulugo. Nangungulila ako sa iyo. Hindi ko inasahan na masnakakairita pala kapag 'di ko marinig ang boses mo. Ngayon ko lamang nalaman kung gaano kita nirerespeto at pinahahalagahan bilang kaibigan…
…at bilang kapatid."
Nagulat si Naruto sa narinig niya. Kapatid ang turing ni Sasuke sa kanya?
Habang nangyayari ito, unti-unting lumiliit ang nga pakpak ni Sasuke. Nagsimula naring bumalik sa dati ang kanyang balat. Dahan dahang bumalik sa dati ang binata.
"Naruto, kapatid, sumusuko na ako. Gusto ko nang umuwi."
Ngumiti si Naruto. Itinigil niya ang pagkuha sa charka ni Kyuubi at bumalik sa dati niyang anyo. Lumapit siya kay Sasuke at inabot ang kanyang kamay. Bakas sa kanyang mukha ang saya.
"Kung ganon, halika na, kapatid. Umuwi na tayo. Paguwi natin sa Konoha, ililibre kita ng ramen, Sasuke."
"Nakakaiyak naman."
Lumingon ang dalawang binata kung saan nanggaling ang boses. Tumambad sa kanila ang pinuno ng mga ahas na si Manda. Isang taong may itim na buhok at putting balat ang nakatayo sa ulo ng nasabing ahas.
"Orochimaru!"
"Binabati kita, Naruto." Sabi ng sannin ng ahas. "Nagawa mong patalikurin si Sasuke sa akin. Ikaw palang ang nakakagawa noon sa isa sa aking mga alagad na may sinumpang tatak. Sa kasamaangpalad, kailangang mong mamatay dahil doon."
Hinarap ng buong tapang ni Naruto ang Otokage.
"Sori ka nalang, Orochimaru! Kailanman ay hindi na mapapasaiyo si Sasuke o ang Sharingan. At ngayon, magbabayad ka sa lahat ng perwisyo na pinagdaanan ko."
Sa tabi ng binata, dahan-dahang tumayo si Sasuke.
"Isali mo ako diyan, Naruto."
"T...teka lang Sasuke. Kung lalaban ka, baka magamit lang sa iyo ni Orochimaru ang sinumpang tatak."
"Huwag kang magalala. Kaya ko parin siyang labanan gamit ang aking Sharingan. At saka…"
Tumungin si Sasuke kay Naruto.
"Hindi porket tinanggap ko na ikaw bilang kapatid ay magpapatalo na ako sa iyo. Naiintindihan mo ba, kulugo?"
Ngumuti lamang ang kanyang kausap.
"Bahala ka diyan."
Mabilis na naglapit ang tatlong ninja. Tinawag ni Naruto si Gamabunta upang kalabanin sa Manda habang silang dalawa ni Sasuke ang sumagupa sa sannin.
Alam ni Orochimaru na walang pagasa ang dalawang binata na talunin siya. Pagod na ang dalawa at sugatan. Kahit si Naruto ay may hangganan din. May iba siyang pinaplano. Hindi pa rin siya sumusuko sa mga plano niya kay Sasuke. Ngunit para makamit niya nag kanyang inaasam, kailangan muna niyang tanggalin ang isang sagabal.
Sabay na umatake ang dalawang genin. Ang bawat galaw nila ay umaangkop sa galaw ng kabila. Parang isa sila kung kumilos. Ngunit kahit ito'y walang masyadong pakinabang. Sadyang masmalakas si Orochimaru.
Napansin ng sannin na unti unting bumabagal ang kanyang mga kalaban. Naisip niyang simulan na ang kanyang plano. Sa paglapit ni Naruto ay sinalag niya ang atake niya at sinipa papalayo. Eksaktong paglingon niya'y paparating naman si Sasuke.
Muli sinalag niya ang kanyang kalaban. Ngunit sa halip na patamaan siya ng isang direktang paglusob, hinawakan niya ang kaliwang balikat ng binata at dinalhan ng charka niya ang sinumpang tatak. Napasigaw si Sasuke ng naramdaman niyang parang nagliyab ang kanyang balikat.
"Walang hiya ka, bitawan mo si Sasuke."
Nilingon ni Orochimaru ang lumulusob na si Naruto. Ningitian lamang niya ito at ibinato sa kanya ang walang malay na binata sa kanyang kamay. Nasalo si Sasuke ng kanyang kasamahan.
"Sasuke! Sasuke! Gising, Sasuke!"
"Huwag kang magaalala. Buhay pa ang kaibigan mo."
"Bastardong ahas ka, anong ginawa mo sa kanya?" Sigaw ng genin sa sanin sa harapan niya.
"Wala naman. Ginamitan ko lamang siya ng isang espesyal genjutsu na tutulong sa akin na mapasakamay muli siya."
"Che! Manigas ka diyan. Hindi ko papayagang makuha mo ulit si Sasuke."
Mabilis na gumawa ng dalawang Rasengan si Naruto at tumakbo papalapit kay Orochimaru. Sinubukan niyang patamaan ang ulo nito subalit inawasan lamang ag kayagn atake. Ganumpaman, tuloy parin ang kanyang atake. Bakat sa kanayang mga mata ang kagustuhang patayin ang sannin.
'Sige, Naruto. Ganyan lang. Lumusob ka lang ng lumusob.'
Makalipas ng ilang sandali ay nagising si Sasuke. Masakit ang buo niyang katawan. Pakiramdam niya'y ginulungam siya ni Chouji.
'Anong nangyari? Teka, si Orochimaru!'
Lumingon si Sasuke at nakitang nilulusob ni Orochimaru si Naruto. Sugatan na ang binata at halatang nanghihina na. Ang sannin naman ay walang humpay na umaatake gamit ang kanyang espada.
'Hindi! Naruto!'
Tumayo si Sasuke at nagsimulang gumawa ng Chidori. Ibinuhos niya ang lahat ng natitira niyang charka dito sa huli niyang atake. Nang nahanda na niya ito'y nagsimula siayng tumakbo paratulungan ang kanyang kaibigan.
"Nariyan na ako, Naruto."
Nilingon siya ni Orochimaru.
"SASUKE, HUWAG!"
Nanlamig ang buong katawan ni Sasuke. Hindi niya inaasahan ang mga nangyayari. Alam niyang ibinaon niya ang Chidori sa tiyan ni Orochimaru. Ngunit sa isang kisapmata'y nagbago ang lahat.
Ngayo'y nakabaon ang kanyang kamay sa katawan ni Naruto.
"Naruto? HINDI!"
Isang nakakasukang tunod ang narinig habang dahan-dahang nahulog ang katawan ni Naruto. Agad siyang sinalo ni Sasuke at sinubukang patigilin ang pagdudugo.
"Hindi. Hindi. Hindi ito pwedeng mangyari. Hindi ito ang ginusto ko."
"S…Sa…su…ke."
"Naruto, patawarin mo ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Si Orochimaru ang pinuntirya ko ngunit…"
Hindi na nakapagpatuloy ang binata. Hindi niya makayang tiganan ang kanyang kaibigan
"Genjutsu. Ginamitan…ni Orochimaru ng…genjutsu ang…iyong…sinumpa tatak."
Hindi pa rin gumalaw ang binata.
"Patawarin mo ako, Naruto."
"Walang…dapat…ipagpatawad, Sasuke. Hindi mo…kasalanan ang…nangyari."
Inilagay ni Naruto ang kanyang kamay sa balikat ni Sasuke. Tinignan siya nito.
"Sasuke…masaya ako at…makilala ko…kayo. Ikaw at…ang ating mga…kaibigan…kayo na aking…nakagisnang pamilya."
"Huwag kang magalala, Naruto. Ibabalik kita sa Konoha. Magagamot ka pa ni Tsunade."
Sinabi ito ni Sasuke di lamang para kay Naruto kung di para na rin sa kanya. Ngunit alam niya na wala na rin siyang magagawa. Masyado silang malayo mula sa Konoha at masyadong marami na ang nawalang dugo ng kanyang kaibigan.
"Salamat…na lamang…Sasuke. Ikaw nalamang…ang bumalik. Hinihintay ka… na ni…Sakura."
"Hindi. Sabay tayo babalik Naruto."
"Patawad…Sasuke…ngunit…hindi…ko na…kaya."
Tinignan siya ni Sasuke. Malayo ang tingin ng mga mata ni Naruto.
"Hinata…patawad…hindi ko…matutupad…ang pangako…ko…sa…iyo."
Sa pagsambit ng huling kataga, lumisan na sa mundong ito si Uzumaki Naruto
"Naruto. Naruto. Pakiusap, huwag mo itong gawin sa akin. Hindi ko kayang mawalan ng isa pang kapatid. Naruto. Naruto…"
"NARUTO!"
At iyan ang aking istorya. Ano sa tingin ninyo? Maganda ba?
Hindi pa ito tapos. Sa kasamaangpalad, mananatiling patay si Naruto sa susunod na mga chapters.
Sa tingin ninyo, dapat pa ba akong dumawa ng English version?
