disclaimer: I Uchiha Shurah does not own Naruto even the song fics that I will use so... wag pasaway k'
Talentado
Ang nakaraan
Bumalik na si Neji at Tenten sa kanilang training grounds at tuwang-tuwa naman si Lee at Gai. Ngayon anong gagawin nila sa concert yun ang problema na lang.
So all in all napapayag din nila ang mga teammates nilang pasaway kaya on d way na sila sa paghahanda at pagpa-practice, ang iba naman ay walang hirap sa pangungumbinsi gaya ng team ni Kurenai, kay Asuma naman wala ring problema dahil takot lang ni Shikamaru at Chouji kay Ino.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Chapter 3: Isang linggong practice
Kasalukuya nang nagpa-practice ang ating mga bida para sa darating na concert at habang nangyayari yon ang kanilang mga guro ay nagpunta sa Pasaway na Hokage para magulat kung ano nang nangyayari sa mga chuunin. At eto ang nangyari.
Tsunade: (nakaupu sa kanyang thinking chair) O ano nang nangyari sa mga estudyante nyo?
Asuma: (humithit muna tapos buga) Maayos naman po ang practice ng team ko (hithit buga) pasalamat ko lang kay Ino at napapayag namin si Shikamaru.
Tsunade: hmm… magaling ikaw naman Kurenai ano na?
Nag-sweatdrop dahil mukhang may sariling mundo ang mga jowa dahil kanina pa sila nag-uusap alang pakialam ang dalawa kala mo tatlong taong hindi nagkita.
Tsunade: (twitch, twitch) Hoy Kurenai ano na? mamaya nayang lambingan nyo
Kurenai: (ayaw ata bumitaw kay Kakashi) Ah… pasensya na sa team ko naman masasabi kong maayos sila at tinatanong ko nga po sa kanila kung anong gagawin nila sicreto daw po kaya hindi ko na kinulit (yakap uli kay Kakashi).
Tsunade: (sigh na lang ang lola) (sabay baling kay Kakashi at tinitigan ng masama at na gets agad nya)
Kakashi: (nag peace sign) wala naman pong problema sa team ko at malamang sa mga oras na to' nagpa-practice na sila pero sa tingin ko may iba pa silang binabalak gawin bukod sa ipina-practice nila ngayon.
Tsunade: (napa-isip) hmm… kaka-intriga ano kaya balak ng team ni Kakashi. Thought ng Hokage. Gai ano na?
Gai: (biglang ipinakita ang karimarimarim na good guy pose) Hokage-sama wag po kayong magalala dahil ang aking team ay kasalukuyang hinahasa ang kanilang mga talento at sa pagtatanghal na ito siguradong hahangaan ng madlang pipol (teeth goes ping, sabay tingin kay Kakashi at ang mata'y nag-burn) at hindi ako papayag na matalo nanaman nito si Kakashi. Isip ng OA na Jounin.
Kakashi: (napansin na kakatingin si Gai sa kanya) Hay naku problema nanaman nitong kapal kilay na to' sabi nya sa sarili.
Tsunade: (sawakas bumaba na ang isip sa ulap) Magaling… paalala ko lang na ayos na ang mga gagamitin sa corcert onting detalye na lang ang aayusin at matatapos na to' at isa pa may isang lingo na lang kayo para maghanda maliwanag bayon (nods ang mga Jounins) sige makakaalis na kayo.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Yo! Hindi ko na bibigyan pa ng mga detalye kung paano, saan at whateva' sila nag practice summarize ko na lang eto mga nangyari.
Lunes
Kasalukuyang maayos ang practice ng grupo at malapit na sana silang matapos ng bigla ata na-carried away ang bida nating ubod nang ingay at bigla na lang syang nagwala sa studio (yezz may studio sila) naputol na lang iyon ng biglang…
Sakura/Sasuke: (Jombag sa maingay na teammate) Hoy kulugo may kasama ka dito wag mo solohin.
Naruto: (bulagta sa sahig) pasensya na nacarried away ako hehehe…
Sakura/Sasuke: (death glare) grr… pasaway.
Martes
Shurah: (kamot ulo) um… dito wala naman masyadong nangyari except na-carried away nanaman si Naruto na naging dahilan kung bakit kinick-out sya ni Sasuke at Sakura palabas ng studio, at dahil masyado nang nagiging hyper si Lee at hindi na rin sya maawat kailangan na ni Neji at Tenten na bangasan ng mukha ang kanilang ka-teammate para tumigil. Bukod sa mga iyon wala namang especial.
Miyerkules
Dis tym mga friends kila Hinata naman nagkaproblema hindi sila makapag simula dahil si Kiba kanina pa hinahanap si Akamaru at sukat daw bang gawing backup singer ang askal eh panay ang kahol at alulong pagkumakanta na sila and turns out na ayun si Akamaru nakalimutan ang practice dahil nakikipag-ligawan sa aso na kapitbahay. Hay naku
Huwebes
Ino: Shikamaru
Shikamaru: (tulog)
Ino: (nilingon ang nasabing batugan) Shikamaru!
Shikamaru: zzzzzzzzzzzzzzzz
Chouji: crunch, crunch, crunch (nagbukas ng panibagong supot)
Ino: (grrr…) SHIKAMARU!
Ayuuuuuun kaya pala nakatulog sa gitna ng pagpa-practice hay!
Shikamaru: (nagising) ano?
Ino: (handa ng pumatay) NAKATULOG KA SA GITNA NG PRACTICE TAPOS SASABIHIN MO 'ANO' YUN LANG ANG REACTION MO blah, blah, blah, blah……
Hay kawawang Ino ang hindi nya alam tinulugan uli sya si Shikamaru.
Biyernes
"Naluma man ang sabon, maong man ay may gasgas nag dahil kay nanay sa husay nya magsampay buhay ay nagkroon ng ku-" maayos na sana kung hindi lang na sapok ni Ino si Shika at ayun hinimatay ang kawawang lalaki
Sabado
Kiba: ok practice na tayo handa ka na Akamaru?
Akamaru: arf!
Hinata: ok handa na kami ni Shino (hmm… hindi na nauutal epekto yan kung si Naruto and syota mo)
Shino: … (as usual silent movie drama nito)
Kiba: 5, 6, 7, 8
Kiba/Hinata/Shino: One little two little three little bumbay. Four little five little six little bumbay. Seven little eight little nine little bumbay. Yan ang Indyan buhay…
Well si Kiba at Akamaru bigay todo si Shino… ano pa aasahan mo dyan, si Hinata ok lang. pero naisip nila na parang hindi ata maganda kaya postponed nanaman ang practice para mag-isip ng iba pa.
Lingo
Hay pahinga; syempre kailangan yon dahil bukas na ang concert kaya ayun ang mga bida nagre-relax si Neji at Tenten nag sparring (grabe pahinga yan ah) si Sasuke pasaway training din ang inatupag, si Sakura tumutulong kay Tsunade (bait na bata), si Naruto hayun kasama jowa nyang si Hinata sa Ichiraku, anong ginagawa? Edi syempre nagdi-date at si Naruto nagpapakalunod sa Ramen, si Shikamaru cloud watching, si Chouji ala namang ibang ginawa yan kundi kumain, si Ino nasa bahay kadadating lang galing sa pagsho-shopping kailangan daw nya yun para bukas at si Lee aba malay ko malamang tumatakbo nanaman yon ng 300 beses around Konoha, si Shino nasa bahay, at si Kiba naglalaro kasama si Akamaru. Meron pa ba akong nakalimutan? Ala na.
Shurah: haha ang saya-saya chapter 3 tapos na po (giving the readers a wave 'mahal ko kayo' wheeak!) abangan nyo na lang po ang chapter 4 mas marami pang magyayari sa mga susunod na chapters.
Comments, suggestions, no violent reaction ppl.
Kung gusto nyo mag-suggest na song o ng situation sa storyang ito don't worry ilalagay ko naman kung kanino galing, feel free to suggest ok.
