a/n:Ang tula na ito eh naisipan kong gawin dahil sa kaibigan kong patay na patay kay hyuuga neji… noong napanood ko din ang episode 116-117 maxado akong nadala sa mga nangyare doon kaya naisipan kong gumawa ng tula…sana lang magawa nyong mag review!mahalaga ang mga masasabi nyo kasi sa pagsusulat ko



SA AKING PAGLISAN

Ang aking munting pangarap

Maabot ang mga ulap

Makalipad sa himpapwid

At pagmasdan ang ganda ng paligid

Sa pamamagitan nito

Kalayaa'y makakamit ko

Malalasap ang kariktan ng buhay

At kaligayahan sa aki'y maibibigay

Ang liwanag ng buwan

Ay ang tanging pag-asang hinihintay

At magsisilbing gabay

Sa puso kong naguguluhan

Ngunit ngayon sa aking kalayaan

Ang aking pangarap ay hindi na matutupad

Sa papel nalamang maisusulat

Bago huminto ang daloy ng dugo

Sa aking mga ugat


review po kayo ah!