a/n; well wala lang rason kung bakit ko itona sulat..nagkataon lang na gulong gulo din ang utak ko kaya…eto ang resulta..sana mag review kayo..please lang po
gulo
bakit ganito ang buhay, sadyang kay gulo
hindi ko maipinta ang nadarama ko
tunay ngang malabo at talaga namang nakalilito
lalo na't kung patungkol sayo
isip ko'y gulung-gulo, puso ko'y nagsusumamo
sapagkat ako, ay nahumaling sa iyo
sa dinami-dami ng taong kabibihagan
bakit ba kasi sayo pa ang puso ko ay naiwan
ewan ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin
meron pa namang paraan para hindi mahulog
aking damdamin
ngunit sadya nga yatang mundo ay kay lupit
sa kabila ng mga daan para pa rin akong ginigipit
paano na? bakit ba? ano na ang mangyayari?
sa aking damdaming hindi ko sa iyo masabi
simula pa lang, tayo ay magkaibigan na
kapag pinagtapat ko kaya pagkakaibigan nati'y
magigiba?
sa mga oras na ito, ako ay nagiging matalinhaga
sapagkat hindi ko mailabas ang tunay na
nadarama
tungkol sayo, tungkol sakin, tungkol sa'ting dalawa
kung sa bagay, wala nga namang kabuluhan itong
aking tula..
xenxa na ha..mejo nahihilig akong gumawa ng tula eh..hahaha review naman kayo...
