Encantadia

Kabanata 2: Ang Pagkikita ni Mira at Milagros-este-Lira

Nang nakita niya si… Lira

"Lira!" sigaw ni Mira. Napatingin ang babaeng tinatawag ni Mira.

"Uy! Mira! Nandito ka na pala!" pabalik na sumigaw ang babae.

Lumapit si Mira sa babaeng nagngangalang Lira. Iniwan niya ang lalaking nag-abot ng kanyang kamay.

"Miss! Sandali!" sigaw ng lalaki. "Naiwan mo ito- ano nga ba ito?"

Umalis na si Mira at inisnab si lalaki. Naglakad na lang ang lalaki, dala-dala ang bagay na napaka-weird at hindi maintindihan na bagay.

At last, after a few seconds, nakarating na rin si lalaki sa kanyang pupuntahan. Buti na lang nasundan ko pa siya.

Pumasok siya sa- weyt lang- bahay ni Tyson?

"Oy! Rei, nadito ka na pala!" sigaw ni Tyson na kumakain ng ice cream.

"Tyson, ba't di mo ako nilibre ng ice cream?" tanong ni Hilary. "kawawa naman ako." Nagsimulang umiyak si Hilary.

"Belat! Buti nga sa'yo!" sagot ni Tyson. "Pinaalis mo kasi yung babaeng ala Yasmien Kurdi! Ang ganda-ganda pa naman niya, noh!"

"Hmph!" tunog ni Hilary. "Pati rin ba 'yon, kasalanan ko rin? Hmph. Lagi na lang ako, puro na lang ako…"

"Che. Manahimik ka nga diyan!" simula na ito ng WW3

"Haay…" sabi ni Rei na nanonood sa away nila Tyson at Hilary.

Nang biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ni Rei ang pinto at nakita si…

Haay! Natapos ko rin ang 2nd chapter... sige... review lang kayo... please!