Encantadia

Kabanata 3:

Binuksan ni Rei ang pinto at nakita niya si… Kai.

"O Kai! Salamat naman at dumating ka!" Sabi ni Rei. Napansin ni Rei na may nagtatago sa likod ni Kai. "Kai, sino 'yang nasa likod mo?"

Nagpakita ang nagtatago sa likod ni Kai. "REI!" sigaw niya.

"M-Mariah!" sigaw ni Rei. Sabay yakap naman si Mariah kay Rei.

"Rei! Na-miss talaga kita! Rei!" sabi niya.

"Ang sweet niyo naman!" sigaw ni Hilary.

"O Hilary, tapos na ang WW3?" tanong ni Rei.

"Hindi pa, natutulog lang si Tyson kaya break muna kami." sagot ni Hilary. "Kaya 'pag nagising na siya, simula na 'yon ng WW4! Hahahahahahaha…"

Nag-sweatdrop naman sina Rei at Mariah.

"Haay! Sumasakit ang ulo ko!" sigaw ni Kai. Naglakad siya papunta sa Guest room at doon nag-pahinga.

"Grabe naman si Kai!" Sabi ni Mariah. "Sumosobra na siya! Buti na lang mabait si Rei."

"Hindi naman," sagot ni Rei.

Bumuhos ang malakas na ulan.

"UUUULLLLAAAAAAAAAAAANNNN," nagising na pala si Tyson at nagsimulang kumanta habang nanonood ng TV. Pinapanood niya ang komersyal ng Nescafe. "Sinong di mapapasayaw sa-" huwag na natin ituloy dahil baka magkaroon ng earthquake and tsunami whatsoevah...

Tapos na ang komersyal at nagsimula na ang palabas na ENCANTADIA! Tumutugtog na ang theme song ng Encantadia. "DDDDDUUUUUUUEEEEETTTT" parang ganon ang tunog ng theme song.

"Hilary!" tinawag ni Tyson si Hilary. "Encantadia NAAAAAAA!"

"OO! ALAM KO! NANONOOD KAMI NG LOLO MO DITO!" sagot ni Hilary.

"SAAAAAAAAANNN?" tanong ni Tyson.

"DITO SA KUSINAAAAA!" sagot ni Hilary.

"LI'L DUDE! DITO KA NA LANG MANOOD! MAY AIRCON PA! HAHAHAHAHAHA!" sigaw ng lolo ni Tyson.

Pumunta si Tyson sa kusina. "Ang weird naman, paano nagkaroon ng aircon at TV ang kusina?" tanong ni Tyson sa kanyang sarili.

Nang binuksan niya ang pinto sa kusina…

"O MY GULAAAAAAYYYYY!" sigaw ni Tyson. Nakita niya ang lahat ng gamit niya sa kuwarto na napunta sa kusina.

"Bakit nandito sa kusina ang mga gamit ko sa kuwarto?" sigaw niya.

Tumakbo siya papunta sa kanyang kuwarto at nakita niya sina Hilary, Mariah, Rei, lolo ni Tyson at si Kai?

"LOLO!" sigaw ni Tyson. "Bakit, hijo?" sagot ng lolo niya.

"Bakit nandito ang ref? Ang stove? Ang microwave oven? Bakit? Bakit? BAKIITTT!" nag-ooveract si Tyson.

"Hmmm... kasi ganito iyon," sagot ni Lolo Granger. "Kailangan ng mga pagbabago sa ating bahay. Heto. Tignan mo ang ginawa namin!" ipinakita niya ang isang papel na mayroong madaming erasures and chuvachuchu... whatsoevah.

"Huwat! Paano nangyari ito!" sigaw ni Tyson with matching sabunot niya sa sariling buhok niya sa ulo.

"Uh, Tyson, 'wag ka nang magalit... at least nandito ang ref sa dating kuwarto mo..." sabi ni Rei.

"Oo nga noh...hahahahaha..." tawa ni Tyson. Tapos, nakita niya si Kai, na nanonood nang matahimik ng Encantadia.

"Kai? Bakit ka nanonod ng Encantadia?" tanong ni Tyson. "Shhhhhh! 'Wag kang magulo! Maghahalikan na sila Alena at Ybarro!" sagot ni Kai.

"Oo nga, Tyson, manahimik ka diyan! Buti pang umupo ka na lang dito at manood." sabi ni Hilary. Nang umupo si Tyson...

"DUUUUUUUEEEEETTTTT! DUUUUUUEEEEEETTTTT!" nagsara ang pinto ng Encantadia.Haay naku! tapos na ang isang episode ng Encantadia. Bitin yata sina Kai, Hilary, Lolo Granger, Rei, Mariah, at Tyson dahil hindi natuloy ang halik nila Alena at Ybarro... ang sama naman...

"BAD TRIP NAMAN O!" biglang sigaw ni Kai. "SHEMAY!" nang biglang nabasag ang isang picture frame na may picture ni DARNA?

so, dito poh magtatapos ang isa pang episode ng Encantadi by urs truly... bitin ba kau? kasi bitin ako... long time no update... naghihintay kasi ako ng mga reviews... thanks nga pala kay DEFAULT at UM... ( dalawang reviewer ng ENCANATDIA) wel, thanks for reviewing. dis is dedicated to all da peeps wu watch Encantadia. wat else... o yah.. bakit kaya nabasag ung picture frame na may picture ni Darna? paano ito nabasag? hmmm... di ko pa alam e... bakit my picture ni Darna si Tyson? idol kaya niya sa Darna o si Angel Locsin? abangan nio na lang sa susunod na kabanata ...hehehehe