Author's Notes: This is the Version Two of my fan fic "Sana Pansinin Mo Ako" featuring Lavander Brown yearning for Ronald Weasley to notice her. This is going to be a spoiler for HBP. Review okay?
Si Lavander ay nasa isang balcony ng Gryffindor Tower at nangagarap na makasama si Ron. "Hay…" wika ni Lavander. "Sana naman mapansin na ako ni Ron." Pagdaan ng ilang sandali, umalis si Lavander para makita si Ron.
Bakit kaya ako nagkakaganito?
Hinahanap ko ang mukha mo
Sa lahat ng lugar na daanan ko
Para makumpleto lang ang araw ko…
Sabi ng iba, walang itsura si Ron. Samantalang si Lavander, patay na patay kay Ron. Pagkalipas ng ilang sandali, nakita na niya si Ron na kasama ang kanyang mga kaibigan at tumatawa.
Ano bang nakita ko sayo?
Bakit laging nakatingin sa direksyon mo?
Siguro para masilayan ko
Ang mga ngiti at tawa mo…
Kinilig si Lavander. Makita lang niya na tumawa si Ron ay kumukumpleto na ng araw niya. Si Ron naman ay di siya napapansin dahil lagi siyang nakatingin kay Hermione.
Ano bang meron sa mukha mo?
Bakit kinikilig ako?
Tindig pa lang ng mga mata mo
Sobrang natutunaw ako…
Alam kong walang pag-asa na mahalin mo agad ako..
Pero ako pari'y umaasa na magiging tayo…
Kahit panandalian lamang
Pagbigyan mo na ako…
Isa lang naman ang hiling ko…
Pansinin mo ako…
"Ron…" sabi ni Lavander sa kanyang sarili. "Bakit di mo ko mapansin?" Bumalik si Lavander sa Gryffindor Tower. Nanatili siya sa Common Room hanggang gabi, iniisip parin si Ron.
Araw, gabi ay iniisip kita.
Para na kong naloloka
Kamukha ko na daw si Sisa
Kasi talagang mahal kita…
Pagkalipas ng ilang minuto, pumasok si Ron sa Common Room, nag-iisa. "Hi, Lavander."
"H-h-hi R-r-on" ang tanging masabi ni Lavander.
"Bat parang nanginginig ka ata? May sakit ka ba?" tanong ni Ron.
"Ah… Ok lang ako…" sabi ni Lavander. 'Di mo lang alam dahil di ko masabi na gusto kita…'
"Sigurado ka bang ayaw mo pumunta kay Madam Pomfrey?" tanong ni Ron.
"Oo naman. Pupunta na lang ako sa Great Hall mamaya."
"Sige… Kita na lang tayo dun… Alis na ko…" Lumabas na ng Common Room si Ron at saka tumili si Lavander.
Di ko lang masabi sayo…
Ang tunay na nararamdaman ko
Sayong-sayo lang itong puso ko
Kaya tumingin ka naman dito…
'Salamat at lumingon ka na dito.'
Ano bang meron sa mukha mo?
Bakit kinikilig ako?
Tindig pa lang ng mga mata mo
Sobrang natutunaw ako…
Alam kong walang pag-asa na mahalin mo agad ako..
Pero ako pari'y umaasa na magiging tayo…
Kahit panandalian lamang
Pagbigyan mo na ako…
Isa lang naman ang hiling ko…
Pansinin mo ako…
'Dahil un lang talaga ang hiling ko…' ang sabi ni Lavander sa sarili. Tumayo siya at lumabas para muling hanapin si Ron.
Author's Notes: So what do you think? Ok lang ba? Iba ung plot niya mula dun sa una. I wish that you'll like it. :D
