Sa eskwelahan, pagkatapos ng klase ni Sakura ay agad na pinuntahan niya si Saske upang makisabay sa mga barkada niya na barkada rin ni Sakura na sina Neji, Naruto, Rock Lee, Gaara, Ten Ten at si Shikamaru.
"Sasabay ka sa amin?", Tanong na pagka suplado ni Saske.
Parang kirot sa puso at damdamin ni Sakura na tanungin siya ni Saske na may pait sa tono niya.
"Masama ba?", Tanong ni Sakura.
"Pambihira ka naman Saske", Sabi ni Naruto. "Ikaw pa ang may lakas na magsalita ng ganyan samantalang mas nauna siya maging kabarkada namin bago kayo dumating nina Gaara, Shikamura, Rock Lee at Neji. Huwag ka naman ganyan. Para namang pinalalayas mo pa si Sakura"
"Mali lang ang interpretasyon mo sa akin. Hindi ako ganun", Ang pagdedepende ni Saske sa sagot niya kay Naruto pero sa loob ng damdamin ni Naruto, hindi siya kumbinsi sa sagot ni Saske.
"Saan tayo gigimick?", Tanong naman ni Shikamaru sa mga kabarkada niya.
"Medio sosyal naman ang dating na ipang gigimick natin. Gawin natin sa bahay nina Naruto", Ang sagot naman ni Rock Lee kaya nagpasya silang lahat na kina Naruto na lang sila gumimik na katulad na lamang ng pang food trip at paglalaro ng baraha.
Habang naglalakad silang magbabarkada papunta sa bahay nina Naruto, lumapit si Ten Ten at lumayo muna kay Saske upang kausapin si Sakura.
"'Yung kanina", Bulong ni Ten Ten kay Sakura na hindi pa rin niya maalis sa isipan ang kaninang eksena. "Pagpasensiya mo si Saske. Ganun lang 'yun",
Hihirit sana si Sakura na E ikaw? Bakit hindi ka ginaganyan? Kakaiba ka rin ha! Pero minabuti niyang tumahimik na lang siya.
"Ten Ten, kung kailangan mo ako at kung kailangan niyo ako ni Saske, andito lang ako sa tabi niyo. Handa ko kayong protektahan", Ang sabi naman ni Sakura.
Napatawa si Ten Ten ng mahinahon.
"Bakit ka napatawa?", Ang nagtatakang tanong ni Sakura.
"Wala. Kakaiba ka", Ang sabi naman ni Ten Ten. "Ang naiisip ko, sa ganyang ugali mo ay pwede ng may humanga sayo sa ganyang istulo mo lamang"
"Wala naman e-"
"Anong wala? Si-", Biglang napatahimik si Ten Ten.
"Sino?",
"Wala", Bawi ni Ten Ten. Alam niyang may humahanga sa kanya at yun ay walang iba kungdi si Naruto ngunit minabuti na lang na tumahimik siya. Ayaw niya na ipagsabi ang sekreto ni Naruto tungkol sa nararamdaman niya kay Sakura dahil ipinagkatiwala siya nito.
xxxxx
Nakarating na silang magbabarkada sa bahay nina Naruto. Bumili muna sila ng mga pagkaing maihahanda nila at inayos nila ang kwarto ni Naruto pagkatapos inayos nila ang radio sa tabi at nagpapatugtog sila ng mga pang sayaw dagdag sa pag-aaliw nila. Nag sayawan sila. Nagwawala at pawang kanilang kasayahan ay wala ng katapusan. Nang matapos ang lahat ay para silang mga baterya na nawalan ng enerhiya.
Napag-usapan nila ang tungkol sa school work nila. Ang mga guro na kung sino 'yung terror sa klase nila at napag kwentuhan din nila kung sino ang mga malalakas na ninja.
"….Si Kakashi pa rin ang pinakamalakas na ninja. Magaling at gwapo pa at-", Ang labis labis na paghanga ni Neji. Nakatingin sa kanya ang mga barkada niya na tipong nagtataka sa mga pinagsasabi niya.
"Neji? Bakla ka ba?", Tanong ni Gaara.
"Oo nga, bakla ka ba?", Ang sunod na tanong ni Shikamaru. "Hindi ako nagtataka kung bakit ganyan kahaba ang buhok mo. Ginagawa mo lang 'yan para mapansin ka ni Kakashi!", Napatawa siya ng malakas.
"Hinde!", Napasigaw si Neji sa mga barkada niya. "Kung gusto niyo mapatunayan na hindi ako bakla, hahalikan ko si Sakura!", Tumayo siya sa kinauupuan niya sa sahig at nang akmang lalapit na kay Sakura nang biglang magsalita si Naruto.
"Neji", Sabi agad ni Naruto. "Huwag mo na patunayan. Naniniwala na kami sa inyo. Tama ba, mga guys and gals?", Sabay tingin siya sa mga barkada niya at nangangarap siya na sana sumang ayon sila sa kanyang sinasabi.
Umupo uli si Neji sa sahig kung saan siya nakaupo kanina lamang. Sa tabi ni Neji sa kanan ay si Rock Lee na nakaupo rin. Sa kaliwa naman ni Neji na medio malayo sa kanya ay si Gaara na tipong astig kung makatitig. Nakatayo siya at nakasandal sa dingding at naka cross arm siya. Si Naruto naman ay naka upo siya na indian sit sa tabi ni Gaara. Si Saske naman na nakatabi ni Rock Lee ay nakaupo sa higahan ni Naruto na naka indian sit rin siya na katabi ni Ten Ten na nakaupo at katabi niya si Sakura na nakaupo rin. Si Shikamaru naman ay nakaupo sa harap ni Neji pero malayo sa pagitan nila at ang kanyang dalawang kamay niya ay nasa sahig upang suporta sa kanyang pag-upo.
"O sige.. sige, naniniwala na kami", Ang halos magkasabay sila magsalita ang mga magbabarkada.
"Pansin ko si Saske lang ang tipong tahimik ha?", Ang napansin ni Shikamaru na nakatingin si Saske sa kawalan.
"Ha?", Ang sabi ni Saske nang napansin niya na andito pa rin pala siya sa mga barkada niya. "Wala. Wala. Naiisip ko lang si Ten Ten"
Tuksuhan at hiyawan ang napaloob sa pamamahay ni Naruto. Kahit si Gaara ay napapangiti. Maliban lang si Sakura na tahimik lang. Napatingin si Naruto kay Sakura sa mata. Nang hindi sinasadyang napatingin si Sakura sa kanya ay biglang napaalis sa tingin si Naruto at pawang kunwari nakatingin siya sa iba.
Bwiset na Naruto 'yan! Siguro kaya napatingin sa akin ito dahil pinagtatawanan niya ako sa ganitong sitwasyon kung saan ako ay nagdurusa at nagmumukhang tanga kay Saske! Hindi ko hinahabol si Saske ha? Baka 'yun ang iniisip ni Naruto! Sapakin ko siya! Ano ang pakialam ko sa kanya? Napabuntong hininga si Sakura at sabay ngumiti para hindi uli mapaghalata ni Naruto at sa mga barkada niya na nalulungkot siya.
"Kailan ang kasalan?", Ang biro ni Sakura kay Ten Ten. Gusto niya ipakita sa mga barkada niya na okay lang siya at lalo kay Naruto.
Tumawa lang si Ten Ten at sabay blush sa mukha niya.
xxxxx
Nang natapos na ang kasayahan ang magbabarkada. Inihatid ni Naruto si Sakura sa pintuan ng bahay nila.
"Sakura", Ang tawag ni Naruto.
Papasok na sana si Sakura sa loob ng bahay niya ngunit tinawagan siya ni Naruto kung kaya't napatingin siya kay Naruto.
"Bakit?", Tanong ni Sakura. Napansin niyang nakatingin sa sahig si Naruto at pawang nag-iisip.
Tumingin si Naruto sa mata ni Sakura. Malapot ang tingin niya na tipong manghahalik siya. Binuka niya ang bibig niya at napasara uli. Gusto niya magsalita pero hindi niya magawa kaya napangiti lang siya at sabay napatawa ng mahinahon. "Wala. Gusto lang kita asarin!"
"Sira! Wala ka magawa sa buhay! Mas mabuti pa si Saske sayo! Hmmmp!", Sabay talikod kay Naruto at pumasok sa loob ng bahay, sabay ang pagbagsak ng pintuan.
"Lagi naman si Saske! Saske na naman!", Ang naisambit ni Naruto ngunit hindi na narinig ni Sakura. Nakaramdam siya ng lungkot pero hinayaan na lang niya.
Umalis na si Naruto sa bahay ni Sakura. Naglalakad mag-isa. Naabutan sila ng gabi dahil sa kasayahan na naganap kanina sa bahay niya at siya naman ang nag boluntaryo na ihatid si Sakura. Pumayag naman si Sakura sapagkat magkaibigan silang dalawa. Napahinto si Naruto sa nilalakaran niya. Napatingin siya sa bahay ni Sakura na medio malayo layo na rin ang agwat niya sa bahay ni Sakura.
Kung alam mo lang Sakura, kung gaano kita kamahal. Mahal kita, Sakura. Kung alam mo nga lang. Kung alam mo lang… Ang sabi ni Naruto sa kanyang sarili.
