Umaga na. Mga taong nasa labas ay pawang maiingay. Nagising si Sakura sa amoy na nilanghap niya sa niluluto ng kanyang nanay. Ang ulam na tipong gugutumin ka sa wala sa oras. Nag unat si Sakura. Napangiti siya. Ang ganda ng umaga niya sapagkat napanaginipan niya si Saske na hinalikan daw siya sa kanyang labi. Ang akala niya, totoo na pero hindi pala ngunit kahit ganun na lamang sa panaginip niya, masaya na siya. Tatawagan niya muna si Saske. Gusto lang niya kamustahin kahit saglit lang ngunit nang tumawag siya, wala si Saske. Mga apat na segundo, tumawag naman si Ten Ten at nakausap ni Sakura na ikinagulat naman niya.

"Bakit mo alam ang numero ng telepono ko?", Naitanong ni Sakura ngunit kalmado ang kanyang tinig. Ayaw niya mapaghalata na nagulat siya sa pagtawag ni Ten Ten sa kanya.

"Ibinigay ni Saske. Alam niya ang numero ng telepono mo", Sagot ni Ten Ten. "Pero huwag kang magalit sa kanya. Okay lang ba?"

"Siyempre! Hindi ako magagalit sa kanya!", Ang sabi naman ni Sakura. Basta si Saske, malakas ang pagtibok ng puso niya. Napaisip siya.

"Um.. bakit nga ba ikaw napatawag?", Tanong uli ni Sakura na hindi pa sinasagot ni Ten Ten ang tanong niya. Tahimik lang si Ten Ten sa kabilang linya ng telepono at ang amoy na nilanghap kanina ni Sakura na ulam kung saan ginutom siya ay nawala na sa isipan niya. Interesado siya kung bakit tumawag si Ten Ten sa kanya.

"Hello? Ten Ten?-",

"May problema lang", Sumagot si Ten Ten pagkatapos ng katahimikan na naganap sa kanya. "Magpapakasal kami ni Saske sa Hwes"

Tahimik si Sakura. Ang buong mundo niya ay gunaw pero inalis niya sa isipan ang kasal ni Ten Ten at ni Saske. Imposible sila ikasal na wala pang labing walong taong gulang pa.

"Ten Ten", Sabi ni Sakura na medio natatawa siya pero pinigilan niya ang sarili niya na hindi tumawa. "Nagpapatawa ka ba o ano? Ang bata bata niyo pa. Magpapakasal na kayo? Pambihira naman kayo. Ano 'yun? Pa imbento?"

"Hinde. Magpapakasal talaga kami pero kunwari lang. Si Naruto ang pare at ikaw ang maghahanda ng mga pagkain para sa amin.", Sabi ni Ten Ten. "Ayaw niya ako paghandain ng pagkain e kase alam ni Saske na hindi ako marunong magluto. Alam niyang ikaw ang magaling na magluto at hindi ako."

"Sure!", Agad na pumayag si Sakura. Sa loob ng kalamnan ng tiyan niya ay tumatalbog talbog siya sa sobrang tuwa niya. Si Saske, ang lalakeng hindi niya akalain na siya ang paghahandain ng pagkain sapagkat siya ang magaling magluto kaysa kay Ten Ten. Malaking papuri na kay Sakura ang ganuon. "Teka.. teka.. kakain muna ako ha?",

"Okay", Sabi ni Ten Ten at ibinababa na nila sa isa't isa ang telepono.

Tumalon si Sakura ng pahiga sa higahan niya. Ikinuha niya ang unan sa ulo niya at niyakap niya ito. Ngumiti siya. Ang kanyang puso ay tipong lalabas sa kanyang katawan. Gusto niya sumigaw sa tuwa pero hindi niya magawa. Ang kulang na lang niya ay magwala sa saya niyang nararamdaman.

"Sakura! May bisita ka!", Sabi ng nanay ni Sakura na narinig niya ang boses galing sa dining table. "Kumain ka na rin!"

Lumabas si Sakura sa kanyang kwarto at pagkakita niya kung sino ang bisita na 'yun, parang suntok sa buwan ang kanyang natanggap. Si Naruto na parang baliw kung asarin siya kagabi.

"Hello", Ang sabi ni Naruto sa kanya na habang kumakain ng paborito niyang ramen.

"Naruto?", Sabi niya na may pagkairita. Hindi pa rin niya malimutan ang ginawa ni Naruto sa kanya kagabi ngunit pinatawad na niya ito.

"Kamusta ka na, honey?", Ang pang-aasar ni Naruto sa kanya.

Umupo si Sakura sa tabi ni Naruto kung saan nakahanda na rin ng pagkain sa namesa niya. Wala sa loob ng bahay ang nanay ni Sakura dahil nasa labas ito na nagdidinig ng mga halamanan. Ang tatay naman niya ay pumasok sa trabaho.

"Honey ka diyan! Huwag mo nga akong asarin, Naruto ka! Kung sana, ikaw na lang si Saske, ano?", Sagot naman ni Sakura kay Naruto.

Tumahimik si Naruto at nagpatuloy siya kumakain ng pagkaing niya na ramen. Kilala siya ng nanay ni Naruto kaya lagi siya welcome pagdating sa bahay ni Sakura.

Kumain si Sakura kasabay niya si Naruto. Nang napansin niya na nawala sa kadaldalan si Naruto ay naitanong niya sa kanya kung okay lang siya.

"Okay lang ako", Sagot ni Naruto. Hindi siya tumitingin sa mata ni Sakura.

"Kapag may problema ka", Sabi ni Sakura kay Naruto sabay ang paghawak niya sa kamay ni Naruto at namula naman siya dahil sa ginawa ni Sakura. "Sabihin mo lang sa akin"

"Ang drama mo!", Sabay sa pagtanggal ng kamay ni Naruto kay Sakura. Napatawa ng mahinahon at sabay sabi na, "Pagkatapos natin kumain, puntahan natin si Ten Ten at si Saske", Inubos niya ang pinakahuli niyang pagkain pagkatapos nito, tumingin kay Sakura at ngumiti, sabay ang pagtibok ng puso niya. Sakura, hindi mo napapansin ang nadarama ko sayo. Lagi ka na lang kay Saske.. Ang sabi ni Naruto sa kanyang sarili.

Ipagpapatuloy.. .. .. ..