PAALALA:
HINDI KO PAGAARI ANG NARUTO
MGA TANDA:
"Sinsabi"
'iniisip'
SA AKING KAMATAYAN
Unang Kabanata
Bintana Ng Kaluluwa
Nagising si Haku sa dampi ng basang tela sa kanyang muhka. Una niyang binuksan ang kayang mga mata ngunit wala siyang gaanong maaninag. Pinilit rin niyang bumangon ngunit pinigilan siya ng matinding pananakit ng kanyang katawan..
"Huwag mon pilitin. Mahina ka pa."
Nilingon ni Haku kung saan nanggagaling ang boses. Di niya makita ng maigi ang muhka at hitsura nito. Ang tanging kapansinpansin lamang ay ang bughaw nitong buhok. Tila nababasa ng di kilalng nilalang ang isipan niya dahil …
"Huwag kang mag - alala. Babalik din ang iyong paniningin pagnakabawi na ang katawan mo."
Hindi pa rin napanatag ang kalooban ni Haku. Pinilit pa rin niyang tumayo. Dahil dito …
"Hindi kita sasaktan."
Pinilit ni Halu alalahanin ang mga pangayayari. Nasa tulay siya at nilalabanan si Naruto. Matapos makita ng kanyang kalaban ang kayang muhka, tumigil ito sa pagatake at sinimulan niyang ang kuwento ng kanyang buhay. Pagkatapos ay …
"Si Za..bu..sa, anong nangyari sa kanya?"
"Sige na, magpahinga ka na."
"Pero …"
"Hindi ko masasagot ang mga katanungan mo. Ikaw ay pinabilin sa akin ng isang kaibigan. Hindi na ako nagkapagtanong pa tungkol sa iyo dahil nagmamadali siya."
"Sino ang nagdala sa akin dito?"
"Gaya nga ng sinabi ko kanina, isang kaibigan."
Mabilis na tumakbo ang pagiisip ni Haku. Di naman kaya si …
"Si Zabuza"
"Si Zabuza, ang tao yung di ba?" Tinananong niya puno ng pagaalala at pagasa.
"Inuulit hindi ko sasgutin ang iyong mga katanungan. Mas makakbuti na hintayin mo na lang siya. Sige na magpahinga ka na. Ako'y kagagalitan niya pag di pa nanumbalik ang lakas mo sa kanyang pagbabalik."
Bagamat puno pa rin ng pagaalinlangan ang kanyang puso, wala na siyang magawa kundi sundin ang nilalang na may bughaw. Malipas ang ilang sandali pa'y ang kanyang katawan ay bumigay sa mating pagod at pananakit.
"Kamusta na siya?"
"Nakarating ka na pala?"
"Hn."
"Lumipas ang maraming taon, di ka pa rin nagbabago."
"At ikaw malaki na ang pinagbago mo."
Napuno ng tunog ng halakhak ang buong kuwato.
"Tama ka. Minsan, tinatanong ko kung ano ang nangyari."
"Hn."
"Nasa maayos na siyang kalagayan. Nagising siya kanina."
Nanatiling tahimik ang kanyang kausap ngunit mapapansin mong puno ito ang pagkabalisa.
"Nagatatanong siya kung na saan si Zabuza? Balak mo bang sabihin sa kanya ang katotohanan?"
"Hn."
"O siya, aalis na ako marami pa akong kaluluwang susunduin."
Mula sa kawalan may lumabas ang isang sagwan.
"Isa lang ang masasabi ko, matagal mo na rin siyang hinanahanp. At ngayong kasama mo na siya, mas makakabuti na huwag mong ulitin ang mga nauna mong pagkakamali."
Malipas ang ilang sandali, ang mga pulang mata ay sinundan ng tingin ang babaeng may bughaw na buhok sa himpapawid.
Ilang araw din ang nakalipas bago muling minulat ni Haku ang kanyang mga mata. Ngunit sa pagkakataong ito, malinaw na ang kanyang paningin at tuluyan ng nawala na ang pananakit ng kanyang katawan. Dali-dali siyang tumayo upang hanapin si Zabuza.
"Saan ka pupunta?"
Nagulat si Haku. Di niya napansin na may ibang tao sa kuwarto.
'Marahil isa rin siyang ninja.,
Mabilis niyang pinagaralan ang kanyang sitwasyon.
'Hindi ito maganda. Walang akong sandata. Hindi ko maaring gamitin ang mga jutsu ko dahil di pa tuluyang bumbalik ang aking chakra. Pero di …'
"Sino ka at anong kailangan mo sa akin?"
"Uulitin ko, saan ka pupunta?"
Napangiti lang si Haku at sa isang iglap…
Mabilis niyang nilapitan ang di kilalang nilalang sa pinagtataguan nito. Ngunit laking gulat niya ng maramdamng ang isang talim sa kanyang leeg.
"Mabilis ka bata, ngunit mas mabili ako."
Lumabas na ang lalaki sa kanyang pinagtataguan. Itim ang kasuotan maliban sa tela nakabalot sa kanyang noo at leeg. Kakaiba ang rin hitsura. Tulad niya mayroong itong deretso at itim na buhok ngunit ang kay Haku ay bagsak at sa lalaki naman ay tayong tayo. Mayroon din nakakalat na mga puting hibla na buhok sa harapan nito. Pareho rin sila ng kutis, maputla. Katamtamang pangangatawan at hindi katangkaran. Ang katotohanan pagkakamalan mo siya isang lalaking ngabibinata pa lamang. Ngunit malalaman mo sa galaw nito na hindi siya dapat hinuhusgahan sa panlabas na kaanyuhan. Pero hindi iyon ang nakatawag ng pansin kay Haku. Ang mga muta nito ay kulay pula tulad ng batang si Sasuke. Pero wala siyang maramdam mang kapangyarihan mula sa mga ito. Puno rin ito ng mga dadaming alam na alam ni Haku.
'Tulad ng sa akin, bago ko pa nakilalala si Zabuza.'
"Sa huling pagkakataon, saan ka pupunta?"
Di sumagot si Haku.
"Bata, matututo kang tumanaw ng utang na loob."
"Utang na loob?"
Di nito sinagot ang kanyang tanong bagkus binababa ang espada mula sa leeg ni Haku.
"Ikaw, ikaw ang nagligtas sa akin."
"Hn."
'Hind – hindi ito maari. Si Zabuza, siya ang …'
"Na saan si Zabuza?"
"Iyon ba ang dahilan mo kung bakit gusto mong umalis."
Matapos ang ilang minuto ng katahimikan, lumakad ang lalaking may mga pulang mata papunta sa pinto.
"Gusto mo siyang makita?"
Di na nagsalita si Haku. Hindi na kinakailangan.
"Kung ganun sumunod ka sa akin ?"
"Sandali lang, anong pangalan mo?"
Tumigil ito sa paglalalakad at nagisip ng malalim.
"Hiei."
"Ano?"
"Ang pangalan ko ay Hiei."
IPAGPAPATULOY
MGA TUGON
Kay Redzin
Talaga! Marami salamat sige masusulat pa ako.
Kay Yondaime Hokage Konzen Douji
Trahedya, di naman siguro. Salamat ikaw ang unang nagbigay na puna.
Sa Lahat Ng Nagbasa
Maraming salamat. Mas ikatutuwa ko kung kayo ay magbibigay ng puna.
awiterwannabee: yehey! Nakatapos nanaman ako ng isang kabanta.
Naruto: Teka, sino si Hiei?
awiterwannabee: Si Hiei ay isang kilalang tauhan ng isa rin kilalang anime, ang Yu Yu Hakusho.
Naruto: Yu Yu Hakusho?
awiterwannabee: Ghost Fighter.
Naruto: Ghost Fighter?
awiterwannabee: Siya si Vincent.
Naruto: Vincent?
awiterwannabee: AYOKO NA! B&B na lang (Basahin at bigayan ng puna.)
awiterwannabee: Bago makalimutan.
PAALALA:
HINDI KO PAGAARI ANG YU YU HAKUSHO
