PAALALA:

HINDI KO PAGAARI ANG MGA SUMUSUNOD

NARUTO

YU YU HAKUSHO


MGA TANDA:

"Sinsabi"

'iniisip'


SA AKING KAMATAYAN

Ikalawang Kabanata

Ang Natitirang Alaala


Mahigit dalawang buwan din siyang nawala. Nagkaroon ng kaguluhan sa mundo ng mga masasamang espirito. Muli siyang pinatawag ni Koenma upang tulungan si Yusuke. Ang katotohanan di niya nais na iwan ang bata. Nararamdaman niya may di magandang mangyayari. Ngunit dahil na rin sa kanilang pinagsamahan ay nilisan niya ang mundo ng mga tao.

Pero nagkamali siya ng desisyon kanikanina lang ay kausap niya si Botan. Nasa panganib si Haku. Kasalukuyang siyang nakikipaglaban sa isang di pa kilalang masamang espirito. Kaagad siyang umalis kahit di pa naayos ang kaguluhan sa mundo ng mga espirito. Hindi maaring mamatay ang natitirang taong mahalaga sa kanya.

Sa paglabas ni Hiei sa lagusan ay tinangal niya agad ang tela sa kanyang noo at saka pinagpatuloy ang paglalakbay. Ginamit niya ang kanyang ikatlong mata upang mapadali ang paghahanap. Matapos ang ilang sandali ay natagpuan niya ito sa isang tuloy, sa bansa ng tubig ilang libong milya mula sa kanya kinatatayuan niya. Nakikipaglaban si Haku sa isang batang may dilaw na buhok at may aura tulad sa isang …

'Lobo.'

Natigil ang kanyang pagmumunimuni ng muling umatake ang bata may mais na buhok.

"Hinde, gumalaw ka. Lumaban ka," ang sigaw ni Hiei kahit alam niyang hindi siya maririnig nito.

Ngunit tila narinig siya ng bata at sinangga ang suntok na paparating ay biglang naglaho.

Mabilis ang mga pangyayari. Gumuho ang mundo ni Hiei ng naradaman niyang walang ng buhay si Haku. Tumigil siya sa pagtakbo. Na sayang ang lahat. Ang panahon, ang pagod, ang pagahahanap at ang pangako.

Matagal din nakatayo si Hiei. Ni hindi niya napansin ang pagdating ni Gato. Ngunit nakita niya ang pagsipa nito sa bangkay ni Haku.

Muling niyang ipinagpatuloy ang paglalakbay. Nais niyang pagbayarin ang walang kuwentangganid sa pambabastos nito. Ngunit ng marating niya ang tulay napatay na ni Zabuza si Gato. Napansin din niya na may isang tagasundo ni Koenma sa di kalayuan. Muhkang hinihinitay lamang nitong maputol ang hininga ng Demonyo Ng Bayan Ng Hamog.

At sa ilang sandali, napansin niya ang mga yebe mula sa kalangitan.

"Yukina."

Ilang sandali pa lamang ay umalis na ang tagasundo at si Zabuza patungo sa mundo ng mga espirito.

'Si Zabuza lamang?'

Noon lamang napansin ni Hiei na di pa nililisan ng kaluluwa ni Haku ang kanyang katawan. Maari kayang ….

Sinundan ni Hiei ang apat na nilalang na daladala ang katawan nina Haku at Zabuza.

IPAGPAPATULOY


MGA TUGON

Kay Redzin:

Oi salamat nga pala sa email mo pero sa tingin ko bawal lang yun pag gagamitin mo ang "Review system" nila.

Kay Yondaime Hokage Konzen Douji:

Pede rin. Siguro sa bandang gitna.


awiterwannabee: Di ko gusto ang kabanatang ito.

Naruto: Nakakadalawang kabanta ka na pero wala pa ako sa kuwento.

awiterwannabee: Natural lang yung dahil hindi naman ikaw ang bida ng kuwento ko.

Naruto: At sino ba yanng walang kuwentang Hiei na yan. Pagnagkita kami ipapakita ko sa kanya ang akin pinakamalakas na technique.

Hiei: At ano naman yun? (nilalabas ang espada)

awiterwannabee: Aalis na muna ako.

Naruto: Ano pa edi… SEXY NO JUSTO!

POOF!

Hiei: . . .(biglang mahihimatay.)

awiterwannabee: (blinks) effective pala talaga.

POOF!

Naruto: Ang galing ko talaga.

awiterwannabee: Bago makalimutan.

awiterwannabee: Magbigay ng puna;)