HINDI KO PAGAARI ANG SUMUSUNOD

NARUTO

YU YU HAKUSHO


SA AKING KAMATAYAN

Ikatlong Kabanata

Ang Muling Pagtatagpo


MGA TANDA:

"Sinsabi"

Alaala


Matagal din nakaupo si Zabuza sa loob ng kuwarto ito.
"Pangalan: Zabuza

Edad: Dalwampu't pito(paki correct po)

Trabaho: Shinobi

Lugar ng Kapangankan: Bayan Ng Hamog

Pagsasalarawan:

Tinuturing isa sa Pitong Talim ng Bayan ng Hamog.

Mas kilala sa tawag na "Demonyo ng Hamog".

Naging kilala sa pagpatay sa mahigit isang daang kasama upang makapasa sa pagsusulit sa pagiging isang genin.

Nagtangkang patayin ang Mizukage ngunit nabigo.

Pagakatapos ng pagtataksil sa bayan ay lumikas at naging isang bayarang mersenaryo sa mga ganid na mangangalakal.

Dahilan ng Kamatayan: Sobrang pagdudugo ng mga sugat na sanhi ng mga pana at sibat."

"Bakit mo iniwan ang batang kasasama ko?"

"Dahil hindi pa kapanahunan ng kanyang kamatayan."

"Kapanahunan pero .."

"May mga bagay na di ko maaring masabi sa iyo dahil ito ay mahigpit na pinagbabawal.
Maaring maghintay kayo rito hanggang sa kayo'y tawagin para sa inyong hatol."


"Ginoong Zabuza, ipinapatawag na kayo ni Prinsepe Koenma," ani ng isang halimaw.

'Muhkang malapit ng ibigay sa akin ang parusang sa aking mga ginawa.'


Hindi siya makapaniwala.

Mga halimaw na may buhat-buhat na salasan na mga papel.

Mga babaeng nakasakay sa mga lumilipad na sagwan.

Hindi kaya siya ay nanaginip lamang.

"Haku."

Napalingon siya.

"Maghintay ka dito."


"Hiei, hindi maari ang hinihiling mo."

"Wala akong pakialam. Gumawa ka ng paraan."

"Hiei."

"Koenma, hindi ako magdadalawang isip na gumawa ng kaguluhan."

"George.(hindi ko alam yung japanese name eh)"

"Prinsepe Koenma, huwag mong sabihing."

"Sige na sunduin mo na."

Mabilis umalis ang halimaw.

Tumingin ang batang prinsepe kay Hiei.

"Siguradahin mo lang na huwag mong sasabihin ito sa iba dahil papatayin ako ng ak-"

"Koenma, maraming salamat."

At biglang nawala ang itanapong Koorime.


"Maayos na pala ang kalagayan mo."

"Huh. Pasensya na po ngunit di ko kayo kilala."

"Ah. Oo nga pala wala ka palang malay nun. Ako si Botan, isa mga tagasundo ng Espitwal na Mundo."

"Ikaw ang gumamot sa akin?"

"Oo."

"Anong ang isang ..."

"Tagasundo, sila ay mga nilalang nanatasang magsundo sa mga kaluluwa ng namayapa na."

"Ang Espiritwal na Mundo?"

"Dito lahat ng mga nanamamatay ay hinuhusgahan sa mga gawain nila habang sila ay nabubuhay pa."

"Kaibigan mo si-"

"Si Hiei. Oo. Ganun lang talaga yun pero nagalala yun ng mawalan ka ng malay."

"Nagalala?"

"Oo. Bakit nga pala kayo naririto?"

"Dinala ako ni Hiei rito upang makita si Zabuza.
Huwag mong sabihing?"

"Minsan kailangan mong tanggapin ang ang pangyayari."

"Hindi maari ligtas siya. Niligtas ko -"

"Haku."

"Hiei."

"Pumasok ka na sa loob."


Dinala siya ng halimaw sa isang malaking kuwarto.

'Nasaan na ang sinasabing nilang pinuno.'

"Ah, ikaw pala si Zabuza."

Nagulat siya.

Lumingon siya upang malaman kung saan ng galing ang boses.

Sa kanan.

Sa kaliwa.

Sa itaas.

At sa ...

"Prinsepe Koenma, ang anak ni Enma, ang Hari ng mga Espiritwal na Mundo," sinabi nito habang tinaas ang kanan kamy.

"Isang itong kahibangan. Kung nais nyo ako parusahan gawin nyo na wag na kayong paligoy-ligoy pa."

"Zabuza?"

Ang boses na yon.

Tumingin sa pintuan si Zabuza.

"Haku."


"Hindi mo ba siya sasamahan."

"Hindi na kinakailangan."

"Kailan mo balak sabihin sa kanya."

Di umimik ang sinumpang batang ng bayan ng yelo.
Lumipas ang ilan minuto.

"Sana pagisipan mo ng maiigi.

Siya nga pala mahal na mahal ni Haku si Zabuza.

Baka tangkain niya magpakama-."

Mabilis na pumasok si Hiei sa kuwarto.


Mabilis tumakbo ang batang lalaki sa kanya at siya'y niyakap.

"Ligtas ka. Napakasaya ko."

Muling tumulo ang luha sa mata ni Zabuza.

"Halika umalis na tayo ipagpatuloy ang ating paglalakbay."

"Haku..."

"Tutuparin natin ang mga pangarap-"

Natigilan si Haku ng may marinig siyang ubo.

"Mabuti naman ang nakuha ko ang attensyon nyo.

Sa kasamaang palad, hindi maaring bumalik sa mundo ng mga tao ang iyong guro Haku."

"Anong sinsabi mo."

"Haku, matapos mong iligtas ang buhay ko. Pinagtaksilan tayo ni Gato. Binastos niya ang katawan mo kaya't pinaslang ko siya. Pero ..."

"Pero nandito ka. Nakakausap kita."

"Haku, namatay si Zabuza matapos magtamo ng mga sugat mula sa mga alagad ni Gato," paliwang ni Koenma.

"Kung ganon, wala narin akong dahilang mabuhay."

Nilibas ni Haku ang isang kunai upang kitilin ang sariling buhay ngunit...

Pinigilan siya ni Zabuza.

"Haku, makinig ka sa akin. Marami ka nang sinakripsyo para sa akin. Nais kong magpatuloy ka at tuparin ang sariling mong magarap."

"Pero..."

"Mangako ka Haku."

"Pangako."

"Magaling."

"Pero ano na ang mangyayari sa iyo."

"Kailan kung pagbayaran ang mga kasalanan ko habang ako ay nabubuhay pa."

"Paparusahan, hindi ako papa-"

Biglang nawalan ng malay si Haku.

Sasapuin sana siya ni Zabuza bgunit naunahan siya ng isang lalaking nakaitim.

"Ikaw."

Kung ganun napansin pala siya ng tao ito sa pagbabantay niya kay Haku.

"Hn."

"Mahalaga ang batang yang sa iyo hindi ba? Kaya lagi mo siyang iniiwas sa kapamahakan."

"Hn."

"Hindi ko alam ang dahilan mo pero sana huwag mo siyang babalewalin tulad ng aking ginawa."

"Hn. Koenma alaalis na kami."

At ito ay lumakad papalabas ng kuwarto dala-dala ang katawan ni Haku.

"Sandali lang. Maari mong sabihin kay Haku naging mahalag siya sa akin."

Tumango si Hiei at biglang naglaho.

"Ginoong Zabuza, handa ka na bang tanggapin ang kaparusahan mo?"

IPAGPAPATULOY


awriterwannabee: Waaaaaaa. Wala manlang nagbigay ng puna kahit isa.

Naruto: Sabi ko na sa iyo walang kuwenta ang kuwentong ito.

awriterwannabee: Isa ka pa. Wala ka namang nai- teka ano amoy na iyon.

Naruto: Oo nga amoy nasusunog. Parang umuinit ... ahhh nasusunog ang damit kooooooooooooo.

(tatakbo at hahanap ng paraan para patayin ang sunog)

Hiei: Natanggapin mo ang aking paghiganti. MUAAAAAAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

awriterwannabee: ...

Hiei: Ano tinitingin mo diyan gusto mo bang sunugin din kita. MUAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHAHAHAHAHAH

awriterwannabee:(iiling, tatakbo at magtatago.) Huwag kalimutang magbigay ng puna. please. (pabulong)