HINDI KO PAGAARI ANG SUMUSUNOD

NARUTO

YU YU HAKUSHO


Sa Aking Kamatayan

Ikaapat Na Kabanata

Ang Pagbanggon


MGA TANDA:

"Sinsabi"

Alaala

'Iniisip'


Isang katok ang bumasag sa katahimikan.

Mabilis na kinuha ni Haku ang Kumot at ipinikit ang kanyang mga mata.

Pumasok si Hiei sa kuwarto.

Simula nang bumalik mula sa Espiritwal na mundo, hindi pa sila nagkakausap.

Nais sana ni Hiei na mas makilala ang bata, ngunit alam niya ang sakit ng pagkawala ng isang taong malapit sa iyo.

Ngadesisyon siyang ipagbaliban ang paguusap ngunit may ilang araw na rin hindi bumababa ng kuwarto si Haku.

"Alam kung gising ka. May dala akong pagkain."

Hindi umimik si Haku.

"Iiwan ko ito sa may lamesa.
Mas makakabuti na kumain ka.
Hindi naisin ni Zabuza ng muli kayong magkita."

At malipas ang ilang sandali ay nilisan ni Hiei ang kuwarto.


Muling minulat ni Haku ang kanyang mga mata.

Hindi alam ni Haku ang kanyang gagawin.

Ngunit kailangan niyang magpatuloy.

Iyon ang kanyang pangako

Pero paano siya magpapatuloy kung walang direksyon ang buhay niya?

Buong buhay niya ay inalaan niya sa mga taong mahahalaga sa kanya.

Sa kanyang mga magulang.

Kay Zabuza.

At ngayon siya ay muling nagiisa.

"Nais kong magpatuloy ka. Tuparin mo ang iyong mga pangarap."

Ngunit ang mga pangarap niya ay katuparan ng mga pangarap ni Zabuza.

At ngayong wala na si Zabuza, hindi rin matutupad ang kanyang mga pangarap.

Biglang napatingin si Haku sa bintana.

Nasa ginta sila ng kagubatan at muhkang kasisikat lang ng araw.

Bigla niya naalala ang araw na nakita niya si Naruto ng walang malay.

'Naruto, ano kaya ang gagawin mo kung ikaw ang nasa posisyon ko ngayon.'

"AKO AY MAGIGING HOKAGE AT WALANG PIPIGIL SA AKIN."

Napangiti si Haku sa alaala.

Biglang siyang tumayo at lumapit sa lamesa.

"Salamat, Naruto, simula ngayon hahanapin ko ang sarili kong mga pangarap."


Laking gulat ni Hiei ng makita niya kinagabihan si Haku sa kusina naghahanda ng pagkain.

"Ah, Ginoong Hiei. Pasensya sa hindi magandang asal ko noong nakaraang araw."

"Hn."

Ipinagpatuloy ni Haku ang kanyang ginagawa.

Malipas ang ilang minuto ay nagsimula na ang dalawa kumain ngunit wala pa ring bumabasag ng katahimikan.

"Muhkang natanggap mo na ang kanyang kamatayan."

"Hindi pa gaano ngunit kinakailangan. Siya nga pala di papala kit pinasasalama-"

"Hindi na kailangan. ANo na ang balak mo?"

"Hindi ko alam. Pero may tao akong gustong makita."

"Kung ganon mapahinga ka. Lilisan tayo bukas ng umaga sa Bansa ng apoy"

Nagulat si Haku.

'Papaano niya nalaman na nais niyang magtungo sa bayan ng dahon.'

Tatanungin niya si Hiei ngunit ito ay nawala ng parang bula.

ITUTULOY


MGA TUGON

Kay Yondaime Hokage Konzen Douji

Oo nga. Seryuso rin kasi ang mga charaters. Medyo feeling ko nga overboard na ito.


awriterwannabee: Hay, buti na lang may nag review ngayon.

Naruto: oo nga pero isa lang.

awriterwannabee: hindi ka ba talaga titigil

Naruto: hindi hanggang di ka nagsusulay tungkol sa aking katapangan at

awriterwannbee: Stupidity?

Naruto: ah tama oo stupidity nga, teka sandali anong ibig sabihin ng stupidity?

awriterwannbee: AHHH, EH di ko rin alam eh. Sa mga nagbasa magbigay ng puna.