Disclaimer: Di ko pag-aari sina Haruka at Michiru. (hehe, wish ko lang.)
Paunang ek-ek: one hot boring day.. naisip kong magsulat ng kuwento. (in short, katuwaan lang kekeke.) sana'y maibigan niyo. salamat pu. bow.
Akda ni: dilang-anghel
Trip to 'Pinas
"Sir, saan po sila?" tanong ng taxi driver sa dalawang dayuhan na nakaupo sa backseat. Ang isa ay matangkad na may maiksing ginintuang buhok at may mukhang makalaglag salawal na halos lahat ng kababaihan sa airport ng NAIA ay napapalingon ng dahil sa kanya. Daig pa niya ang kasikatan ng mga artistang di nagbabayad ng tax.
"Eto," ani ni Haruka sabay abot ng isang papel na may address. Nakasuot siya ng long sleeved yellow polo shirt na may black vest at itim na slacks.
Napangiti ang driver ng kunin ang papel. "Ay, sorry, akala ko po lalaki kayo."
"Okay lang yun, manong," ani ng katabi ni Haruka na isa namang napakagandang babae na may mala-alon na buhok. Ang taglay naman niyang karikitan ay tila ba nakapang-aakit at halos lahat ata ng kalalakihan ay napapanganga sa kanyang pagdaan kanina sa paliparan. Malamang isa sa kanila iniisip siyang i-front cover sa FHM magazine. "Kahit saan kami magpunta lagi siyang napagkakamalan," hirit pa ni Michiru nang nakangisi. Suot naman niya ay short sleeved pero tight fitted na sea green blouse at paldang pencil cut na dark green ... yun nga lang sobrang iksi.
"Akala ko kasi kanina magkasintahan kayo."
Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi nung driver.
"Hindi naman mali ang akala mo," halos ibulong ni Haruka ang sinabi.
"Ho?"
"Wala po," biglang hirit ni Michiru at sabay taas naman ng isang kilay ni Haruka.
"Kung hindi ho ako nagkakamali mga dayuhan po kayo."
"Tama ho kayo," sagot ni Michiru.
"Pero nakakapagtaka. Ang galing niyong managalog," sabi ng driver.
"Sabi nga nila when in Rome act as Romans do. Ganun din sa lengguwahe," si Michiru ulit.
Tumawa ang driver. "Siyanga naman."
"Pero aaminin ko mga mukha kayong celebrity."
"Salamat ho. Marami hong nagsasabi nyan."
"Ano ka ba Michiru tigilan mo na nga 'yan," ani ni Haruka sa wikang Hapon.
"Bakit ba? Masaya naman silang kausap ah," sagot naman ni Michiru sa wikang Hapon din. "Bakit nagseselos ka?"
"Hmmpff..."
"Kung ganon mga Hapon pala kayo. Akala ko kasi kanina mga Koreano kayo," hirit pa ng madaldal na driver.
"Ganun po ba?" ngiti ni Michiru.
Napangalumbaba si Haruka sabay tingin sa car window... nangalahati na ang mata.
"Kung di niyo naitatanong etong sasakyan na minamaneho ko ay made in Japan kaya mabilis. Mitsubishi po, made in Japan," pagmamayabang ng driver.
"Nakakatuwa naman kayo, mamang driver," si Michiru uli.
"Ako, di natutuwa," bulong uli ni Haruka. Sinikuan tuloy ni Michiru ang tagiliran ni handsome girl.
"Aray!" napangiwi si Haruka. "Ba't mo ginawa yun?"
"Matuto kang gumalang," Michiru glared.
"Di naman niya naiintindihan hapon no."
"Kahit na. Tsaka ano bang problema mo?"
"Wala."
"Sinungaling. Siguro meron ka no?"
Napakunot ng noo si Haruka at namula. "Wala no!"
"Meron yan," tuloy ang biro ni Michiru. "Hihihi!"
Gawin daw ba akong laughing stock, ani ni Haruka sa sarili with a slumped face.
BEEP! BEEP!
"Haay, nako.. traffic na naman," reklamo ng mamang tsuper. " 'langyang MMDA kasi yan oh. May pa-pink pink fence pang nalalaman eh."
"Cool, lang kayo manong," pakalma ni Michiru.
After one hour.
" toot ina yan oh!" bulalas ng driver dahil halos di sila naalis sa kinalulugaran nila kanina.
"Paano naman mga walang disiplina pala 'tong mga tsuper dito," sambit ng Haruka sa wikang Hapon. "Ibalandra daw ba gitna ng kalsada at dun magsakay ng pasahero."
"Haruka," sabay lingon ni Michiru.
"Late na kaya tayo."
"Bakit, tinagusan ka na?"
"Haay naku, Michiru."
"Wag kang mag alala may baon akong sanitary napkins dito."
Namula na sa hiya si Haruka. "Michi!"
Di man maintindihan ng driver pero sa tono ng pananalita ni Haruka eh parang atat na atat na ito. Pagkuway, nakapag overtake si Mr. Taxi driver at pinalipad ang sasakyan 180 kph.
"Sabi ko na sa inyo mabilis to Mitsubishi ito made in Japaaaan!"
"Yan ang gusto ko, manong!" parang batang nag cheer si Haruka.
Napahawak naman sa damit ni Haruka si Michiru. "Manoong! Gusto ko pang mabuhay!"
"Get ready for the ride of your life!"
"WOOHOOOOO!" hiyaw ni Haruka. "Sige, ihataw nyo paaaa!"
"Makukunan ako nito!"
"Bakit Michi, buntis ka ba?" napalingon si Haruka.
"Heh, wish ko lang."
wakas ng chap 1
... eh.. kung gusto niya pa isa. review kayo. tenks. :D
