Disclaimer: di ko sila pag-aari. kaya nga fanfic eh. Tsaka I don't own the lyrics of the song "Wag na wag mong sasabihin" by K. N. ito po ay katuwaan lang. (kung tutuusin panahon pa to nung Lovers in Paris.)
Akda ni: dilang-anghel
Paunang ek-ek: before po ang lahat. Salamat po sa mga review. I really appreciate it. Salamat din po sa matagal na pag-aantay. ang totoo matagal ko na ring dapat ipinost to tinatamad lang akong i–edit kasi.
Wag na wag mong sasabihin
"Napakagandang istruktura," papuri ni Michiru sa malaking simbahan.
"Kakaiba ito sa mga templo dun sa atin," ani ni Haruka habang nakatitig sa kapita pitagang San Agustin Church.
"Ang tawag dito ay simbahan. Dito nagtitipon tipon ang mga Katoliko pag may misa. Meron din namang ganito sa Japan kaso di sindami ng tao rito."
Napakunot ng noo si Haruka ng mapansing pinagtitinginan na naman sila. "Parang di ko gusto rito."
"Haruka," malambing na tono ni Michiru. "Kaya lang naman sila nakatingin ay dahil kapansin pansin ang kaguwapuhan mo. Halika sakay tayo dun," turo niya sa kalesang nakaparada.
"Wag na," simangot uli ni Haruka.
"Bakit naman?"
"Baka huthutan lang tayo niyan gaya nung sa taxi driver. Ang mahal ng singil."
"Yun lang ba ang inaalala mo?" tanong ni Michiru. "Sige na. Ako naman ang magbabayad."
"Eh, kung mag-amoy kabayo tayo?"
"Amoy amoy ka dyan. Ikaw nga amoy wasabi eh," hirit ni long hair.
"Anong—"
"Sige na."
"Oy, galit ka ba?"
"Hindi."
"Galit ka eh."
"Hindi nga sabi."
"Sorry na."
"Michiru, nakasakay na tayo. May magagawa pa ba ako?"
"Ako naman ang magbabayad. At saka-" sumandal si Michiru at hinawakan ang pisngi ni Haruka "-wala akong pakialam kahit ano pa ang amoy mo."
Tulo pawis.
.
Matapos ang mahabang ride.
"Thank you po," ani ng mamang kutsero.
"Bakit binigyan mo pa ng tip yon. Sobra sobra na nga yung binayad mo ah."
"Pera ko naman yon."
"Matagal tagal pa tayo dito. Baka maubos agad pera natin."
"Haruka," sabay titig ni Michiru ng nakangiti. "Kung ganyan ka nang ganyan di mo ma-eenjoy ang bakasyon."
"O siya sige na. Hanap ka nang makakainan. Gutom na ako."
"Sige dun tayo." Napansin ni Haruka na kahit maraming Japanese restaurant sa paligid sa Filipino restaurant nakaturo si Michiru.
Napangiwi si Haruka. (aba, nagiging habit na to ah.).
"Haruka" lambing ni Michiru with matching beautiful eyes pa.
Ewan. Pero imbes na mainis si Haruka lalo siyang napahanga sa pakikitungo ni Michiru sa mga dayuhang ito –este mali pala- sila pala ang dayuhan dito. Iba talaga si Michiru.
"May idadagdag pa po ba kayo?" tanong ng waiter.
"Haruka may gusto ka pa ba?"
"…"
"Haruka?"
"Ah," biglang nagising si si Haruka. "Ah, eh. Kung ano yung sayo yun na rin sa akin."
Balik sa waiter ang atensyon ni Michiru. "Sige yun na lang din."
"Sige po ma'am. Fifteen to thirty minutes po kayong mag-aantay." Pagkuha ng menu umalis na ang waiter.
Maya-maya isinerve na yung beer.
Tumaas ang kilay ni Haruka "Beer ang inorder mo?"
"Bakit?"
"Wala lang. Kasi akala ko kasi wine o cocktail."
"Wag kang mag-alala masarap ang beer nila dito."
"Ah, ganon ba." Tinitigan ni Haruka ang beer sa mug na nagba-bubbles pa.
Silence in the air. Medyo naging seryoso ang atmosphere. (Maliban sa tunog ng pag-glug-glug ni Haruka sa beer.)
"Tapatin mo ako Haruka," si Michiru ang nauna.
"Hmm?" sabay tingin ni Haruka sa kapareha habang may mug pa sa labi.
Isang prangkang tanong. "Napilitan ka lang bang sumama?"
Binaba ni blonde ang baso at tumingin sa malayo. Tamang tama biglang tinugtugtog ang-
Oh.. huwag na huwag mong sasabihin. Na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo
Sa mababang boses tinanong pabalik ni Haruka. " (hic) Bakit mo naitanong?"
"Napansin ko lang kasi na-"
Naudlot ang sasabihin ni Michiru nang hawakan ni Haruka ang kamay niya. "Aaminin ko na sa iyo. (hic)"
"Haruka," hinawakan pabalik ni Michiru ang mga kamay niya.
"Michiru… ako ay."
"Ikaw ay…"
Isang mahabang patlang ng katahimikan (maliban sa paghic ni Haruka) na puro titigan. (na naman.)
"Haruka…"
"Michiru… (hic)"
"Sabihin mo na."
"(hic)Ako ay…" humigpit ang hawak niya.
"Sabihin mo na Haruka. Nakikinig ako.
"Tama ka…………….(hic) Meron nga ako."
Humuni ang uwak. (kung meron man.)
Tulo-pawis.
"Haruka, gising! Wala pang main dish lasing ka na."
May tumiling waitress na malapit sa kanila. "Eeeek! Yung mama may dugo!"
Haruka:Walangya ka! Ginawa mo akong kahiya-hiya sa fic na to!
Dilang-anghel: Kayang kayang rumampa sa class.
Haruka: Hoy! Nakikinig ka ba?
Dilang-anghel: Kayang kayang sumisiksik sa bus.
Haruka: GRRRRRRRRR!
Dilang-anghel: Kayang kayang tumabi sa cr-
/CRASH/
