Paunawa: Hindi po ako ang may-ari ng Shaman King at ng mga karakter na napapalob dito don't worry kapag may dinagdag ako dito na original kong karakter sasabihin ko sa inyo pero sa ngayon wala pa naman… pasensya na po kayo sa mga maling spelling dito ha… sori po talaga. Sana po ay magustuhan niyo ito.
Eto na ang kasunod…
------------------------------------------------------------------------------------
Kabanata 2: Sa palengke
Kinabukasan pumasok sa opisina si Ren tulad ng dati ngunit ngayon ay wala ang dakila niyang alalay na si Chocolove kaya medyo naguluhan siya sa mga papeles niya at sa sobrang kalituhan ay nagpatulong na siya kay Nyorai ngunit sa huli napansin nilang dalawa na ang mga papeles na dapat basahin at pirmahan ni Ren ay naiuwi ni Chocolove.
"Yung negritong iyon talaga!" Sigaw ni Ren na para bang sasabog na ang ulo.
"Nyorai!" sigaw niya sabay tingin sa natatakot nang sekretarya. His eyes burning in ire.
"Saang lupalop ng bansa nakatira yang si Chocolove?" tanong nito.
"Um... boss maghunusdili po kayo. Wag po kayong gagawa ng mga bagay na pagsisisihan po ninyo. Maawa na po kayo kay Chocolove." Wika ng nangangatog na si Nyorai.
"Kung alam mong nakabubuti sa iyo magsalita ka na!" sigaw naman ni Ren na para bang walang narinig na pagmamakaawa mula kay Nyorai.
"Sa baryo Munting-ligaya. Mga ilang kilometro lang mula dito." Wika ni Nyorai habang gumuguhit ng sketch.
"Ito po oh." Abot nito sa kanyang boss.
Agad na kinuha ito ni Ren at nilagay sa bulsa niya sabay haip ng susi at pumunta sa pinto.
"Ikaw na munang bahala dito Nyorai. Pagnagkagulo dito alam mo na ang babagsakan niyong dalawa ni Chocolove." Sindak ni Ren sa babae.
Napalunok si Nyorai sabay… "opo boss."
-----------
Lumabas siya ng kanyang opisina at natagpuan ang kanyang ate at si Yoh na nanonood sa lounge.
"Mainit ata ulo mo?" tanong ng ate ni Ren na walang iba kundi si Miss Jun Tao.
"Pahinga ka muna Ren." Yaya ni Yoh.
"Walang na kong oras kailangan ko nang puntahan ang alalay ko."
"Samahan na kita." Suwestyon ni Yoh.
"Bala ka." Sambit ng lalaking Tao sabay alis kasama si Yoh.
Napabuntung-hininga na lang si Jun sabay lipat ng channel ng TV sa balita kung saan nakikitang nagbabalita ng flash Report si Arn-Arn.
"Wow kumikita na yung puppet ah." Wika ni Jun.
Arn-Arn: Mga igan may bad news ako sa inyo… ang nag-iisang tagapagmana ng Deithel Corporation, ang pinakamalaking pagawaan ng gamot ay sinasabing nawawala sa ngayon. Huli siyang nakita na sakay ng kanyang itim na kotse na kinarnap ng mga di kilalang lalaki na ngayon ay kilala na dahil nahuli sila ni Darna. Iinterviewhin ko po sila. (lapit sa isang di kilalang lalaki na ang pangalan ay Hanley.) Nasaan si Lyserg! Ibalik mo Fafa ko! (niyuyogyog si Hanley)
Hanley: Hindi ko sasabihin sa inyo! Wahahaha! Hindi niyo na siya makikita! Wahahahaha!
Arn-arn: sige dalhin na yan sa prisinto… ito po si Arn-arn reporting back to you Pia.
Agad na pinatay ni Jun ang TV kasi parang naweirdohan siya sandali sa tagapagbalita. Maya-maya pa nahimasmasan na siya at napaisip.
"Teka… di ba kaibigan ni Ren si Lyserg. Alam kaya niya na wawala ito." Nabanggit ni Jun sa sarili.
-----------
Si Pirika ay namimili sa Lily Five wet Market slash karaoke bar slash dry market slash slightly wet and dry market slash computer shop para sa handa nila sa surprise party mamaya sa bahay ni Chocolove. Ngayon ay pauwi na siya.
Habang naglalakad ang innocent-looking na si Pirika sa gilid ng daan may biglang nagpull-over na itim na kotse.
Napatingin si Pirika dito habang iniisip kung kelan kaya makakapagmaneho ng ganyan ang kuya niya.
Dahan-dahang bumaba ang salamin ng sasakyan at nakita ang mukha ni Ren Tao mula don.
"Pwede bang sagutin mo ang tanong ko!" bulalas agad nito.
"Napakawalang-galang mo ah! Ikaw na nga dyan ang nagtatanong." Sigaw ni Pirika pabalik.
"Alam mo babae wala akong oras para makipagtarayan sa iyo. Ganyan ba talaga lahat ng mga babae dito nagpapakacheap."
"Anong cheap? Hoy for your information kayo ang unang naninigaw diyan. Lumalaban lang ako. Bakit tingin mo magpapatalo ako sa iyo porke't mayaman ka? Hindi noh!" talak ni Pirika habang lalong naaasar lang si Ren.
"Grabe bakit sa lahat ng mga babae rito ikaw pa ang natiyempuhan kong pagtanungan." Nabulong ni Ren na parang pinipigilan ang sarili.
Bago ko nga pala makalimutan si Yoh ay kanina pang pinipigilan si Ren mula sa kinauupuan niya.
"Ren ano ka ba babae yan. Wag mong patulan." Bulong ng kaibigan nito.
"Yon nga Yoh eh. Babae lang siya tapos ginaganito niya ako. Baka hindi niya kilala ang kaharap niya?" Sumbong ni Ren na mukhang naghahanap ng kakampi.
Kaya napabuntung-hininga na lang si Yoh at lumabas ng kotse.
"Miss Pagpasensiyahan mo na itong kasama ko. He just woke up on the wrong side of the bed." Wika ni Yoh in a gentlemanly way.
Medyo huminahon si Pirika matapos kausapin ni Yoh dahil nga ang kabaitan ang sinusuklian niya ng isang pang kabaitan. Alamang makipagbangayan siya sa isang taong napakabait at may mala-anghel na ngiti na tulad ng kay Yoh… siyempre hindi.
"Pinapatawad ko na siya." Sagot ni Pirika na para bang biglang lumambing, "Ano bang kailangan niyo?" tanong ng dalaga.
"Kasi may hinahanap kaming bahay ng isang tao… ang pangalan niya ay Chocolove. Kilala mo ba siya?" tanong ni Yoh habang si Ren ay nanonood ng mabuti.
"Oo naman… sige ituturo ko sa iyo. Makinig kang mabuti." Ngiti ni Pirika
"Yung halimaw kanina naging maamong tupa. Pano kaya nagawa ni Yoh yon?" taka ng Tao sa sarili.
Tinuro ni Pirika ang pinakamabilis na daan patungo kila Chocolove na malapit lang sa sarili niyang bahay. Matapos non ay pumasok na si Yoh sa loob ng sasakyan.
"Maraming salamt uli ha miss." Pasalamat ni Yoh sabay ngiti.
"Walang anuman. It's a pleasure helping you." Nakangiti ring wika ni Pirika.
"OO nga siguradong natuwa ka sa pang-asar sa akin." Bulong ni Ren na agad-agad na pinaandar ang sasakyan na nagdulot ng pagpapakain niya kay Piri ng alikabok.
"Ang bastos talaga nung driver na yon! Yabang!" wika ni Pirika sabay dila sa sasakyan na ngayon ay palayo na.
------------
"Medyo cute siya di ba?" nabanggit ni Yoh nang makalayo na sila.
"Anong cuted un. Halimaw na parang armalite ang bunganga ang dating sa akin eh." Yamot na wika ni Ren na hanggang ngayon ay asar pa rin.
"Sige na aminin mo na mali ang ginawa mo. Siguro kung tinanong mo siya ng maayos nung una pa lang baka di pa kayo nagkaaway." Wika ni Yoh habang ang dating nito kay Ren ay para bang feeling niya ay maling-mali na siya.
"Oo na magaling ka na… pasensiya na kung ang pangit lang talaga ang gising ko kaninang umaga."
"Okay lang iyon hiningi na rin naman kita ng apology eh so ayos na ang lahat. Teka alam mo na ba ang pagkawala ni Lyserg?"
"Oo… balitang-balita kaya iyon. Halos lahat nga ng dyaryo may ganong article. Alam mo na ba kung sino ang pinaghihinalaan na master mind nito?"
"Kuya ko." Malungkot na sagot ni Yoh.
"Alam mo Yoh hindi mo naman pinili kung sino ang kakambal mo di ba? Magtiis ka na lang."
"Alam ko naman na hindi ganon kasalbahe si Kuya Hao pero minsan pakiramdam ko nagiging psychotic na siya. Pero at least hinala pa lang iyon at hindi pa napapatunayan. Di ba?"
"Ewan ko na lang sa pamilya niyo Yoh sana maayos niyo iyan. Teka asan na ba tayo liliko dito?" tanong ni Ren nang maharap sila sa dalawang likuan.
"Teka… kanan… hindi… kaliwa ata eh."
"Ano ka ba naman Yoh! Tandaan mo!" sigaw na ni Ren.
"Cool ka lang, magiging ayos lang ang lahat." Ngiti pa rin ni Yoh.
"Teka asan nga ba… kanan ata eh. Tama! Kanan nga." Masayang wika nito habang nagdududa na si Ren kung nanghuhula na lang ba ang kaibigan niya o ano.
---------------
Makarating kaya ang dalawang ito sa kanilang destinasyon? Tignan na lang sa susunod
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sana po nagustuhan niyo ang isang ito siguradong iuupload ko na yung susunod. Promise!
