Paunawa: Hindi po ako ang may-ari ng anime na ito at ang mga karakter na nandito. Sana po ay magustuhan niyo itong simpleng kwento na ito. Pasensya na rin po sa mga pagkakamali na dulot ng purong katangahan… sori talaga!

Well the show must go on…

-----------------------------------------------------------------------

Kabanata 3: Kantahan na!

Nakabalik na rin si Pirika sa venue ng surprise party na inihanda ng mga magkakapitbahay at magkakaibigan kay Anna. Sa bahay ni Chocolove ito gaganapin kaya nga nag-leave ang negro para lang dito. Si Horohoro naman today ay color coding so kasama siya. Ito ang dahilan kung bakit nga pumunta si Pirika sa palengke at kung bakit si Tamao ay nagluluto sa kusina.

-------------

Handa na ang lahat matapos lumipas ang limang minuto. Nakahanda na ang mga pagkain, tapos nang lagyan ng mga dekorasyon ang buong bahay at handa nang sumigaw ng 'surprise' ang mga kaibigan ni Anna.

Nakapatay na ang ilaw at nakatago na ang lahat… si Anna na lang talaga ang hinihintay.

Excited na ang lahat…

Nang may kumatok…

"Si Anna." Bulong ni Pirika sa tuwa.

"Teka kilala niyo naman si Anna di ba. Dapat binuksan na lang niya basta-basta ang pinto." Wika ni Horo na para bang sinasabi na walang modo si Anna.

"Hoy Chocolove lumabas ka diyan!" sigaw ng boses ni Ren mula sa labas.

"Kaboses ni boss Ren yun ah." Banggit ni Chocoove sabay tayo at bukas ng pinto.

Gaya nga ng inaaasahan niya si Boss Ren at si Yoh ito.

"Welcome to my humble abide." Nakangiting wika ni Chocolove

"Abode hindi abide! Bobo!" sigaw agad ni Ren.

"Hello Chocolove." Bati naman ni Yoh.

"Bakit kayo andito?" tanong ni Choco.

Pabuka pa lang ang bibig ni Ren nang may marinig na footsteps si Choco. Hindi sana niya ito papansinin ngunit ang rhythm at tempo ng kalabog na nanggagaling sa kahoy na tsinelas ang nagsasabi sa kanya kung kanino ito galing…

"Andyan na siya." Bulong ni Chocolove na mukhang seryoso talaga.

Hindi pa nga nakakapagsalita si Ren ay biglag hinablot na sila ni Chocolove papasok. Sinara niya agad ang pinto at kinaladkad ang dalawa sa likod ng sofa upang makapagtago katulad ng iba.

-------------

Bumukas ang pinto at lumantad ang silhouette ni Anna, isang matingkad na liwanag ang nagmumula sa kanyang likuran. Binuksan niya ang ilaw at sa pagliwanag ng kwarto lumabas bigla ang mga nagtatagong tao sa loob ng bahay habang sumisigaw in unison ng

"SURPRISE! HAPPY BIRTHDAY!"

Nang magkita-kita na ang mga nasa loob ng kwarto agad na nagkatinginan sina Yoh at Anna… mata sa mata na para bang nagkakilala na sila noon.

Hindi mapigilan ang kakaibang nararamdaman ni Anna nang makita na si Yoh. Parang may isang alaala na nais ibalik ang kanyang mga ngiti.

Si Yoh naman ay talagang natutwa sa kanyang nakikita ngayon… kahit na may katapangan ang mga mata ni Anna nakikita pa rin niya dito ang kagandahan na nararapat lang sa binibini. Napapangiti na lang siya sa pagtingin kay Anna kahit na sa loob-loob niya ay may nadarama na siyang kakaiba. Parang tinatambol ang puso niya ng mga unggoy na kamukha ni Chocolove… pakiramdam niya nagkita na sila. Ngayon ang tanong… saan?

Kung nalove at first struck ang dalawa, sila Pirika at Ren naman ay agad na nagulat rin. Tumaas ang kilay ni Pirika at nagsalubong naman ang kilay ni Ren.

"IKAW!" Sabay nilang banggit.

Mantakin mo naman ang tadhana talagang napagtabi naman sina Ren at Pirika ni Chocolove nang hablutin niya ang boss niya.

"Ikaw nanaman! Ikaw na walang modong driver! Naturingan ka pa naman ding edukado tapos haharurot ka sa daan anong akala mo sa akin kumakain ng alikabok!" sigaw agad ni Pirika.

"At ikaw akala mo ang ganda-ganda mo! Hindi ko nga alam kung anong lintik yung tumama sa akin nang piliin ko na kausapin kita. Ang dami namang babae dyan bakit ikaw pa!" sagot agad ni Ren.

Dahil mukhang magpapatayan na ang dalawa don agad na pinigilan ni Horohoro si Pirika at si Yoh naman ang humawak kay Ren. Nakawala bigla ang kamay ni Ren kaya inambangan niya ng suntok si Pirika. Hindi naman talaga niya ito patatamain ngunit nang biglang humarang si Chocolove sa gitna ng dalawang nag-aaway hindi na napigilan ni Ren na patamain ang kamao niya sa mukha ni Chocolove.

Unti-unting lumapat ang suntok ni Ren kay Chocolove at dahil dito nasapak nga si Chocolove.

Dahan-dahan as in slow motion ang pagbagsak ni Chocolove kitang-kita ng lahat ang pagtalsik ng dugo at laway (yuck.) ni Chocolove habang siya ay pabagsak. Para bang bumagal ang mundo at lumaki ang mga boses nila Ren at Pirika… katulad ng usual slow motion effects.

------------ (ang tagal ng bagsak niya ah)

Kaya ayun bagsak si Chocolove sa isang suntukan lang ni Ren.

"Ito na ba yung entertainment portion ng birthday ko?" wika ni Anna sa matigas niyang boses. Pilit man niyang maitago ang nadama sa patingin sa kanyang bisita hindi pa rin niya mapigilan ang pagsulyap sa mga ngiti ni Yoh.

----------------------------------

Nang magising na si Chocolove nagsimula na ang party, nagkakakilanlan na ang mga bagong dating na bisita at ang mga kaibigan ni Anna. Nalaman na rin nila ang nangyari sa pagitan ni Ren, Piri at Yoh sa may palengke.

Kaya as soon as nagising si Chocolove agad na hinablot ito ni Ren (gumaganti sa paghablot ni Choco kanina) para makausap niya ng pribado.

"Asan na ang mga dokumento ko?" tanong ni Ren.

"Um… boss naiuwi ko ba?" tanong ni Chocolove.

"Bobo! Nabigay ko sa iyo kagabi bago ka umalis. Sige na hanapin mo sa lalagyanan mo." Utos ni Ren habang sinisigawan na si Chocolove.

"Boss Ren naman talsik mo lumalaway. Sige na nga po don't worry take it easy." Wika ni Chocolove sabay lakad patungo sa kwarto niya. Sinundan naman siya ni Ren habang iniiwan na bahagyang bukas ang pinto ng kwarto.

------------

Simultaneously na nangyayari naman ito habang sinisigawan ni Ren si Chocolove sa malayo.

"Okay Karaoke time na!" sigaw bigla ni Horohoro sabay punta sa lalagyanan ng TV set ni Chocolove. Bigla na lang nito pinagkakabit ang mga cable ng VCD player sa likod at tumingin-tingin sa mga CD at VCD ni Chocolove.

"Oh mamili na kayo diyan." Wika ni Horohoro habang nagflaflash sa TV screen ang 'pls select song'

"Puro pirated." Pansin ni Yoh na halatang di sanay sa mga mumurahing bagay.

"Hindi naman kami kasing yaman mo." Wika bigla ni Anna sabay inom ng juice.

"Pasensya na… mamaya pakanta rin ako ah." Banggit ni Yoh na halatang nalilibang sa lugar na ito.

-------

"Hoy magkakaraoke ba kayo?" sigaw bigla ni Chocolove mula sa nakabukas na pinto ng kwarto niya.

"Oo bakit?" sigaw ni Horo.

"May angal?" dagdag ni Anna na para bang nanakot.

"Wala… pwedeng request pakantahin niyo si Pirika!"

"Oo nga maganda ang boses ni Pirika." Singit ni Tamao na ngayon ay nagsalita na rin.

"Pi-ri-ka! Pi-ri-ka!" cheer bigla ni Horo para ma-persuade ang kapatid niya.

Dahil mukhang nakakatuwa ang ginagawa ni Horohoro ay nakisigaw na rin si Yoh.

"Pi-ri-ka! Pi-ri-ka!" sigaw rin ni Chocolove habang nagagalit na si Ren sa likod niya. Agad na piningot ni Ren ang tenga ni Chocolove at hinatak paloob ng kwarto.

Sinarado naman ni Ren ang pinto at tumingin ng masama kay Choco na ngayon ay hinahawak-hawakan ang namamaga niyang tenga.

"Aguy, aguy." Bulong ni Chocolove sa sarili sa sakit.

"Tumigil ka nga sa kalokohan mo at hanapin mo na yung papeles ko! Ngayon na!"

"Opo boss Ren." Sagot ni Chocolove sabay saludo.

"Hanapin mo na yon! Bago pa ko magkasala sa iyo!" sigaw ni Ren habang si Chocolove ay nagsimula nang maghanap.

"Naku ewan ko ba kung bakit hindi pa kita sinesesante." Bulong ni Ren sa sarili habang napapaupo sa kama ni Choco.

"Kasi po boss Ren love niyo ko." Patawa nito.

"Ituloy mo lang yan!" sigaw muli ni Ren.

------

Nagsimula nang maghalughog si Chocolove sa kanyang tukador at mga lalagyanan nang may marinig naman ang boss Ren niya na tugtog mula sa labas ng kwarto. Agad na napatyo ito at dahan-dahang lumakad patungo sa pinto nang hindi namamalayan ni Chocolove. Binuksan nang bahagya ni Ren ang pinto para masilip lang ang babaeng may kulay asul na buhok na nakatayo sa gitna ng sala at kumakanta ng awitin ng AEGIS –ang Basang-basa sa ulan.

(tumugtog na ang music)

Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakbay sa gitna ng dilim
Lagi na lang akong nadarapa
Ngunit heto, bumabangon pa rin

Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana'y may luha pa, akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan

Dumi at putik sa aking katawan
Ihip ng hangin at katahimikan
Bawat patak ng ulan at ang lamig
Waring nag-uutos, upang maglaho ang pag-ibig.

Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana'y may luha pa, akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan… ang aing kalungkutan… ang aking kalungkutan.

--------------

Agad na nagpalakpakan ang lahat ng nasa sala, naghiyawan rin sina Yoh at Horohoro.

"Ang ganda pala ng boses mo." Papuri ni Yoh.

"Siyempre naman… kapatid ko yata yan." Proud na proud na pagmamayabang ni Horohoro.

"Dapat talaga sa kanya magsinger." Banggit ni Anna.

"Ikaw ba't ayaw mong kumanta?" aya ni Yoh na napatingin kay Anna.

"Hindi ako kumakanta sa ganitong kacheap na bahay." Sabit ni Anna na ngayon ay tinatarayan pa rin si Yoh.

"Oh ako naman." Wika bigla ni Yoh kay Horohoro para maiba naman ang usapan.

Bago pa umupo si Pirika napatingin muna siya sa pintuan ng kwarto ni Chocolove kung saan nakita niya na nakasilip si Ren. Bahagya siyang namula at napaiwas ng tingin sa isang dahilan na di niya nalalaman habang si Ren naman ay biglang sinara ang pinto.

Humuhuni pa rin sa isip ni Ren ang boses ni Pirika na para bang isang kanta na di mo maialis sa isip mo. Tulala lang siya don habang sinasariwa ang eksenang nakita niya kanina… ang pagkanta ni Pirika na may emote-emote effect pa, ang bughaw niyang buhok na nagswasway kasabay ng katawan niya at ang mga mata nito na kumikinang habang papikit-pikit.

Maganda na sana ang panaginip niyang iyon…

Nang…

"Boss Ren." Gulat ni Chocolove habang si Ren ay biglang napalundag sa panggugulat nito.

"Ano ka ba! Kung may sakit lang ako sa puso pinatay mo na ako!" sigaw ni Ren kay Chocolove.

"Um… pasenysa na po pero eto na po yung mga papeles." Wika ni Chocolove habang nakangiti kay Ren at inaabot yung brown envelope.

"Mabuti nahanap mo na rin."

"Aalis na ba kayo?" tanong ni Choco.

"Bakit pinapalayas mo na kami?" sigaw muli ni Ren na para bang hindi na siya makakapagsalita ng mahinahon sa harap ni Chocolove.

"Hindi… hindi naman sa ganon kasi…"

"Hindi pa… medyo natutuwa pa si Yoh dito eh." Nasabi nito sabay labas sa kwarto.

Medyo nagtataka si Chocolove ng onti pero may aayusin pa siya sa kwarto niya kaya sinimulan na niya ito para makakanta naman siya sa karaoke.

--------

Sa labas naman ng pinto bago mapunta sa sala nakasandal lang doon si Ren sa pader habang nakangiti ng onti.

"Atsaka natutuwa rin ako dito eh." Nabulong ni Ren sa sarili habang pinapanood na tumatawa si Pirika.

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Uuy nagkakagusto ba ang dalawa sa isa't-isa… abangan.

--------

Well sana po nagustuhan niyo na ito… mahilig lang talaga ako sa AEGIS n.n yung tungkol kay Lyserg abangan niyo po at malapit niyo nang malaman kung saan siya napadpad. Don't worry buhay pa naman siya. Salamat po uli at sana magreview kayo dito.