Paunawa: Hindi po ako ang may-ari ng anime na ito at ang mga karakter na nandito. Sana po ay magustuhan niyo. Pasensya na rin po sa mga pagkakamali ko… salamat po muli sa pagbabasa.

Kaya pasukin na natin ang isip ni Anna…

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 4: Ala-ala

Pinilit na matulog ni Anna nang gabing iyon. Masayang-masaya talaga siya kahit na hindi niya ito ipakita… inaamin niya na mapalad siya at nagkaroon siya ng mga kaibigan na tulad ng mga iyon. Kahit na nakakaasar sila minsan, may maganda rin silang nadudulot sa kanya. Ngunit hindi sila ang dahilan ng pagtanggi ng antok sa kanya…

Ito ay dahil sa kanyang bisita…

Isang espesyal na bisita…

Na ang apilido ay Asakura…

----------

Lumalim lalo ang gabi at sa wakas dinalaw na rin ng antok si Anna hanggang sa makatulog ito. Isang ngiti na lumalabas lang kapag siya ay mag-isa ang nakita sa kanyang mga labi

----------

Ngayon balikan natin ang nakaraan … isang nakaraan na gumugulo sa dalawang bagong magkakilala.

----------------------------------------Flash back mode on--------------------------------------

Sa isang malayong probinsya sa Izumo pinanganak si Anna dito rin siya tumira nung bata pa siya.

Si Yoh at Hao naman ay nagbabakasyon rin sa parehong probinsya tuwing summer dahil andito ang lolo at lola ng dalawa. Isang malaking mansion rin ang bahay nila dito na malapit lamang sa bayan kung saan nga nakatira si Anna.

Isang umaga isang pampasaherong jeep ang pumarada sa harap ng mansion na mga Asakura.

"Mang Anding! Naku gatas ba iyan ng kalabaw?" Wika ng ama ng magkapatid na Asakura.

"Opo Maestro Mikihisa… sariwa po iyan." Wika ng driver ng jeep.

"Kung ganon pumasok ka muna. Kamusta na ba ang mga anak mo?" panimula ni Mikihisa habang pumapasok ang dalawa sa loob ng bahay.

Mula naman sa hardin ay lumabas ang isang batang Asakura. Maduming-madumi ito na para bang nagpagulong-gulong sa putikan.

Papasok na rin sana siya sa bahay nang makita ang nakaparadang jeep. Dahil nga sa kakulitan talaga ng mga bata pumasok ito sa loob ng jeep at umupo sa mahabang upuan na para sa mga pasahero.

"Ang saya dito… parang bahay ko!" sambit nito habang natatawa. Nakita nito na may maliit na espasyo na natitira sa ilalim ng mga upuan kung saan nakatago ang mga gulong at iba pang kagamitan na pangkumpuni ng jeep.

"Inaantok na ako… mabuti pa tulog muna ako." Pasya ng bata sabay higa sa ilalim ng upuan. Pagkahiga pa lang niya ay agad na nakatulog ito.

---------

Samantala si Mang Anding naman ay palabas na ng mansion ng mga Asakura at patungo na sa kanyang jeep na nakaparada sa tapat –ang parehong jeepney kung saan natutulog ang batang Asakura.

Sumakay na si Mang Anding at sinimulan na niyang paandarin ang jeep niya.

-----------

Si Mang Anding ay nagbiyabiyahe sa boung Izumo gamit ang kanyang jeep kaya nga ito rin ang ginawa niya sa araw na ito. Sa kasamaang-palad sa kanyang biyahe ay nasama niya ang isa sa mga anak ni Maestro Mikihisa.

Wala namang nakapansin sa bata habang siya ay tahimik na nahihimbing sa ilalim ng upuan at halos sa boung biyahe ay natutulog rin ang bata.

Kagaya rin ng kinaugalian ni Mang Anding ay pinaangkas niya si Anna mula sa bayan pauwi sa bahay nito dahil nga magkapitbahay silang dalawa. Nagsibabaan na ang lahat ng mga pasahero bukod kay Anna at medyo malayo pa rin ang biyahe kaya nagkaroon ng panahon si Anna na makapag-isip isip ng onti.

Nasa isang pagmumuni ang bata nang may lumabas na ulo sa pagitan ng mga paa ni Anna.

"Umaga na ba?" wika ng batang lalaki na kagigising pa lang.

Bago pa man makatingin ang batang lalaki si itaas ay sinalubong na agad siya ng isang malakas na sampal.

Agad na nakatulog muli ang lalaki.

"Mang Anding. May maligno po sa sasakyan niyo." Sigaw ni Anna habang kinakaladkad niya ang lalaki palayo sa kanya.

Tinigil ni Mang Anding ang jeep at tumingin sa likuran niya kung saan nakita niya si Anna at isang madungis na batang lalaki na ngayon ay hilo pa rin sa sampal ni Anna.

"Hindi maligno yan Anna… isa yang bata. Kilala mo?"

"Hindi po. Wala akong kakilala na batang ganyan kadungis. Anak niyo?"

"Hindi. Gisingin mo kaya." Suwestyon ni Mang Anding.

Tumingin muli si Anna sa bata, hinawakan sa kuwelyo at inalog-alog para magising.

"Hoy bata gumising ka." Wika ni Anna habang inaalog ng todo ang bata.

Nang mahimasmasan na ang batang lalaki mukha siyang nagtataka kung asan na siya.

"Sino kayo?" tanong nito kila Mang Anding at Anna.

"Ako si Mang Anding at ito si Anna. Ikaw sino ka at saan ka nakatira?" tanong ni Mang Anding.

"Ako si Asakura…" simula ng bata ngunit biglang sumigaw si Mang Anding kaya di na niya nasabi ang pangalan niya.

"Anak ka ni Mestro Mikihisa!" sigaw ni Mang Anding.

"Teka di ba ang mga Asakura ang pinakamayaman dito sa Izumo?" tanong ni Anna.

"Hindi naman siguro kami ganon kayaman. Maykaya lang." wika ng bata habang nangingiti.

"Anong hindi… halos lahat ng mga sakahan dito ay kayo ang may-ari at may malaki rin kayong bahay sa siyudad. Baka ikaw yung anak niyang nagbabakasyon dito." Wika ni Mang Anding na para bang kitikiti.

Nangingiti lang ang batang lalaki don habang si Anna ay parang ganon pa rin ang ekspresyon ng mukha.

"Mabuti pa po ay iuwi na natin siya." Wika ni Anna na hindi man lang nangingiti o ano pa man.

"Oo nga baka nag-aalala na ang tatay niya." Wika ni Mang Anding habang nagmamadaling pumunta sa driver's seat at pinaandar na ang kotse… iniiwan sina Anna at si Yoh dun sa likod.

"Dito ka rin ba nakatira?" tanong ni Anna na para bang pulis na nagtatanong ng krimen.

"Hindi nagababakasyon lang kami. Ikaw?" tanong ng lalaki.

"Oo." Sagot ni Anna.

"Bakit ka ganyan?" pansin bigla ng lalaki.

"Bakit?" taka ni Anna.

"Hindi ka ba marunong tumawa o ngumiti man lang. Hindi ka naman mukhang malungkot pero hindi ka rin mukhang masaya. Para kang laruan na diretso lang ang bibig." Paliwanag nito.

Kitang-kita ni Anna na kumikislap talaga ang mga ng bata… parang sobrang inosente siya sa buhay. Nakakahawa talaga ang ngiti nito pero pinilit ni Anna na hindi tumawa.

"Ang daldal mo." Wika ni Anna.

Mukhang nalungkot ang lalaki dahil don… parang hindi bata ang kaharap niya. Parang isang matandang may malaking utang sa bangko na kailangan nang isanla ang bahay nito para lang makabayad. Ngunit imbes na sumuko sa pagpapatawa sa kanya lalo pang ginanahan ang dating tamad na ito.

"Gusto mo maglaro tayo pag-uwi ko sa bahay? Kasi yung kuya ko lagi na lang Computer games ang nilalaro kay nakalock lagi ang kwarto niya. Minsan naglalaro kami ng sabay pero nakakatamad iyon eh… gusto mo laro tayo?" wika nito.

Parang nagmamakaawa ang mga mata nito. Madali lang magsabi ng 'hindi' pero parang hindi rin masabi ni Anna ito kaya bahagyang tumaas ang kilay nito at sinabing…

"pag-iisipan ko."

Nang sinabi iyon ni Anna agad na nagtatatalon sa tuwa ang batang lalaki at naghihiyaw sa kasiyahan. Kahit na sa simpleng bagay na iyon masayang-masaya na ang lalaki kaya parang lalong natutuwa si Anna sa kanya. Dahil sa pagtayo ng batang lalaki sa loob ng tumatakbong jeep nang dumaan na ang jeep sa isang malubak na daan, nawalan ng balanse ang batang lalaki at natumba sa sahig ng jeep.

Imbes na umiyak nakangiti pa rin ang lalaki na para bang pinapakita sa kaibigan nitong binibini na matapang siya.

"Ang lampa mo." Wika ni Anna habang tinitignan lang ang lalaki.

"He, he, he… pasensya na excited lang ako." Nasambit na lang nito habang umuupo na ng maayos sa upuan.

--------

Kaya binaba ni Mang Anding sila Anna at ang anak ni Maestro Mikihisa sa bahay. Agad na sinalubong ito ni Maestro Mikihisa na kanina pa pala nag-aalala.

"Anding… pumasok ka muna at uminom tayo ng tsaa." Aya ni Mikihisa.

"Sige po."

"Anna laro na tayo." Wika ng bata.

"Sige na nga… ang kulit mo eh."

-------

kaya naglaro ang dalwang bata sa loob ng kwarto ng batang na ang pangalan ay Yoh, ngunit dahil sa sobrang saya ng laro nila hindi na nabanggit pa ni Yoh ang pangalan niya sa kaibigan niya.

Mlapit nang dumilim at tumigil na sa paglalaro ang dalawa. Nakatingin lang sila sa malaking bintana sa kwarto ni Yoh upang pagmasdan ang paglubog ng araw.

"Bakit di ka pa rin tumatawa?" taka ni Yoh.

"Ewan ko Asakura… siguro masyadong mahirap ang buhay para idaan ang lahat sa ngiti."

"Para kang matanda niyan. Sige tinatawag ka na ni Mang Bading."

"Anding ang pangalan niyon. Sige mabuti pa nga. Paalam."

"Paalam." Wika ni Yoh habang umaaalis na si Anna sa kwarto niya at patungo na sa baba.

Nang umalis na sila Anna at Mang Anding doon pa lang lumabas ang kuya ni Yoh na si Hao. Kapansin-pansin na magkamukhang-magkamukha sila kasi nga magkapareho ang haba ng kanilang mga buhok at bawat detalye ng kanilang mukha ay walang pagkakaiba.

"Teka may bisita ka ba?" tanong ni Hao.

"Oo kuya. Ang ganda nga niya."

"Maganda? Baka mahirap lang yan… alam mo Yoh minsan lang sa isanglibong taon nagkakaroon ng magandang mahirap." Wika ni Hao sabay balik muli sa loob ng kwarto niya.

"Bakit kaya ganun iyon parang nandidiri sa mga mahihirap." Nasambit na lang ni Yoh.

---------

Kinabukasan habang naglalakad si Anna sa gilid ng bukid ay may napadaan na isang batang lalaki na ngangabayo. Nang tumingin si Anna dito agad na nakilala niya ito.

"Hoy Asa! Asakura!" sigaw ni Anna.

Tumigil sandali si Hao at tinignan si Anna mula ulo hanggang paa. Si Anna rin ay napatingin sa kanya at sa palagay niya parang ibang-iba talaga ang Asakura na kaharp niya ngayon.

"Marunong ka palang mangabayo." Wika ni Anna na mataas pa rin ang tingin sa sarili.

"Kilala ba kita?" wika bigla ni Hao, "pasensya na hindi ako nakikipag-usap sa mga trabahador."

Yon lang ang sinabi niya at walang sabi-sabi ay agad na umalis ito… habang pinapakain ng alikabok si Anna. (yung parang nangyari kay Pirika.)

Iniwan ni Hao si Anna don na mukhang galit na galit.

----------------------------

Nang dumating na ang hapon napansin ni Yoh na bumalik ang jeep ni Mang Anding sa bahay nila. Ito rin ang oras nang makauwi siya sa bahay kahapon kaya hula niya nandoon si Anna sa loob ng jeep. Agad na masayang bumaba si Yoh at pumunta sa jeep.

Para lang makita si Anna…

… na umiiiyak.

"Anna…" tawag ni Yoh habang masayang sumasakay.

Tumingin si Anna sa kanya, luhaan ang mga mata. Agad na pinunasan ito ni Anna at tumalikod muli.

"Ano bang kailangan mo?" galit na wika ni Anna. Habang nawala ang ngiti ni Yoh sa labi.

"Anna… bakit?"

"Ikaw kaya maykasalanan nito."

"anong ginawa ko?" tanong ni Yoh.

"Nagkukunwari ka pang walang alam!" paharap na sigaw ni Anna. Mukhang natatakot naman si Yoh ayaw talaga niyang may magalit sa kanya lalo na ang isang kaibigan.

"Pero…pero…" paiyak na wika ni Yoh at nang huli umiyak na siya.

Nang makita ni Anna na umiiyak ang batang lalaki sa harap niyalalo siyang nagtaka. Ibang-iba talaga ito sa nakita niya kanina sa kabayo. Medyo huminahon si Anna at natanggal ang galit ng onti…

"marahil nga hindi ang batang ito ang nakita ko kanina." Naisip ni Anna.

"Patawad Anna! Hindi ko sinasadya!" iyak ni Yoh.

"Oh bakit ka umiiyak diyan! Ako ang may problema dito. Hindi mo nga ako pinansin kanina eh." Bulong ni Anna.

Agad na tumahan si Yoh at napatingin kay Anna.

"Hindi nga kita nakita kanina. Baka kuya ko ang nakita ko… medyo kahawig ko siya eh at…" lumapit si Yoh kay Anna ng onti at bumulong, "medyo masungit."

Napangiti ng onti si Anna habang si Yoh ay natutuwa na hindi na ito galit sa kanya.

"Ganon… sigurado ka ba na hindi ikaw iyon?" tanong ni Anna.

"Oo. Pangako." Nakataas ang kanang kamay habang sinasabi ni Yoh ang mga katagang iyon.

Biglang napatayo si Yoh nang may maisip.

"Gusto mo kantahan pa kita eh." Suwestyon ni Yoh.

"Sige nga Asakura." Nanghahamon na wika ni Anna.

"May tatlong bear sa loob ng isang bahay,

si papa bear, si mama bear at si Baby bear.

Si papa bear ay malakas

Si mama bear ay maganda

Si baby bear ay napakaliksi

Tignan niyo tignan niyo ang saya nila.

Tignan niyo, tignan niyo ang saya nila! Yeah!" kanta ni Yoh habang sumasayaw.

Walang kibo lang si Anna don habang napapaupo si Yoh at malungkot…

"Di mo nagustuhan." Bulong nito.

Ngunit….

Bglang tumawa si Anna, marahil hindi na niya mapigilan. Nang makitang tumatawa si Anna nakitawa na rin si Yoh…

Tunay nga na masaya ang ala-ala na iyon… ngunit ang masaklap lang umuwi na sina Yoh sa Izumo upang bumalik sa siyudad kung saan talaga sila nakatira… nangyari yon nang hindi man lang nalalaman ni Anna ang pangalan ng batang iyon. Dahil don nalungkot muli si Anna.

Isang matamis na alaala na unti-unting nabubura dahil sa panahon tulad ng lumang larawan na nakatago sa isang sulok ng iyong kamalayan…

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Wala lang binalikan ko lang ang kabataan nila Yoh at Anna… anong kinalaman ni Hao dito? Abangan niyo na lang…

Sana po nagustuhan niyo… salamat po sa mga reviews at sana magreview pa kayo… salamat muli. Pasenysa na sa mali nawalan kasi ako ng oras para makaproofread ng maayos… kasalanan ko po yon… sorry. Babawi na lang ako sa susunod na kabanata.