Paunawa: Hindi ako ang may-ari ng Shaman King at tao lang ako para makagawa ng pagkakamali. Subukan niyo na lang intindihin, mga matatalino naman kayo eh… pero promise ginagawa ko ang lahat para hindi naman masyadong magkamali.
Eto na ang kasunod…
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kabanata 5
Kadiliman… kahit saan man siya tumingin…
"Sa palagay ko… namayapa na nga ako." Bulong ni Lyserg sa sarili.
Nang may maaninagan siyang anghel… isang napakagandang dalaga…
"Nasa langit na nga ako…"
--------
"Bata, bata." Wika ng isang lalaking may blonde na buhok.
"Nasaan na ako? Sino kayo?" tanong ni Lyserg na ngayon ay nagising na rin.
Nang tumingin siya sa kanyang kaliwa doon niya nakita ang anghel na nakita niya sa kadiliman.
"Ako si Jeanne… ito naman si Father Marco. Nakita kita sa ilog na walang malay." Paliwanag nito.
Napaupo si Lyserg at tinignan muna ang paligid. Nasa isang simpleng bahay lang siya. Nakahiga sa kama, iba na ang damit at pinaliligiran ng dalawang estranghero na ito.
"Iho…dalawang araw ka nang tulog. Sino ka ba? At anong nangyari sa iyo?" tanong ni Marco na mukha talagang pari.
"Ako si Lyserg… hindi ko alam kung bakit nga… pero naaalala ko na may mga masasamang tao na gumawa sa kin nito. Nakita niyo ba sila?"
Umiling ang dalawa.
"Pasalamat ka na lang sa Diyos at ligtas ka. Huwag lang mag-alala ako muna ang mag-aalaga sa iyo habang hindi pa lubusang nanunumbalik ang lakas mo." Wika ni Jeanne sabay ngiti.
"Salamat."
--------------
Isang maliit na baryo na animo'y probinsya na ang napuntahan ni Lyserg. Tahimik dito, di tulad sa siyudad… lahat ng tao ay mababait at laging may ngiti… ngunit sa lahat ng mga nakatira doon si Jeanne talaga ang naging malapit sa kaniya. Ito ang naging parang nurse nito habang siya at nasa bayan na iyon. Mabait siya at maaalahanin ngunit hindi lang iyon ang katangian nito. Siya rin ay mahinhin, maganda, may takot sa Diyos, mahilig sa mga bata, magalang at marami pang ibang magandang katangian… para nga siyang santa sa paningin ni Lyserg… lahat na nga ata ng magandang ugali ay nakuha ni Jeanne.
"Tama nga ako… isa nga siyang anghel." Wika ni Lyserg isang umaga habang pinapanood si Jeanne na makipaglaro sa mga maliliit na bata. Katabi lang niya si Father Marco at kapwa silang nakaupo sa harap ng simbahan.
"Oo nga. Siya ang leader ng choir sa simbahan. Lagi rin siyang nagdodonate sa amin. Ang mga magulang niya ay nasa ibang bansa. Kaibigan ko ang tatay niya at bago sila umalis ay hinabilin nila sa akin ang kanilang anak." Kwento nito.
"Ganon ba? Huwag kayong mag-alala kapag nakabalik na ako sa siyudad magkakaroon na kayo ng isa pang magdodonate sa inyo." Wika ni Lyserg.
"Maraming salamat."
-------
Habang nandoon tumutulong rin si Lyserg kay Jeanne sa abot ng kanyang makakaya lalo na sa mga gawaing bahay na mabibigat. Dahil sa palagi silang magkasama di lumaon at naging malapit na talaga sila sa isa't-isa.
Isang umaga habang si Lyserg at nagbabasa ng mga libro na hiniram niya mula kay Father Marco ay may narinig siyang katok sa pinto.
"Pasok."
"Kamusta Lyserg. Masyadong maganda ang umaga ngayon para sayangin mo lang sa loob." Sabi ni Jeanne habang nakangiti kay Lyserg.
"Pasenysa ka na… bakit saan mo ba nais pumunta?" Tanong ni Lyserg.
-------
Maya-maya pa ay nakasakay na ang dalawa sa bisikleta ni Jeanne… si Lyserg ang nagmamaneho habang nakaangkas sa harap si Jeanne. Lumilibot sila sa kabukiran, dinadaanan ang mga palayan kung saan makikita na naninilaw ang mga palay. Ang sarap ng pakiramdam habang umaandar ang bike… ang masarap at sariwang hangin ang dumadaan sa kanila… napakapresko sa pakiramdam na animo'y nawawala unti-unti ang mga alalahanin ng dalawa… lalo na ang kay Lyserg. Ngayon lang siya nakaranas muli ng ganito palibhasa'y matagal nang wala ang kanyang mga magulang at simula non puro ang kumpanya na lang ang inaalala niya bukod sa kanyang pag-aaral. Marahil nga kahit na hindi niya ginusto na mangyari ito natutuwa pa rin siya at nararanasan niya ngayon ito.
"Jeanne… salamat talaga." Bulong ni Lyserg.
"Para naman saan?" taka ng babae.
"Para sa lahat… sa pagkakaligtas sa akin, sa pagkupkop sa akin… para sa lahat-lahat. Hayaan mo, balang araw makakaganti rin ako sa kabutihan mo."
"Lyserg… ginawa ko lang ang nararapat na gawin… kung ikaw ang nasa kalagayan ko ay gagawin mo rin ito. Hindi ko na kailangan ng kapalit. Sapat na sa akin na makasama kita ngayon." wika ni Jeanne.
Napangiti lalo si Lyserg… sana nga habang buhay na lang niya makakasama ang anghel na ito.
Huminto sa isang madamong parang ang dalawa… si Jeanne ang naglatag ng kumot sa damuhan upang doon sila umupo habang si Lyserg ang naglagay ng mga kakainin nila. Naupo na ang dalawa habang tumitingin sa magandang tanawin na nakalantad sa kanilang harapan. Malinis ang hangin na banayad na dumadaan sa kanila… maganda rin ang sinag ng araw na animo'y parang nasa paraiso na sila… lahat talaga ay napakaganda. Napapatulala na lang si Lyserg habang tinatanaw ang mga malalayong bundok na tintakpan ng mga ulap sa taas, ang mga bahay-bahay sa baba na nakikihalo sa mga milya-milyang palayan.
Habang siya ay nag-iisip bigla na lang…
"Lyserg? Di ba ikaw ito?" wika ni Jeanne habang biglang nagising si Lyserg at napatingin sa kanya.
"Ano iyan?" taka niya.
Pinakita agad ni Jeanne ang lumipad na pahina ng dyaryo. Animo'y hangin ang nagdala nito sa kanila na bigla na lang lumitaw mula kung saan. Ngunit hindi na muna iyon inintindi ng dalawa dahil mas nakagugulat ang nakasulat. Mabilis na binasa lahat ito ng binata at nagulantang sa balita.
"Pinaghahanap na pala ako sa siyudad." Sambit nito.
"Marahil nag-aalala na ang mga taong nagmamahal sa iyo." Wika ni Jeanne.
"Marahil… ngunit hindi muna ako babalik sa siyudad hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang gumawa sa akin nito."
"Maghihiganti ka?" nag-aalalang sambit ni Jeanne.
Napatingin sa kanya si Lyserg nang seryoso at marahang hinawakan ang kanyang kamay na para bang isang mamahaling babasagin ang hawak.
"Pakiusap Lyserg, masamang maghiganti… patawarin mo na lang siya."
"Napakabait mo talaga… maswerte ang lalaking mamahalin mo." Wika ni Lyserg sabay halik sa mga kamay ng dalaga.
"Ngunit paano kung ikaw ang lalaking iyon… Lyserg Deithel?" Bulong ni Jeanne.
----------
Samantala sa siyudad ay patuloy pa rin ang takbo ng buhay-buhay ng ibang karakter natin.
"Boss Ren… papayag kaya ang mga kanong iyon na mag-invest sa atin?" tanong ni Chocolove habang nakatingin sa kawalan ang kanyang boss.
"Oo…" bulong nito na para ang nananaginip ng gising.
"Sige… um… boss Ren okay lang kayo?" tanong ni Chocolove ng mapansin ito.
"Oo…" sagot ni Ren muli na parang kanina.
"Boss Ren… tingin niyo gwapo ako?" natutuwang wika ni Chocolove.
"Oo…"
Napamulat siya.
"Naku malala na ang kaso nito." Sambit ng negro, "alam ko na!"
"Um… boss Ren… tataasan niyo na ba ang sweldo ko?" masama ang ngiti ni Chocolove habang tintanong ito. Sa kasamaang palad nagising bigla si Ren sa kanyang panaginip at napatingin ng masama kay Chocolove.
"Hindi pa ako nasisiraan para gawin ko iyon!" Sigaw nito na humahaba nanaman ang patulis niyang buhok na para bang buhay na sungay.
"Buti naman po gumising na kayo? Ano bang iniisip niyo? Kanina pa kayo ganyan eh." Puna ni Chocolove.
"anong paki mo?" masungit na wika nito.
"Kuryus lang…"
"Curious! Bobo!"
"Basta ganon… konserned lang ako sa inyo…Labs ko kayo eh." Patawa nito habang umaarte na para bang hahalikan na niya ang boss niya. Agad na naasar si Ren at tinulak palayo si Chocolove. Napabigla naman ang negro hanggang sa muntik nang sumubsob siya sa sahig buti na lang at napigilan niya ang sarili.
"Ano ba talagang problema niyo?" Tanong nito habang tumatayo muli.
"Tanong ko lang… ano bang paboritong pagkain ni Pirika?"
Halos lumuwa ang mata ni Chocolove sa gulat… totoo kaya na may gusto na ang bosing niya sa munting Usui?
"Kahit ano po… panay sardinas kadalasan ang ulam nila kaya tuwing nakakain ng masarap si Pirika wala nang kaso ang pabo-paborito." Sagot ni Chocolve, "bakit po ba?"
"Wala ka nang paki… eh ano naman ang paborito niyang kulay?" tanong muli ni Ren.
"Teka… tingin ko… blue ata… katulad ng kuya niya… tama yun nga! Huy boss Ren may gusto kayo sa kanya noh… uuuy aminin!'
"At kelan ka naging tsismoso! Ano bang pakialam mo! Lumabas ka na nga muna at naaalibadbaran ako." sigaw ni Ren sabay labas agad ni Chocolove bago pa maging madugo ang mga susunod na mangyayari.
"Sabi ko nga eh… pero tingin ko talaga tameme si boss sa kaibigan ko… maganda ito!" wika ni Chocolove habang unti-unting ngumingiti na para bang may binabalak na kalokohan.
-------
"Megamall ibabaw! Sakay na… papasada na!" sigaw ni Pirika habang palakad-lakad sa bandang likuran ng jeep nila ng kuya niya. Maya-maya pa ay tumingin na siya sa loob kung saan medyo marami-rami na ring pasahero ang nakaupo dun…
"Ayos lang po ng upo… sampuan yan." Wika ni Pirika sa mga pasahero.
Pagtingin niya muli sa kalsada ay may sumakay nanaman sa jeep nila. Agad niyang inalalayan ang mga taong papasok lalo na yung mga bata na medyo hirap makaabot sa mga hawakan.
"Salamat po…" wika ng bata.
"walang anuman." Ngiti ni Pirika.
"Konting ayos lang… salamat po!" sigaw ni Pirika sabay sabit sa jeep at hampas ng dalawang beses sa bubong.
Pagkarinig ng kalampag ng kapatid niya agad na inubos na ni Horo ang kanyang pagkain at inistart na ang sasakyan.
Kaya ilang sandali lang at nasa kalsada na sila.
Masarap ang hangin sa likod ng sasakyan kahit na ba medyo maalikabok at madumi… ngunit ngayon parang hindi muna iniintindi ni Pirika ang dumi ng hangin… dahil nasa ibang bagay ang isip niya.
"Ren Tao…" bulong niya habang nakatingin sa kawalan.
"Bakit ba parang kakaiba siya sa mga kakilala kong lalaki? Ano bang meron siya? Napaka-arrogante niya, napakayabang! Pero…" bigla naman siyang napapangiti nang matamis, "sa kabilang banda…"
Bigla nanamang naalala ni Pirika ang mga matatalim na mata nito, kahit na may pagkamatapang ang dating hindi niya makaila na pinakikilig siya nito.
"Kung hindi lang sa ugali niya… tiyak na… baka sakaling…" napapatawa niya ng onti na para bang kinikilig nanaman, "baka magkagusto pa ako sa kanya."
Ngunit isa pang bagay ang tumama sa utak niya… kaya agad siyang napasimangot…
"Pero magkakagusto naman kaya siya sa isang tulad ko… mahirap lang ako… haay Ren langit ka lupa ako… ang taas mo talaga masyado. Hindi kita ma-reach!"
-------------------------
Pagkatapos pumasada ni Horohoro at Prika agad na tumuloy si Horo sa karinderya ni Anna… katulad ng dati hinahanap nanaman niya si Tamao.
"Asan ba siya Anna?" tanong muli ng jeepney driver.
"Pangsampung ulit mo na yan ah. Wala siya dito." Masungit na sagot ni Anna.
"Bakit ba? Pinatalsik mo na ba siya sa trabaho?"
"Hindi."
"Eh bakit wala siya dito?"
Napabuntong hininga na si Anna, suko na siya sa kakulitan ng mga Usui… kahit anong pagtataray niya ala pa ring epek.
"Sige na nga… aalis na si Tamao. Babalik na siya sa probinsya at marahil dun na siya manirahan."
"So?" taka ni Horo na para bang hindi pa rin nakukuha.
"Bobo ka ba talaga o talagang wala lang utak? Hindi mo ba naiintindihan? Hindi na siya babalik dito."
"Wala ba akong magagawa?"
"Talagang wala!" sigaw ni Anna habang si Horo naman ay biglang nalungkot, "lalo na kung dito ka lang…dalian mo na kaya. Pumunta ka na sa bahay namin… habulin mo siya."
Agad na nagliwanag ang mukha ni Horohoro at nangiti nang malaki.
"Salamat Anna. Magbabayad na talaga ako sa iyo simula ngayon." Sigaw ni Horo sabay takbo.
"Magbabayad na daw. Sinong niloko mo?" Ngitini Anna sa kanyang sarili.
----------
Madilim na ang langit, animo'y uulan ngunit hindi ito pinansin ni Horohoro… mas importante pa sa panahon ang nasa isip niya. Aalis na ang liwanag ng kanyang madilim na gabi, ang tanging tanglaw ng makulimlim niyang buhay... at marahil hindi na niya ito makikita kalian pa man.
Takbo siya nang takbo, hindi iniinda ang pagod, lamig ng hangin at pagkirot ng kanyang pagod nang mga paa.
Maya-maya pa… bumuhos na ang ulan…
Tahimik na nakatingin naman mula sa bintana sa kanyang kwarto ang magandang si Tamao… pinapanood na mabasa ang boung paligid. Maglalakad na sana siya sa patungo sa kama niya nang may narinig siyang isang sigaw.
"Tamao!"
Agad na tumingin si Tamao sa bintana… at doon nakita ang basang-basa na si Horohoro.
"Anong ginagawa mo diyan? Gusto mo bang magkasakit?" sigaw ni Tamao, na nag-aalala para sa binata.
"Wala akong pakialam! Tamao! Wag kang aalis! Pakiusap!" Sigaw ni Horohoro, habang pilit na tumitingin kay Tamao sa kabila nang pagbuhos ng ulan.
"Dyan ka lang! Hintayin mo ko dyan!" sigaw ni Tamao sabay hanap ng payong sa loob ng kwarto niya. Nang makuha na niya ang payong dali-dali siyang bumaba.
----------
"Tamao! Tamao!" Patuloy na sigaw nito habang napansin na unti-unting namamaos siya.
Mula naman sa pinto ng bahay ni Anna, lumabas si Tamao habang nakapayong ng pink. Madali siyang naglakad patungo sa gate kung saan nakatayo don si Horohoro habang nakakapit sa malamig at basang bakal ng gate ni Anna. Binuksan agad nito ni Tamao at medyo pinasilong si Horo sa payong niya.
"Tamao…" paos na wika ni Horo.
"Baka magkasakit ka… pumasok ka na." wika ni Tamao.
"Hindi… makinig ka muna sa akin… pakiusap wag kang aalis. Kailangan kita…"
"Horo…" bulong ng babae habang unti-unting naluluha.
"Shh… makinig ka." Bulong ng binata habang pinapahid ng basa niyang mga kamay ang luha ni Tamao, "Hindi ko kakayanin kung mawawala ka… mamatay ako. Maawa ka huwag ka nang umalis."
"Horo… pero…"
"Pipigilan kita hanggang sa makakaya ko. Papatayin ko yung driver ng bus kung kinakailangan… kikidnapin kita para lang hindi ka na umalis. Gagawin ko lahat… basta wag mo lang ako iwan." Wika ni Horo.
Napapatawa naman ng onti si Tamao,
"Sira ka talaga… baka makulong ka pa niyan."
"Basta. Ayoko umalis ka."
"Pero hindi mo na kailangan pang gawin iyon…"
Medyo nagtaka si Horo ng onti don.
"Dahil… hindi na ko aalis. Kasi…" medyo namula ang babae at napatingin sa lupa, "hindi ko rin kayanin kung wala kayo… lalo na ikaw."
Agad na nangiti nang malaki si Horohoro at niyakap si Tamao… na bigla namang nabitiwan ang payong na dala niya.
"Mahal na mahal kita Tamao… tandaan mo yan." Bulong nito sa babae habang mahigpit niyang yakap-yakap ito.
"Alam ko Horo…mahal rin kita."
"Ayos na iyon sa kin." Wika ni Horo… nang biglang nahimatay ito.
Agad na nabigatan si Tamao hanggang sa napaluhod ito at nakahiga sa kanyang mga kamay ang walang malay na si Horo.
"Horohoro! Gising! Wag kang magbiro nang ganyan!" Nag-aalalang sigaw ni Tamao habang inaalog niya ito.
"Horo? Tulungan niyo kami! Horohoro… gising." Niiyak na wika ni Tamao habang patuloy silang binabasa ng ulan.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Ano ang mangyayari kay Horo? Ano ang mga susunod na gagawin ni Lyserg? Magkakatuluyan kaya sina Pirika at Ren? Palagay niyo?
Basta abangan na lang sa susunod na kabanata nito…
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Marami pong salamat sa pagbabasa nito… pasenysa na kung medyo matagal akong mag-update… nasira kasi PC ko.
Pero sana magreview po kayo…
Muli marami pong salamat!
