Paunawa: Ang Shaman King ay hindi akin… hindi ako kasinggaling ng tunay na gumawa nito… pero sana magustuhan niyo rin ang pinaggagagawa ko… Salamat po.

Okay… tuloy na natin to!

-------------------------------------------------------------------------

Kabanata 7: andyan lang ang hinahanap mo

Kinabukasan maagang gumising ang babae, naligo agad at nagbihis. Dumaan muna siya sa kwarto ng kuya niya para makita lang si Tamao na natutlog sa paanan ng kama habang ang kuya niya ay tahimik na nahihimbing. Nangiti si Pirika habang kumukuha ng kumot at nilalagay sa likod ni Tamao.

"Salamat ate." Bulong nito bago tuluyang lumabas na.

Pagkalabas niya una niyang tinignan ang jeep ng kuya niya na nakaparada sa harap ng bahay. Napabuntung-hininga siya, inaaasahan na hindi na darating pa ang mayaman.

"Ang tagal mo naman!" sigaw bigla mula sa gilid ng bahay nila.

Napalingon si Pirika at nabigla sa nakita.

Hindi talaga siya makapaniwala na nakaupo si Ren Tao sa tabi ng pinto nila at matiyagang naghihintay sa kanya. Medyo napangiti si Pirika sa tuwa.

"Buti dumating ka." Bulong nito.

"Ano? Nasaan na ang susi ng jeep?" Tanong ni Ren.

"Ah…" biglang sambit ni Pirika habang kinukuha ang susi sa bulsa niya, "eto oh." Wika nito habang inaabot sa kanya ang susi.

Kinuha ni Ren ang susi sabay akyat na sa jeep habang nagmamasid lang doon si Pirika.

Nakasimpleng itim na t-shirt at lumang pantalon lang ang binata habang nakasout ng sandals. Napakasimple lang talaga ng suot niya pero di mo pa rin mapagkakaila na sa tindig at tikas pa lang ay mukhang mayaman pa rin si Ren.

"Ano pang hinihintay mo?" tanong ni Ren sa dilag.

"Um… si Chocolove kasi."

"Ah siya ba? Andun na siya sa opisina… ayoko nang makasabay yung negritong yun dito." Sagot ni Ren, habang inaaalala na sinigawan niya yung kawawang alalay kanina.

Kaya sumakay na rin sa jeep si Pirika habang iniistart na ni Ren ang sasakyan. Ilang minuto pa nagtungo na sila sa karinderya ni Anna kung saan naroon ang terminal ng mga jeep.

Dahil sa may naunang jeep sa kanila dun, kumain muna ang dalawa kina Anna.

Umorder ng isang basong gatas at tinapay para sa kanyang agahan si Pirika, nang alukin niya ang binata tumanggi ito dahil sabi niya kumain na daw siya kaya tahimik na kumain si Pirika doon.

"Ano bang nangyayari sa inyong mga mayayaman at palagi na lang kayo napapadayo sa teritoryo namin?" Tanong ni Anna habang minamata si Ren.

"Ano bang pakialam mo?" tanong ni Ren. Lalong naasar si Anna at tumingin na lang kay Pirika.

"Ikaw ba magbabayad niyan?" tanong ni Anna.

Dumudukot pa lang si Pirika sa bulsa niya nang magabot na ng bente si Ren kay Anna.

"Ano?" taka ng babae.

"Ako na magbabayad." Wika ni Ren habang kinukuha ni Anna ang bayad at umalis na para asikasuhin ang iba niyang costumer.

"Pero…"

"wala nang pero pa. Ubusin mo na kaya yang gatas mo para makakuha na tayo ng pasahero." sabi ni Ren.

Napangiti ng onti si Pirika sabay ubos sa gatas niya.

"Halika na." yaya ng dalaga nang buong sigla.

---------

Maya-maya pa nasa sasakyan na si Ren habang si Pirika ay nagtatawag na sa likod.

"Sakay lang! Megamall ibabaw! LRT Terminal! Marami pa!" sigaw ni Pirika habang tuloy-tuloy ang pasok ng mga tao.

Tumingin si Pirika sa loob, "medyo umayos na po tayo. Salamat po." Wika ni Prika sabay ngiti.

Napatayo nanaman siya sa labas at nagsisigaw muli.

"Lima na lang papasada na! Megamall ibabaw!" sigaw ng babae.

-------

Nang matapos na ang pagtawag niya ng pasahero pumunta na si Pirika sa harap kung saan talagang pinilit ni Ren na mabakante ito para sa kanya.

"Dapat pinaupo mo na lang yung dalawa dito kanina. Kaya ko naman sumabit sa likod ah." Wika ni Pirika habang unti-unti nang umaandar ang jeep.

"Sira ka ba! Pano kung mahulog ka sa likod kargo de konsensya pa kita… atsaka…" napatigil bigla si Ren habang bahagyang namumula, "gusto kitang makatabi eh." Naisip ng binata habang umiinom ang babae.

"Atsaka ano?" taka ni Pirika matapos uminom ng mineral water para hindi manuyot ang lalamunan.

"Atsaka may gagawin ka pa dito noh! Kukunin mo yung bayad, magsukli atsaka ituro sa akin yung daan."

"Hindi mo ba alam kung saan ang ruta natin… megamall ibabaw. Di mo ba alam yun?"

Parang napahiya si Ren don kaya agad siyang nag-isip ng masasagot.

"Alam ko kaya! Manguha ka na nga lang ng bayad!" saway ni Ren na mukhang galit.

"Sorry." wika ni Pirika.

Kaya kumuha na ng mga bayad si Pirika at nagsukli sa iba. Hindi lang niya alam sinusulyap-sulyap siya ng binata habang ginagawa niya ang trabaho nito. Babalewalain na lang sana ni Ren ang magandang binibini sa tabi niya kung hindi sana ang nakakairitang boses ni Christian Bautista ang nasa radyo na kumakanta ng mapang-asar na 'So it's you' kaya lalong parang naiinlove tuloy ang lalaki sa kanya.

Para naman mapigilan niya ito agad, nag-isip si Ren ng mapag-uusapan nilang nakakatuwa… para lang maialis ito sa utak niya.

"Hindi ko alam marunong ka palang magsukli nang maayos." Asar ni Ren.

"Sori ka na lang marunong yata ako. Hindi naman porke't ganito ang trabaho ko ay hindi na ako nakapag-aral noh!." Sagot ni Pirika.

Napapangiti lang si Ren, tagumpay siya na mabago ambience ng paligid niya.

----------

"Bakit ka nga ba pumayag?" taka bigla ni Pirika nang tumigil muli sila dahil may ilang pasaherong bumaba nanaman at naiipit sila sa traffic.

"Bakit? Sa totoo lang hindi ko rin alam eh." Sagot ni Ren habang hindi man lang tumitingin sa katabi niya.

"…"

"Baka naman medyo nagsasawa na ko sa buhay ko kaya ginusto ko na may mabago naman. Atsaka…" sagot ni Ren sabay hinto, kahit na gusto niyang sabihin na si Pirika ang dahilan kung bakit siya pumayag hindi pa rin niya mabanggit.

Napatingin si Ren sa tabi niya at nakita si Pirika na naghihintay sa mga sasabihin nito.

"Atsaka… gusto ko lang. Basta! Bakit ka ba nakatitig diyan?" Asar na sigaw ni Ren habang namumula nanaman.

Agad na nagitla ang binibini at napatingin sa harapan habang bahagyang nahihiya rin.

"Hindi naman ako nakatitig ah… at bakit naman kita tititigan akala mo naman ang guwapo mo!"

"Eh nakatitig ka naman talaga eh! Ano ngayon ang gusto mong palabasin? Na sinungaling ako?" sigaw ni Ren na parang mangangagat na ng tao.

"Bakit ang init ng ulo mo? Atsaka hindi ko naman sinabi na sinungaling ka eh!" sagot ni Pirika na parang di rin paaawat.

"Ah basta!" sigaw ni Ren.

"Ah basta!" sagot rin ni Pirika.

At agad na hindi nagpansinan ang dalawa... nang matahimik na ang dalawa agad na naghiyawan sa tuwa ang mga pasahero nila na parang kinikilig.

"Uuy."

"Pirika, ang gwapo ng driver ngayon ah. Nobyo mo?" tanong ng suki nilang nursing student.

"Bagay kayo." Wika ng isang matanda.

"Sagutin mo na." sigaw naman ng mga lalaki sa likod, "oo nga!"

Agad na namula ng todo ang dalawa na parang nahihiya sa eskandalong ginawa nila dahil habang nagsasagutan sila nakalimutan na talaga nila na marami palang tao ang nasa likuran lang nila… at lahat ay nanonood sa 'lambigan' ng dalawa.

"Pasensya na po kayo medyo matapobre po kasi ang driver natin ngayon." wika ni Pirika sa mga pasahero habang tinatamaan si Ren.

"Sabihin mo type mo lang talaga ako." sagot ni Ren nang boung yabang.

"ANG KAPAL! Bahala ka na nga dyan!" sigaw ni Pirika sabay baba.

Dahil nga nakahinto ang mga sasakyan sa sobrang traffic hindi nahirapan si Pirika sa pagpunta sa likod at doon umupo.

Ilang minuto pa lang ang lumilipas matapos non at nagsimula nang umandar ang mga sasakyan, kasama na rin yung jeep ni Horohoro na pinapaandar ni Ren.

-------

"Hijo…" bulong ng matandang babae sa likod ni Ren.

"Bakit po?" tanong ni Ren habang nagpapaandar, himalang biglang naging sobrang galang ng binata.

"Matagal na kong sumasakay dito sa magkapatid… at ngayon ko pa lang nakita si Pirika nang ganyan. Ingatan mo siya hijo. Tingin ko magiging maswerte siya sa iyo." Wika ng matanda.

"Lola naman. Hindi ko naman po liligawan yang si Pirika atsaka kakakilala ko pa lang sa kanya. Nakita niyo naman kung anong nangyari di ba?" wika ni Ren.

"Pakipot lang talaga yang batang yan. Kapag nahuli mo na ang kiliti niyan aamo rin yan." Wika ng matanda.

Hindi mapigilan ni Ren na mapangiti ng mabanggit ng matanda ang 'kiliti'… pero sa totoo lang kahit na mahirap pakibagayan si Pirika minsan… cute pa rin ito.

Biglang may nag-'para' at huminto naman si Ren.

Saktong paghinto at pagtingin niya sa salamin sa itaas nakita niyang nakatingin si Pirika sa kanya na agad umiwas ng tingin.

Kanta sa radyo: 'Wag na wag mong sasabihin' ni Kitchie Nadal… ganda ng timing.

"Asar." Sabay na bulong ni Ren at Pirika habang namumula nanaman.

-----------------

Nakabalik na sa karinderya ang dalawa nang magtanghalian na kaya doon na nila pinasyang kumain… medyo nagkabati na rin ang dalawa at halos malimot na ang pagaaway kaninang umaga.

"Bakit di ka pa bumababa diyan?" tanong ni Pirika nang makitang nasa sasakyan lang si Ren.

"Ayoko nga baka makita ko uli yung mataray na karinderyarista dyan."

"May word bang karinderyarista?" taka ng dalaga.

"Ah basta."

"Bahala ka… ano bang gusto mong ulam?" tanong na lang ni PIrika.

"Adobo… paborito ko yun."

"Sige!" ngiti nito sabay alis.

Kaya pumasok na si Pirika habang si Ren ay nag-aabang lang sa jeep.

"Oy Pirika! Asan na yung magaling mong kuya?" narinig bigla ni Ren na mukhang galing sa isang lalaki.

"Pwede ba bitawan mo ako!" sigaw ni Pirika, "Ren!"

"Naku." Sambit ni Ren sabay talon pababa. Agad siyang sumugod sa karinderya nang walang sabi-sabi.

------

Pagpasok niya nakita niyang mahigpit na hinahawakan ng isang marungis na lalaki si Pirika habang ito ay nagpupumilit na pumalag.

"Asan na ang magaling mong kuya ngayon?" Tanong ng lalaki.

"Eh ano bang pakialam mo?" matapang na sagot ni Pirika.

"Oo nga… kaya pwede ba bitiwan mo siya?" Sigaw bigla ni Ren.

Napatingin ang lalaki pati na rin si Pirika na ngayon ay mukha nang masaya.

Agad na nagpumiglas si Pirika sa lalaki at nakawala dahil sa nawala ang atensyon nito sa kanya. Napatakbo naman si Pirika agad sa likod ni Ren.

"Sino ka ba?" matapang na tanong ng lalaki.

"Eh bobo ka pala eh. Hindi mo ko kilala?" Maangas na wika ni Ren.

"Ang yabang mo ah… bagong salta ka lang rito." Wika ng lalaki.

"Ano ngayon? Masama bang magyabang kung mayroon naman talagang ipagmamayabang?" asar ni Ren habang nangingiti na lalong nagpaasar sa lalaki.

Agad na bumira ng suntok ang lalaki, ngunit hinrangan ito ni Ren sabay suntok… sakto sa mukha ng lalaki! Nang mapaatras ang lalaki sa sakit sinundan agad ni Ren ito ng tadyak sa sikmura.

"Sa susunod bago mo ganunin itong kasama ko kilalanin mo muna ako. Ano gusto mo pa?" tanong ni Ren sabay ambang ng suntok.

"Sorry na! Sorry na! Hindi na ako uulit." Wika nito sabay karipas ng takbo.

Nangiti naman si Pirika kay Ren na hindi makapaniwala sa pagliligtas na ginawa nito sa kanya.

"Salamat Ren." Wika ni Pirika habang napapatingin lang si Ren sa kanya…

"ang ganda talaga niya." Naisip ng binata.

"Talagang makipag-away daw ba?" singit bigla ni Anna.

"Pasensya na Miss Anna." Paumanhin agad ni Pirika.

"Alam ko naman na mangyayari ito eh… tabas pa lang ng mukha nitong si Ren Tao mukhang palaaway na." matigas na paliwanag ni Anna.

"Kaya ayokong bumaba eh." Bulong ni Ren na naasar muli. Napatingin siya kay Pirika sabay hila.

"Sa jeep na lang tayo kumain." Aya ni Ren habang si Pirika ay no choice na kundi hayaang magpahila kay Ren.

-------

Kaya sa jeep kumain ang dalawa, matapos kumain nagpahinga muna sila… marami pa namang jeep na nauuna sa kanilang pumasada kaya kinuha na nila an oras na ito para makapag-relax. Binuksan ni Pirika ang radyo at nakinig ng musika habang si Ren ay nagtutulog-tulugan sa tabi niya.

Habang nakatingin sa kawalan napakanta na rin si Pirika, talagang hilig niya ang musika at pangarap niyang maging mang-aawit… isang pangarap na hindi niya ipapagpalit sa kahit ano pa man sa mundo.

"Sana'y masabi, sa awit kong ito… lahat ng ninanais nitong puso ko." Panimula niya habang unti-unting nagigising si Ren at naaakit sa ganda ng tinig ng dilag sa tabi niya na sa isang tingin aakalain mong isang diyosa sa rikit.

"Sana saan man patungo sa buhay. May pag-ibig, may pag-asa, may saya at saysay."

Dahil sa ganda ng awit ni Pirika hindi mapigilan ni Ren na hinaan ang radyo para umangat ang boses ni Pirika. Dahil nga nakatulala lang si Pirika tuloy lang siya sa kanta.

"Sana sa bawat sandali matikman pa," birit nito, "sarap ng pagsasama at simpleng ligaya. Tara na sakyang lang malay mo…"

dito pa lang niya napansin na pinatay na ng tuluyan ni Ren ang radyo. Napaikot ang ulo ni Pirika patungo kay Ren at napatulala sa nakita. Nakapikit lang ang lalaki at nakangiti na para bang nahuhumaling sa simple niyang awitin. Napangiti si Pirika.

Dahan-dahan namang dumilat na si Ren at nakitang nakatingin si Pirika sa kanya, ang mga mata niyang animo'y eneengganyo siya… parang may mahika sa mga ito... lalong gumaganda sa malapitan at kapag tinititigan ng maigi.

Nakatitig rin pabalik si Pirika sa mga mata ni Ren, napapahanga kung gaano parang napakaamo ng mga ito when in fact si Ren Tao ang nagmamay-ari sa kanila… talagang nakakatuwa silang pagmasdan.

Hindi mapaliwanag ni Pirika kung bakit parang huminto na lang ang boung mundo sa pagkikita ng mga mata nila…

"Andyan lang, andyan lang ang hinahanap mo…" huling awit ni PIrika habang unti-unting humihina ang boses niya…

"I've always known that you were a good singer." Wika ni Ren habang napapatulala lang si Pirika.

Dahang-dahan naman nalusaw ang pagitan sa kanila… habang hindi namamalayan na papalapit na ang mukha ng isa't-isa… napapapikit… hanggang sa… tuluyan nang nagdikit ang mga labi…

--------

Ang hindi lang nila alam ay kanina pa may nakamatyag sa kanila mula sa isang itim na sasakyan… sa pagbaba ng salamin nalantad ang mukha ng nanonood. Ito pala ay si Jun Tao, ang kapatid ni Ren, at mukhang hindi siya masaya sa kanyang nakikita!

---------------------------------------

Ano kaya ang masasabi ni Jun dito? Tuluyan na kayang magkagustuhan ang dalawang nilalang gayong langit at lupa ang pagitan ng mga mundo nila? Asan na kaya si Chocolove?

Subaybayan sa susunod na kabanata ng jeepney!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

12 na pahina po to sa aking PC kaya masasabi kong may kahabaan… sana po nagustuhan niyo… pasensya na po kung medyo hindi ko sariling komposisyon ang kanta sa itaas pero kasi hindi ko mapigilan. Iyon na kasi ang kanta na naisip ko bago ko pa mabuo ang kwento ng kabanatang ito… sori po uli.

Pakiusap magreview naman kayo… salamat muli.