Paunawa: hindi po sa akin ang Shaman King pero ang kwentong jeepney ay aking-aking… pwamis!

Sorry po kung mali-mali nanaman ang spelling ng iba dito… waaah! Hindi ko napapansin sila kahit 10 beses ko na binabasa ito.

Balik na sa kwento…

------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 8

"Ren…" Tawag ni Jun nang makauwi na si Ren sa bahay.

Tumingin si Ren sa ate niya habang nakaupo siya sa sofa.

"Bakit?" tanong ni Ren, "May pinasabi ba si ama?"

"Wala naman." Wika ni Jun habang tumatayo, "pero gusto ko lang sabihin sa iyo na ang palagian mong pagliban sa kumpanya ay nakakasama para sa atin."

"Hindi naman ako laging wala ah. Atsaka si Chocolove naman ang bahala sa lahat."

"Ren! Ano bang sinasabi mo? Iniiwan mo sa isang alalay ang kumpanya natin?" React ni Jun.

"Ano naman ngayon? Wag niyo na nga pakialaman ang desisyon ko." Sambit ni Ren.

"Panong hindi kita pakikialaman. Ren, alam kong nakikipagkita ka sa basurang iyon sa kalye. Nakita ko pa kayo sa loob ng isang jeep! Ang cheap Ren, pano kung may makakitang iba sa inyo at makilala ka… tiyak pagpiyepyestahan ng press ito."

"Ayaw mo non kumita sila?"

"Hindi ako nagbibiro Ren. Tigilan mo na ito." Pautos na wika ni Jun, na parang pinapakita na niya sa nakababata niyang kapatid ang awtoridad niya bilang panganay.

"Hindi ako titigil sa ginagawa ko dahil alam kong wala namang masama dito." Matapang na wika ng batang Tao.

"Pera at kayamanan lang ang habol ng babaeng iyon sa iyo. Wag kang maniniwala sa mga pinagsasabi niya!" Sigaw na ni Jun, na halatang nahihirapan na sa pagkumbinsi sa kanyang kapatid.

"Hindi kaya, kilala ko si PIrika. Hindi siya katulad ng iba… sa totoo pa nga… nakakatuwa talaga siya." Nangiting sabi ni Ren na napailing-iling pa.

"Matutulog na ako ate. May sasabihin ka pa?" Tanong ni Ren habang na-aasar na si Jun, namumula pa nga siya sa sobrang galit.

"Ren... hindi ako titigil. Kailangan nang matapos ang kahibangan na ito." Bulong ni Jun sa sobrang galit.

-------------

Samantala si Hao naman ay napabisita muli sa karinderya ni Anna… na may dala-dala pang pumpon ng bulaklak.

"Para sa pinakamagandang binibini sa boung mundo." Wika ni Hao habang inaabot ang bulaklak kay Anna.

"Para naman saan yan? Nasa kabilang baryo ang libing." Wika ni Anna habang tinitignan lang ang bulaklak.

Napatawa naman si Hao.

"Kakaiba talaga ang sense of humor mo." Tawa ni Hao.

"Hindi ako nagpapatawa. At bakit ka ba nambwibwisit ang aga-aga eh."

"Naparito ako para imbitahin ka sa aming tahanan dito sa siyudad. Matagal na tayong di nagkikita at dapat makapag-usap naman tayo ng masinsinan."

Nakatingin lang si Anna sa kanya na walang kangiti-ngiti.

"Tamao!" Tawag ni Anna sabay punta dun ng babaeng may kulay rosas na buhok.

"Ikaw na muna ang bahala dito sa karinderya." Utos ni Anna.

"Opo. Sige po pakasaya kayo." Ngiti ni Tamao.

Sumama na si Anna kay Hao at pinasakay na sa kotse. Nangiti naman muna si Hao kay Tamao bago pa tuluyang sumakay na rin at umalis.

"Si Miss Anna… ang yaman naman ng bf niya." Bulong ni Tamao.

"Hi! My labs." Sigaw ni Horohoro mula sa kabila.

Napatingin dun si Tamao at nangiti sa kanya, natutuwang maayos na ang kalagayan niya.

"Coding ka ngayon di ba? Ba't ka andito?" tanong ni Tamao.

"Wala akong magawa sa bahay eh. Atsaka nakita ko rin na wala si Anna kaya…" wika ni Horohoro sabay tingin kay Tamao mula paa hanggang ulo.

"Ano?" kinakabahan natanong ni Tamao na medyo namumula.

"Tutulungan kita dito sa karinderya kawawa ka naman eh." Ngiti ni Horohoro.

"Sayang akala ko pa naman..." Buntung-hininga ni Tamao na parang nadismaya.

"Ano sabi mo?"

"Ah wala ang sabi ko mabuti pa magluto na ako at maghugas ka na ng plato." Wika ni Tamao.

Kaya nga nagsimula na ang dalawa sa kani-kanilang gawain.

-----

Dahil malapit lang ang bahay nila Yoh nakarating agad sila dun, wala namang traffic ngayon eh.

Pinababa na ni Hao si Anna sa kotse.

"Ano maganda ba?" tanong ni Hao kay Anna na ganon pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

"Katulad lang ng dati. Wala namang espesyal eh. Mas maganda pa rin ang bahay ni Sharon."

"Singer lang naman yon eh."

Biglang binigyan ng masamang animo'y nakamamatay na tingin ni Anna si Hao.

"Magaling na singer si Sharon Cuneta… wag mo siyang gaganunin." Panakot ni Anna.

"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh." Ngiti ni Hao sabay porma na parang inaanyayahan niya si Anna na pumasok na.

Pagpasok ng dalawa nakita nila dun si Yoh na nanonood ng TV.

"Kamusta kuya…" bigla siyang nahinto nang nakita si Anna, "di ba ikaw yung kaibigan ni Chocolove?"

"hindi ko kaibigan ang negritong iyon." Sambit ni Anna.

"Okay." ngiti ni Yoh na parang wala lang, "Kuya nobya mo ba siya?"

"Hindi pa… pero sana." Sabi ni Hao sabay tingin kay Anna na nagtulak sa babae na medyo lumayo.

"Huwag kang umasa." Sambit ni Anna.

"Sana maging maligaya kayo." Sabi ni Yoh na talagang nakangiti ng malaki.

"Salamat." wika ni Hao.

-------

Maya-maya pa pumunta ang dalawa sa kwarto ni Hao para makapag-usap ng masinsinan habang naghahanda ng inumin si Hao nagmasid-masid si Anna at nakita ang isang larawan ni Lyserg na may malaking ekis sa desk ni Hao.

"May masama ka bang binabalak sa lalaking ito?" tanong ni Anna.

"Hindi naman masyado. Sabihin nating kinalimutan ko na ang tungkol sa kanya."

"Ang sabihin mo nagawa mo na ang gusto mo. Siya ang nawawalang may-ari ng pinakamalaking drugstore dito. Balita ko mas malaki pa ang net worth nila kaysa sa kumpanya niyo?"

"Ang sinasabi mo ba pinaghihinalaan mo na ako ang dahilan ng pagkawala niya?"

"Hindi…alam ko na ikaw iyon." Wika ni Anna habang napapataas bahagya ang kilay.

"Matalino ka Anna. Kaya nga gusto kita eh. Magsasalita ka ba?" tanong ni Hao sabay bigay ng isang baso ng alak kay Anna.

"Wala akong pakialam sa mundo niyo. Hindi ako nakikigulo sa mga bagay na wala akong pakialam." Sabi ni Anna sabay inom.

Si Hao naman ay nangingiti lalo, habang talagang natutuwa sa babaeng ito.

--------

Samantala sa bahay nila Horohoro naiwan dun ang kanyang nakababatang kapatid na naglilinis sa bahay.

"Hay… ang gwapo talaga ni Ren." Kinikilig na wika ni Pirika habang nagwawalis.

Dahil sa sobrang pangangarap niya sa nangyari sa kanila ni Ren sa loob ng jeep… nung hinalikan siya nito… hindi niya namalayan na may pumaradang sasakyan sa labas nila malapit sa kanilang jeep.

Si Jun Tao na nakashades pa ang bumaba sa sasakyan habang naroon si Pai Long sa likod niya. Agad na tumuloy sila sa bahay ngunit natigilan nang marinig na umaawit si Pirika.

"Ohh wag na wag mong sasabihin… na di mo nadama ito… ang pag-ibig na handing ibigay kahit na kalayaan mo…" kanta nito habang nagwawalis.

Hindi mapigilang magandahan si Jun sa boses ni Pirika, sa totoo lang may kakaibang timbre ang boses nito at talagang nakakaengganyo sa pandinig.

Nang matapos nang kumanta ang babae napakatok si Jun sa pinto. Agad na nagulat naman si Pirika.

"Sino kayo?" tanong ni Pirika.

"Ako nga pala si Jun Tao…" wika ni Jun habang nangingiti.

"Ate kayo ni Ren! Naku maupo po kayo… pasensya na po kayo kung medyo magulo ang bahay." Wika ni Pirika habang pinapaupo si Jun at Pai Long sa sofa nila.

"Ano po ang dahilan kung bakit kayo narito? Gusto niyo po ba ng juice, coffee o softdrinks?" tanong ni PIrika.

"naku wala naman kaming kailangan… hija gusto mo bang maging singer?" tanong ni Jun.

"PO?" Sigaw ni Pirika habang nanlalaki ang mata sa gulat.

"Ano gusto mo ba?" tanong ni Jun.

"Opo… pangarap ko po talaga iyon gagawin ko ang lahat. Sumali sa contest, tumulay sa sinulid, magpakain sa buhaya… lahat po para lang matupad iyon" excited na wika ni Pirika.

"well this is your lucky day… kinukuha kita bilang bagong talent ng aming agency. Akong bahala sa iyo bata, I'll make you a star." Wika ni Jun habang nagtitili naman si Pirika.

"Pai Long?" sambit ni Jun sa kasama niya.

Agad na inabot ni Pai Long ang papeles kay Jun.

"Ito ang kontrata. Pirmahan mo lang ito at ako na ang bahala sa iyo." Wika ni Jun.

"Teka… dapat pong sabihin ko ito kay kuya."

"Wag na sigurado namang papayag iyon eh. Sige na."

"Pero… masyado namang biglaan. Ate… ano?"

"Ayaw mo ba?" tanong ni Jun habang kinukuha na ang kontrata bigla namang pinigilan ni Pirika ang kamay ni Jun.

"Gusto ko po." Pigil ni Pirika, "Ngunit alam po ba ni Ren ito?"

"Si Ren…" bulong ni Jun.

"Bakit po?" nag-aalalang wika ni Pirika.

"Makinig ka hija. Naawa ako sa iyo, ang mga tipo mong babae ay niloloko lang ng kapatid ko."

"Po? Pero…"

"Kaya nga gusto kitang kunin. Ipapakita natin sa kapatid ko na hindi ka ganun ka-cheap tulad ng inaakala niya."

"Ganon po ba talaga siya." Malungkot na wika ni Pirika na para bang nawalan bigla ng buhay.

"Kinalulungkot kong sabihin sa iyo. Kaya bago ka pa lokohin ni Ren ng todo…gumanti ka na. Ipakita mo sa kanya na kaya mo ring yumaman tulad niya para di ka na maliitin. Kapag nagtrabaho ka na sa akin lagi mo na siyang makikita pero wag na wag mo siyang papansinin, ipadama mo sa kanya ang sakit na binibigay niya sa iyo."

"Ngunit Miss Jun kapatid niyo po siya."

"Oo kaya nga gusto ko na siyang matuto eh. Nalulungkot talaga ako. Ayaw mo non matutupad na nga ang pangarap mo makakaganti ka na rin. Basta kapag pumirma ka, ipangako mo sa akin na hinding-hindi mo siya papansinin kahit anong mangyari. Okay?"

Tumingin si Pirika sa mga mata ni Jun at kinuha na ang kontrata.

"Pag-iisipan ko po. Tatawagan ko na lang po kayo." Wika ni Pirika.

Nangiti naman si Jun at napatayo iniisip na tama na ang ginawa niya, ngayon kailangan naman niyang maghintay at mag-abang sa mangyayari.

-------

Samantala sa kinalalagyan naman ni Lyserg may sinasagawang imbestigayon ang munting detective.

"Salamat Manta. Malaki ka talagang tulong." Wika ni Lyserg sa telepono

'Walang anuman iyon Lyserg. Matutuwa ang tropa pag malaman na okay ka lang.' wika ni Manta sa kabilang linya.

"Wag kang mag-alala makahanap lang ako ng magandang tiyempo at susgurin ko na siya."

'Magtagumpay ka sana Lyserg. O sige aalis na ko may gagawin pa kasi ako. Bye bye.' Wika ni Manta.

"Sige bye." Paalam ni Lyserg sabay baba na ng telepono.

"Kung ganon… si Hao pala ang gumawa sa akin nito. Pasenysa ka na Yoh pero this time it's personal." Wika ni Lyserg habang nakatingin sa dyaryo kung saan nasa frontpage ang kakambal ng kaibigan niyang Asakura.

----------------------

Ano naman kaya ngayon ang mangyayari? Papayag kaya si Pirika sa offer ni Jun? Ano kaya ang kahihinatnan nila Hao at Anna?

Abangan ang lahat ng ito sa susunod na kabanata.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Sana po nagustuhan niyo ang kabanatang ito…. Patawad talaga kung may napalampas nanaman ako… nakakaasar talaga yung Auto-correct na yun epal…

Well kung naguluhan kayo pwede niyo po akong Ie-mail para tignan ko ulit yun at ipaliwanag kung ano ang ibig kong sabihin dun… yung ay kung naguluhan po talaga kayo… pero sort po talaga.

Maraming Maraming Maraming Marami po talagang salamat sa inyo sa pagbabasa…

Pakiusap magreview naman po kayo

Salamat po muli.