Paunawa: hindi po ako ang may-ari ng Shaman King, pasensiya na po… At tao lang po talaga ako para magkamali… patawad po…

Okay ang tagal ko na rin po itong hindi ginagawa kaya po…

ETO NA!

--------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 9

Iniisip pa rin ni Pirika ang kanyang isasagot kay Miss Jun Tao. Kaya katulad ng lagi nitong ginagawa humingi siya ng tulong sa kanyang pinakamamahal na kapatid –si Horohoro!

"Ano kuya? Tingin mo dapat bang pumayag ako?" Tanong ni Pirika,

"SIYEMPRE NAMAN!" Sigaw ni Horohoro.

"Pero…"

"Pero wala! Pirika, ito ang pinakapangarap mo sa buhay. Simula pa ang nang lumabas ka sa sinapupunan ng ating ina e kumakanta ka na. Ano pa bang pumipigil sa iyo?" tanong ni Horo.

Napayuko si Pirika at nag-isip, si Ren ba ang pumipigil sa kanya?

"Okay… tama po kayo kuya… sige… papayag na ako… bukas na bukas rin ay pupuntahan ko si Miss Jun."

"OKAY!" Sigaw ni Horohoro sa tuwa, "congrats sis!"

----------

Samantala si Anna naman ay bumalik muli sa bahay ng mga Asakura. Nasa gate palang siya at nagdodoor bell.

"Sino po iyan?" wika ng boses sa intercom.

"Si Anna Kyoyama ito. Andyan ba si Hao?" Tanong ni Anna na parang mas mataray pa kaysa sa mga nakatira mismo sa bahay.

"Pasensya na po Miss Kyoyama. Wala po siya dito." Wika ng katulong.

"Ganon ba. Alam mo ba kung gaano kalayo ang bahay na ito… napagod ako sa biyahe. Buksan mo nga itong pinto at painumin mo ko ng juice."

"Pero…"

"Wala nang pero-pero pa… kung ayaw mong mawalan ng trabaho."

Natahimik ang katulong, maaring natigilan at naasar kay Anna. Maya-maya pa ay bumukas na ang gate at pumasok na si Anna. Dumiretso na rin siya sa sa loob at naupo sa sala, naghihintay ng juice niya.

"Anna, sabi ng katulong namin na dumating ka. Hinahanap mo ang kuya ko?" Wika ni Yoh habang binibigay ang isang baso ng juice kay Anna.

Kinuha ito ni Anna at ininom ang kalahati. Matapos non ay binaba na niya ito sa lamesita.

"Oo… hinahanap ko nga siya. May usapan kasi kami ngayon." wika ni Anna.

Nangiti naman si Yoh.

"Pasenysa na. Talagang busy ang kapatid kong yun eh." Wika nito sabay tawa.

Nagtataka si Anna kung bakit natatawa si Yoh pero hindi na lang niya pinahalata at sinabi.

"Kung gayon babalik na lang uli ako sa susunod." Wika ni Anna habang tumatayo na.

"Teka lang naman Anna. Sayang naman yung pagod mo sa pagpunta dito di ba?" wika ni Yoh.

"Ano gusto mong sabihin?" taka ni Anna habang tumataas ang kilay nito.

"Um… gusto mo ng icecream?" tanong bigla ni Yoh nang buong ngiti.

"Sige basta di ako magbabayad." Wika ni Anna at sumunod na siya kay Yoh.

----------

Kumpara kay Hao mas madaldal at isip bata si Yoh. Ang sarap nitong kasama na kahit na pinipilit ni Anna na hindi matawa sa mga biro nito sa huli ay nangingiti siya.

Maalahanin rin at mapag-alaga si Yoh na para bang walang maaring mangyari sa iyong masama kapag kasama mo siya.

Lalong nalilito na si Anna, ang ugali ng Asakura na nakilala niya noon ay katulad ng kay Yoh. Ngunit wala talaga siyang naalala tungkol dito.

"Talaga bang kapatid ka ni Hao?" Tanong ni Anna habang nakatitig sila sa fountain sa parke.

"Oo naman… magkamukha talaga kami hindi ba?"

"Pero… yung ugali niyo… ibang-iba talaga."

"Siguro ganon lang talaga yun. Noong mga bata pa nga kami eh laging computer ang kaharap ni kuya Hao habang ako napakadungis araw-araw. Sa probinsya nga gumugulong ako sa putikan eh at natutulog sa ilalim ng upuan ng jeep. Nakakatawa nga eh… minsan nawala ako… pero hindi ko talaga maalala kung paano ako nakauwi muli."

Nagulat si Anna sa narinig, bakit pareho sila ng sinasabi ni Hao? Sino ba talaga sa kanila ang nangako sa kanya?

-----------

Pumayag na si Pirika at naging manager niya si Jun. Nagkasundo sila na magrecording na agad. Si Jun na rin ang gumawa ng paraan para ibigay ang kanta ni PIrika sa mga radio stations. Nakapag guesting na rin si Pirika sa iba't-ibang show para makilala na siya ng masa. Maganda naman ang pagtanggap sa kaniya ng mga tao. Marami na siyang tagasuporta kahit ilang linggo palang siyang umaawit.

"Pirika, bukas may press conference ka sa channel 41. Tapos maggeguest ka sa isang noontime show." Wika ni Jun habang nasa likuran lang niya si Pirika.

"Um… Miss Jun… iinom lang po ako." Paalam nito.

"Sige. Mauupo lang ako dito." Wika ni Jun.

Kaya naglakad na si Pirika papunta sa water container, kumuha ng isang baso at naglagay ng tubig sabay inom.

"Napakabilis talaga ng mga pangyayari… pero hanggang ngayon… di ko pa rin nakikita si Ren… ni minsan." Naiisip nito habang umiinom.

Maya-maya pa may isa pang taong dumating at uminom, hindi naman ito napansin ng babae dahil sa sobrang pag-iisip.

"Congrats nga pala. Balita ko sikat ka na." wika ng pamilyar na boses ng lalaki, "sabi ko na nga ba… sisikat ang isang taong may boses na tulad mo."

Napatingin si Pirika sa kanya, na para abng hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

"R-Ren…" ang tagal na talaga niya itong hindi nakikita. Ito nanaman ang puso niya, ang bilis ng tibok at para bang gusto nang yakapin siya at tanong kung kamusta na siya… ngunit… hindi dapat… kasama ito sa kontrata atsaka niloko siya ni Ren… kaya hindi pa rin niya ito mapapatawad.

Inabot ni Ren ang kamay niya dito para kamayan. Tinignan lang ito ni Pirika.

"Anong ibig sabihin niyan?" Tanong ni Pirika na pinipilit mag-ala Anna sa taray.

Nagulat naman si Ren, ang tagal na nilang hindi nagkikita tapos parang galit pa ito sa kanya.

"Bakit?" taka ng binata.

"Patawad Ren… pero… ikaw kasi eh." Naiisip ni Pirika sabay talikod at lakad.

"Ano nanamang ginawa ko?" asar na wika ng Tao.

------

Maraming pagkakataon na nagkikita ang dalawa o nagkakaharap ngunit sa tuwing sila ay nagkakatagpo laging umiiwas si Pirika. Hindi niya talaga ito kinakausap tulad ng dati nitong ginagawa.

Minsan sa hagdanan ay nagkasalubong sila. Paakyat si Pirika habang pababa naman sina Chocolove at Ren.

"Kamusta Piri!" bati ni Choco.

"Hello po kuya Chocolove…" napatingin naman ang mga mata niya kay Ren na mukhang nag-aabang na batiin siya nito.

"May pupuntahan pa po ako… kailangan kong magmadali." Kaya umakyat na siya, dinadaan si Ren na parang wala ito doon.

"Nag-away po ba kayo boss Ren?" tanong ni Chocolove.

"Hindi ko nga alam eh. Ang gulo talaga ng babae yan!" Galit na wika ni Ren.

"Hindi po ganyan si Pirika. Malambing siya at mabait kahit kanino… ginaganyan lang niya ang mga taong nanakit sa kanya at hindi niya kasundo." Paliwanag ni Chocolove.

------

Isang araw sa lounge ng kumpanya ng Tao nagpapahinga don sina Jun at Ren.

Dahil hindi niya mapigilan ang pagtatanong talagang nasambit na ni Ren ang kanyang nararamdaman tungkol dito.

"Ate… may sinabi ka ba kay Pirika… tungkol sa akin?"

Sakto namang pagkasambit non ni Ren ay naglalakad sa labas si Pirika. Papasok na sana siya nang marinig niya si Ren. Dahil don nahinto ang kanyang mga paa at nakinig.

Sa loob naman natahimik ang dalawang magkapatid.

"Bakit? Napapansin mo na ba?" wika ni Jun.

"Hindi niya ko pinapansin, kinakausap o tignan man lang sa mata. Anong sinabi mo ate?"

Nangiti si Jun at uminom ng juice.

"Ayokong magsinungaling sa iyo Ren… kaya sasabihin ko ang totoo. Natatawa nga ako eh… naniwala sya sa akin agad… parang walang alam."

Napatayo naman si Ren.

"Wag na wag mo siyang lalaitin ate!" sigaw ni Ren.

"Huwag mong sabihin talagang may gusto ka sa kanya? Isa lang siyang pobre… Hindi mo ba nakikita aking kapatid? Gagamitin ka lang niya para matupad ang pangarap niya, para makaahon sa paghihirap." Wika ni Jun.

Nasaktan talaga ng todo si Pirika nang marinig niya ang mga salitang ito. Parang ang tanga niya para maniwala at kumagat agad… naiiyak nanaman tuloy siya, parang may isandaang patalim ang tumusok sa puso niya… bakit siya ginaganito ng tadhana?

"Hindi ganon si Pirika!" Sigaw ni Ren, namulat naman agad ang babae at di makapaniwala sa narinig.

"Pinagtatanggol ako… ni Ren…" bulong ng babae.

"Anong pinagsasabi mo? Alam ko naman na lolokohin mo lang siya eh… binigay ko lang sa kanya ang nararapat… " tanong ni Jun.

"Siguro sinabi mo sa kanya yon dahil tutol ka sa aming dalawa noh?"

"Halata ba? Ren magtiwala ka sa akin…hindi kayo bagay sa isa't-isa." Wika ni Jun.

Hindi na kinaya ni Pirika, tumulo na ang mga luha niya…

"Bakit ganon si Miss Jun? Bakit?" nabulong niya sa sarili.

Hindi na niya akayanin pag may narinig pa siya, kaya agad na gumalaw na ang kanyang mga paa at tumakbo… palayo sa kanila…

-----------

Umupo si Pirika sa isa sa mga upuan sa parke, basang-basa ang kanyang mukha na para bang galing sa hilamos. Naghilamos nga siya dito, naghilamos para kahit papaano ay mahugasan ang mga bakas ng luha… ang mga bakas ng kanyang kahinaanan.

Maya-maya ay napansin niya na may umupo sa kanyang tabi.

"Bakit ka umiiyak?" wika ng boses.

Napaangat ang ulo ni Pirika at tumingin sa tabi niya… kuya niya pala ito. Agad na yinakap niya ito at umiyak na muli.

"Bakit Piri?" tanong ng kuya nito habang sinusuklay ang bughaw nitong buhok.

"Kuya…kuya…" iyak ng babae, "narinig ko sila… totoo pala ang sinsabi ng puso ko… hindi pala nagsisinungaling si Ren. Dapat hindi ko pinahirapan ang sarili ko… kuya ang hirap iwasan siya. Gusto ko talaga siya." Iyak nito.

"Kung ganon narinig mo na pala." Singit bigla ng ibang boses… ngayon mukhang galing naman ito sa babae.

Npatangin si Pirika dito habang si Horohoro naman ay mukha nang galit.

"Jun Tao." Wika ni Horohoro.

"Miss Jun," bulong ni Pirika.

"Pirika, itutuloy ko pa rin ang kontrata pero… ituloy mo rin ang paglayo sa aking kapatid." Wika ni Jun.

"Ang sama mo!" sigaw ni Horohoro.

"Hindi ako masama. Tinutulungan ko nga kayo para makaahon sa paghihirap niyo. Madali lang namang layuan ang kapatid ko… isipin mo na lang na marami pang lalaki dyan sa tabi-tabi at marami ang lalapit sa iyo once na sikat ka na. Di ba?" wika ni Jun.

"Hindi papayag ang kapatid ko!" Sigaw ni Horohoro.

"Kuya." pigil ng dalaga,

"Miss Jun… sinabi ko noon sa sarili ko na lahat ay gagawin ko para sa aking pangarap. Ngayon na nandirito na ang pagkakataon…" Wika ni Pirika

"Pirika, wag mong sabihin?" bulong ni Horohoro na mukhang alam na ang sasabihin ng kapatid niya.

"Oo kuya… gusto ko talagang magpahinga ka na sa pagiging drayber…" napatingin naman siya kay Jun, "Miss Jun… papayag ako. Hindi ko na papalampasin ang pagkakataon kong ito para matupad ang mga pangarap ko."

Nangiti naman si Jun sa tagumpay na nakamit niya… panalo siya sa ngayon.

"Patawad Ren.. alam kong makasarili ako para isipin ang sarili bago ikaw… ngunit kung makasarili nga talaga ako… hindi ako karapat-dapat para sa iyo." Naisip ng babae na ngayon ay paiyak na muli… sayang lang ang hinilamos niya kanina

-----------------------------------------------------------------------------------------

Ano kaya ang mangyayari sa tagpong ito?

Pasensya na po kung medyo magulo ang pagkakasulat ko dito… ang gulo po kasi ng utak ko habang sinusulat eh… pasensya na po…

Pero sana po nagustuhan niyo ang fic na ito… pls naman magreview po kayo..

Salamat!