Paunawa: Hindi po ako ang may-ari ng anime na ito at lalong hindi ko po pag-aari ang mga tauhan na gumanap dito…
Pasensya na po sa mga mali-mali ko pong paggawa… sorry po!
Pero dapat ko pong ituloy ito!
Kaya eto na!
Handa na ba kayo?
Game na! YohNa ba ito?
Korek!
-----------------------------------------------------------------------------------------------
Kabanata 10
Nakatingin lang si Anna sa salamin, kani-kanina lang ay sinusuklay niya ang kanyang mailing buhok ngunit ngayon may biglang kumuha ng kanyang boung atensyon.
Nangiti si Anna, isang bagay na tanging sa pag-iisa lamang niya magagawa. Ang pagsasaya ay pagsasayang lang ng oras… mahirap nang mabuhay sa panahon na ito kaya nga dapat matatag at malakas ang isang babae –ang isang tulad niya. Kung lalampa-lampa at eengot-engot siya ay walang mangyayari sa buhay niya.
"Pero ba't si Yoh?" biglang bulong ng maliit naboses sa kanyang ulo.
"Tama si Yoh… bakit kaya niyang ipagsawalang bahala ang lahat… katulad talaga niya yung… yung batang Asakura na nakilala ko dati."
Agad na umiling-iling si Anna.
"Hindi. Si Hao yun… siya ang nakakaalala at ang nakakaalam. Pero-"
Napatitig muli si Anna sa salamin at sa di mapaliwanag na dahilan ang nakangiting mukha ni Yoh ang nandoon. Agad na napayuko si Anna. Ang mga mata niya ay puno ng mga tanong na di niya matatap.
"Sino ba sa kanila? Sino sa kanila ang lalaking napangakuan ko?" tanong niya sa sarili.
Kapag naiisip mo ang isang tao may isa sa isang milyong pagkakataon lang na pareho kayo ng iniisip… ngunit sa pagkakataong ito, tayo lamang ang nakakaalam na sa kabilang parte ng lugar na iyon isang binatang Asakura ang pareho rin ng naiisip.
Nakatingin lang si Yoh sa kanyang mga orange na headphones. Ito ang regalo sa kanya ng kanyang ama matapos nila magbakasyon sa probinsya. Ito rin ang pinangsuhol sa kanya para bumalik sa siyudad.
Naalala niya noon, ayaw talaga niyang bumalik… kahit hindi niya maalala nararamdaman niya na parang may nakalimutan siyang isang bagay… isang bagay na hindi mapapalitan ng kahit ano kagarang regalo o suhol.
"Anna… Kyoyama…" bulong ni Yoh habang nakatitig sa headphones niya.
"Kakaiba talaga siya." Nangiti muli siya, sanay siya sa pagngiti dahil palangiti talaga ang lalaking ito ngunit iba ang nadarama niya pag nababanggit niya si Anna.
Isang kakaibang pakiramdam na parang napakalakas niya pag kasama niya ang babaeng ito. Tuwing naaalala niya siya parang nagkakaron ng halaga ang buhay, na parang kaya niyang higitan kahit ang sarili niyang kapatid!
"Higitan si Kuya Hao!" Sambit bigla ng bunso.
Hindi siya makapaniwala na maiisip niya iyon. Ang galing kasi ng kanyang kuya… sa lahat ng bagay. Matalino, marunong, madiskarte sa buhay… nag-iisip at nagtyatyaga kung baga. Di katulad niya.
"Kahit kelan di ko kayang higitan si kuya… kaya dapat kalimutan ko na si Anna." Wika ni Yoh.
Napangiti muli si Yoh pero agad na nabura ito sa kanyang mga labi.
"Ang hirap palang magpanggap… pano pa kaya pag kaharap ko na sila? Makakatawa pa kaya ako pag napanood ko na ang kasal nila…" inalog bigla ni Yoh ang ulo.
"Aah! Ano ka ba Yoh! Bakit ka ba nagkakaganyan? Maayos din ang lahat… siguro?"
----------
Tahimik na nakikinig ng radyo si Pirika habang naglalatag ng pagtutulugan niyang banig ngayong gabi. Maraming nangyari sa kanya sa mga nakaraang araw at parang di na niya kakayanin pa ito.
Isang dahan-dahan na katok ang kumuha sa kanyang atensyon.
Pagtingin niya… si Horohoro pala ito.
"Maari ba kitang makausap, Pirika?" tanong nito.
"Bakit kuya? Anong gusto mong sabihin?"
Napayuko si Horohoro ng onti na parang nahihiya, isang bagay na lalong pinagtaka ni Pirika.
"Ano… kasi… Patawad… Pirika."
"Kuya? bakit ka humihingi ng sori… wala ka namang nagawa ah?"
"Kasi, hindi ako naging mabuting kapatid sa iyo. Oo nga't nakapagtapos ka sa pag-aaral pero anong trabaho mo? Isa akong iresponsableng kapatid. Hindi ko man lang natupad ang pangako ko sa harap ng puntod ng ating mga magulang."
"Wala kang kasalanan kuya." wika ni Pirika, "lahat ng ginagawa ko ay sarili kong desisyon. Tama man ito o mali ako lang ang dapat managot dito. Napakabait niyo sa akin kuya at kahit kailan di niyo ko pinabayaan. Kahit hanggang ngayon andyan pa rin kayo. Salamat tlaga." Ngiti ng babae.
Napangiti rin si Horohoro ngunit sumimangot muli nang may maaalala.
"Pero kahit na… pano ka ngayon?" tanong nito.
"Panong pano ako?" taka ng babae.
Natahimik sandali ang dalawa habang ang kanta ni Pirika ang napatugtog sa radyo. Kakaiba talaga ang pakiramdam kapag maririnig mo ang sarili mong kumakanta na para bang pakiramdam mo hindi ikaw iyon. Tapos idagdag mo pa dun yung katotohanan na halos lahat ng tao na gising pa ay maaring naririnig ang kanta mo, ang boses mo…
"Sikat ka na talaga. Pati mga babae sa terminal pinaguusapan ka na ngayon. Samantalang dati iniisnab-isnab ka lang." patawa ni Horohoro.
"Oo nga… kakaiba tlaga."
"Gusto mo siya noh?" biglang tanong ni Horohoro na parang napakalayo sa pinaguusapan nila kani-kanina lang.
Agad na namula si Pirika, hindi niya inaaasahan ang isang iyon.
"Simula pa lang nang ipanganak ka kasama na kita. Alam ko na ang timpla mo Piri… aminin mo na." Wika ni Horohoro na ngingiti-ngiti.
"Pero… kuya… payag… payag ba kayo?"
"Kung gusto mo siya at aalagaan ka ba naman ng kumag na iyon bakit naman ako tututol? Di ba?"
Natuwa si Pirika sa narinig at agad na niyakap ang kapatid.
"Salamat. kuya."
"Tandaan mo lang Pirika… minsan may mga bagay na tanging ang puso lang ang makakapagsabi ng sagot. Kung papakinggan mo lagi ang utak mo… para mo na rin sinabi na di mo na kailangan pa ng puso."
------------
Kinabukasan agad na may nagbalita kay Hao sa nangyari nung isang araw yung tungkol sa paglabas nila Yoh at Anna. Napakarami talagang tauhan nitong si Hao kaya di na nakapagtataka kung makarating man sa kanya ng sobrang bilis ang balita.
Masama tuloy ngayon ang mood ni Hao, at parang tinamaan ng anong lintik.
Sa kamalas-malasang pagkakataon naman bumisita muli si Anna, hindi man niya nakita si Hao kahapon titiyakin niya na makakausap niya ito ngayon.
"Buti naman at narito ka na. Akala ko kailangan ko nanamang magsayang ng pamasahe sa iyo. 7.50 na ang pamasahe sa jeep habang 6 naman ang student fare… piso rin yon." Paliwanag ni Anna habang si Hao ay nakatalikod lang.
"Nakikinig ka ba?" tanong ni Anna habang tumataas na ang isang kilay.
"Matanong ko lang sumama ka ba sa kapatid ko na kumain sa labas?"
"Icecream… siya nagbayad. Bakit nagseselos ka?" tanong ni Anna na parang matigas pa rin.
Napatingin na si Hao sa kanya, ang kanyang mga mata may kakaibang tingin.
"Pano kung oo. Tandaan mo ayoko nang makita ka kasama ang kapatid ko. Naiintindihan mo ba?" sindak nito.
"Pano kung sabihin ko sa iyo na hindi ako natatakot."
"Alam kong sasabihin mo yan… kaya nga balak ko munang…turuan ka ng leksyon." Wika ni Hao sabay tingin sa mga binti ni Anna.
Yung itim na damit pa rin ang suot niya kaya naman kitang-kita ang mga paa niya. Agad na nagalit si Anna sa titig ni Hao kaya sinubukan niya itong sampalin.
Ngunit nahuli ni Hao.
"Tsk. Tsk. Tsk. Alam ko na rin na gagawin mo yan." Wika nito habang lalong humihigpit ang hawak nito sa kamay ni Anna.
"Nasasaktan ako. Hao. Bitiwan mo ko."
"May mga bagay sa mundo Anna na hindi mo kayang daanin sa ganyan. Tingin ko nakita mo na ang katapat mo."
Sinubukang sampalin ni Anna si Hao gamit ang kanyang kaliwang kamay…
Ngunit nahuli muli ni Hao ito.
Tinulak na ni Hao si Anna sa pader at pinilit na ilagay sa taas ng ulo niya ang kamay ng babae. Nagpumiglas si Anna ngunit mas malakas si Hao.
"Di ba sinabi ko na sa iyo…ako ang katapat mo. Ako lang ang magpapaamo sa isang tigreng tulad mo." Wika ni Hao habang nilalagay ang dalawang kamay ng babae sa paghahawak ng isang kamay. Kaya ngayon malaya na ang kaliwang kamay ni Hao.
"Mas mabuti pang mamatay sa tranquilizer kaysa mapaamo ng isang hayop rin na tulad mo!" sigaw ni Anna.
Ngunit nahalata na ni Hao ang takot na nagtatago sa mga matatalim na mata ni Anna.
"Nakakatuwa ka talaga… alam mong talo ka na." wika ni Hao.
"YOH!" Biglang sigaw ni Anna.
Agad na nagalit si Hao.
"Sinasabi ko na nga ba? Ano bang meron ang kapatid ko at mas gusto mo siya kaysa sa akin?"
"Siya tao… ikaw… mas mababa ka pa sa putik!"
"Lapastangan!" sigaw ni Hao.
Gusto na sana niyang sapakin ang babae ngunit alam niya na parang karuwagan ito… kaya imbes na saktan may naisip siyang mas magandang parusa.
Hinwakan ni Hao ang pisngi ni Anna at pinilit na humarap sa kanya sabay halik sa mga ito… maya-maya agad siyang napabitiw sa mukha ng babae.
Nagdugo ng onti ang gilid ng labi ni Hao na para bang kinagat.
"Ang kapal mo talaga."
"Hindi pa ko tapos Anna." Ngiti ni Hao na ngayon ay nilalagay na ang kanyang kaliwang kamay sa bewang ni Anna.
"Tumigil ka! Ngayon din!" Utos ni Anna pero tuloy pa rin si Hao na ngayon ay nilagay na ang ulo sa leeg ni Anna.
"Itigil mo yan!" Sigaw ni Anna na lalong nagpupumiglas. Nararamdaman niya ang pagtakbo ng kamay ni Hao sa kanyang katawan...
"YOH! TULONG!" Sigaw lalo ni Anna.
Napapapikit si Anna at pinilit na iwaglit sa isip ang nangyayari sa kanya. Bakit pa kasi ang kulit niya? Akala niya talaga kakayanin niya ang isang Asakura… lalo na ang Asakura na si Hao.
Parang naninigas ang buo niyang katawan habang ninanais na talaga niya na mamatay.
Lalo pa siyang iniipit at itinutulak ni Hao sa pader dahilan upang hindi na siya makapumiglas.
"Yoh… pakiusap…" bulong ni Anna sa isip.
Maya-maya pa naramdaman niya na parang may bumitiw sa mga kamay niya at hindi na niya naramdaman ang kamay ni Hao.
Pagmulat niya ng mata nasa harapan na niya si Yoh na parang hinaharangan siya. Nakaharap ang nasabing lalaki sa kuya nito na ngayon ay patayo na at may pasa sa mukha na mukhang galing sa suntok.
"Anong karapatan mong makialam? Akin si Anna!" sigaw ni Hao sa galit.
"Hindi siya sa iyo. Walang nagmamay-ari sa kanya. Hindi ako, hindi ikaw… Kuya, hindi lahat sa mundo kaya mong ariin." Wika ni Yoh.
Napalingon naman si Yoh kay Anna nang may ngiti.
"Ayos ka lang, Ms. Anna?" Tanong ni Yoh.
Napatungo lang si Anna na ngayon ay tulala pa rin.
"Halika na. Ihahatid na kita sa inyo." Wika ni Yoh habang inaabot ang kamay niya dito.
Tinignan naman ni Anna ang kamay ni Yoh at napalingon muli sa lalaki. Nang medyo napatango si Yoh humawak na dito si Anna.
Nang mapahawak na ang babae agad na tuluyang umalis na ang dalawa, iniiwan si Hao don na mag-isa.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Yohna nga! Hehehe wla lang po… gusto ko lang po kasi talaga si Yoh kay Anna at si Anna kay Yoh…three bears song sa susunod na kabanata at Renxpiri naman… tungkol naman po kay Lyserg…pabalik na siya!
Kaya po pakiabangan at pls magreview naman po kayo…
Salamat po!
