Paunawa: Ang anime po na Shaman King ay pag-aari ni Master Hiroyuki Takei… okay? ako po ay hamak na fan lang…

Ipagpatawad niyo rin po ang aking mga pagkakamali na nakakaligtaan ko po sa pagsusulat ng kwentong ito…

Suri po…

------------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 11

Sa paglayo kay Hao napunta sina Yoh at Anna sa bayan kung saan binilhan ni Yoh si Anna ng icecream para naman sumaya ito kahit onti lang.

"Eto oh. Chocolate yan." Wika ni Yoh habang binibigay ang icream kay Anna.

"Ayoko niyan." Bulong ni Anna sabay irap.

"Sige naman try mo lang…" Wika ni Yoh, "pleaseeeeeee." Ngiti nito.

Kaya kinuha na ni Anna ang icecream at binuksan. Umupo naman si Yoh sa tabi niya.

Dinila-dilaan muna ni Anna ang icream hanggang a maya-maya ay napatigil siya hanggang sa may naramdaman siyang tubig na tumulo sa kanyang mga mata… o kaya naman ay luha.

Habang patapos na si Yoh sa pagkain ng icecream narinig niya ang pagtangis ng babaeng nasa tabi niya. Pagtingin niya dito tama nga ang hinala niya. Ang magandang binibini na kanyang iniiirog ay lumuluha.

"Anna… okay ka lang ba?" tanong ni Yoh.

Tumango si Anna sabay punas ng luha.

"Hindi nga… dahil ba ito kay…kuya?" Wika ni Yoh.

Ngunit di sumagot si Anna kundi lalong umiyak.

Kaya biglang napatayo si Yoh habang napatingin si Anna sa lalaki.

"Wag ka nang umiyak Anna… gusto mo kantahan kita?" wika ni Yoh habang napapatitig lang ang babae sa kanya.

"May tatlong bear sa loob ng isang bahay.

Si Papa bear, si Mama Bear at si Baby bear.

Si Papa bear ay malakas.

Si Mama bear ay maganda,

Si baby bear ay napakaliksi.

Tignan niyo, tignan niyo

Ang saya nila." Kanta ni Yoh habang sumasayaw pa.

Lahat na ng mga taong dumaan ay nakatingin sa pinaggagagawa ni Yoh.

Akala ata nila nababaliw na ang batang Asakura.

Habang si Anna naman ay bahagyang nahihiya na sa kasama niya.

Napatayo agad si Anna at hinila si Yoh palayo sa mga tao na ngayon ay nagtatawanan na.

"Kakaiba ka talaga." Wika ni Anna.

"Ano? Maganda ba performance ko?" tanong ni Yoh sabay kindat at ngiti.

Napakurap si Anna.

Isang kakaibang pakiramdam ang nabubuo sa loob niya, parang kinikiliti siya, hanggang sa maya-maya pa ay matawa na siya.

"Di ka pa rin nagbabago! Sira ka pa rin…" tawa ni Anna.

Ngayon malinaw na sa babae na si Yoh nga ang lalaking napangakuan niya. Siya lang kasi ang makakakanta at makakapagsayaw ng 'bear's song'.

"Hehehe… at ikaw naman mataray ka pa rin pero kahit na ganun lagi ka na lang napapatawa ng kantang iyon."

Napatingin si Anna sa kanya at napakurap.

"Naaalala mo?" tanong ng babae.

"Pasensya ka na… nakalimutan ko na kasi eh… pero bigla ko na lang naalala." Wika nito sabay tawa.

Napangiti lang si Anna habang nakatitig sa binata.

"Sa wakas nakita na rin kita." Bulong ng utak ng dalawa na parang bigla na lang nagsabay.

-----------

Samantala habang kaligayahan ang nadarama ng dalawa si Pirika naman ay kalungkutan ang namamayani sa kanyang puso.

Nakatingin siya sa labas, pinagmamasdan ang mga sasakyan na dumadaan lalo na ang mga jeepney. Parang kelan lang isa siya sa mga taong nakasakay sa ganyang klase ng sasakyan o kaya naman isa sa mga boses na dumadagundong sa kalsada… nagtatawag ng kung sino para lang may makain kinagabihan.

Pero ano bang pagkakaiba nito ngayon? Napupodpod rin naman ang boses niya. Nangeengganyo pa rin naman siya… ang pagkakaiba lang mas malinis ang paligid niya at mas maganda ang porma niya.

"Pero mas maganda pa rin ang trabaho ko noon." Bulong ni Pirika habang nakatitig sa repleksyon niya sa salamin ng bintana.

"Pirika, lika na!" tawag ni Jun sa kanya mula sa pinto sa gilid ng kwarto.

"Opo." Wika ni Pirika sabay takbo.

Nakapasok muli siya sa isang recording ang mga mata niya sa mga nakaframe na cd sa dingding. Nangiti siya, sana balang araw mapunta rin ang cd niya sa ganyang posisyon.

"Pirika. Handa ka na?"

"Opo." Kaya pumunta na si Pirika sa pwesto niya at sinout ang headphones at tinpat ag mukha malapit sa mikropono.

Nagsimula na ang tugtog. Dinama agad ng babae ang rhythm at nagsimula nang basahin o kantahin ang lyrics.

Alam kong nag-iisa, naasar, nagagalit

Patawad aking mahal

Ako'y naging makasarili

Ako'y naging hangal…

u.u

Pinipilit itago, umiiwas sa iyong tingin

Ngunit di magawa

Lalo akong naghihirap

Ako'y susuko na

v.v

Sana nga sa dulo ng daan

Makita ko na ang liwanag na hinahanap-hanap

At naroon ka

Daladala ang ilaw ng pag-asa

Sa gitna ng kadiliman

Ang luha ko ay di na papatak muli…

dahil alam ko na andyan ka sa aking tabi

Nais kong umawit para sa iyo

At ang mga salita

ay mula lahat sa aking puso

Lilipad papunta sa iyo…

Ninanais kong makasama ka

Kahit lang sa aking mga panaginip

Makita ang iyong ngiti…

Nang mapunta na si Pirika sa ikalawang linya biglang may pumasok na lalaki sa pinto at nasandal sa bandang likuran pinipilit na maikubli ang sarili sa dilim upang walang makapansin. Ngunit nakita na siya ng mang-aawit at nakilala siya… so much for pagtatago sa dilim.

"Ren…" naisip ni Pirika habang inaawit na muli ang chorus.

Nais kong umawit para sa iyo

At ang mga salita

ay mula lahat sa aking puso

Lilipad papunta sa iyo…

Ninanais kong makasama ka

Kahit lang sa aking mga panaginip

Makita ang iyong ngiti…

Habang instrumental ay nakatitig lang siya kay Ren at si Ren sa kanya. Na parang nangungusap ang mga mata.

Unti-unting bumalik sa babae ang lahat ng kanyang magagandang alaala kasama ang binatang Tao.

Mula sa unang pagkikita, sa bahay nila Anna, ang pag-uusap sa cell ni Chocolove hanggang sa kaniyang unang halik.

Nais kong umawit para sa iyo

At ang mga salita

ay mula lahat sa aking puso

Lilipad papunta sa iyo…

Ninanais kong makasama ka

Kahit lang sa aking mga panaginip

Makita ang iyong ngiti…

Dahan-dahang humina ang musika at tinanggal na ni Pirika ang headphones at bahagyang umiling-iling upang maayos ang buhok niya.

"Ang ganda talaga niya." Wika ni Ren sabay umalis na muli.

Iniiiwasan talaga ng binata na makita ang kanyang kapatid lalo na sa ganitong mga okasyon.

---------

Mga 4:30 na at si Ren ay nasa harap ng computer niya, ang boses ni Pirika ay nasa ulo pa rin niya hanggang ngayon. Maya-maya pa bigla niya itong narinig.

"Nababaliw na nga ako." Bulong niya sabay ngiti.

"Ang ganda talaga ng boses ni Pirika." Wika bigla ni Chocolove na nagpagising kay Ren.

Paglingon ni Ren nasa harap nga ng radyo si Chocolove at nagpapatugtog ng cd ni Pirika. Gusto sana niyang magalit, magwala o kaya sisantehin ng tuluyan ang negrito pero kapag ginawa niya iyon… kapag ginawa niya iyon… titigil ang tugtog… at mawawala na ang boses.

"May press conference daw si Pirika mamaya boss Ren." Wika ni Chocolove habang tumitingin sa amo nito.

"Ano naman ngayon?" irap ng Tao.

Nagpanggap agad si Ren na parang may inaasikaso siya sa likod ng monitor.

"Bakit wala kang ginagawa diyan?" usig ng Tao.

"Eh bakit kayo boss… wala din naman kayong ginagawa ah." Sagot bigla ni Chocolove.

Napatingin si Ren kay Chocolove na para bang ibang tao na ang nasa harap niya.

"Nakainom ka ba at parang ang tino mo?"

"Boss Ren naman… seryoso ako."

"Ano bang gusto mong sabihin?"

"Kasi ano… boss Ren si Pirika kasi…"

"Ano nga!"

"Kasi boss dapat tingin ko magtapat na kayo sa kanya… para kahit papano ay maayos na ang namamagitan sa inyong dalawa."

Natigil si Ren sa pagpapanggap at napatingin sa ballpen sa lamesa.

"Walang namamagitan sa aming dalwa." Malungkot na bulong nito.

"Sigurado ka? O baka naman sinasabi mo lang yan, boss?"

"Ano ka ba Chocolove! Wlang gusto si Pirika sa akin."

Napabuntung-hininga si Chocolove.

"Hirap na hirap na ang bata… pakawalan niyo na siya sa pagdurusa niya. Boss Ren… pleaseeeee."

"Ano naman magagawa ko?" tanong ni Ren, sa wakas sinersyoso na rin si Chocolove.

"Ang ibigin siya at malaman niya na ginagawa mo iyon. Ganun lang at tiyak magtatatalon nanaman si Piri."

Agad na napatayo si Ren at tumuloy palabas… mukhang determinado siya sa gagawin niya ngayon… at mukhang natama si Chocolove sa kanya.

"Go boss Ren! Kaya niyo yan! Mabuhay ka!" sigaw ni Chocolove.

4:25

Naghihintay na lang ng go signal si Pirika para lumabas at ipakita ang mukha sa media. Susubukan niyang ngumiti siyempre… at pipilitin na magsinungaling… pero kapag may nagtulak talaga sa kanya pra magsabi ng totoo di siya mag-aalinlangan.

Malamig ang naka-aircon na medyo nanginginig na si Pirika.

Maya-maya may napansin si Pirika na nag-aabot sa kanya ng isang jacket. Napatingin si Pirika sa mukha ng taong nagbibigay sa kanya.

Ang kanyang mga bughaw na mata ay nanlaki sa gulat. Di nanaman niya inaaasahan ang pagdating ni Ren.

"R-Ren…" bulong ni Pirika. Sumagi muli sa isipan ng dalaga ang kanyang kontrata…

Kaya sinimulan niyang umilag at umalis…

Ngunit di siya hinayaan ni Ren na bigla na lang hinablot siya at sinandal sa pader.

"Aray." Sambit agad ni Pirika.

"Patawad… pero kasi gusto talaga kitang kausapin." Wika ni Ren.

Napatingin ang babae sa lalaki, ang kanyang mga gintong mata ay nagsisimula nanamang magpabilis ng tibok sa puso ng babae.

"Ren… ano… salamat nga pala…" bulong ni Pirika.

"Salamat? Para saan?" taka ng lalaki. Ngunit kahit na hindi niya maintindihan ang sinasabi ng babae natutuwa pa rin siya at nakikipagkausap na ito sa kanya.

"Para sa pagtatanggol sa kin mula sa ate mo… paumanhin, alam kong masamang maging chismosa ngunit… narinig kasi kita e…"

"Kung ganon… hindi ka na naniniwala sa kasinungalingan ng ate ko?" tanong ni Ren, na medyo natutuwa na sa pangyayari.

"Um… oo ngunit…" wika ni Pirika habang napapatingin sa sahig, "nakipagkasundo ako muli sa ate mo… pinangako ko na… dapat hindi na kita papansinin pa… para manatili ako sa propesyon ko."

Kumulo muli ang dugo ni Ren sa galit, nagtataka na nga siya kung kapatid nga ba talaga niya si Jun.

"Naiintindihan kita… mas mahalaga ang propesyon mo… ang pagkanta, ang iyong pangarap… mas mahalaga ito sa kahit ano sa buhay mo." Wika ni Ren, naiintindihan niya ang babae… sino ba naman siya para dito?

"Nakakahiya naman ako… napaka makasarili ko!" wika ni Pirika sa isip, naluluha nanaman siya at natatahimik… hindi alam kung ano ang sasabihin…

Biglang hinawakan ni Ren ang mga pisngi ni Pirika at dun palang namalayan ng babae na naluluha na pala siya at pinapahid na ni Ren ang luha niya sa mata.

"R-Ren…"

"Kahit itakwil mo ako, kahit di mo ko tignan kahit balewalain mo ko… hindi pa rin ako susuko… lam mo kung bakit?" bulong ni Ren.

Nakatingin lang si Pirika sa kanya, alam na alam niya na unti-unti nanamang nawawala ang distansya sa pagitan nila.

"Kasi… mahal na mahal… na mahal kita." Bulong ni Ren, ang kanyang mga labi bahagyang dumadami sa labi ni Pirika.

Hindi na ni Pirika naaalala ang kontrata sa oras na iyon, ang alam na lang niya at napapikit siya habang nararamdaman ang mga kamay ni Ren na nakapalibot sa kanya at ang kanyang labi na hinahagkan siya.

Nawala na ng tuluyan sa isip ni Pirika ang pangarap niya… ang gusto na lang niya sa ngayon ay di na matapos pa ang panaginip na ito.

"Mahal rin kita… Ren…" bulong ni Pirika.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Okay… wow! Natapos ko rin!

Ano kaya ang mangyayari ngayon?

Pano na ang press con ni Pirika? Itutuloy pa kaya niya ang pagkanta…

Abangan sa susunod….

Oo nga po pala yung kanta Ni Pirika ako gumawa ng lyrics kaya alang kwenta…

Tapos… sana po magreview kayo…

Thanks!