Paunawa: Hindi po ako ang may-ari ng shaman king… kahit na nga po ang computer na gamit ko ngayon ay hindi rin po ako ang may-ari…

Paumanhin nga po pala kung sobrang tagal bago ko tinapos ang kwentong ito. Gusto ko talagang pagtuunan ito ng pansin.

Pasasalamat nga po pala kay spikytriangles sa pagchecheer niya sa akin. Kung hindi dahil sa review niya malamang hindi ako gagawa ngayon.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 12

Nakaupo si Pirika sa sofa nang bumalik si Jun para sunduin siya.

"Handa na ang lahat ikaw na lang ang hinihintay." Ngiti nito.

"Sige po miss Jun." wika ni Pirika habang tumatayo.

Tumabi si Jun sa kanya at sinbayan sa paglalakad.

"Galingan mo mamaya," bulong nito habang nangingiti, "Wag mo kong bibiguhin,

Bagamat di niya ito nakita parang naramdaman niya ang pagbabago ng ngiti ng katabi niya. Mula sa pagiging mabuting ngiti, ito ay naging mala-demonyo.

Lumabas na ang dalawa. Agad na nagkislapan ang mga flash ng camera nang makita nila si Pirika.

Nangiti agad ang dalaga at kumaway sa mga tao. Ang mga fans rin niya ay naghiyawan at iwinagayway ang mga banner na dala nila.

'I LOVE YOU PIRIKA!' nakasulat sa isa.

'SOLID PIRI FANS!'

Lalong natuwa si Pirika nang makita ang mga ito.

Naupo na si Pirika sa harap ng mahabang lamesa. Katabi niya sa kanyang kaliwa si Miss Jun, ang manager niya at sa kanyang kanan naman ang may-ari ng recording studio.

Pagkaupo ni Pirika ang una niyang napansin ay si Ren. Nakaupo siya sa pinakamalapit na lamesa sa kanila. Napapagitnaan naman siya ng mga mala-higanteng bodyguard na para ba talagang isang preso ang trato sa kanya ng kapatid niya.

Nagsimula na rin ang pagtatanong ng media sa bagong sibol na mang-aawit.

"Ano ba ang balak mo gawin ngayon?"

Nangiti si Pirika at pinilit na kalimutan na naroon si Ren.

"Itutuloy ko po ang pangarap ko… ang pagkanta. Sisiguraduhin ko po na magugustuhan niyo po muli ang mga awit ko. Balak ko rin po pumasok sa pageendorsyo… at malay natin sa pag-aartista. Kung gugustuhin niyo lang po naman?"

Naghiyawan muli ang mga fans ni Pirika sa sagot niya. Nakahinga naman ng malalim si Jun.

Nagpatuloy ang mga tanungan… maganda na sana ang agos nito nang taungan nang…

"Ano ang masasabi mo sa kumakalat na chika tungkol sa iyo at sa inyo ni Tao Ren?"

Agad na mukhang nagulantang si Pirika at Ren nang sabay. Napatingin talaga si Ren sa nagtanong at sumama ang tingin dito.

"Ano bang sinasabi tungkol sa kanila? Na sila na?" Natatawang tanong ni Jun.

"Hindi naman po miss Tao. May nababalita lang na kaya daw po sumikat itong si Piri ay dahil may gusto sa kanya ang kapatid mong si Ren." Wika ng taga-media.

Napatingin si Pirika kay Ren.

Nangusap ang kanilang mga mata nang sandali.

Ngunit agad itong naputol nang sikuhin siya ni Jun.

Nagpanggap rin na natatawa si Pirika at nilapit ang labi sa mikropono.

"Hindi po kami nag-uusap ni Ren," kahit na nakangiti si Pirika nahalata pa rin ni Ren ang kalungkutan ng kanyang mga mata, "Opo kilala ko po siya… kasi nga po kapatid siya ang manager ko. Atsaka tingin ko po narito ako dahil sa aking talento. Tingin niyo po?" tanong ni Pirika sabay kindat.

Naghiyawan po muli ang mga fans.

"Sino po ba ang inspirasyon mo sa ngayon?" tanong ng isa pa.

Napatingin nanaman si Pirika kay Ren, ngayon parang nagmamakaawa siya sa kanya…

Nagmamakaawa na bigyan ng lakas para magsinungaling… muli.

Pero umubo si Jun at nagising muli si Pirika.

"Una ko pong inspirasyon ay si kuya Horohoro. Kuya ko po kasi siya. Maagang namatay ang aming mga magulang at siya lang po talaga ang aking pamilya ngayon. Isa lang po siyang jeepney driver… ngunit kahit na mahirap, mainit at nakakapagod ang trabahong ito nagtyatyaga pa rin siya… para lang masuportahan ako… kaya siya talaga ang pangunahing inspirasyon ko." Unti-unting nawala ang ngiti ni Pirika sa mukha at nalungkot.

Nanahimik ang lahat.

Hindi ko na kaya…hindi ko na kaya pang magpanggap.

Mahirap talagang magsinungaling… patawad… ngunit…

Hindi ko na po talaga kaya…

Napakasakit na…

Ayokong maging makasarili…

"Atsaka… atsaka…." Bulong ni Pirika habang ang lahat ay nag-aabang sa susunod niyang sabihin.

"Pirika." Galit na bulong ni Jun.

"Pirika." Bulong naman ni Ren.

--------------

Nakatayo si Hao sa isang burol. Tahimik ito at malayo sa lahat ng gulo ng siyudad. Masarap ang hanging dumadampi sa kanya at sumusuklay sa bawat hibla ng buhok niya.

Maraming bagay ang gumugulo sa isip niya nang araw na iyon.

Una na rin sa lahat ng iyon ay si Anna…

Ngunit bakit nga ba niya ito ginagawa?

Nagseselos kasi ako…

Lagi na lang siya ang mahal ng mga taong mahal ko…

Siya na lang ang laging pinapahalagahan…

Para ngang minsan… minsan… pinapanalangin ko na lang na sana hindi ako nabuhay sa mundong ito…

Selos?

Talaga, tama nagseselos ako…

Bakit lagi na lang si Yoh…

Bakit siya na lang lagi…

Bakit?

Nakatingin muli si Hao sa langit na para bang humihingi ng kasagutan.

Nang biglang may click na tunog syang narinig.

Hindi pa rin natinag ang tayo ni Hao. Huminga ito nang malalim.

"Kelan ka pa narito?" tanong nito.

Ang tumunog pala kanina ay isang baril… ang matigas at malamig na bakal na ito.

At ang may hawak…

Ay walang iba kundi si Lyserg Diethel!

Nakatutok ito sakto sa ulo ni Hao at sa isang kalabit na tiyak na patay na si Hao.

"Hao Asakura. Oras na para pagbayaran mo ang lahat ng kasalanang nagawa mo." Wika ni Lyserg.

Nangiti naman si Hao.

"Bakit ka natutuwa? Ngayong mamatay ka na." wika ni Lyserg.

"Gawin mo kung anong gusto mo… wla na akong pakialam… wala na ring halaga ang buhay ko…"

"Bahala ka." Wika ni Lyserg, ang daliri niya ay papalapit na sa gatilyo.

--------------

Sa isang probinsya naman sa dalampasigan makikita natin ang isang babaeng nakaluhod at animo'y nananalangin.

Dumaan ang mahinang hangin at bahagyang sumunod ang mga hibla ng buhok nito dito.

"Lyserg… bumalik ka sana… huwag mo sanang hayaan ang galit ang manaig sa iyong puso… Lyserg…" naiiyak na bulong nito.

-----------------------------------Flash back mode on-------------------

Sumagi sa ala-ala ni Jeanne yung gabing iyon… yung gabi kung kelan umalis si Lyserg…

Maliwanag ang buwan nang gabing iyon… dito rin sa ilog na ito.

Nakatayo si Lyserg malapit sa dalampasigan habang si Jeanne ay nasa likod niya.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo… Lyserg?" tanong ni Jeanne na halatang nilalamig sa hangin ng gabi.

"Oo… hindi na magbabago pa ang isip ko." Wika ni Lyserg.

Nalungkot si Jeanne at napayuko. Hinipan niya ang kanyang mga nanlalamig na mga kamay.

Humarap si Lyserg kay Jeanne ay hinawakan ang malamig nitong mga kamay.

Tinanggal ni Lyserg ang jacket niya at isinuot kay Jeanne.

"Babalik ka pa ba?" tanong ng babae nang hindi man lang tumitingin sa mata ng binata sa harap niya.

"Hindi ko alam…" bulong ni Lyserg, ayaw nitong magsinungaling talaga.

"Hihintayin pa rin kita… dito sa ilog… kung saan kita unang nakita."

Binalot ni Lyserg ang mga braso niya sa babae.

Hinayaan lang siya ng babae, sa katunayan pa nga ay ipinatong niya ang ulo nito sa kanyang dibdib.

"Hindi ko alam kung kelan ngunit babalik ako… wag kang mag-aalala… babalik ako."

"Lyserg…"

-------------------------Flash back mode off-------------------

Umihip muli ang hangin at napapikit ang babae.

"Lyserg… pakiusap."

-------------------

"Yoh." Bulong ni Lyserg at ni Hao nang sabay.

Pareho silang gulat at di makapaniwala.

Nakatayo lang si Yoh dun, hingal na hingal.

"Bakit ka narito?" taka ni Hao.

"Wag mo kong pigilan Yoh… ang kapatid mo ay isang demonyo at alam mo yan!" Wika ni Lyserg habang nakakataas pa rin ang kamay at nakatutok pa rin kay Hao.

"Yoh… wag mo na siyang pigilan… gusto ko na ring mamatay… alam ko naman na magiging maligaya na kayong lahat pag wala na ako sa mundong ito. Tama ba? Magiging masaya na kayong lahat… alam ko naman na peste ako." Wika ni Hao.

"Kuya… Hao." Bulong ng nakabatang Asakura

"Baril na Diethel!" sigaw ni Hao.

"Wag Lyserg!" pigil ni Yoh.

Napatakbo si Yoh at humarang sa baril ni Lyserg.

"Kapatid ko pa rin si Hao. Kahit na napakasama niya… kadugo ko pa rin siya. Kahit na marami na siyang kasalanan sa akin… hindi ko maitatanggi na pareho ang dugo na dumadaloy sa aming mga ugat. Si kuya Hao ay bahagi ng aking pamilya… ng aking puso. Kaya pag may nangyari sa kanya… o kung may gumalaw sa kanya. Hindi ko mapapatawad!" sigaw ni Yoh.

Binaba ni Lyserg ang baril niya at tinago.

"Ibang-iba ka talaga sa kuya mong si Hao." Wika ni Lyserg.

"Salamat." Ngiti ni Yoh.

Humarap na si Yoh kay Hao.

Pagtataka, yan ang unang nakita ni Yoh sa mukha ng kapatid niya.

"Bakit?"

"Kasi nga kuya kita."

Nangiti naman si Hao.

"Kaya maraming nagmamahal sa iyo… dahil sa ugali mong yan…" sambit nito.

"Pero… mas magaling ka kesa akin… wala kang katulad. Mas matalino ka kesa sa akin… kaya nga ako… naiinggit sa iyo."

Mukhang nagtaka si Hao sa sinabi ng kapatid niya.

"Nagseselos ka… sa akin?" taka ni Hao.

Napayuko si Yoh.

"Oo… simula pa nung mga bata pa tayo."

Di niya ito inaaasahan… akala niya siya lang ang may ganitong nararamdaman…

Ngunit ngayon…

Nagyon na nalaman niya…

Hindi niya mapigil na matawa na lang…

"Yoh talaga… bata pa lang tayo… baliw ka na…" ngiti ni Hao.

Napatingin si Hao kay Lyserg.

"Naway patawarin mo na ako… hindi ko talaga sinasadya." Wika ni Hao.

"Ang tao ay nagbabago… kung maniniwala ka lang sa taong yun." Ang boses nanaman ni Jeanne ang nasa ulo niya. Ngunit imbes na matililing natuwa pa siya sa paalala.

"Patunayan mo muna… wag kang puro salita." Wika ni Lyserg sabay alis.

Natatawa lang naman si Yoh, "mabuti pa kumain na tayo… gutom na ko." Wika nito.

"Mabuti pa nga." Pasya ni Hao.

"Lyserg. Palibre!" sigaw ni Yoh.

"Kapal mo kababalik ko lang noh!"

Sa wakas natapos na rin ang problema ni Hao…

"Sana mapatawad pa ako ni Anna." Bulong ni Hao.

Hindi niya alam narinig siya ni Yoh.

"Mabait na babae si Anna… mapapapatawad ka rin niya kuya."

"Sana nga."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Dahil ang tagal ng update ko… hinabaan ko na siya… k ba?

Ano kaya ang mangyayari kay Pirika, sasabihin niya kaya ang totoo?

Mapapatawad kaya ni Anna si Hao?

Pano na kaya si Jeanne?

Pakiusap magreview po kayo…

Salamat po uli sa pagbabasa…