Paunawa: hindi po ako ang may-ari ng Shaman King… hindi po ako si Hiroyuki Takei… si Mici po ito… arigatou zai masu.
Patawad po talaga sa sobrang tagal ng update kaya eto nanaman po ang jeepney
Papasada na!
------------------------------------------------------------------------------------------------
Kabanata 13
Nakatutok ang lahat ng mga mata sa loob ng karinderya ni Anna sa maliit na TV na nakalagay sa bandang itaas. Full na ang volume nito pero hindi pa rin nila marinig ang mga sinasabi sa TV dahil sa sobrang ingay ngunit ang problemang iyon ay nasolusyunan kaagad nang dumating na ang grupo nila Ryu. Nanahimik ang lahat lalo na ng kinuha na ni Ryu ang remote.
Nilipat ng lalaki ang channel mula sa basketball na pinapanood nila patungo sa channel kung saan kinocoverage ang presscon ni Pirika.
"Hoy mga ungas manahimik nga kayo!" Sigaw ni Ryu sa mga tricycle driver na nagrereklamo sa paglipat nito.
Agad namang nanahimik ang mga driver.
Construction worker vs tricy driver… hindi magandang laban ito…
Nakita agad ni Ryu ang nakababatang kapatid ni Horohoro na si Pirika. Kaya agad niyang pinatawag ang kuya nito.
"Boroboro! Ang kapatid mo! Ikaw rin Tamao tignan niyo ito!" sigaw ni Ryu sa kanila.
Mas mabilis pa sa alas dose andon na agad si Horohoro na sinusundan ni Tamao. Hindi pumunta si Anna, may pinapakain pa kasi siyang mga kostumer.
"Teka di ba si…" bulong ni Tamao.
"Pirika!" tapos ni Horohoro.
----------------
Nakatayo na si Pirika, nakatumba ang upuan na kanina niyang inuupuan… lahat ay gulat na gulat sa gagawin ng dalaga.
"Pi-Pirika… a-anong problema?" pinipilit ni Jun na magtimpi upang hindi mapahiya.
Ngunit napatingin lang ng pagalit si Pirika sa kanya.
Bumaling naman ang tingin ni Pirika sa mga gulantang na madla sa harap niya… maya-maya pa napunta ito kay Ren.
"Pirika… wag…" bulong ni Ren sa upuan, ang kapit ng mga guwardya niya sa kanya ay humihigpit.
Sumagi ang lahat ng ala-ala ni Ren sa ulo ni Pirika, mula sa unang pagkikita hanggang sa nangyari kanina lang bago magpresscon… napakabait ni Ren… hindi siya karapat-dapat para sa pag-ibig ng binatang ito halos binigay na ang lahat sa kanya.
Humigpit lalo ang kamao ni Pirika, animo'y sasabog na sa galit.
"Para sa iyo ito Ren… wla na akong pakialam ngayon… bahala na… basta ayoko nang magpanggap… patawad… kuya Horohoro." Bulong ni Pirika sa sarili.
Sa wakas tumingin na rin si Pirika sa mga taong nanonood sa kanya. Hinarap na rin niya ang mga ito mata sa mata.
Naluluha ang mga bughaw na mata nito pero pinipilit pa rin niya na hindi maiyak. Hindi siya iiyak.
"Patawad… sa inyong lahat." Wika ni Pirika sabay yuko.
Lalong nagtaka ang mga tao.
Napatindig na muli si Pirika.
"Simula pa lang ay nilinlang ko na kayo. Lagi niyo na lang akong nakikitang masaya at binabalewala ang mga problema pero ang totoo niyan nakagapos ako sa isang tanikala na tanging ako lang ang makakakalas. Opo mga kaibigan… simula sa oras na ito magsasabi na ako ng pawang katotohanan." Wika ni Pirika.
"PIRIKA!" Sigaw ni Jun na napapatayo na.
"Miss Jun. Hayaan niyo na po sana akong magsalita… hindi ko na po kaya." Wika ni Pirika sa kanya.
Hindi na nakahirit pa ang nakatatandang Tao.
"Una po sa lahat… ang kontratang ito!…" kinuha ni Pirika ang orihinal na kontrata sa kanyang lalagyanan, "…Ang nagpapahirap sa akin. Alam niyo po na kapalit ng mga karangyaan, kasikatan at lahat ng ito ay walang iba kundi ang pag-iwas ko sa nag-iisang nilalang na minahal ko -si Ren."
Nashock ang lahat habang ang iba ay kinilig. Iba't-iba ang reaction na natanggap ni Pirika sa sinabi niyang iyon.
Nangiti naman si Ren, halatang namumula. Kalahati kasi sa mga tao doon ay nakatingin sa kanya.
"Hindi naman po sa tinatalikuran ko ang lahat ng ito… ngunit… gusto ko po sana na maabot ang mga pangarap ko nang hindi nananakit nang kahit na sino… lalo na ako… kaya paumanhin po talaga… at sana magkita pa po tayong lahat balang araw." Wika ni Pirika.
Napatingin si Pirika kay Ren at ngumiti.
"Nawa'y magkita rin uli tayo… Ren."
At nagsimula na siyang tumakbo… umalis sa lugar na iyon.
Hindi na siya tumingin pabalik… malamang hindi na siya bumalik pa sa lugar na iyon… at sa panaginip na lang muli umawit.
"Paalam…"
-----------
Agad na napatayo si Ren sa kinauupuan niya at sinisigaw ang pangalan ng babae.
Si Jun naman ay galit na galit na sa kinauupuan nito. Kung maari lamang ay kanina pa siya sumabog.
Pinigilan naman ng mga naglalakihang guwardiya si Ren. Ngunit kahit na laki na ang pinag-uusapan lumalaban pa rin si Ren.
"Bitiwan mo ko!" Sigaw ni Ren.
Napatingin na rin si Jun sa kapatid niya at nakita ang paghihirap nito. Talagang determinado si Ren kaya kahit na marami ang pumipigil sa kanya ay patuloy pa rin ito.
"Pero… bakit? Ren…" bulong ni Jun.
May mga nakahawak sa kamay ni Ren pero nagpumiglas ang lalaki at nakasapak pa sa isang nagpupumilit na hawakan ang paa nito.
Tuloy pa rin ang panlalaban ng binata kahit halatang-halata na natatalo na siya.
Hanggang sa huli…
Nawalan na rin siya ng lakas na lumaban…
Napaluhod ang batang Tao at pinukpok ang sahig ng kanyang kamao.
"PIRIKA!" sigaw nito.
------------
Nagulat rin ang lahat sa karinderya sa ginawa ni Pirika ngunit higit sa lahat napatingin silang lahat kay Horohoro.
"Horo…" Bulong ni Tamao.
"Tyong okay ka lang?" taong ni Ryu.
Madilim ang mga mata ni Horohoro kaya lalong nag-aalala si Tamao sa kanya.
Nang napatingin muli si Horohoro sa mga kasama niya, nakangiti siya.
"Ang galing talaga ng kapatid ko." Wika nito.
"Ano nanamang kabaliwan yan?" Sigaw ni Ryu.
"Ah basta ang galing niya." Patawa nito.
"Anong magaling dun?"
"Basta Ryu di mo maiintindihan yan."
Kaya nagpatuloy ang pagtatalo nilang dalawa.
"Tamao." Tawag ni Anna.
"Bakit po miss Anna?" tanong nito habang papunta kay Anna.
"Wag mong hahayaan na purulin ng mga yan ang utak mo." Wika ni Anna habang kinukuha ang bag niya.
"San po kayo pupunta?" tanong ni Tamao.
"Sa palengke. May bibilhin lang. Kaw na muna ang bahala sa lahat habang wla pa ako." Utos ni Anna sabay alis.
----------
Matapos ang 25 na minuto…
Natapos na si Anna sa pamimili ng mga sangkap niya sa pagluluto at pabalik na.
Ngunit bago siya makabalik may humarang sa kanya nang patungo na siya sa sakayan ng pedicab.
"Ano nanaman ba ang kelangan mo… Hao?" asar na wika ni Anna.
"Ano ka ba naman Anna-san… humihingi na nga nang tawad ang tao ayaw mo pa." Wika ni Hao.
Nilampasan lang ni Anna si Hao.
At nang pigilan siya nang lalaki…
PAK!
Napasabay talaga ang mukha ni Hao sa sampal ni Anna nang sadnaling iyon.
Hindi siya lumaban o nagreact… tinanggap lang niya ang sampal ni Anna… tama lang naman kasi sa kanya iyon…
Sa mga ginawa niya…
Sasampalin sana siya muli ni Anna nang pigilan ito ni Yoh.
"Anna… andito si kuya para humingi talaga ng tawad… pakiusap Anna… pleaseeeeeeee nagkamali talaga si kuya…. Pero pagbabayaran niya ang lahat ng ito." Wika ni Yoh.
"Kahit kelan di ko mapapatawad yang kapatid mo Yoh…"
Hindi lumingon si Anna sa kanila pero bagkus binababa niya ang mga dala niyang pinamili at tumalikod.
"Ano pang hinihintay niyo? Pasko? Dalhin niyo na ang pinamili ko." Utos ni Anna sa dalawa.
Nangiti lang si Yoh at napatingin kay Hao na nangiti rin.
"Yes ma'am." Wika ni Yoh sabay kuha ng isang bag… kinuha naman ni Hao ang isa pang plastic bag…
Sa wakas naging maayos na ang lahat.
---------------------------------------------------------------------------------------------------
Onti na lang ang natitirang problema… ibig sabihin malapit na po itong matapos….
Marami po talagang salmat sa pagbabasa nito at sana po magreview kayo…
Salamat po uli.
