Paunawa: Ang anime na Shaman King po ay hindi akin. Hindi po ako si Hiroyuki Takei at lalong hindi po ako ang may-ari ng kung anong istasyon ng TV na nagpapalabas nito. Isa lamang po akong hamak na batang minsan ay nangarap…

Speaking of nangarap…

Ano na kayang nangyari sa pangarap ni Pirika?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 14

Madilim at tahimik ang gabing iyon, nakatunganga lang sa kalangitan ang munting dalagang si Pirika. Nasa labas lang siya ng bahay nila at nakaupo sa kawayang sofa.

Hanggang nagyon naririnig pa rin niya sa TV ang balita tungkol sa ginawa nito kanina.

Napapangiti lang siya, hindi niya pinagsisihan iyon…

"Pumasok ka na at baka magkasipon ka pa." wika ni Horohoro mula sa pintuan.

"Ang ganda ng mga bituin kuya Horo. Tignan mo." Wika ni Pirika habang nakalingon sa kuya niya.

Napabuntung-hininga lang si Horohoro at pumasok muli sa loob.

Pagbalik ng binata ay may dala na itong gitara.

"Ang gitara ng ating ama!" wika ni Pirika sa tuwa ngunit nang makitang seryoso ang kanyang kuya ay biglang naging seryoso rin ang dalaga.

"Kuya, tingin mo ba tama ang ginawa ko?" wika ni Pirika.

"Oo." Simpleng sagot nito, bakit pa ba niya papahabain pa e kung yun lang talaga ang sagot niya.

"Pero nung nakita ako kanina ng mga kumakain kila Anna kung anu-ano ang pinagsasabi nila tungkol sa akin." Malungkot na kwento ng dalaga.

"Wag ka ngang makinig sa mga pesteng putek na iyon!" sigaw ni Horohoro, "sabihin nila ang gusto nilang sabihin basta ang alam ko walang masama sa ginawa mo. Mas maganda nga ang magsabi ng totoo kaysa sa makipagplastikan ng todo sa mga sirang iyon! Atsaka ikaw ang ginamit, inagrabyado at sinaktan. Sa totoo lang pangtelebabad na nga yang kwento mo eh tapos gaganunin ka lang nila. Ang KAPAL! Kung sino mang marinig ko na mangaway sa iyo… patay sila sa akin!" sigaw ni Horohoro na animo'y naghahamon ng away.

Natatawa lang naman si Pirika sa pinaggagagawa ng kuya niya.

"Maghunusdili ka kuya Horo. Ang puso mo." Wika ni Pirika habang natatawa.

"Sige ganito na lang gusto mo tumugtog ako? Tapos kanta ka."

"Okay." Wika ni Pirika.

Kaya pinusisyon na ni Horohoro ang gitara at medyo pinaglaruan muna ang mga chords.

Maya-maya pa ay may ritmo na at tono. Sinundan pa ito ng marahang pagpadyak ni Pirika.

Maya-maya pa…

"Mahilig akong mangarap, kahit walang katuparan…

kahit di handa martsa nang martsa…

ngayong gabi magpapakalasing sa alak ng luha

kayang-kaya ko ito…

matutupad pangarap ko

hangga't may dugo pa sa aking puso

nasasalamin ang lungkot sa bahaghari.

Sa gitna ng dilim at pangamba

Hinahanap kita, kahit na mukhang tanga…

Hiwain ang lupa, Hulihin ang langit

Wag kang susuko…

Dahil hindi ka talunan…

Oh… isang panaginip…

Alam kong mahirap, at imposible

Ngunit di dapat malumbay…

Tatakbuhin… kahit dulo ng mundo…

Ang kaligayahan ko ay ang boses mo…

Umaawit paulit-ulit…

Sa puso ko…"

Habang kumakanta si Pirika dumating na si Chocolove sa kanilang apartment at napadaan para makinig.

Nahinto naman agad si Horohoro.

"Ang ganda talaga ng boses mo. Kamusta na?"

Nangiti naman si Pirika. "Ayos lang."

"Sige magpapahinga na ko. Marami pang trabaho bukas." Wika nito sabay alis.

Nang hindi na makita si Chocolove biglang tumindig ang dalawa at sinilip ang negro na ngayon ay papasok na sa kanyang apartment. Sinara na niya ang pinto. Muling naging tahimik ang paligid.

"Anong nangyari dun?" taka ni Horohoro.

"Bakit ang seryoso niya?" tanong ni Pirika.

"Nakakapanibago." Bulong ng dalawang magkapatid.

------------

Samantala sa mansion naman ng mga Tao nagkukulong pa rin si Ren sa loob ng kwarto si Ren. Kinakatok man siya ng mga katulong ay hindi pa rin siya umiiimik.

Kahit na si Jun na mismo ang kumatok ay wala pa rin.

Malungkot si Jun, ang nais lang naman talaga niya ay mapaligaya ang kapatid… wala nang iba.

Naupo si Jun sa malambot na sofa habang si Pai Long ay binibigyan siya ng inumin.

"Miss Jun…" bulong ni Pai Long.

"Saan ba ako nagkamali? Gusto ko lang naman ay magkaroon ng maayos na mapapangasawa si Ren."

"Ngunit Miss Jun. Hindi nga ba na masyado niyong pinahihirapan ang inyong kapatid." Wika ng bodyguard.

"Anong ibig mong sabihin?" taka ni Jun.

"Mahal na mahal po nila ang isa't-isa. Hindi naman po sa nakikialam ako o kung ano ngunit… talagang… hindi po tama ang ginawa niyo. Karapat-dapat po sila sa isa't-isa at kung makikita niyo lang po kung gaano kasaya si Ren sa piling ni Pirika talagang mag-iiba ang tingin niyo sa babae."

"Pero Pai long? Paano kung pera lang ang habol-"

"Hindi po ganon si Pirika."

"Paano mo nalaman?" galit na wika ni Jun.

"Dahil pinagkatiwalaan po siya ni Master Ren… at naniniwala ako sa desisyon ng inyong kapatid. Alam kong ang puso niya ang nagdesisyon para sa kanya."

"Ang corny mo Pai Long. Ang laki mong tao tapos…" naluluhang wika ni Jun.

Agad na bumagsak ang baso sa carpet at medyo nabasag.

Niyakap naman ni Pai Long ang kanyang lumuluhang amo habang pilit na pinapatahan niya ito.

"Anong nagawa ko? Mapapatawad pa kaya ako ni Ren…" bulong ni Jun habang naiiyak.

"Kapatid niya kayo… siyempre naman…"

"Pai Long…"

------------

Sa loob naman ng kwarto ni Ren, wala kang makikita kundi ang walang katapusang kadiliman.

Sa isang sulok doon nagmumokmok si Ren. Hawak-hawak ang cd ni Pirika sa kamay.

Tumutogtog naman sa player niya ang awitin ni Pirika. Binabalot tuloy ng boses ng dalaga ang boung kwarto.

"Pirika…" bulong ni Ren na animo'y nasisiraan na ng bait.

Sa isang simpleng awit naalala niya ang lahat…

Simula sa kanilang unang pagkikita, nung tinanong niya kung saan patungo sa bahay ni Chocolove.

Nangiti naman si Ren nang sumagi sa kanyang isip ang ikalawa nilang pagkikita sa bahay ni Chocolove. Nagkagulo talaga ng todo non at maging si Chocolove ay nasapak.

Kaya nga ngayon nagpapasalamat siya at naging assistant niya si Chocolove kahit na makulit at magulo ito.

"Si Choco talaga…" nasambit niya sa sarili.

Noon…

akala ko wlang kwenta ang ginagawa ko… at ginagawa ko lang ang mga iyon dahil kailangan kong gawin. Sabi kasi ng aking ama na kailangan kong gawin iyon… hindi na ako nagtanong. Ginawa ko na lang agad.

Ngunit nakilala ko si Yoh at nalaman ko ang ibig sabihin ng kailgayahan. Yung tipong gagawin mo ang isang bagay dahil sa nasisiyahan ka at dahil gusto mo siyang gawin.

Tapos nag-apply sa akin si Chocolove at nalaman ko na may mga bagay na kahit sobrang simple ay maaring magpasaya sa iyo.

Ngunit nang makilala ko si Pirika…

Lalong nagbago ang pananaw ko sa buhay…

Doon ko kasi nalaman kung ano ang ibig sabihin ng kaligayahan na dala ng pag-ibig…

Si Pirika nga ang nagturo sa akin ng pag-ibig…

Yung pakiramdam na gusto mong may mag-aalaga sa iyo, at yung may aalagaan ka…

Yung pakiramdam na natutuwa ka kapag nandyan siya at natutuwa siya pag nadyan ako…

Yung pakiramdam na parang may taong handang promotekta sa iyo at yung may proprotektahan ka…

Basta yung pakiramdam na iyon…

Ang sarap talaga…

Ngunit masakit rin…

Pirika… asan ka na?...

Kailangan kita…

Iligtas mo ko muli sa kadiliman…

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Marami po uling salamat sa pagtangkilik niyo sa akin…

Sana'y magreview po kayo…

Salamat!