Paunawa: Hindi po sa akin ang Shaman King maging si Pirika, Ren, Horohoro, Lyserg… at mga karakter na galing sa totoong Shaman King… hindi ko rin po pag-aari ang jeepney ni Horohoro dahil kay Horo po iyon…

At ngayon.. ang katapusan ay malapit na…

Handa ka na ba?

-------------------------------------------------------------------------

Kabanata 15

Habang si Pirika at Horohoro ay muling nanumbalik sa dati nilang trabaho sa isang malayong nayon naman ay may isang babaeng naghihintay hanggang ngayon…

Matagal nang naghihintay si Jeanne sa ilog, tuwing umaga, hanggang gabi lagi mo siyang mapapansin na tumitingin sa ilog.

"Lyserg Diethel." Bulong ng babae.

"Tingin mo ba babalik pa siya rito?" tanong ni Paring Marco nang mapadaan siya muli kay Jeanne.

"Naniniwala po ako sa kanya."

"Alam ko ngunit ang pagtigil mo nang madalas dito sa labas ay nakakasama sa kalagayan mo. Baka magkasipon ka."

"Kumakain naman po ako ng mabuti. Hindi ko pinapabayaan ang sarili ko." Wika ni Jeanne na may ngiti.

"Kabataan nga naman. Kung umibig kahit gaano pa katagal handa kang maghintay. Basta mag-iingat ka lang ha, Jeanne."

"Opo father." Wika ng babae.

Umalis na rin ang pari at muling nag-antay ang babae.

Inaantok-antok na si Jeanne, malalim na ang gabi.

Napabuntung-hininga ang babae.

"Marahil hindi ngayon." Wika nito sabay talikod.

Maya-maya bago pa lumampas sa tatlo ang hakbang niya may narinig siyang marahang pag-istorbo sa agos ng ilog.

Napalingon si Jeanne at nakita na kumikislap ang ilog.

"Ang ganda ng mga alitaptap." Wika nito.

Maya-maya lumipad patungo sa kanya ang mga alitaptap at umikot-ikot sa kanya.

Ang mga munting manininingning na diwata ay dinala siya papalapit sa ilog.

"Bakit?" taka nito.

Nakita niya ang sarili niyang sobra nang lapit sa ilog na sa isa pang hakbang ay makakalusong na siya sa tubig.

Lumipad ang mga alitaptap sa dakong paroon at sinundan lang ito ng mga mata ni Jeanne…

Nanlaki bigla ang mata ng dalaga.

Dahil sa isang balsa na pinalilibutan ng mga bulaklak nakahimlay ang taong kanyang hinihintay…

"Lyserg!" sigaw niya sabay lusong sa tubig.

Umagos ang balsa patungo sa kanya habang siya ay naglalakad, ang tubig ay hanggang bewang niya.

"Lyserg!" sigaw muli nito ngunit tahimik lang ang lalaki.

Nagkatagpo na rin sa wakas ang dalawa sa gitna.

Nakasuot ng puti ang lalaki.

"Hindi." Bulong ni Jeanne.

"Lyserg… gumising ka…" naiiyak na wika nito.

Ngunit wala pa ring sagot.

"Lyserg! Hindi ito maari! Wag mo akong iwan." Umiiyak na wika nito.

Tuloy-tuloy ang tulo ng luha ni Jeanne, hiniga niya ang ulo niya sa dibdib ni Lyserg at tahimik na nanangis.

"Wag mo kong iwan… maawa ka sa akin… kailangan pa kita." Bulong ng babae.

Napapikit si Jeanne. Isang malamig na hangin ang dumaan sa dalawa.

Maya-maya may naramdaman ang dalaga na may isang kamay na humahaplos sa kanyang buhok.

Napatingin si Jeanne kay Lyserg na ngayon ay gising at nakatingin sa kanya.

"LYSERG!" Sigaw ng babae habang niyayakap ang lalaki.

"Talaga bang malulungkot ka pag nawala ako?"

"Siyempre naman. Tinakot mo ko. Akala ko babalik ka talaga dito nang wala nang buhay."

Sinuklay ng mga daliri ni Lyserg ang buhok ni Jeanne.

"Maari ba iyon? Gayong nangako ako sa iyo."

Nangiti lang si Jeanne sa kanya habang pinupunasan ni Lyserg ang luha ng babae.

"Paumanhin kung napaiyak kita."

"Pinapatawad na kita Lyserg Diethel."

"Napakabait mo talaga."

Napaupo na si Lyserg sa balsa at tinulungan si Jeanne na sumakay na rin sa balsa.

"Kamusta na?" tanong ni Jeanne, pinahiram ni Lyserg ang kanyang jacket na dala kay Jeanne upang hindi ito lamigin.

"Basang-basa ka…"

Napatingin lang si Jeanne sa sarili at nangiti kay Lyserg.

"Ayos lang. Para sa iyo… okay lang kahit mabasa pa ako."

"Mapalad talaga ang mapapangasawa mo." Wika ni Lyserg.

"Tingin mo?" namumulang wika ng babae.

"Jeanne." Tawag ni Lyserg sabay harap ng babae.

Pagharap ni Jeanne agad na naroon ang mukha ni Lyserg sa harap niya.

"Nais ko sanang sabihin ito sa iyo… ngayon…" wika ng lalaki.

"Ano?" tanong ng babae.

"Nais ko sanang ako ang mapalad na lalaking iyon. Maari ba?" tanong ni Lyserg habang pinapakita kay Jeanne ang isang singsing.

Napatungo lang si Jeanne habang sumaya ng todo ang mukha ni Lyserg.

Sinuot na ni Lyserg ang singsing kay Jeanne habang namumula ang dalawa.

"Salamat Jeanne."

"Anong salamat?" wika bigla ng babae na ngayon ay nabaling ang tingin mula sa singsing patungo kay Lyserg.

"Bakit?" taka ng binata.

Natawa bigla ang babae.

"Tingin mo pumayag ako para sa ganun lang?"

hindi maintindihan ni Lyserg ang ibig sabihin ng babae.

Nang biglang sinunggaban siya nito.

Napahiga sila pareho sa balsa, si Jeanne nasa ibabaw ni Lyserg.

Lumayo na ang labi ni Jeanne mula kay Lyserg, pinapakawalan siya sa halik.

Napakurap naman ang lalaki sa gulat ngunit maya-maya pa ay nagiti ito.

Napapikit muli si Jeanne at si Lyserg…

At nagtagpo ang kanilang mga labi..

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Itong kabanatang ito ay para lamang kila Jeanne at Lyserg…

Salamat po sa pagbabasa…

Siguro mga 2 o isang kabanata na lang bago ang katapusan…

Basta malapit na po itong matapos pakaabangan niyo na lang po…

Sana po ay magreview po kayo…

Para masabik akong magsulat.

Salamat po muli.